Monday, February 27, 2012

PANSITERIA SA KANTO NG AVENIDA


(08:20 am, Fri. June 25, 2010)


Tres bente singko
tumpok ng ganyang ligaya,
bukong-buko ang agua vendita
sa mga kuko ng espada.
sa kanto ng Avenida
nagpa-Kanton ka...
handa na inihain
sa mesa ng kalsada
nang-aakit, nang-iimbita
ng mga bibisita

Tsempong nakumbita
mga amuyong at barkada,
kumarera't humagibis
sa espasyo ng eskinita
walang hiya-hiya,
walang saplot mang makita...

ilang gabing walang tulog,
ilang gabi sa pag-indayog,
gumigiling sa tugtog
halinghing ay mabining tunog
alog, kalabog, panaog
sa iyong Siera Madre
at sa kweba ng tabor
hinimud-himod pa ng dila
hanggang sa rurok ng iyong Puerta Galera
Ginalu-galugad ang Pundilyo Cuba
Marahas na pangangalikot
Sa palapikpikan ng Afrika
Umaaringkingking sa paghabla-tira
hanggang masaid
katas ng sustansya
may halinghing sa pangangabayo
kinakabayo,
ang landasing pulot ang yugto

sa kanto ng Avenida’y nagpa-Kanton ka
hindi man kaarawan
naghanda ka
pumatong sa mesa
hinubad ang hiya
sarili ay inihain
kapalit ng maliit na halaga
ngunit napakahalaga

tres bente singko
tumpok ng ganyang ligaya
tres bente singko
para sa kanyang ina
na ngayo’y hindi na nakagagamit
ng eskoba’t pisnet na panlaba
nang maratay sa malubhang sakit
tres bente singko
para sa malakalansa’y na katawan
ng tatlong kapatid
na hindi na pumapasok sa eskwela
at naroong may tangan ng sako
nangangalkal ng basura
tres bente singko
para sa sanggol
na hindi natiis
nang hindi inaasahang lumobo ang tiyan
nang nabuntis,
nang magmintis sa paggiyagis
ang semilya sa bahay-bata
ilang beses inalayan ng luha
ilang beses pinilit iluwa
sapilitang ilabas sa hiwa
awa ay pilit pinapatay
walang kasalanan ang bata
Wala! Wala! Wala!

Tres bente singko lamang
Ang tumpok ng ganyang ligaya
Tres bente singko
Halaga ng Kanton
Sa kanto ng Avenida



mas marangya pa nga silang sariling katawan lamang ang inilalako, ibinibenta't ginagawang negosyo
kaysa sa ilang mga opisyales ng gobyerno,burukrata-kapitalistang inilalako ang ating bansa, ang Pilipinas, sa mga dayuhan... tigilan ang paglalako ng katawan ng ating inang bayan!!! lumaban!! para sa pambansang kapakanan!!!

Tuesday, February 21, 2012

PAKALOG

Nagdadalaga na si Nene
May esensya na ang puri
Sa  negosyong pang gabi
Kasangkapaý pag-aARI

Presyo ng pakalog
Para sa minimum na sahod
Bente bawat hipo
Sampung lalaki kada gabi…
10 X 20 pesos
Equals two hundred (200)
sa 31 araw = 6,200
“para sa munting pangangailangan
Ng nagdadalagang si nene”
Kung susumahin.
Kung minsan ay lampin
ang pamalit sa napkin…
Kailangan na shampoo,
Kailangan na pabango
Kailangang pampaganda mula buhok hanggang kuko
mga pangangailangang basiko

Presyo ng pakalog
Hipo ng matanda
bente na minimum
Sampung matanda
10 X 20 pesos = 200
Sa isang buwang kasiyahan
anim na libo (6,000)

Dalaga na si nene
Minsan ay lampin
ang pamalit sa napkin.
Sa kanyang inusenteng palad
Lalapag na bayad-serbisyo
ilang bungkos ng piso
matapos ipahawak,
ipakamot ang nangangating itlog
may ganting hipo
sa kepyas at suso…

Para sa esensya ng pakalog
Di na muna matutulog,
magpapakapuyat sa tugtog
ng mga Oh at Ah
ng mga malilibog
sa kaselanan doon iuumpog
inaalog, kinakalog
nang hingalin sa sariling pagkalubog





dikta ito ng lipunan; ang mga lumpen na itunutulak at sadya pang inilulugmok ng kahirapan!
walang ibang dahilan kundi ang bulok at sirang sistema ng lipunan! at kung may tunay ngang tuwid na daan,

malaking pagbabago ang ilulunasad nito sa buhay ng maralitang Pilipino. Patuloy nating isigaw ang tunay na paglaban sa lihis na landas! Isigaw ang paglaban! para sa tunay na pambansang kapakanan!!

Tuesday, February 7, 2012

Katotohanan Lamang ang Magpapalaya!



Hindi kailangang mangamba
Kung wala kang masamang ginawa
Ipagtatanggol kang tiyak
ng katotohanan
kung totoong wala kang kasalanan?
Ipagkanulo man ng dahon
ang pagpatak ng ulan
ulap kang mahinahon sa kalangitan
itanggi man ng mga isda
kaluwalhatian ng paglangoy
dagat kang payapang nagpapatuloy
sa marahang pag-alon
huwag ka munang lumingon
sa pangako ng kahapon
hindi ka ipagtatanggol
ng bansot na halaman
sa hardin ng palasyo
abala pa siya
sa pagtatanggol sa sarili

kung wala kang masamang ginawa
hindi kailangang lumuha
hindi kailangang magbayad pa
ng kung sinong maniniwala
wala ka namang ginawa
para malugmok sa putikan
ang masang sanaý nang binabalewala
ng hustisyang inaasahan
hindi ka naman pumapatay
ng mga inosente
o tumatanggap ng bayad
mula sa mga galante
Hindi ka nanggagahasa
ng mga babae
o nanggagarote ng mga lalaki
Hindi nangungunsinti?

Huwag kang mabahala sa anuman
Katotohanan lamang
ang magpapalaya
sa mga inaakusahan
Lamang
Kung wala ka nga talagang kasalanan?

Thursday, February 2, 2012

Pamanang Kamalasan


Makapangyarihang sidron ng pandak
na ipinatong sa balikat
ng hunyangong walang kakurap-kurap
sa pagtango
sa mga hinaing habilin, payo at pangarap
"malagong hardin ang naghihintay
martilyo'y gamitin nang tumibay
bakurang siyam na taong naging bantay
sa pamumukadkad
ng mga matitingkad na bulaklak,
makukulay na bulak,
at maiitim na balak"
ani niyang napahalakhak
nang tumango ang walang kakurap-kurap

ang orasyon ng eksorsisyon
korona ay ipinatong
sa ulo ng hunyangong nagtatatalon
sa pagtanggap
ng ipinamana ng pandak

hawak niya noon
ang makapangyarihang sidron
na naghahanda naman sa transpormasyon
lumingon-lingon, ang pandak
nagbalak...
salamat at pumalpak
at lagapak sana sa paghimas
ng bakal na kahon
A, sanay sa puting kahon
Tama! ilagak sa kabaong
sa puting kabaong

makapangyarihang sidron
na ipinatong sa balikat ng hunyangong
walang tugon,
kundi tango
kundi tango
kung hindi pa bumaho,
lumabas ang tunay na anyo
ng pamanang pinintuho
hindi pa hihinto
itong hunyangong walang kakurap-kurap
sa pagtango-tango!

Wednesday, February 1, 2012

HARI

Naging hari ang isip
at ang mata, tenga, dila, ilong at kamay
ang alipin
Nag-utos ang hari
sumunod ang alipin
nakita nito'y mali
isip mo ang namili
Narinig nito'y mali
isip mo ang naghari
Nalasahan nito'y mali
isip mo ang nagwagi
Naamoy nito'y mali
isip mo na namang muli
at naramdaman mong mali
isip mo'y maling mali
maling isiping ikaw ang isip
isip mo'y hindi ikaw
ikaw ang dapat mag-isip
wag magpaalipin sa isip

maging hari ka ng isip
Nag-utos ang ikaw sa isip
pumayapa ang alipin
at sumunod sa tunay  na hari

Haribol!

HARIBOL!

May kapayapaan sa diwa ng walang hanggan,
sa kaisipan ng naglalakbay sa iisang daan
magsasama sama ang landas ng mga mata,
ng alingawngaw ng kaluwalhatian sa tenga,
at tamis ng pag-asa sa dila,
sama-samang lalanghapin ang talulot ng pagkabuhay
at ng pagkamatayng lahat ng pagkaalipin
sa mga bagay ng kamunduha!
Para sa kanyang kapurihan!
Haribol!