(08:20 am, Fri. June 25, 2010)
Tres bente singko
tumpok ng ganyang ligaya,
bukong-buko ang agua vendita
sa mga kuko ng espada.
sa kanto ng Avenida
nagpa-Kanton ka...
handa na inihain
sa mesa ng kalsada
nang-aakit, nang-iimbita
ng mga bibisita
Tsempong nakumbita
mga amuyong at barkada,
kumarera't humagibis
sa espasyo ng eskinita
walang hiya-hiya,
walang saplot mang makita...
ilang gabing walang tulog,
ilang gabi sa pag-indayog,
gumigiling sa tugtog
halinghing ay mabining tunog
alog, kalabog, panaog
sa iyong Siera Madre
at sa kweba ng tabor
hinimud-himod pa ng dila
hanggang sa rurok ng iyong Puerta Galera
Ginalu-galugad ang Pundilyo Cuba
Marahas na pangangalikot
Sa palapikpikan ng Afrika
Umaaringkingking sa paghabla-tira
hanggang masaid
katas ng sustansya
may halinghing sa pangangabayo
kinakabayo,
ang landasing pulot ang yugto
sa kanto ng Avenida’y nagpa-Kanton ka
hindi man kaarawan
naghanda ka
pumatong sa mesa
hinubad ang hiya
sarili ay inihain
kapalit ng maliit na halaga
ngunit napakahalaga
tres bente singko
tumpok ng ganyang ligaya
tres bente singko
para sa kanyang ina
na ngayo’y hindi na nakagagamit
ng eskoba’t pisnet na panlaba
nang maratay sa malubhang sakit
tres bente singko
para sa malakalansa’y na katawan
ng tatlong kapatid
na hindi na pumapasok sa eskwela
at naroong may tangan ng sako
nangangalkal ng basura
tres bente singko
para sa sanggol
na hindi natiis
nang hindi inaasahang lumobo ang tiyan
nang nabuntis,
nang magmintis sa paggiyagis
ang semilya sa bahay-bata
ilang beses inalayan ng luha
ilang beses pinilit iluwa
sapilitang ilabas sa hiwa
awa ay pilit pinapatay
walang kasalanan ang bata
Wala! Wala! Wala!
Tres bente singko lamang
Ang tumpok ng ganyang ligaya
Tres bente singko
Halaga ng Kanton
Sa kanto ng Avenida
mas marangya pa nga silang sariling katawan lamang ang inilalako, ibinibenta't ginagawang negosyo
kaysa sa ilang mga opisyales ng gobyerno,burukrata-kapitalistang inilalako ang ating bansa, ang Pilipinas, sa mga dayuhan... tigilan ang paglalako ng katawan ng ating inang bayan!!! lumaban!! para sa pambansang kapakanan!!!