Uno
Samyo
ng alingasaw ;
The
pugad-langaw
Chum: namiko oroshi / tuna sashimi at
chicharon bulaklak
Mukhang sosyal yung babae, nandidiri
pa habang hinuhubaran ang inalok na bugok daw na itlog:
Babae: may matigas?!
Lalaki: isubo mo lang!
Babae: may balahibo, o?!
Lalaki: ganyan talaga!
Babae: ew!
Lalaki: anong ew? Higupin mo na!
Babae: a-alin?
Lalaki: 'yang sabaw
Lalaki: kadiree!
Narinig kong pag-uusap ng magdyowa habang kumakain ng balot.
Magandang pwesto ang napili ni Tatang,
mukhang kaunti lang ang karibal, mahina ang kompetisyon. Malapit pa sa tao,
pero mukhang malapit din yata sa gulo.
Ano nga ba ang aasahan ko sa lugar na
ganito, ang daming lasing sa lansangan, ang daming tambay sa daan, kabilaan ang
ipot ng mga kalapati at tila mauutak ang mga tao (mahirap lamangan), alam
kasi nilang magtipid ng elektrisidad. Pansin ko kasi sa umaga, halos walang
kumukonsumo ng kuryente, sa gabi lang talaga. Parang haunted house in christmas
season na mga bahay, puros may christmas lights.
Alam ko, multo lang ang gumagala kapag
hating gabi, tao nga kaya sila?
Kabilaan nga ang videoke bar: Lanao disco bar, Amihan, Carinderia del Sansala,
Georgetown, Titanic alive, Sayaw-one club at iba pang bahay-aliwan, lugar
lasingan at kantahan. Pero kailan lang, may isang bar na pinadlak/
pinasara ng DTI, dahil sa may kakaiba raw na raket yung mga guest
relation officer (GRO) sa bar na iyon. Kumakain ng apoy, tapos ay
nagpapakain nang buo sa nag-iinit na apoy, at live ang show.
Binansagan ang lugar na 'pugad-langaw' sa dami ng cabaret at mamimili ng aliw.
Tila agiw sa inulilang kubo ang lugar.
Mukhang napaaga ang hatid ko ng pagkain ni Tatang. At mukhang hindi pa nga niya
maaasikaso ang maghapunan. Andami pa kasing mamimili. Sabay-sabay.
Mabentang-mabenta dito ang balot. Lalo't kapag pumatak na ang 9'oclock hanggang
3'oclock am. Hindi nakapagtataka, andami kasing nangangailangan ng dagdag na
resistensyang dulot ng mahiwagang balot ni Tatang Carling.
Ang
hiwaga raw ayon kay mang Lucas (isang biyakerong hapon) ay nakapagpapatibay sa
tuhod ng mga kalalakihan, lalo't higit ang mga may-edad na gaya niya na gusto
pang maglaro ng apoy, jack stone, at jack en poy. Mas mura pa kaysa sa bayagra.
Pampatibay nga raw ng tuhod ang balot para sa mga lalaki. Kaya ilang beses kong
sinubukan (noon) na kumain ng balot. Pero wala yatang epekto sa akin. Bagsak
parin ako sa limang oras na pagluhod sa sahig na may asin, habang may librong nakapatong
sa magkabilang palad (hindi nakatutuwang parusa sa amin ni inang para sa maliit
na kasalanan). Apo yata sa bunbunan ni Hitler si inang. Hindi rin namin siya
masisi. Paano't palagi nang mainitin ang ulo, iritada palagi sa buhay.
Nag-umpisa ito noong malumpo si Tatang dahil sa isang aksidente sa talyer
–mekaniko ang dating trabaho ni tatang bago ang pagtitinda ng balot. Naipit ang
dalawang paa niya sa makina. Kwento ni Tatang: nasa ilalim siya ng
kinukumpuning makina ng truck nang biglang dumagan ang isa pang tine-test drive
na sasakyan sa kanyang pang-ibabang bahagi ng katawan. Napailalim sa
tora-tora. Durog ang mga buto sa paa (na parang pusang dinaanan ng pison) kaya
hayon! Hindi na nga naisalba pa maging ang batuta nitong namatayan pa ng
dalawang alaga, napisa nang wala pa sa oras. Para bang nanganak nang hindi pa
kabuwanan, at siguro ito na rin ang dahilan kung bakit nanlamig si nanay kay
Tatang. Ni hindi na makapaghagaran-gahasa kay Tatang. Sayang nga't ni hindi na
niya matutupad ang pangarap na magkaroon ng isang dosenang supling (apat na
lang sana, maisasakatuparan niya na iyon, tsk! sana?! )
Sa
panlalamig ng pagsasama nila ni Tatang ay halos umuusok ang ilong nito kapag
nagagalit. Nananakit. Ilang beses na kaming bumili ng tabo dahil sa
laging nabubutas, bali-bali rin ang hanger, ang panungkit na bakal na bumaliko
sa tigas ng katawan ko. Lahat ng ito, dumadapo sa aming hindi labanos na balat.
Kung anong madampot ni nanay, iyon na ang ipapalo sa amin, ihahampas,
ihahambalos, ibabato, ipupukol, ibabalagbag. Salamat na nga lang at
nadapa si inang sa madulas na overpass na kulay rosas (bago pa gawing berde ang
lahat ng dating pink dahil sa bagong chairman ng Metropolitan Manila
Development Authority (MMDA)) na ang apakan ay nagpapawis. Mula sa itaas ng
kulay pink na tulay-pantao ay gumulong siya paibaba. Nabagok ang ulo. Basag ang
lahat ng bitbit niyang itlog. (malaki ang kalungkutang nadama namin nang kumain
kami nang walang ulam)
Maraming mamimili si Tatang. Iyan na nga rin ang dahilan kung bakit hindi niya
maihinto ang pagtitinda ng balot. Limang taon na siyang nagtitinda nito; limang
taon na noong nawala si inang; limang taon na niyang napatunayan na hindi siya
isang inutil gaya ng pinagduduldulan ni nanay sa kanya; limang taon na mula
nang muling bumalik ang kapayapaan sa bahay (o limang taon pa lang namin
nararanasang maging payapa ); limang taon ko nang hindi naririnig ang tsismisan
ng mga kapit-bahay na bungangera nga ang nanay ko, kesyo walang kwentang asawa
ni nanay, kesyo pinikot niya si Tatang noon dahil pokpok nga siya. At
masakit makarinig ng katotohanan. Bukod sa totoong bungangera siya ay
napatunayan ko ang isang tsismis noong bumili ako ng Bonamil at Huggies diaper
sa Mercury drug doon sa isang kanto ng pugad-langaw. Nakita kong nakakandong
siya sa isang lalaking nakasumbrelo, magara ang suot nitong polong Lacoste ang
tatak. Hinihimas-himas ang mahaba't matigas na baril, habang si inang umuusok
ang bibig, nilalaro-laro sa daliri ang mahabang stick ng sigarilyong
hindi Marlboro lights ang brand, tapos ay pahalik nang pahalik (ako naman kilig
na kilig). Pero matagal na iyon, noong bata pa ako. Alam kong nagbago na si nanay
( nagbago ng posisyon) kaya nga siguro kinuha na rin siya (sa wakas) ng
panginoon o baka sinundo na talaga ni Lucifer ang nawawala niyang kampon.
“sayonara”, pangusong sambit ng isang dalagita sa isang lalaking pasuray-suray
ang lakad sa paglabas. Makikita sa namumulang mukha ng lalaki ang kaligayahang
natamo sa pinanggalingang bahay-aliwan. Aliw ang karaniwang binibigay ng mga
babaeng nakaabang sa harap ng mga disco-bar sa pugad-langaw. Sila'y mga
kababaihang puno ng kolorete ang mukhang pinaputi ng face powder, may
chandelier ang magkabilang dulo ng tenga. Karaniwang nakalugay ang kulot o
straight na may kulay nilang buhok. Mga kababaihang karaniwang nakadamit ng
wala, kundi maliit na panyong ginagamit lang samin sa pukpok palayok kapag may
birthday o fiesta. Sana mata na lang ang kanilang tinakpan, para hindi nila
makitang nakahubad na rin sila sa suot nila. Biro nga ni Jessica sakin, sila'y
karinderyang bukas para sa lahat ng gutom at nauuhaw, parang sim ng Sun
Cellular 24/7 unlimited service and always open). Nakaaakit ngang hubog
ng katawan, may matatayog na bukas, malusog na hinaharap. Kung hindi ako
nagkakamali ito yung binabanggit sa kantang “you touch my trala-la” ano
nga ba ang trala-lang gustong pahawakan sa kanta? Noon, kapag inaaway ako ng
ate ko, lagi niyang panakot, “wag kang titingin-tingin sakin dudukutin ko 'yang
mata mo! Gusto mo ihagis kita sa bundok ng trala-la?!” Emphasis yung 'sa bundok
ng trala-la' -ibig sabihin niyon, may kinalaman ang bundok sa kantang
'you touch my trala-la'. Tulad nga ng mga kababaihang ito, may matatayog
na bundok at malamang ay natural na hubog. Malabo kasing magpaopera. Alam kong
mahal iyon o sobrang mahal at mayayaman o mga artista lang ang nagpapadagdag ng
dibdib. At dahil sa walang ganoong halaga ang mga kababaihan ng pugad-langaw
para sa dagdag na dibdib. Para magpa-opera. Pero hihirit si Jessica, “tanga!
Bakit si ate Patricia nakapagpa-opera ng suso niya. Tingnan mo ang laki-laki
ngayon, parang yung akin”, matatawa ako sa hirit na iyon, sa huli niyang
sinabi. Pero kumunot ang nuo niya,
“bakit ka tumatawa?!”Tanong niya.
“w-wala,” pakli kong tugon (tumatawa
parin)
“gusto mong makita?' Siya uli.
Hihinto ako sa pagtawa. Mapapakamot ako ng ulo (masakit siyang mamatok)
at hindi ko alam kung anong maaaring isagot...
“ilang minutes?” Tanong ko.
“Gago!!!” Makikita kong mamumula siya,
at makikita niyang mamumula ako matapos may dumapong sampal sa pisngi ko.
Magkabila.
“bakit mo 'ko sinampal?!” Tanong ko
habang hinihimas ang namamaga na yatang pisngi.
“gago ka e,!”
“p-pero seryoso, operado dibdib ng ate
mo?” Tila humahanga sa rebelasyong iyon tungkol kay ate Patricia.
“paano?!”Usisa ko.
“a-ano daw, basta sabi niya, doon daw
sa parlor noong una. May bakla raw do'n na nagtuturok ng silicon. P 100 lang. Yung
silicon na pangpadagdag ng laman para tumambok o lumaki yung… Kung ano mang
gustong lumaki. Yun! Pero hindi daw pinatos ni ate, may nag-offer kasi sa kanya
doon sa clinic ni Mrs. Capara. Itetesting daw yung bagong paraan ng pagdagdag
ng suso. Kinuha siyang tester. Pinagpraktisan. A-ayus naman daw. Tsaka ang
mahalaga kasi dun e, nakalibre siya.”
Isang mahabang “aaahhh” lang ang
naisagot ko. Sino nga bang aayaw sa libre sa panahon ngayong nagtataasan at
nagmamahalan lahat ang presyo ng mga bilihin. Ako na lang yata ang hindi tumataas!
Pero mukhang nagmamahal. Sa sinabi ni Jessica mukhang nagbago ang pananaw ko,
hindi nga yata natural ang hubog ng dibdib ng mga kababaihan sa pugad-langaw.
Pero hindi ko nilalahat, kasi baka magalit uli si Jessica at baka hindi niya ko
pagbigyan sakaling itanong ko, “may I touch your trala-la?”
Huminto
ang isang itim na sasakyan sa tapat ng Sayaw-One Club. Ford ang tatak. Halatang
pang-mayaman. Bumaba ang sakay nito- isang lalaking naka-all black.
Nagsilapitan agad ang mga babae ng Club sa kabababa lang na lalaki. Agad
kumapit sa bisig nito ang isa. Mahigpit na kapit. Mukhang walang balak
pakawalan… yung lalaki wala rin yatang balak pumalag. Buenas nga ata ang
nakauna, isang malaking isda sa lambat ni Magdalena. Agad, inalalayan nito ang
lalaki papasok sa kwebang puno ng patay-sinding ilaw. At sumunod ang dalawang
langaw.
Bumukas
uli ang pinto ng sasakyan sa bandang gilid. Ito rin yung kaninang kotse. May
lumabas, isang lalaking mistisuhing naka-short lang. Matanda na, mukhang nasa
50's pero hindi halata kasi matikas ang tindig nito. Mukha ring hindi ito
napansin ng mga kababaihang nag-aabang ng customer. Nag-umpisa itong
maglakad, papalapit samin.
“iho, pagbilhan mo nga ko ng balot,
mga lima,” agad akong tumalima. Naglabas siya ng pitaka. Makapal.
“ito po”
Sabay
abot ko sa kaniya, sabay abot niya rin sakin ng isang daan. Nagbilang ako ng pera
na dapat isukli sa kanya, pero hindi niya kinuha. Keep the change daw. Galante.
Nagpasalamat ako. Tumango siya.
“marami na bang tao sa loob?”
Tanong niya sa akin. Tinutukoy niya 'yong Sayaw-One Club kung puno na ba.
“pangalawa pa lang po 'ata kayo. Maaga
pa po kasi e, maya pang bignight,” maagap kong tugon.
Alam
kong iyon ang gusto niyang malaman. Hindi na siya nagtanong pa. Bago siya
bumalik sa magara niyang sasakyan. May sinabi siya sakin. Yung naka-all black
daw na unang bumaba, na pinagkaguluhan, na pinagkaunahan at pinagkaagawan ng
mga GRO's ay driver niya.
Dos
Sa
Dilim ng Karimlan
Mga
nagba-BANSAK-sakan
Chum: Cobage Oningko/ Kilawing Tanigue
at Tofu with chili sauce
Yung butas na binabalik-balikan, parang pinto sa panibagong mundo para sakin.
Sabihin na nating pampubliko pero inari ko iyon na talagang sakin na. Private
property ika nga. Yung butas na kita ang mundo ng mga taong may kakaibang
kultura, kagawian at uri ng pamumuhay. Sa butas na iyon, naisip ko ang kamunduhan,
ang realidad ng tunay na kaganapan sa daigdig ng dilim, ng tunay na pagkapit sa
patalim.
Isa iyong uwang ng dingding sa Sayaw-One Club ng pugad-langaw. Isang maliit na
butas na kapag sinilip mo/ sumilip ka ay makikita mo ang entablado at ilang
bahagi ng kaloob-looban ng bar. Bata pa ko noong madiskubre ang butas na iyon,
o bata pa ko noong ginawa ko ang maliit na butas na iyon sa dingding na plywood
lang yata kaya mabilis na naukaan. Hindi ko naman talaga sinasadya ang
pagkakaroon ng butas niyon. Naglalaro lang kami ng bansak -isang gabing
maliwanag ang buwan. Taya si Burnok (masarap burutin kasi nagpapaburot naman). Kina-career
ang pagtatago sa taya, minsan sama-sama, minsan hiwahiwalay. Ubusan kasi ang rule.
Kapag naubos na lahat ng kalaban, yung unang na 'bang' ang siyang susunod na
matataya.
Sa
pagba-bang, kasama dapat ang pangalan. Halimbawa: bang Mikoy!, Bang Tisoy!,
Bang Kulot!, mga ganun. Dapat kilala mo silang lahat sa kanilang pangalan.
Dahil kapag maling pangalan ang nabanggit mo, halimbawa: binang Tisoy mo si
Kulot; o binang Mikoy mo si Burnok, ay buririt ka na. Ibig-sabihin, taya ka
ulit. Sa mga ganitong sitwasyon, umaayaw na ko agad. Mahina kasi ako sa
memorization ng pangalan. Kahit kilala ko lahat ng kasali, hirap parin
akong tandaan ang mga pangalan nila. Alam ko kasing kapag nataya ako ay
mabuburirit na ko palagi.
Sa
rule: iba-bang mo lahat ng nagtatagong kasali sa laro. Pero pwede kang mataya
uli kapag na- Sak ka: "Sak!" Ibig-sabihin, ikaw uli ang taya.
Humiwalay ako ng tago. Sumiksik sa masikip na gilid ng isang bar -na kasya ang
katawan mo kung tatagilid ka. Madilim sa sulok na iyon. Hindi mo halata kung
may manunuklaw na bang sawa (may natagpuan kasi doon na ilang dipa rin ang
haba, siguro ngayon anaconda na ito kung hindi lang ginawang pulutan ng mga
nakahuli); hindi mo rin alam kung makakalabas ka pa nang buhay sakaling
lumindol bigla.
Doon,
sa maliit na espasyong kubli ang maliit at enosenteng katauhan ng batang
nagtatago doon ay makikita ang takot. Takot na makita ng kalabang kasalukuyang
nagroronda para mantaya, takot na maunang mataya, takot mismong mataya. Sa
aking pwesto, dinig ng tenga ko ang iba't ibang ingay; ang ugong ng karaoke;
ang sigawan ng mga lalaking nagbubulol-bululan, ang hiyawan, ang kanta na
Careless Whisper na theme song dati ng clip film nina Katrina at Haiden Co na
binura na sa You-Tube, ang mga tao sa kabilang dingding na tila tinatawag ang
pangalan ko.
Guest: sa'n na sala-miko? Hik.
Sala-miko
(paulit-ulit ang tawag na iyon)
Girl: (nakaupo
yata sa kanlungan ng lalaki) teka, bhe miko-to sa balikat mo oh!
Kunin ko lang ha! (madidikit ang dibdib sa mukha)
Miko!
Miko! Miko! Paulit-ulit. Dahil dito, ninais kong masilip kung anong mayroon sa
likod ng dingding na iyon. Ninais kong makita kung tiniris ba ng babae sa
mismong balikat ng lalaki yung kuto o kinain na lang basta. Dahil doon, binutas
ko ang dingding. Salamat sa matulis na bagay na nadampot kung saan. Nilagyan ng
butas ang dingding na tila plywood nga lang kaya madaling nabutas. Sumilip ako
sa butas ng dingding at nakita ang mga hindi dapat nakita ng isang musmos na
gaya ko:
Isa-isa
ang pagpapakilala ng bar host sa mga tagapagpalabas. Naka-dim pa ang light,
medyo shattered. Tapos, i-spot sa pinakikilala. May lumabas sa entablado. Isang
babaeng may hawak ng isang matalim na espada, matulis at mahaba.
Gumiling ito. Mabagal ang indayog ng
balinkinitang katawan, kinampay sa hangin ang hawak na espada. Lumikha pa nga
ng tunog ang bawat unday niyon. Hanggang sa nagulat kami nang dahan-dahang
ipasok ng babae sa bibig nito ang hawak-hawak na mahabang espada. Sa haba
niyon, akala koý ikaduduwal niya, pero hindi. Gumiling pa ito habang nilululon
ang espada. Naghiyawan ang mga tao. Manghang-mangha sila sa nakikita. Tapos,
may sumipol nang malakas. Napahinto lahat. Lumapit yung babae sa mesa ng
nakakurbatang lalaki, ito yung sumipol. May hawak-hawak rin itong isang
mahabang espada. Sa tantya ko ay doble ang sukat nito kaysa sa una. Sumenyas
ito sa babae na lulunin ang tangan. Sobrang haba niyon, akala koý tatanggi ang
babae. Ngunit bigla-bigla, nilulon nito nang buong-buo ang napakahabang
espada na iyon. Muling naghiyawan ang mga tao.
May pangalawang lumabas sa entablado.
Isang babaing may napakanipis na damit at may hawak-hawak na apoy. Nagniningas
sa kanyang palad. Gumiling ito. Umaayon sa tugtog. Nakamamanghang hindi
napapaso ang babae sa hawak niyang apoy. Mabagal ang indayog sa una, tapos
pabilis nang pabilis. Nangamba ako nang mapansing kumakalat na ang apoy sa
kanyang braso. Kapag mabilis daw kasi ang paglalaro ng apoy, maaaring matupok
agad ang kabuuan ng kakapitan nito. At nangyari nga, kumapit ang apoy sa
suot nitong manipis na tela. Mabilis na tinutupok ng apoy ang kanyang damit.
Naghiyawan ang mga tao. Tapos, biglang tumayo ang ilang mga lalaki,
pasuray-suray na lumapit. Mga bombero rin pala sila. Hinawakan nila ang
kanya-kanyang waterhose, at itinutok
sa nagliliyab nang babaing wala ng kasuotan dahil natupok na ng apoy. Tapos,
isang malakas na aaaahh ang nasabi ng babae. Napatay sa wakas ang apoy. Iniwang
basang-basa ng mga bombero ang init na init na babae. Ang akala ko nga ay hindi
na siya makaliligtas sa insidenteng iyon.
Tapos, biglang nag-dim uli ang ilaw kasabay ng nakabibinging tugtog. Maya-maya
nagpalit ng kulay ang ilaw ng entablado. Tapos lumitaw ang mga babaeng wala
nang saplot sa katawan. Siguro natuto na sila na ang pagsusuot ng manipis na
tela ng damit ay mabilis na natutupok ng apoy . Kaya marahil naisip nilang
huwag na lang magsuot ng damit. Dahan-dahan
silang naglakad pababa ng hagdan ng entablado papunta sa bawat mesa. Tig-iisang
mesa ang mga babae. Gumiling. Tapos biglang sumampa sa upuan, tuloy-tuloy
hanggang sa ibabaw ng lamesa. Gumiling sila. Sabay-sabay na indayog ng katawan
sa ibabaw ng lamesa. Nagsihiyawan ang lahat. Maya-maya naglabas ng perang papel
ang mga lalaki sa bawat lamesa, matapos ay inipit sa bunganga ng bote ng alak.
Muli, sabay-sabay na gumiling paibaba ang mga babae. Sinentro pa nila ang
kinapupwestuhan ng perang papel na nakalagay sa bibig ng bote ng alak.
Gumiling pababa. Pababa nang pababa. Sabay parin sa saliw ng tugtog. Tapos,
biglang naghiyawan ang lahat, nagpalakpakan pa ang ilan. Nawala na
pala ang mga perang papel sa bawat bote ng alak. Magic. Naglaho ang perang
papel. Nagkaroon ng standing obation. Mas lumakas ang hiyawan.
"Sak!"
At isang malakas na kalabog sa dibdib
ko dahil sa gulat. Si Jessica. Tila nagtataka siya sa reaksyon ko.
“anong sinisilip mo d'yan?” Usisa niya.
Tinakpan ko ang butas para hindi niya
makita, pero nahawi niya rin. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Nag-e-evaporate
ang tubig sa katawan. Pawisan. Sumilip siya. Mga ilang saglit. Kinabahan ako sa
maaari niyang maging reaksyon. Sumiksik siya sa aking gilid. Nakikisiksik sa
aking pwesto. Nasiksik ako.
“ba't ka andito?!” Tanong ko habang
tinutulak siya papalabas.Nakasilip parin siya sa butas na ginawa ko.
“ba't ka nansa-sak e, hindi naman ako
ang taya?!” Tanong ko uli. Hindi siya matinag.
“bugok ka tal'ga! Nag-ayawan na kaya
lahat!” Sagot niya, na hindi parin naaalis ang mata sa butas.
“ang galing nila no?” Siya uli.
“magaling? Baliw ka ba, umalis ka nga
diyan!”
Hinawi ko siya. Eksaktong malakas ang
pagkakatulak ko sa kanya. Mawawalan kami ng balanse at matutumba parehas.
"Miko! Miko!!" si Tatang.
Nadinig kong tinawag niya ang pangalan
ko. Narinig ko rin yung careless whisper
sa Sayaw-One Club. Hindi ko pa tuluyang mamulat ang mga mata kong tila saglit
na nasanay sa dilim. Panaginip.
"Tatang.." agad kong tugon,
nakahihiyang nakatulugan ko ang pagtulong sana kay Tatang.
"mauna ka nang umuwi't makatulog
ka nang maayos, me pasok ka pa bukas.."
Si Tatang
nga. Gising na gising parin ang paligid. Mag-aalas dose y medya na. Hindi ko
alam kung paano ako Naka-idlip sa bangkito habang nakasandal sa poste. Nananakit
ang likod ko sa pagtalungko-upo. Osteoporosis. Hay! Nakakakuba ang pag-idlip
nang hindi nakalapat sa banig ang buong katawan. Iminulat ko nang isang
malaking pagmulat ang aking mata. Pilit ginigising nang tuluyan ang diwa.
“Opo tang”
Sansaglit, lumatag sa akin ang paligid: ang mga Christmas lights, mga bumibili
ng balot, ang bar, ang tugtog -nasa huling stanza na yung careless
whisper. Naalala ko si Jessica. Panaginip. Pati ba naman sa panaginip
nambubulabog.
Tres
Ang
Gabi ng Lagim
(undirected
cut)
Chum: kaki furai / sausage with bacon
Mag-a-alas dose ng gabi. Inaasahan ko na ito, tinatanglawan ng malamlam na ilaw
ang puting kahon, na sa malayo pa lang habang naglalakad pauwi sa amin,
makikita ang umpukan ng mga tao sa tapat ng bahay nina Wilma. Ang inaanak ng
tatay ni Jessica, na katrabaho ng tatay ko sa talyer, na ninong ni Tanoy na
kapatid ni ka Berto na nakaburol ngayon dahil sa nakalimot daw huminga habang
natutulog- na kuya ni Wilma.
Si ka Bertong nakaburol magdadalawang linggo na. May sakit na rin daw ito sa
puso. Madalas kapag tulog ito'y agad na lang mapapabagon na hinahabol ang
hininga. Halos hindi na makahinga. At isang araw nga raw, kwento ni Wilma:
napilitan silang i-cardio pulmonary resuscitation (CPR) ito para lang mahabol
ang hanging hindi makadaloy sa ugat. Awa ng Diyos dinagdagan pa ng isang araw
ang buhay niya. Ngunit sinong mag-aakalang kinabukasan daw luto na ang
paboritong ulam nila na breaded pork fillet with Mang Tomas ay ginising ni
Wilma ang kanyang kuya. Tinawag ito. Mga ilang beses ngunit hindi
sumagot. Kinalabit nang ilang beses ngunit hindi parin gumalaw ni nambubulyaw
tulad nang palaging ginagawa sa kanya, tuwing ginigising niya ito. Hinawi
niya ang kumot na nakatalukbong dito, ngunit nakita niya'y matang nakadilat.
Nakatingin sa kanya. Sa gulat ay nahampas niya ito sa mukha. Naramdaman niya
bukod sa literal na matigas ang mukha nito ay talagang matigas na ang kuya
niya. Wala nang pagpintig ng puso, wala nang pulso. Tuluyan nang hindi nahabol
ang hiningang nasanay nang mangarera sa kahabaan ng matrapik na EDSA tuwing
tulog ito.
Pero
hindi lang iyon ang dahilan: balita sa buong barangay noong umagang iyon,
habang namumutla si Wilma sa pagkakakita sa walang pulsong katawan ni ka Berto
ay biglang bumukas ang pinto. May dalawang lalaking naka-bonet ang biglang nagpaputok
ng baril. Bang! Bang! Bang!
Tatlong putok ang gumitla kay Wilma.
Butas ang signatured t-shirt ni ka Berto. Tagos sa katawan ang bala. Dalawa sa
bandang dibdib at isa sa ari nito ang tumapos ng lahat. Saglit na huminto ang
oras. Ang alingawngaw ng mga putok ng baril ay umikot sa paligid ng bahay,
pilit naghanap ng butas upang makalabas. Nang makitang bukas ang pinto ay
dali-daling lumabas ng bahay. At mabilis na kumalat sa paligid: ang alingawngaw
ay nadinig ng inang nagpapasuso ng sanggol: nadinig ng mga baklang nagbubukas
ng beauty parlor; nadinig ng aleng kasalukuyang nagtatapon ng basura sa ilog
(bagaman nabasa niya ang mga nakapaskil: don't trow your garbage here, basura
mo'y wag paanurin nang hindi tayo bahain); nadinig ng mga tricycle driver na
kumakanta sa video-okeng hinuhulugan ng P 5 coin; nadinig ng buong baranggay
maging ng Bathalumang ek-ek na diyos ng mga paniki . Ngunit hindi nila
ito pinansin o ni binigyan ng atensyon . Maliban sa Diyos, pagkat nakita niya:
nang masiguro ng dalawang nakatakip ang mukha na patay na nga ang kanilang
pinapatay ay dali-dali silang umalis. Nilisan ang bahay nang walang
kakaba-kaba, na parang walang nangyari, na parang hindi sila ang pumatay sa
kamamatay lang na kuya ni Wilma.
At si Wilma? Naiwang tulala. Nanlalaki ang mata sa nasaksihan, nanginginig ang
buong katawan at walang patid ang agos ng luha. Napaupo na lang ito sa
kinatatayuan nang biglang nanghina ang tuhod sa naramdamang takot, pagkabigla
at awa. Nag-dim ang lights pero walang sumigaw ng cut!.
Sa
tawag ni Jessica ay lumapit ako. Kasalukuyan siyang nagbibigay ng mga kape at
biscuit sa mga naglalamay. Oras na pala. Mag-aalauna na pero gising na gising
pa ang karamihan, na mukhang idolo si kuya Germs sa palabas nitong walang
tulugan with Master Showman. Mukhang nawala na rin ang antok ko.
Nagmadali akong tumulong kay Jessica
sa pagbibigay ng miryenda sa mga nakikiramay, mga nagsusugal na nagbibigay ng tong
sa patay, mga kamag-anak na
nananamlay at sa mga naghahantay lang ng tinapa, biskwit at kape.
“Waiter! Isa pa nga,” biro ni Carmelo
sakin. Kasama niya ang mga kapwa aspiring dancer. Grupong laging may special
number. Sumasayaw sila sa mga pyestahan, sa mga sayawan, party at paliksahan,
mga dance group competition, birthday parties o sa mga simpleng okasyon lang,
maging death parties pa yan.
Natawa lang si Jessica sakin, “mukha ka ngang waiter, hehe!!” Tatawa siya nang
malakas.
‘Nang-iinsulto pa e, tumutulong na
nga’, sabi ko sa sarili ko.
“waiter! Isa pa raw, table no. 7,”
muling banat niya sakin.
“hahaha!” Kunwa'y maaasar kay Jessica.
Sa
ilang lamesa dinadala ang sari-saring biskwit at mainit-init na kape. Bawat
lamesa may sesyong nagaganap, iba't ibang mukha at uri ng negosyo at ito ang
ilan:
Tong-hits: utak at diskarte ang dapat
mamayani pagdating sa pagbitaw ng desisyon. Ang bawat pagbunot at paglapag ng
baraha ay hindi parang paghagis ng sanggol sa ere na kapag hindi nasalo ay ayos
lang. Ito'y ikababagsak lang naman ng adhikaing makadiga sa laro.
Gin-use: utak din ang labanan, wala
nga lang malaking pustahan, dahil crossword, chessboard at scrabble lang ang
laro, ang genius sa mga genius madalas nag-aayus ng mga pitsa sa chess na ginulo
habang naglalaro ng napikong kalaban, dahil lagi na lang namamate.
Batibot: mga batang gising pa nang
gabing-gabing oras. Natutulog na dapat sila ng maaga pero dahil nagbi-bingo pa
ang nanay nila at nagto-tong-hits pa ang tatay -may dahilan sila para magpuyat.
Maliban
sa unggoy-ungguyan at sungka, naglalaro rin sila ng pitik-bulag kapag bagot na
sila't wala paring rasyon ng biswit, kinukuha nila ang laan sa kabilang mesa.
Auctioners: Pwede sa kahit
anong edad basta't marunong humawak at bumasa ng baraha. Pataasan lang naman
ang laban sa larong bet-game. Apat na baraha ang ibabahagi ng bangkero
sa mga kasali. Kung alam mong may maganda kang set ng baraha gaya ng royal, straight,
full jack, king o queen o par-ace.. Walang ibang dapat gawin kundi mag-bet nang
mas mataas. Lahat ng mababa ang kard kaysa sayo ay hahamigin mo ang kanilang
mga taya. Auction. Mas maraming magbet, mas marami kang panalo.
Kampeners: kanya-kanyang istorya ng
katatakutan. Parang nasa isang bonfire na may isang bibida ng kwento sa gitna
ng nakapalibot. Lahat ay may karapatang makinig, matakot (o mauto) at
magkwento: kababalaghan man o kwento ng mga pagpaparamdam.
Insert: kwento no. 1:
Isang tricycle driver daw ang tatay niya, isang gabing kabilugan ng buwan, may sumakay
daw sa kanya na isang aleng nakaputi. Kinabahan daw ang tricycle driver nang
magpahatid ito sa lugar na walang gaanong sasakyang nagdaraan.
Kaya binilisan niya ang pagmamaneho
para mabilis na makarating. Ang bilis ng tibok ng puso niya, habang nagpapatakbo
ng tricycle.. Nang naroon na daw sila sa lugar, nagulat siya nang nawala
na ang aleng nakaputi. Wala na siyang sakay. Naglahong parang bula. Muling
nagsitayuan ang balahibo niya. Kinilabutan. Dali-dali itong umalis, takot na
takot.
Sa daan pabalik may makikita siyang nakahiga sa kalye. Yung pasahero niya
nahulog pala sa tricycle sa bilis niyang magpatakbo.
Kwento no. 2 :
Isang umaga, hindi pa gaanong sumisikat ang araw ay abalang nakatalikod sa may
damuhan ang isang binatang lasing. Nagdidilig ng halaman. Maya-maya pa ay
maririnig niyang may boses ng umiiyak. Mahina lang noong una, hanggang
papalakas nang papalakas. Hinanap ng binata kung saan nanggagaling yung tunog,
sinundan niya ang boses ng umiiyak.. At doon sa tabi ng malaking puno ng
kalachuchi, nakita niya ang isang batang babaeng nakaputi, takip ng palad ang
luhaang mata. Nagtaka siya kung bakit ito umiiyak.
Lumapit siya , pero dahil lasing ito
ay hindi niya mapapansin ang nakausling bato sa kanyang daraanan. Natalisod siya
at nadapa sa basa't maputik na lupa. Pero agad din siyang tumayo. Gayon na
lamang nang magulat siya na nawala na bigla yung nakaputing batang umiiyak.
Nasaan na kaya ito, naisip niya.
Bigla, may kumalabit sa likuran niya.
Malamig, nagsitayuan ang kanyang balahibo. Bumilis ang kaba. Dahan-dahan siyang
lumingon at nakita niya ang nakaputing batang ngayon ay may hawak na isang
sachet ng TIDE, inaalok sa kanya.
“kumain ka ba ng mais?”
Nagtaka ako, “bakit?”
“ang korni mo kasi e!” Singit ni Jessica,
sabay irap sa akin.
Minasama agad, sinabi ko lang, kung yung itim na pin na kinakabit sa
dibdib, yung maliit na itim na hugis parihaba na ipini-pin para daw makilalang
kamag-anak sila ng yumao ay bakit hindi kaya lagyan na lang tuluyan ng
pangalan, na parang maliit na name tag. Kasi naman, kapansin-pansin yung
magkakamag-anak na galing sa malalayong lugar ay hindi magkakakilala.
“sino ka nga ba uli iha?” Tanong ng
matandang kamag-anak.
“Lola, Gina po,” tugon naman ng isa,
medyo nahihiya dahil sa ngayon lang sila nagkita.
“ah, oo. Ikaw yung anak ni...
(mapapaisip) ni.. ni kwan”” Hinila yung dila para mabigkas ang pangalan.
“...ni-”
“Abelleda po”, agad nitong dugtong sa
matanda
“ay oo nga. Si abe, hay dalaga ka na. Itong
mga pinsan mong kalaro dati!” Kapwa mapapatingin sa isa't isa, sinusubukang may
maalala. Wala silang maaalala.
“La, opo. Sila-a-ano po…”
“Oo, ito si Gen, Rachelle, Si Let-let,
si Charen, mga kababata mo. Ay” ,agad dugtong ng matanda,
“Dios mio, mga nagsipag-asawa na ini.
Mga kabataan kayong mapusok. Ay, ikaw ba'y me asawa na kharen?”
“La, Gina po!” Giit niya.
“ah, oo. Me asawa ka na ba ha?! Ilan
na bang anak mo K-Kharen?”
“Si lola tal'ga. La Gina po! G-I-N-A!
Gina” Giit niyang muli sa matanda.
“tumigil ka nga! Wag mo na ngang lokohin
si lola, sabat naman ng isa pang kamag-anak na hindi parin kilala ng iba.
“bakla ka GINO! Bakla ka!!”
Ang
hirap alalahanin ng pangalan ng bawat isa, pero kung yung black pin ay may
pangalan na nila, malamang wala ng paulit-ulit na tanong na “sino ka ba ulit?” At
syempre magkakakilala agad ang lahat.
“sino to?”, tanong ni Jessica sa akin,
habang nakaturo sa may photo album. Stolen shot, nakashort.
“Oo, si ka Berto yan! Sa grotto vista,
1998,”
Nakatatawa yung nalaglag na pustiso
habang tumatawa si ka Berto. Nilipat uli ang pahina ng malapad na photo album.
Pampalipas oras. Tapos na ang bigayan ng mga biscuit at kape. Tinitingnan namin
si Jessica ang mga larawan sa album. Karamihan may kuha si ka Berto. Ang sarap
alalahanin ng mga alaala, lalo na kung may mga patuloy na magpapaalala sayo
nito. Malaking halimbawa ang mga litrato: bawat anggulo may emosyon,
bawat eksena may ngiti, kamusmusan, kawalang malay, kapighatian, kagalakan at
iba pang kaanuhan. Si ka Berto, buhay na patunay
na bawat isa sa atin may iiwanang bakas, may ipapasang kasaysayan, may patunay
na noong panahong ganito ay may nabuhay na ganyan, may isinilang na ka Berto.
Kasama na kung anong kapalpakan, katarantaduhan o kabutihan (kung meron man)
ang ginawa niya sa buong pahina ng buhay niya at hangganan nito ay kamatayan.
Maiksi ang buhay. Kung minsan
nagtataka tayo kung bakit maagang nawala sa mundo ang mga hindi natin
inaakalang mawawala sa mundo ang mga hindi natin inaakalang mawawala. Nanay ko,
pinagalitan ako isang umaga pero kinatanghalian noong araw na 'yon (noong
madulas siya sa overpas na hindi kulay pink ngayon ) ay biglang namatay; si
Jhon Lennon nga, kumakanta ng “imagine theres no heaven..” Sa concert niya nang
biglang binaril at namatay; yung ex-president ng U.S, masayang nanunuod ng
drama play nang biglang binaril at namatay. Lahat sila ay biglaan ang
pagkamatay. Pero hindi usapin ngayon kung paano sila namatay kundi kung paano
sila umiiral sa mundo, kung ano ang ginawa nila o nagawa nila sa buong kabanata
ng kanilang buhay. Kung tatanungin ako kung ano ang nagawa sakin ng nanay ko.
Simple lang ang sagot -ginawa niya ko.
Kamatayan. Ito ang hangganan ng lahat
sa materyal na daigdig.
“Bigyan mo nga 'ko ng dahilan kung
bakit hindi ka pa dapat kunin ni Lord?” Seryosong pabirong tanong niya
sakin. Napa-isip tuloy ako sa tanong na 'yon ni Jessica na parang wala akong
maisasagot na matino kundi ang maangaas kong natututunan sa sosyolohiya't
saykologi (o mukhang natutunan ko lang sa tabi-tabi)..
Kung pula
ang sa katapangan, puti para sa pagsuko, ang itim na manipis na tela ang sa
Tajuna Funeral service. Pero parang sa lahat naman ng funeral e, itim ang
motiff. Maging sa libing, ang mga nagluluksa ay naka-itim. Itim. Itim. Sa mga
emoterong rakista, ang paborito nilang kulay ay itim; mga itim ang karaniwang
alipin ng mga kano noon, na mukhang kayumanggi na lang ngayon dahil kay Barrack
Obama na african-amerikan; may kaitiman ang mga balat ng mga katutubo, tulad ng
sa ita na noon ay nagkukuta pa sa mga madidilim na yungib bago pa sila mapunta
sa Baguio at malamang pwede palang pagkakitaan ang kanilang magagandang
pagmumukha -daig pa nila ang artista sa dalas nilang nakangiti sa lente ng
kamera kahit na maiitim ang mga gilagid at ngipin nilang mukhang matibay kahit bulok;
Itim ang kulay ng costume ni Batman (maitim rin marahil ang bagay na nakatago
sa brief nitong nakalabas at siya lang ata ang paniking hindi mapanghi);
kinaaayawan ng ilang mga doktor at nurses ang itim dahil karaniwang puti ang
suot nila at ang itim raw ay marumi; kaya rin ipinagbabawal ng bibliya ang
kumain ng dinuguan dahil hindi pula ang kulay nito kundi kulay itim (kasama na
ang sinakal na hayop at balot) sa kadahilanang marumi daw ito. Bagaman pula ang
karaniwang kulay ng dugo, maliban sa mga lalaking ang dugo ay berde o sa mga
nilalang na may dugong bughaw; Maraming namamatay dahil ang buhay nila ay puno
ng dilim at marami ring nabubuhay dahil sa dilim. Tulad ng mga kalapating
laspag na ang mga pakpak kaya mababa ang lipad. Marami ang ayaw sa dilim, sa
maiitim at sa kadiliman.
“Hoy! Ano nga?!” Ulit ni Jessica na
nakakunot na ang nuo. Nasa huling pahina na siya ng photo-album.
“E, ano ngang dahilan mo kung ba't
hindi ka pa dapat kunin ni Lord?”
Sa mga
ganitong pagkakataon, obligado na ang pagsagot kung hindi paulit-ulit lang
siyang mangungulit tapos mangangaldag nang malupit, tapos agad
magsusungit.
“A-ah.. Isa lang ang dahilan na alam
ko. C-Clue.. 4 letters, 2 Syllables.” Ang hirap magseryoso, baka
masyadong korni, baka maging OA ang dialogue.
“Ikaw! Ikaw ang tangi kong dahilan”
mahina kong bulong sa sarili. Walang lumabas na boses sa bibig ko. Naumid na
naman.
“Si Ate,” Nahinto ako sa pag-iisip ng
paraan kung paano ba sasabihin ang dapat na yatang sabihin na.
“Ha?”
“S-si ate Patricia andyan na,” ani
niya habang nakatingin sa may bintana. Kita ang madilim na kalsada. May taong
paparating. Alas kuwatro na pala. Oras na nang uwi ng kanyang ate na pang gabi
sa trabahong call center agent (daw).
Tumayo
si Jessica at sinalubong ang paparating na kapatid. Micro Mini-skirt at blouse
na natanggal ang pagkakabutones sa bandang dibdib ang suot ni ate Patricia,
hindi halatang buntis.
May kwento si Jessica tungkol sa ate
niya na hindi ko alam kung totoo ba. May isa daw lalaking tumawag sa telepono
at si ate Patricia ang nakasagot; Hindi nakipagkilala yung lalaki pero
nakipag-sex-phone. Tapos, pagbaba ng telepono buntis na ang ate niya. Magaling
ang ate niya sa sexphone. Call center agent nga naman -trabahong panggabi ang
pasok, umaga ang labas. Pero hindi pa sigurado si Jessica kung ilang buwan na
ang nasa tiyan ng kapatid naisip ko, tawagan ko kaya isang araw si Jessica sa
telepono. Baka marunong din siyang mag-call center agent tulad ni ate Patricia.
Magkasabay na silang pumasok sa kanilang bahay. Naiwan akong mag-isa. 4
letters, 2 syllables ?! Ang dahilan kung bakit hindi pa ko dapat kunin ni Lord.
Isang malaking IKAW, sana nasabi ko. Sana narining niya. Malakas ang sigaw ng
puso ko. Ikaw ang dahilan ng lahat, hindi mo ba naririnig. Ang lakas ng sigaw
ng isip ko. Isang malaking IKAW. IKAW. IKAW.
Naiwan akong nakatanga. Nakaupo
sa sofa. Maya-maya, mula sa labas, may kayumangging paruparo ang napansin kong
pumasok, mabagal ang lipad. Sinundan ko ng tingin hanggang sa dumapo ito sa
puting kurtina kung saan naroon ang puting kabaong. Doon ko lang napansin ang
lamp post sa magkabilang gilid. Matamlay ang apoy sa pagtanglaw nito sa paligid
ng kahon.
Napansin ko ang sari-saring hindi na
sariwang bulaklak na amoy patay na pwede ring panregalo sa Valentine, kung sawa
ka na sa pagmumukha ng pagbibigyan mo. May mga pink na ribbon na nakapin sa
bukana ng puting kahon. Nakasulat yung mga pangalan ng mga miyembro ng pamilya
ng yumao (iyon yata ang mga susunod na mamamatay) mabagal ang pagbuka ng pakpak
ng paruparo. Sabi ng teacher ko sa Biology, “butterflies usually lives for less
fourteen days. The life span begins when they got their wings as they evolved from
catterpillar to an originally butterfly. Seven days of freedom, seven days of
flying freely, but imprison it means living dry." lumipat ng lugar yung
paruparo. Dumapo sa may kabaong ni ka berto. Tumayo ako at dahan-dahang
lumapit. Nagtatangkang humuli. Nagbabalak gapusin ang paruparong may dalawang
linggo lang mabubuhay sa mundo.
Hindi
ko ito makita. Biglang nawala yung paruparo. Sumilip ako sa kabaong. Baka
pumasok ito sa loob. Nakita ko sa salamin si ka Berto, kaaya-aya ang bukas ng
takip ng kabaong. Ang sarap buksan ng salamin. Nakita ko ang anyo ng isang
disenteng bangkay. Fitted yung barong sa maskulado nitong katawan; yung slacks
mukhang bago. Walang tastas at kusot. Nakamedyas ng puti pero walang sapatos.
May make-up. Formalin yata ang tawag doon. Yung ipinapahid sa bangkay para
hindi agad mabulok yung katawan. Ito rin yung ini-spray sa mga paborito nating
gulay tulad ng petchay, sayote at repolyo. Ayon sa kilala kong agriculturist,
ang formalin daw ay nakakapagpanatili ng pagkasariwa ng gulay. Layunin nitong
pigilan ang agarang pagkabulok ng pananim. Ibig sabihin tuwing kumakain tayo ng
gulay na na-spray-an ng formalin ay nagiging ganap ang pag-iimbalsamo sa atin.
Isang katotohanang buhay pa tayo ay iniimbalsamo na.
Napayuko
ako. Sa sahig na walang tiles, nakita ko yung paruparong mabagal parin ang
pagbuka ng pakpak. Dahan-dahan kong pinulot. Maingat. Lumapit pagdaka sa may
bintana at binuksan sa pagkakasara ang palad. Lumipad ang paruparo.
"minsan
ka lang mabubuhay sa mundong ito... Pero sa minsan na 'yon, sikapin mong maging
maligaya at makapagpaligaya ng iba." nawala sa paningin ko ang paruparo.
Tulog
na marahil si Jessica. Naisipan kong umuwi na rin para makapagpahinga . Maaga
pa pasok ko bukas. Sakto. Umaga na.
Kwatro
Pagkakakilanlan:x
& y chromosomes
no.
08601
Chums: kropek o/s shiosaba, tuna
sandwish
Tumilaok na ang manok at busog na ang lamok. Maliwanag na rin sa labas. Kita ko
na ang liwanag sa pusikit na butas ng bubong sa tapat ng aking kinalalagyan. Tanda
na mataas na ang araw at nasa papag parin ako. Nakahiga. Agad napabalikwas. Tumingin
ako saking relos at naalala kong sira pala ito at pang props lang. Wala kaming
wall clock o maliit na alarm clock maliban sa cellphone ko at sa sinag ng araw
sa ilang butas ng aming bubong. Siguro instinct na sa amin ang paggising nang
maaga pero dahil inumaga na ako nang uwi kagabi, wala akong dahilan para
sisihin ang mali-maling instinct ko sa paggising nang maaga at ang butas ng
aming bubong.
Naalala kong first subject namin e
major pa. May finals ngayon at last day ng pasahan ng lahat ng requirements.
"ayos lang, major lang naman yan," bulong ng itim na anghel sa kaliwa
kong tenga.
"may oras pa para magmadali Miko!
Bilisan mo na't makahabol pa! Mas maganda nang huli kaysa sa talgang
wala!" Sigaw ni Tatang sa kanan kong tenga.
Agad akong nag-ayos ng sarili. Paspasan
sa pagbihis. Swerte't nakahain na ang almusal pero hindi na ko kumain. Ipinabaon
na lang sa akin ni Tatang yung sandwich na ginawa niya. Isang lagok lang ng
kape at agad na kong lumabas ng bahay. Minadali ako ng aking pag-aalala. Baka hindi
ako makahabol sa examination baka magbago ang paborito kong numero, baka hindi
ko na ma-maintain ang grades kong puros tres, baka madagdagan ang tatlo kong
singko, baka ganoon, baka ganito. Sino ba nagsabing matalino ako? Si tatang
lang naman. Masaya ako tuwing may pasok, na-e-enjoy ko rin ang mga araw na
walang propesor, matalino?
Sa loob ng jeep, "bayad po:
seattle. Estudyante lang." ang bente mula sa pitaka kong asul. Iniabot sa
babaeng mataba at kinuha ng isang estudyante (buti hindi ibinulsa)
salamat at nakarating nang maayos sa drayber.
Maya-maya, iniabot din sa akin ang
limampisong sukli ko, ng batang gusot-gusot ang unipormeng suot at ng aleng
pandalawahan ang upo. Gusto ko na lang sanang ituon ang isip ko sa sandwhich na
ipinabaon sakin ni tatang pero hindi ako mapalagay.
Agad sumabat, "kuya estudyante lang
yung bente!" Bulalas ng isip ko, dahil hindi ko na ipinarinig kay manong
drayber matapos magbanta ang isang karatulang nakasabit. ‘NO I.D NO DISCOUNT!’.
Gusto ko sanang magmura. Pusang ama. Sampu lang dapat pero kinse ang siningil. Limampiso
lang ang deperensya. Bwaka ng! Pero pinakalma ko na lang ang sarili ko. Wala pa
kasi akong I.D, hindi pa daw tapos matapos kong magbayad ng seventy five pesos.
Matapos kong ilang araw umistambay sa pila sa iba't ibang panig ng office ng sinisintang
paaralan (wala pang s.i.s (student information system) ang batch namin).
Paulit-ulit. Pabalik-balik. Sa ganitong tagpo, pinaparangalan ang depenisyon ng
PUP . Hindi ang Polytechnic University of the Phillipines, kundi ang Pila Uli Pila
x 2.
Gusto ko sanang sumabat kay manong
drayber pero wala na kong nagawa. Wala din namang mapapala kung murahin ko't
sisihin si manong, na ayaw magpadaya sa mga sumasakay at nagsasabing estudyante
lang kahit hindi naman. Alam ko namang hirap din si manong na magpira-piraso ng
kanyang kakarampot na kinikita. Syempre, dapat may ipanlalagay ng ginintuang
gasolina (sana makaimbento na talaga ang mga scientist natin ng pamalit sa
gasolina. Alternative gasoline na pwedeng makuha kung saan na nakakalat lang
tulad ng mga basura at MMDA); dapat may ipang ba-boundery sa may-ari (kung
meron man), dapat may ipang bubusal sa bibig ng mga matatalak na nakablue at
pink o dilaw na uniforme, kung sakaling mapagtripan siyang tiketan (syempre
papel na ube na naman)x3. Tapos, kulang-kulang p300. Lang ang maiuuwi niya sa
kanyang pamilya. Paano na lang si anak na nag-aaral o sila anak pala. Si asawang
pumuputi na ang buhok sa kilikili sa pagbubudget ng kakarampot na kita; sa bill
pa, sa tubig, sa kuryente, sa utang sa tindahan kung saan kinukuha ang bigas at
ulam at sa anik-anik pang mga bagay. Paano pa kaya kung biglang magkasakit?
Ihihinto muna ang paggastos, ihinto muna ang pagkain, ihinto muna ang pagbili,
ihinto na rin muna ang paghinga. Ayos lang. Sanay naman tayong mga Pilipino sa
pagtitiis. Nagawa nga nating pagtiisan ang digmaan noong WW-II, nakapagtiis nga
tayo sa pang-aalipin satin ng mga espanyol, amerikano at hapon at kapwa Pilipino
sa loob ng ilang dekada. Nakakapagtiis nga tayo tuwing may lindol, tsunami,
sunog, undoy, H1N1, epidemya at pagsabog ng bulkan. Tapos,
sa simpleng pagkalam ng tiyan susuko tayo? Kaya naman nating pagtiisan ang
gutom. Sabi ni Tatang dati e, masaya siyang nakararaos kami sa pang-araw araw
namin. Noong una pa naman daw, simpleng buhay lang ang pangarap niya. May masayang
pamilya, may trabaho at may tirahan. Simple lang ang pangarap ni Tatang bagay
na natupad naman niya. Masayang pamilya (8 lang naman kaming magkakapatid, yung
apat nag-asawa na. pero nakikipisan parin sila sa bahay. Masayang magulo dahil
sa dami namin) madalas din kaming nakangiti sa hapag ng pagkain habang kumakain
ng hangin, masaya kaming madalas nagbibiruan. Biruin mong masaya pala ang
pamilya namin. May trabaho si Tatang (ngayon. Bukas wala. Bukas meron uli..) Umi-extra
lang naman ang Tatang sa pagmamaneho ng taxi noon, bago siya naging
mekaniko, na magiging dahilan ng pagtitinda niya ng balot ngayon; may
tinitirhan naman kami. Siguro hinihintay na lang namin ang ilan pang mag
sa-sign-in contract na anay para gumuho na iyon nang tuluyan. Atleast sarili
namin yung lupa, atleast may maituturing kaming pag-aari, atleast nabubuhay pa
kami atleast napagtitiisan namin ang hirap.
Pero sa anupamang dahilan, hindi ako
naniniwalang simple lang ang pangarap ni Tatang noon pa. Pangarap na nga lang
ang mapanghahawakan ng tao na libre tapos yung simple pa. Siguro nagiging
simple na lang ang pangarap ng tao dahil sa katayuan niya sa buhay sa
kasalukuyan. Kung tatanungin mo yung bawat pamilya sa komunidad ng mga
squatters o ng mga informal settlers kung ipo-politically correct, malamang
pangarap nilang magkaroon ng magandang buhay. Ayos na iyon sa kanila, pero
bakit hindi pa yung masagana, yung mariwasang buhay, bakit yung magandang buhay
lang. Para yung birong madalas sabihin ni Tatang, ‘Magandang lalaki
raw ako.’
Bakit magandang lalaki lang? Hindi ba pwedeng
napakagwapo mo anak! O ang gwapo-gwapo mo! Magbibiro na nga lang hindi pa
lubos-lubusin. Tulad nang sinasabi nating 'mangangarap na nga lang, hindi pa
lubos-lubusin!
Para itong kwento ng dalawang palaka
sa loob ng isang balon. Nagtanong ang isang palaka sa kapwa niya palaka.'
"gaano ba kalawak ang
langit?" Tanong nito sa isa, pero dahil sa parehas lang silang hindi pa
nakalalabas ng balon sa tanangbuhay nila ay wala silang tiyak na sagot
"ang lawak ng langit ay kasing
laki na ng butas nitong balon," pagmamarunong ng isang palaka. Iyon ang
sagot na dahil nga iyon lang naman ang nakikita ng dalawa. Doon lang sila
nakabase at nakapirmi. Hindi nila alam na mas malawak pa ang langit kaysa sa
alam nilang lawak nito. Mangarap ka nang mas malaki, nang mas mataas. Pangarap na
nga lang ang mapanghahawakan ng tao na libre, tapos yung simple pa.
Mabilis
ang byahe. Mabuti't hindi gaanong trapik. Saglit lang na dumaan sa lalamunan ko
yung ipinabaon ni Tatang na sandwhich. Bumuba ako sa kanto ng Seattle at agad
sumakay uli sa panibagong jeep na byaheng stop and shop. Siniguro ko munang
walang nakasabit na karatulang nagbabanta na ‘NO I.D NO DISCOUNT!!"
Kahimig
ng mga busina ng iba't ibang uri ng sasakyan at ng pito ng mga pulis-trapiko sa
lansangan ang palahaw na sigaw ng mga nagtatawag ng pasahero –ang mga
nagbabarker. Isang uri na rin ng trabaho ang pagtatawag na ito sa mga
sumasakay. Gamit ang konting sigaw at konting panghihikayat ay nakaiipon sila
mula sa pabarya-baryang bayad-serbisyo sa kanila. Pero bilang pasahero, alam
kong hindi naman talaga sila nakatutulong sakin dahil kaya ko namang magbasa ng
karatula kung saan papunta ang isang jeep. (mas matalino na ko sa batang paslit
na nag-aaral pa lang ng abakada, dahil memorize ko ang dictionary, yung bawat
letters, alphabetically mula A hanggang Z) kaya hindi ko kailangan ng mga taong
nagmamagandang loob sa mga pasahero, na nagmumukhang asong-ulol kapag hindi
nahulugan ng barya, ang mala-alkansiyang bulsa nila.
Kunsabagay, hindi naman pala nalalayo
sa ugali ng aso ang kanilang trabahong barkering (from the root word
'bark' o sa filipino ay 'pagkahol') pagkat tulad ng sa aso. May rabist din
sila.
Sa loob ng jeep uli: ipinaabot ang
baryang galing sa luma kong kalupi. Ang sampung-pisong hide-out ng magtropang
bonifacio't mabini.
"stop and shop lang 'yan,
estudyante"
Kampante kong inaalala ang oras. Kinse
minuto pa lang naman akong late.
"maaga pa," bulong ng itim
na anghel sa tenga ko.
Buti na lang mabilis magpatakbo ang
drayber. Mala-roller coaster ang andar namin. ('patok' ang karaniwang tawag
dito) at mala-disco ang dating sa lakas ng tugtog. Mapapasigaw ka sa bilis at
mapapaindak ka sa lakas ng kanta.
Mabilis ang byahe. Sandali lang na
uminit ang aking kinauupuan at pagbaba ko, agad nang kumaripas ng lakad. Tingin
sa oras. Lakad nang mabilis. Tingin uli sa oras. Takbo. Lakad. Ayos. 25 minutes
na kong huli sa una kong klase. At iyon, malapit na ang tarangkahan. Bukas ang
malaking gate pero bawal daanan, kaya siksikan sa maliit na entrance gate na sa
itaas ay nakapaskit ang salitang exit. May lamesa at dalawang gwardiya.
"I.D mo?" Tanong sakin
"wala pa po akong I.D,"
sagot ko naman
"o, registration card?" Siya
uli.
"andito po" ako uli.
"ilabas mo," pangungulit ng
gwardya.
Badtrip talaga. Hinalungkat ang gamit.
Halungkat nang malupit sa registration card na nasa ilalim yata ng magulo kong
gamit. Napapatanaw ako sa mga lumalagpas lang samin, tulad ko ring estudyante
na walang nakasabit na I.D sa leeg. Gusto kong magprotesta. Bakit sila, di
naman sinisita. Mas mukha ba silang estudyante kaysa sakin. Porket hindi ako
naligo at nakatsinelas lang ako. Putnam;
Kung sino lang bang mapagtripan, iyon
lang ang sisitahin. "pusang ama tal'ga, nasan ka na b-" after a
hundred years. Pinakita ang registration card sa guard. Itatapal ko sana sa
mukha niya pero LATE na ko.
Takbo uli. 1st floor, 2nd, 3rd, fourth
floor. Hay!
Success. Deretso sa room, at sakto. Nagkukwentuhan
sila. Pusang ama. Wala pa palang prof. Puto't kutsinta x2.
Singko
Hot
seat
Sa
loob ng kwebang mapanghe
Chums: futaka kuni / mixed nuts, p.o
cheese stick
Ilang segundo pa lang ang lumipas nang
makaupo ako sa silyang walang sandalan. Nag-uunahan parin ang kalabog ng dibdib
ko at pawis na di maawat sa pagtagaktak kakamadali. Ayos lang, para akong
nag-sauna sa tirik na tirik na sikat ng araw.
Sa corridor, may mga
militanteng-estudyanteng nagsasagawa ng silent march. Hindi sila sumisigaw sa
pagkakataong ito, pero naririnig ko yung mga nakasulat sa mga bitbit nilang
banner at plakards. Stop rationalization on education. Imperialist regimn oust.
LFS. Upgrade antique facilities. Edukasyon, hindi komersyalisasyon. No to
tuition fee increase at iba pa.
Saglit lang na dumaan. Nangangalabit siguro
para makinig kami o mas maganda kung sumama sa isang kilos-protesta para
kundinahin ang pagtataas ng matrikula sa sintang paaralan. Malaking usapin nga
naman kung tumaas ang tuition fee naming na
12 peso per yunit na balak gawing p200 per yunit bawat semestre.
Kapag nagkataon, mababago ang
kasaysayan ng sintang paaralan ko bilang isa sa pinakamurang unibersidad sa Maynila
o sa Pilipinas. At makikihanay na ito sa mga pina-privatized ng gobyerno na mga
unibersidad, tulad ng paaralan kung saan ginawaran ng most outstanding student
award si dating pangulong gloria macapagal arroyo, ang unibersidad ng
pilipinas.
Ayos! Kapag nagkataon, saan kaya kami
pupulutin ng mga katulad kong umaasa lang sa murang bayad ng tuition fees at
pagiging iskolar ng bayan. Malamang nito, babalik kami sa pagpupulot ng basura
at muling magiging dream-static ang mauudlot naming mga pangarap.
Tapos pagtatakhan ng gobyerno kung
bakit mas dumami ang mga tambay, drug-addict, tulak, prosti at iba pang
sinasabing salot daw sa lipunan. E, heneral pala sila ng mga bugok !
Paanong hindi magkakaganito, gayung unti-unti na nilang sinasarhan ng pinto
yung mga mahihirap na walang pambayad sa mala-private school's tuition fees
nilang eskwelahan. Kaya nga nauuwi sa pagiging salot daw sa lipunan yung mga
anak nina manong drayber, ni tentay petchay, ni pinong araro at ni juang
kalakal ay dahil sa wala na rin silang pagpipilian. Kung hindi tumulong sa
trabaho ng magulang ay maghahanap ng mapagkakakitaan, para lang hindi maging
pabigat o kahit makatulong man lang sa magulang sa paraang alam nila. Nakababahala
ang unti-unting pagsasara ng pinto ng paaralan sa mga maralitang gaya ng
karamihan ay siya namang pagbubukas ng tarangkahan sa mga investor at
mayayamang nilalang na magdadala (raw) ng malaking salapi sa unibersidad.
Nakatatakot ding isipin na bukas
pagpasok ko ay makikipagpatintero sakin yung mga kotse ng mga mayayamang
estudyante (tulad sa PR University) na nag-uunahan sa pagpa-park ng kanilang
magagara't nagkikintabang sasakyan. At maninibago ako sa katahimika ng lugar,
dahil maya na lang ang humuhuni, aso na lang ang nag-iingay, busina ng
magagarang kotse na lang ang sumisigaw, yung mga militanteng estudyante't mga
aktibista ay napalayas na sa sintang paaralan.
Sa panahon na iyon, marahil hindi na
de-susi kundi de-microships na ang mga kokote ng administrasyong namamahala sa
paaralan kong sinisinta. Kung may araw nang paghuhukom siguro ay ganitong
bersyon iyon: nakatapak ka nga sa langit, wala namang live-band concert ng
chicosci at spongecola o dance showdown ng manuevers at sexbomb; buti pa sa
langit ng mga muslim may sandaang kababaihang may bitbit ng coconut virgin oil
ang sasalubong sayo. Kung magiging ganito ang paghuhukom, walang kasing sarap
magpasabog ng twin tower nang ilang beses, nang paulit-ulit pero sisiguraduhin
kong nandoon ang may-ari nito, ng 9th eleven.
Kung may kanya-kanyang konsepto ng katarungan
ang bawat isa, sino kaya ang lalabas na tama? Ang lalabas na makatarungan o ang
may tamang hatol sa bawat isang katarungan lang ang hinihingi. Iniisip kong lumabas para makihanay sa panawagan ng mga nakataas ang
kamao at humawak na rin ng banner at plakards na nakabibingi na ang sigaw pero
malamang, makatarungang bagsak na singko ang muling sisigaw sa classcard ko
sakaling hindi ko maipasa ang dapat ipasang requirements ngayon at hindi
makapag-exam (uli) sa subject kong paboritong (tulugan) pasukan.. Dahil paparating
na ang profesor naming tauhan sa alamat ng clubhouse at tatlong pari sa buhay
ni Rizal.
Good mood si sir Fortune. Pumasok siyang
nakangiti sa aming kwarto. Ngiting anghel, (hindi halatang pustiso lang ang
ngipin niya sa bandang itaas) siguro'y galing Halina. Yung lugar pahingahan na may logo na babaeng may ring sa
ulo.
Insert question: ano sa filipino ang
house?
Sagot: bahay
Question: ano sa filipino ang home?
Sagot: tahanan
Question: ano naman sa filipino ang
hotel?
Sagot: tirahan. TI-RA-HAN?
"anyways..." putol
niya sa anumang sinabi niya.
Agad pinaayos ang hanay ng mga upuan. Eksam
agad. Ang hanay ng mga upuan ay pinaghiwalay sa apat. Sinisigurong hindi kami
makapagkokopyahan sa hayagang paraan. Pero kahit yata patago, hindi rin uubra
ang mag-cheat. Wala kasing hinihinging ispisipikong sagot.
Walang enumeration, walang choices at
walang clue. Purgahan ng essay ang eksam ni Sir. Sanaysay ang labanan. Ang buong
semestre ng kanyang pagtuturo tungko sa buhay at sinulat ni Rizal ay huhusgahan
sa kung anong mailalapat mo sa papel. Sa kung anong maaalala, base sa naituro
niya.
Kung may paborito akong propesor, si Sir
na yun. Mabait kasi sir, maunawain at mapagbiro. Naalala ko kung paano niya
naunawaan ang klasmeyt ko na natutulog sa klase niya at sasabihin niya,
"hayaan n'yo na, baka puyat 'yan
kagabi, wag nang gisingin."
Nakatutuwang isiping nauunawaan niya
ang mga ganitong sitwasyon. Siguro, dahil alam niya ang epekto ng madalas na
pagpupuyat tuwing gabi. Dahil siguro'y may insomia si Sir. At dahil tuwing gabi
lang nagbubukas ang mga mahiwagang kweba sa Escolta.
Dati kasing presidente ng
internasyunal na samahan ng mga minero (miners) si Sir fortune.
Naalala ko nga yung kwento niya
tungkol sa pagmimina nila sa isang kweba sa Las Vegas, Nevada U.S.A -noong
pinasok daw nila yung kweba (kasama ang ilang kasamahang minero) ay naligaw daw
sila. Nagkahiwa-hiwalay ang grupo. Biglang nawala yung mga kasama ni Sir sa
loob. Mag-isa na lang siya. Kahit anong sigaw niya ay walang nangyayari. Nag-i-echo
lang ang boses ni Sir sa loob ng kweba. Ilang beses siyang nagparoo't parito sa
mga lagusan para makalabas. Naubusan na rin daw ng baong tubig si Sir at maging
ng lakas. Hanggang sa mapagod siya, sa paroo't parito sa mga lagusan. Isang araw
natagpuan na lang ni Sir ang sarili sa loob ng isang kwarto at nakapagtatakang
nagkaroon siya ng makapal na bigote, gayung natatandaan niyang nag-shave siya
bago pumasok sa kweba ng Las Vegas, Nevada U.S.A -at nakapolo't nakapantalong
maong.
Tapos na ang exam. Ipinasa na ang
papel. Kung palinisan ang labanan, tiyak panalo na ko. Kasunod ang mga dapat
nang ipasa sa kanya, tapos na ang obligasyon ni Sir. Grades na lang ang
poproblemahin niya. Ilan kaya ang babagsak? Ilan kaya kaming hindi makapapasa?
Ayos! Uwian na! Nag-announce ang class
president, may meeting ang faculty, ibig sabihin wala si mam. Walang biology. Isang
subject lang para sa araw na ito. Mukhang sayang ang pamasahe pero atleast
nakapag-exam ako. Magno-nobena na lang muna ko sa simbahan sa Quiapo, para
magkaroon ng milagro't makapasa naman. Bago ako tumayo, ilang katok ang iniwan
ko sa aking kinauupuan. Supla. Supla.
Sais
The
way back home
At
sari-saring talong
Chum: horenzo w/ tomago / 6 pieces ng
turon
Mula PUP papunta sa bahay.. dumadalas na naman ang pag-uwi ko nang nag-iisa.
Kapag mag-isa ko lagi kong naiisip na mas masaya pala ang may kasama…
Tahimik kong binabagtas ang daan ng Aurora Cubao patungong sakayan ng bus.
Mag-isang naglalakad madalas. Hindi ko na pinapansin ang mga nagtitinda ng mga
gulay, candy, sigarilyo, dyaryo, dvds, kakanin, at prutas sa may bangketa.
Tulad ng isang aleng kasama ang kanyang tatlong chikiting na puros busog yata
dahil sa mga bundat na tiyan. (o sadyang pinaglihi lang sila sa butete… Silang tatlo) nakaupo
sila sa may simentong nilatagan lang ng karton ng noodles enriched sodium
glutamate. Nandoon silang matamang naghahantay sa kung sinong magtatanong kung
magkano ang tumpok ng tinda nilang santol. (ganun yata) o mukhang mula pa kahapon ay naghahantay na sila sa sinumang lalapit at magtatanong
kung magkano ang tumpok ng tinda nilang santol. Ganun nga yata.
Ilang beses ko na ring pinipilit
alamin ang pakiramdam ng maghapong nagbanat ng buto pero walang kinita ni
singko o tinderang walang nabenta sa buong maghapong pagtitinda. Kasi ako ,
kahit na naranasan ko na ang magtinda e, nakakaabenta naman ako. Minsan nga ay
sold-out pa! (patunay ‘yan na malakas talaga ang appeal ko)naaalala ko pa, nung summer,
karamihan ng tao ay naghahanap ng mapaglilibangan.
Puno ng tao ang beach, lansangan, ang daan, maraming nagbabakasyon sa
probinsya, at maraming nagpapakaabala sa pagtitinda...Tulad ng pamilya ko:
kikiam, turon, halo-halo, kwek-kwek, ang nilaman sa mini tinda-tindahan namin
na nakalagay lang sa isang matibay na lamesa. Ang tema: si ate ang sales lady
sa mini tinda-tindahan at ako ang taga-lako ng maasukal na turon (magfi-first
year lang ‘ata ko nun) grabe. Ang saya ko nga nun, iniiisip ko pa lang kung sakali
kayang makita ako ng crush ko dala ang paninda,
ano kaya ang reaaksyon niya sa reaksyon kong pagpupunas ng luha, pati uhog,
pati laway, bago sapilitang sinuong ang nakatakda. Ganun pa man, sa mga
pagkakataong hawak ko na ang tray na puno ng maasukal na turon, binalak kong:
-tumikim ng ilang piraso sa tinda ko,
mga 10.
-Palitan ang presyo na p 2.50 ang isa,
para maging p 5.00 ang tatlo. Para mas abot kaya ng masa (at para makauwi ako agad)
-sabihing wala akong nabenta ni isa sa
layo ng napuntahan kong lugar (pero hindi ko sasabihing hindi ako umalis)
Sa mga ganung pagkakataon, naaalala ko
yung mga matatamis na salita sakin ng inang, yung “walang hiya kang bata ka!!!” (sabay palo sa p’wet kong hindi niya alam
na may kartong nakasukbit) ayon, epektib. Tumitibay ang loob ko kahit papano. Medyo nawawala ang hiya ko, medyo nagiging walang hiya ako. Ang
labas? Negosyante.Sa Lahat ng iyon , matapos ang halos dalawang buwang
paglalako, akalain mong nasiyahan din pala ‘ko. (kahit papano!) Lalo na tuwing umuuwi
akong walang laman ang bitbit kong tray, tuwing
nakakaubos. May premyo kasi akong malamig na halo-halo sa malaking lalagyan,
tapos bibigyan pa ako ng bente (p 20) ni ate. Panalo!!! Dagdag pa yung kinupit
kong p 30. Grabe ang hirap at saya. Kay sayang libangan, pero ang hirap
paglibangan. Buti na lang at mabilis lumipas ang oras. Parang fast-break sa
pagsalo ng isipan tuwing binabalik-balikan… Hindi Ko na detalyadong ikukwento kung paano
sa isang iglap tila dinaanan ng whirlwind ni Tazmanian yung matibay na lamesang
pinagpapatungan ng aming halo-halo, kikiam at
kwek-kwek na may sawsawang suka, at iba pang tinda… Salamat sa pagsasabong ng dalawang
nagngangalit na magkaribal na aso. Nasanggi ang pundasyon, nabali ang isang paa
ng matibay na lamesa, at iyon! Goodbye na tray, goodbye turon, at goodbye kahihiyan.
Unang buwan ng pasukan; 2nd year na
noon si ate. Comsci yung kinukuha (vocational lang); yung isa ko pang ate
kumukuha ng passport visa sa japan (pangarap din yatang maging geisha) pero
hindi makaaalis kahit na nakapag-down na siya ng p 15,000 sa mabait na illegal
recruiter; tapos si kuya, nasa 4th year na. Graduating (kukuha ng special
project after ilang buwan, para makapasa); yung isa ko pang kuya nag-aalaga ng
pananim sa Bicol (kinuha ng auntie ko noong bata pa siya); tapos ako, 1st year
na nun. Kay tatang din kumukuha ng pamasahe’t pambaon. Yung nakababata kong kapatid na
babae, grade 4. Madalas makakuha ng medal at ribbon; yung isa ko pang
nakababatang kapatid grade 1, madalas mangupit (mas madalas kaysa sakin); yung
bunso, sa suso ng botelya kumukuha ng kailangang nutrients ng
katawan. Parang collector’s item yung gatas niya, mula Bona 1,2,3,… Hanggang Bonamil at Bonakid
Naalala ko yung panahong sinukat-sukat
ko ang lawak ng aming bahay. At tiyak ngang nagkaroon ng kaluwangan. Mga ilang
pulgada siguro. Ito yung mga araw na hindi na umuuwi si ateng panganay… Sabi nila nagtanan? May
nakapagsabing nakita raw sa Pangasinan. Kaya sinundan, pauuwiin, susunduin.
Parang the parable of prodical son nga raw nung nagkita
sila ni tatang at nanay. Mahigpit na niyakap pa daw ni nanay si ate. Mahigpit
na mahigpit. Halos hindi na makahinga sa higpit (hanggang magkalas kalas yung
mga buto) pilit ipinaluluwa yung dinadalang maliit na tao sa sinapupunan… (ganun yata kapag nagtanan, matapos malunok yung ulo, magiging tao yung yon) Sa awa ng Diyos, nakatungtong ng entablado si ate nang malaki na ang
tiyan. Hindi lang halatang
buntis dahil kulay itim yung toga niya. Mga ilang buwan ang lilipas, may
mamamanhikan para sa isang kasalan. Tapos ganap na niyang lilisanin
ang aming tirahan. Magkakanya na raw. Tantananantantan! Dagdag na espasyo na naman sa aming masikip na
barong-barong .
Nakasakay na ‘ko ng bus. Bandang likuran ako pumuwesto,
malapit sa bintana. Sakaling tayuan na e, hindi
obligadong tumayo para mag-alay ng upuan sa mga aleng nagpaparamdam sa mga
tulad naming gentleman. Lumapit na yung konduktor. Naisip ko lang bakit kaya
konduktor ang tawag sa mga konduktor? May kinalaman kaya ang mga duktor sa
trabaho ng mga konduktor? Anong pagkakapareho ng dalawa? Siguro kasi parehas
lang silang nakabase sa OPERA? Isang Halimbawa ng paghahambing:
Doktor -kumukonsulta sa doktor yung
pasyente.
-tatanungin ng doktor kung ano o saan
ang masakit…
-magbibigay
ng reseta sa pasyente -(kung mayaman, kahit ‘di malala yung sakit)
tiyak OPERA ang suggest ng doctor.
Konduktor -yung pasahero sa konduktor kukunsulta
-tatanungin
ang pasahero kung saan bababa o ano ang bababaan…
-Magbibigay
ng tiket sa pasahero
-mayaman
ka man o mahirap, basta ‘di ka kilala ng konduktor o driver ay
kailangan
mo
maglabas ng ‘O, PERA?!’
Tulad ni Kristo Hesus na may
labindalawang alagad o sa pinagandang tawag ay mga apostoles, si Lucifer sa
kanyang mga demonyeto’t demonyetang alagad at si Santa Claus
na may mga elves, ang mga doktor ay may mga nurse… Gusto Kong maging nurse noong 1st year
highschool ako, iyon yung sinagot ko sa tanong ng substitute teacher namin sa
science –sa kung anong gusto naming maging paglaki. Ewan ko kung bakit tumawa
yung katabi ko sa sagot ko… Inisnaban ko nga!!! Tapos inabangan ko yung
isasagot niya, para ako yung unang tatawa sa kanya… Ang sabi niya, gusto niyang maging doktor.
Tinawanan ko sarili ko.
Siguro, kaya naging demonyo si Lucifer
(dating anghel) ay dahil sa ayaw niyang magpasakop kay Hesus. Yung para bang
nakaramdam ng inggit, na si Hesus ang
tangi niyang niyuyukuran, sinasamba, sinusunod; na may boss siyang kailangang
sambahin, na siya ay isang tagasunod, tagapagsilbi. Kaya naghangad na matulad
kay Hesus, na may tagasunod/tagayukod; siguro ganun. O siguro masama nga yung
kaisipan niyang ayaw magpalamang sa iba, pero masama rin kaya ang naisin mo
kahit man lang ang ating pagkapantay-pantay. Yung walang diyos, walang alipin;
walang panginoon. Wala si GMA, walang mahihirap na lalong naghihirap… Lahat ay pantay-pantay
base sa libel ng lipunan, ng karapatan, ng pag-aari, ng kaangkinan?, Yung
ganun, mas ok kaya? Pero pano na ang kagandahan ng pagkakaiba-iba? Ang kaibahan
ng iba’t ibang nilalang. Kung ano ang pinagkaiba
natin sa iba o ng iba sa atin. Bilang natatangi. Bilang buhay na patunay ng
kagandahan ng daigdig o bilang daigdig ng mga buhay.
Bakit ba tayo magkakaiba-iba? Dahil
hindi tayo nakatira sa iisang lugar. Hindi makapagtatanim ng palay yung mga
iskemo tulad ng mga magsasakang hindi makakapangisda sa bukid nang nakasweater
jacket –dahil magkaiba ang geological location nila; hindi sasamba’t yuyukod sina Scooby at
Pulgoso kay Garfield na diyos ng mga pusa, o yuyukod
at sasambahin nila Felix at Tom(sa Tom and Jerry) si Snoopy na diyos ng mga aso
–kasi magkaiba ang
kanilang relihiyon; magkakaiba ang pananaw ng isa’t isa kasi may magkakaibang ideolohiya; hindi
magsasalita ng bisaya yung mga amerikan citizen (makaintindi
man sila ng gay lingo o G-words ng mga pinoy), tulad ng mga Pilipino sa latin
(bagamat wika na natin ang ingles) –kasi nga magkaiba ang lenggwahe nila, natin sa kanila;
ano pa ang ita kung tulad din sila ng mga puti (mahahaba tit*); hindi naman
nagsusuot ng bahag o barong-tagalog ang ibanag –at sasayaw ng tinikling -dahil iba ang kanilang etnicity at kultura;
kaya dumadami ang tao, kasi iba ang gender ng babae sa lalaki. (iba rin ba yung
sa bakla at lesbian? E, parehas lang naman sila ng pag-aari. At bakit kaya patuloy ang pagdami ng mga bakla? Hindi naman sila
nabubuntis?); Kaya nga nananatili ang Pilipinas bilang 3rd world country kasi
may 1st world country na tagapagpalubog sa mga 3rd world country na daan upang
manatili sila bilang 1st –na maayos ang economic condition like european
at amerikan country… Kaya asahan na nating mas maganda ang trabahong nilalaan ng gobyerno ng
1st world sa kanyang mamamayan, kasi kaya nilang magpasweldo ng ilang daang
presidente, ilan libong government officials, ilan
daang libong general… Pero yung trabahong nakalaan sa mga mamamayan ng bansang nasa 3rd world
ay hindi first come, first serve basis. Iyon bang sa isang kompanya may isan
daang aplikante. Nauna ka man sa pila o nahuli o naningit lang –ay out of 100 na applicants, kalahati lang ang kukunin, o bente, o sampu, o limang
mapapalad at rumble selection. Pero syempre yung salang –sala na nila. Dehado
parin yung walang mataas na pinag-aralan sa mga may mas mataas na credibility
daw, at syempre kawawa ang mga highschool graduate
lang, dahil mas malaki ang pag-asa ng mga college graduate na maging boss yung
kasabayan nilang nag-apply na may masteral degree… Kasi nga, yung mga nakalaang pampasweldo
(dapat) sa milyon-milyong magtatrabahong Pilipino sa Pilipinas ay nilaan na ng gobyerno sa suswelduhin ng presidente, mga government official,
at mga generals… At iba pang kawaning-kapit ng gobyerno, (ganun yata, kaya nag-uunahang
makaupo ang mga ito sa napupusuhan nilang pwesto, ilang beses man sila mandaya
o madaya (kuno)), pasalamat na rin daw tayo at may
tira-tira pa para sa mga social services. Dahil nga sa priority rin ng gobyerno
ang pagbabayad ng utang sa mga mababait na nagpapautang sa atin… At ganun nga siguro
talaga, may mga lumulubog at may mga tagapagpalubog.
May kanya-kanya kasi tayong papel na
ginagampanan sa mundong ito, kanya kanyang gawain, (wag ng magtataka sa mga
taong mapapel, dahil iyon na marahil ang papel nila sa mundo) at dito makikita
ang malaking bahagdan ng ating pagiging iba sa bawat isa, ng pagkakaiba-iba sa
kakayanan, talento, kalikhaan, panlasa at interes ng bawat isa. Dahil meron na
tayong tinatayang 5,000 ethnicities sa buong mundo; sa ngayon 4,500 mga wikang
naitala, buhay man o patay –ng mga sosyolohista; dahil ang mundo ay nahahati na sa kulang kulang 250 na bansa… Dahil sa kabila ng lahat ng ito, merong babae at lalaki, mayaman,
mahirap at mas mahihirap, at alipin (sagigilid man o mamamahay); itim at puti,
may hepa, at kayumanggi; katoliko at protestante, rizalista’t arabe, hindu at muslim; dahil ang planeta natin sa ngayon ay tinitirhan na ng humigit-kumulang
6.5 billion na tao, (hindi pa kasama diyan ang mga kahayupang naglalagi sa
ating pamahalaan, tulad ng mga buwitre, uwak at mga buwaya) at nadadagdagan pa
ng 90 million kada taon. Ibig sabihin 6.5 billion tayo na may pagkakaiba-iba,
at humihigit pa kada araw; dahil lahat tayo’y larawan ng natatanging nilalang (unique
human being) at may katangi-tanging pag-aari, propyedad, at kagalingan na
humuhubog sa pag-unlad ng lahi ng tao. Ang pagkakaiba-iba
ay dahilan ng ating problema at suliranin. Gayunman, ang solusyon at kasagutan
ay natutugunan din ng ating mga pagkakaiba-iba. (global recall)
Iba
pala yung naiabot kong ticket. Paano ba naman kasi e, biglang nangalabit si
inspector Clavio sa gitna ng aking mahimbing na pag-idlip. Hindi ko malaman
kung saan sa panaginip ko nahulog/nalaglag yung ticket… Para tuloy akong lasing na hindi malaman kung
saan isusuka ang kahihiyan. Nakatingin parin yung iba sa akin, at para ‘kong tanga sa pagkalaykay ng bag ko. Si inspector Clavio naghihintay. May hawak siyang papel na
anumang oras handa niyang lamukusin at bilugin para ipasak sa bibig ko; tapos
yung ballpen, baka may electric shock wave na anumang oras handa niyang
ipangkuryente sa maputi kong singit, na anumang oras magiging silya elektrika
yung kinauupuan ko. “nagbayad ka ba ‘toy?” Pag-iimbestiga ni inspector. “O-opo,” matapat kong tugon. Luminga ako’t naghanap ng kakampi, saktong papalapit si
manong konduktor. Ayus! (may star-witness na ko, pero paano kung itanggi niyang nagbayad nga talaga ako. Lagot, baka bigla niya
'kong ipagkanulo. Nagdadalawang isip tuloy ako kung nagbayad nga ba kong talaga
o sa panaginip ko lang 'yon ginawa) “nalaglag po ‘ata, di ko po alam kung saan na napunta” depensa kong tila maamong tuta… Siguro, may dumaan na hangin at lumamig ang umiinit niyang bunbunan.
Hindi na muling nag-usisa si inspector.isang mahabang haay!!! Meron na yatang
konklusyon –sa tulong ng mga ibedensiyang pinatotohanan ng ilang pasahero at si
manong kondoktor (buti na lang hindi niya kamag-anak si Judes Iscariotes) at
nailigtas niya ko sa banta ng kuryente, hindi sa sermon ni inspector, “itatabe n’yo kase ang tiket niyo,
gusto niyo ‘atang magbayad ule…” Banat niyang may puntong malapot na bisaya.
Bumaba ako ng bus nang nakayuko. Hindi
ko parin malaman kung saan ba napunta yung ticket ng bus. Dalawa lang ang
nakikita kong posibilidad: una, itinago yun ng katabi ko. O pangalawa, ninakaw
yun ng katabi ko.
Madalas na ang pag-uwi ko nang
nag-iisa. Kapag mag-isa ‘ko, lagi kong naiisip na mas masarap pala ang may kasama’
Syete
Stomach (R)evolution
At kenitic Action papunta
Sa mystical Unwonderland
kasama
Ang parang nagra-rallying
mga ipis na
Nagbabadya sa paparating
na delubyo...
Chum:
Kaki Sonomono/ Lumpiang Togue w/ sawsawan na maraming sili.
Im home
sweet home. Nakauwi na rin. Tulad ng kadalasan/inaasahan, wala pang tao sa
aming tahanan. Gabi pa ang uwi ni Tatang galing sa pagtitinda ng balot, at ni
ateng sumunod sa panganay naming nag-asawa na at ang tatlo kong nakababatang
kapatid, hapon pa ang uwi galing eskwelahan. Kaya solo ko ang buong bahay. Walang
ibang tao.
Pero may nadirinig akong kaluskos
ng naghahabuluhan ng kung sino sa loob. Multo? Alam kong hindi magnanakaw yun o
akyat-bahay gang. Walang mamahaling gamit na mananakaw sa bahay namin, maliban
sa VCD player, telebisyong pag sinumpong ay kusang lumilipat ng channel at
washing maching sira na ginawa na lang naming refrigerator. Siguro'y naggegerahan
lang ang bawat kampo nina Mickey mouse vs. Stuart little (marami kaming alagang
daga) sana pagbukas ko ng pinto ay maabutan kong mina-Mike tyson uli ni Mickey
mouse si Stuart little -tulad noong nasaksihan ko isang araw habang nagbababad
ako sa aming jalousie de palanggana while showering using a tabo . Nakita kong
naknock-down si Stuart -little sa isang washing-blow pounch ni Mickey mouse. Ayon,
mula sa kisame, lagapak sa sementong
walang tiles si Stuart little (kala ko nga'y kailangan ko nang tumawag ng
ambulasya, baka sakaling kahit dead on arrival na ang tagpo, masabi kong hindi
ako nagpabaya) pero maya-maya lang
bumangon ito. Kinawag ang nahilong ulo at tumakas (at tiyak maghahanda si Stuart
little for the resbak). Kinapa ko ang saradura sa likod ng pinto. At presto!
Hindi ko naabutan ang mga ito. Masyadong mahiyain at mailap ang mga alaga
naming daga.
Switch on the light. Baba ng gamit. Deretso sa kusina. Nagwewelga
na ang mga bulate ko sa tiyan. Kailangan nang humanap muna ng makakain. Baka kasi
magboy-coat anumang oras ang ulirat ko dahil sa gutom. Buenas. May natirang
kanin sa kaldero, tutong nga lang. Pero si Tatang mahilig sa tutong. Kwento nya
nga. Sa indonesia daw o thailand ata e, miryenda nila ang tutong na kanin. Ibibilad
daw muna sa araw yung hinugasang tutong, tapos ipiprito at
lalagyan ng asukal, tapos gawa na ang sweet crispy fried rice puff. Pero alam
ko namang ikwinento lang ni tatang yun dahil sa ayaw niyang nagsasayang kami ng kanin, maski na
tutong, maski na bahaw, maski na panis. Konting hugas lang, konting bilad,
konting prito and poof! Miryenda express.
Tinangka kong humanap ng ulam sa ref
kahit tira-tira rin lang. Pero wala nga pala kaming refrigerator. Kaya deretso
ako kay aling Pilar's carinderia para bumili ng ulam.
Masarap ang mga lutong ulam sa
carinderia.
Hindi mo kasi alam kung ilang siklo ng
ebolusyon ang nagaganap sa ilang tirang ulam. Hindi mo kasi mahahalata na ang
karne ng baka ay nakaranas na ng ilang pagpag-hugas at preserba sa ref. Na matapos
maging sinigang ay magiging masarap na potsero o metsado na ito kinabukasan; at
magiging beaf steak o menudo naman kinabukasan o kung may matira parin ay
magiging sahog sa gulay, maaaring ibalot sa lumpia wrapper at magiging lumpiang
shanghai o maaarimg budburan ng bread crumbs para maging breaded beef fillet, o
haluan ng patatas at batihan ng itlog para maging omelet naman kinabukasan; ang
mga tirang pritong isda at manok ay maaaring maging sarsiadong tilapia
kinabukasan o chicken carry o adobong manok kinabukasan; yung tirang laman ng
papaitan, tanggalan lang ng sabaw ay pwede nang lagyan ng tomato paste para
maging afritada ay pwede ring maging lumpiang togue naman kinabukasan, na
siyang napagtripan kong bilhin ngayon.
Lumpiang togue, dalawa po. Hindi naman
ako pihikan sa pagkain. Kahit anong ihain sa hapag, ayos lang sakin (basta
malinis at walang lason). Hindi na rin ako naghahanap ng ideal na ulam. Para sakin,
ideal lahat.
Masarap na yung hindi nakakabored
kainin. Kung baga sa parte ng isang tilapya -ansarap sipsip-sipsipin at
namnam-namnamin ng bahaging ulo. Ang malinamnam na utak ang nakadikit na laman
sa tinik at palikpik, pati ang matubig nitong mata na kala mo'y nakatingin sayo
kung titingnan mabuti. Yung ganung pakiramdam ng sarap. Ganun yung mga
masarap at ideal na ulam. Tulad na rin lang nitong lumpiang togue -lalo na
kapag maanghang yung suka -masarap kung malutong yung lumpia wrapper -tumutunog
sa bibig. Minsan, trip ko ring paghiwalayin yung tangkay at ulo ng togue.
Ayoko ng tangkay nito. Meron pa kasing
ugat 'yon e. Pero kapag wala ng tangkay yung togue ng lumpiang togue ko,
naiisip kong hindi na pala togue ito at mukhang mas bagay tawaging lumpiang
munggo. Para bang kung paghihiwalayin nating ang ulo ni Rizal sa kanyang katawan
-ang tawag sa katawan ni Rizal ay katawan parin ni Rizal. Pero yung ulo ni Rizal?
Maaari na nating tawaging "piso!".
Nahain ko na ang tirang kanin sa
kaldero at ang nabiling lumpia. Nakapagdikdik na rin ng bawang para sa dagdag
na lasa ng maanghang na suka, at nakapagtimpla na ng mainit na kape. Kopico Kapuccino
ala starbucks.
Hindi kumpleto ang masarap na kain
kung walang mainit-init na kape. Kape sa umaga, kape sa tanghali, kape sa gabi.
Buong angkan kasi namin nagkakape: bunso namin minsan nagdedede ng kape; ako at
mga kapatid kong mas bata sakin –sinasabaw sa kanin ang kape tuwing walang ulam;
yung ate at kuya ko pampatulog nila ang kape sa gabi ; si Tatang, minumumog
lang ang kape. Nagmumumog siya sa lahat ng araw, bawat oras, minu-minuto.
Ilang saglit lang, napansin kong
unti-unting nagpupulasan ang mga alaga naming mga ipis sa kanya-kanya nilang
lungga. Mukhang may paparating na delubyo, o hudyat lang iyon nang pagtulo ng
malakas na ulan. Kung pagmamasdan ang mga ito.. Parang nagra-rally lang sila. Sama-samang
pagkilos para maiparating ang kanilang karapatang umiral sa mundo, na nasasakal
na ng mga pasistang nagmamalinis.
Ayos! May isang ipis na lumapag sa
lamesa kung saan ako kumakain. Buti na lang malinis na agad ang plato ko. Lokong
ipis, balak pa atang paglandingan ang launch meal ko. Inangat ko ang plato.
Sumara ang pakpak ng ipis, gumalaw ang
anthena sa ulo, sabi, ang mga ipis daw mas matanda pa sa mga dinosaurs, at kung
magaganap ang propesiya ng mga mayan tribe tungkol sa 2012 o ang nalalapit na
pagkagunaw ng mundo, mga ipis lang daw ang matitirang buhay. Astig! But maybe
this one can survive the destruction of the earth but not my step-in. Focusing the
target. Bull's eye.
Sayang, di ko narinig ang last word
nito. If it says, "do you mind if i hang-around?" Sayang talaga. Boses
ipis kasi, kaya hindi ko narinig. Perfect. Lapat na lapat sa bago kong tsinelas
na imitation ng Havaianas. Dumikit ang pisat na katawan ng ipis sa lamesa. Nagkalat
ang laman-loob. Tumayo ako, tangan ang plato, deretso sa lababo. Hugas ng kamay
sa plangganang may tubig. Naalala ko bigla yung eksenang naghugas ng kamay si
Pilato ng Romano sa plangganag may tubig matapos parusahan ng cruxifition si Hesus,
kasama ang dalawang bilanggo.
Tinitigan ko yung planggana, baka
biglang kumulay ng pula yung pinaghugasan ko. Mga ilang saglit, wala namang
nangyayari.
Bumalik ako sa lamesa, tangan na ang basang-basahan. Nakita kong maraming
langgam na kulay pula sa paligid nang napisat na ipis. Binubuhat nila ito. Sama-sama,
tulong-tulong ang hindi ko mabilang na maliliit na pulang langgam. Tinangkang iangat,
buhatin ang nag-iisang ipis. May pagsasaluhang launch meal na ang mga maliliit
na pulang langgam -ipis ang kanilang pananghalian. Prinsipyo de ti -Geometrik ang
pagdami ng populasyon pero ang pagkain pa-aritmetik talaga sabi ni pareng Malthus.
Buti na lang wala akong kaagaw sa pagkain at solo ko pa ang buong bahay.
Deretso sa papag. Banig. Unan. Higa. Sarap
sundan ng tulog. Payapa. Walang ingay. Wala pa yung mga istorbo sa isang
masarap na pagtulog. Haaaay!
Pero hindi naman ako takaw-tulog
talaga at hindi na rin ako naniniwala na kapag natulog ka sa hapon ay tatangkad
o lalaki ka. Tulad nang panakot ng mga matatanda sa amin. Bakit yung mga
amerikano ba palaging natutulog kapag hapon, kaya ganun na lang sila
katatangkad? Mas maniniwala pa kong sadyang tinuldukan na nga lang ng pituitary
gland ko ang aking growth development on my physical aspects. Pero, wala na
sakin yon. Ano naman kung tinukso ako dati ng mga klasmeyt kong girls nung 4th
year highschool na "supot kaya bansot" ako.
Hindi naman totoo yun. Alam ko sa
sarili kong hindi yun totoo at alam kong alam nilang hindi nila kakayanin
sakaling ipakita ko sa kanila ang patunay. "wanna see my lion??" At
alam kong hindi ko rin yun kaya.
Siguro, hindi (lang) yun ang dahilan,
madalas lang yata akong puyat, kaya bagsak ang katawan sa hapon. Wala akong
insomia. Ayoko lang patulugin ang sarili nang wala pang naiisip na magandang
mapanaginipan. Parang ganito, bago ko tuluyang ipipikit ang mga mata ko ay
mag-iisip ako ng bagay na nakakapagpasaya sakin o kaya yung mga magagandang
alaala. Mga ganun. Tapos, iisipin kong naroon ako sa alaalang yun. Hanggang sa
makita ko ngang naroon na ko at nananaginip, na ganun na ang aking panaginip.
Kaya lagi kong kasama si Jessica sa
panaginip ko. Ganun kasimple. Nasa isip ang eksena ng panaginip kaya iisipin
kong ako ang kumokontrol sa kaisipang yun. Ayon! Technique yun para makaiwas sa
nightmares -sa nakatatakot na panaginip -na madalas kong maranasan noon. Psychotherapy
rin yun na tinuro ng kapitbahay naming psychotic.
(note: no therapautic claim)
...anyways, sweetdreams.
Otso
Mystical Unwonderland's
stories
At ang paglitaw ng mga
nakasisilaw na silahis
Chum:
Kopico Kapuccino ala starbucks coffee
Malayo-layo
ang paglalakbay na ito. Pero sasakay lang tayo sa ating mga tsinelas. Maglalakad.
Wala kasi tayong pambayad sa cruise ship, airplane, stream ship, taxi o
aircondition na bus. Pang tricycle lang siguro at pang jeep pero, gastos lang
yun. Mas masarap parin ang maglakad. Gamit ang bagong biling havaianas..
Ay! Havanas nga lang pala..
Insert stories #1: Ang Ritwal
...anim
na pu't anim na tupa. Anim na pu't pitong tupa. Animnapu't walong tupa. Animnapu't
siyam na tupa. An.. Aaahh (hikab) pitumpu na mga tupa. Pitumpu't isang tupa. Pitumpu't
dalawang tupa. Pitumpu't tatlong tupa. Pitumpu't apat na tupa. Pitumpu't limang
tupa. (hikab) pitumpu't anim na tupa . Pitumpu at pitong tupa. Pitumpu't walong
tupa. Pitumpung s'yam na tupa. Pitum- walumpu. Walumpu't isang tupa. Walumpu't tat-
(hikab) na tupa. Walumu't apat na tupa. Walumpung lima na tupa. Walumpungnganim
na tupa. Walumpung.. Pitontupa. Walumpu't walong tupa. Walom... Walumpu't s'yam
na tupa. S'yampu. Syampu't isang tupa. Syampu't dalwang tupa. Syampu- s-syam.. Sya...
Ssss...zzzzzz
Wala
na ang mga tupa nang lumitaw ang nakasisilaw na silahis.
Stories # 2: Banal na Abo
Bukas
ang bintana , kayat malayang naglalagos ang malamyang hanging pang hating gabi
sa sa isang kabahayang puno ng mga santo. Iba't ibang hugis, laki, bigat,
hitsura ng mga niluluhurang banal na kahoy. Mula sa banal na kamay na umukit
nito: may Santa Mariang mula sa banal na Sicamorro; Santa Fe na mula sa Mahogany
na nakuha pa sa banal na kabundukan ng Trala-la; Santa Maria Magdalena mula sa
punong hindi pa napapangalanan; ang maliit na banal na Nazarenong gawa naman sa
tsok -na hindi mauuri bilang banal, pero dahil pinangalanan ay banal na rin;
Santo Antonio na mula pa sa isang matandang paring Dominikano noong panahon pa
ni Rizal; at may mga marmol ding banal. Isa si Santo Niñong puno ng mga beads
ang nangingintab na damit. Sinulsi ito ng mga deboto sa Parokya ng Kristong
Banal Church. Tangan ang Krus at koronang kulay ginto sa kaliwang kamay ng
Santo Niñong naghihimala raw tuwing magiging kulay asul ang itim nitong mga
mata; At marami pa.
Ang ilan ay magkakasama sa banal na altar. Isang lamesang laging may haing kakanin at arnibal at hindi pinapatiran ng pagtirik ng kandila. Araw-araw may nakatakdang magtirik ng kandila rito at magdadasal ng Ave Maria nang tatlumpung beses ang sinumang hindi tutupad sa kanyang takdang tungkulin.
Ngunit nang gabing iyon, bukas ang bintana. Humihip nang malakas ang hanging mabilis naglagos sa buong banal na lugar. Natatangay ang bagong labang kurtina ng bintana, hanggang napalapit sa pakalahati ng kandila. Napadikit. Matutumba ang kandila at mabilis na kakapit sa tela ng damit ng mga banal na santo. Kakalat sa bagong labang kurtina. Gagapang sa kabuuan ng bahay. Ilang banal na kahoy na ang nagliliyab. Naglalagablab. Natutupok na dahil sa kandilang kanina naman ay malamlam ang pagtanglaw ngunit biglang lumikha ng nakasisilaw na liwanag.
Ang paglitaw ng nakasisilaw na silahis na madaling tutupok ng buong banal na lugar na iyon. Kabilang ang ilang banal na kahoy na sa malao't madali ay magiging banal na abo na.
Stories # 3: Silabang-liha.
Nagyoyosi si Fe habang nagkakape. Nakadungaw siya sa
bintana, at pinagmamasdan ang maliwanag na buwan. Ang tanging liwanag na
tumatanglaw sa kinatitirikan ng kanyang bahay. Walang ilaw sa kanyang munting
dampang nirerentahan lamang. Hindi brown-out. Naputulan lang siya ng ilaw,
noong nakaraang buwan. Pasong-paso na ang dalawang notice of dis-connection. Mas inuna niya ang bayad sa renta ng bahay at
bayad sa tubig. Maputulan na ng linya ng kuryente wag lang ng tubig. Ayaw niyang
pumasok ng trabaho nang hindi naliligo. Baka langawin siya sa puwesto. Hindi mga
parokyano kundi literal na langaw. Mahirap na. Mas lalong mawawalan ng pangkain
o nang pambili ng gatas sana para sa kanyang sampung buwang gulang na anak. Nagising
siya sa kwarto ng ospital nang wala na ang kanyang anak.
At ang kanyang walang hiyang hilaw na byanan ang kumuha. Tsk. Humigop
siya. Isang lagok, kahit umuusok pa ang kape sa tasa. Naalala niya ang anak,
dalawang buwan na itong nasa matanda. Kamusta na kaya ang anak ko, naibulong sa
sarili. Nakakainom na kaya ng branded na gatas? Malusog na ngayon, alaga sa
poder ng matanda.. Tsk! Maigi na ‘yon. Ano nga bang magagawa ng isang putang
ina, kalinga? Aruga? Hindi sa isang tulad na maruming babaeng ang kaya lang
pasusuhin ay mga parukyano.. Tsk! Puta nga e, tsk! Ang pwede lang malaan sa
batang yun, bearbrand siguro.. Kape. Anong maipipilit e, sa hindi nga makapag
breastfeed- breastfeed na yan. Himas-himasin ma't pigain ang tang inang susong
'to, pawis lang ang kayang ilabas.. Putang na, dugo siguro kung ngangatngatin
tong utong ko! Puta! Shit kang puta ka! Sheeet!
Pinitik sa daliri ang nangangalahati palang na sigarilyo. Tikom
na palad, may bahagyang panginginig. Waring nag-iipon ng pwersang binubuo ng
siklab sa kanyang damdamin. Kinuha niya ang baso ng kape. Nanginginig ang
kanyang kamay. Muling humigop. Ngunit bigla nabitawan niya ang baso. Nahulog. Natapon
ang kape. Kumalat sa sahig. Ganoon man, hindi nabasag ang basong kapehan. Pinipigilan
niya ang panginginig, ang galit, ang hinanakit. Hindi lang sa matandang babaeng
kumuha ng kanyang anak. Kundi ay galit sa mundo at sa kanyang sarili. Hindi niya
pinansin ang natapong kape. Kinuha niya ang kaha ng sigarilyo. Kumuha ng isa. Panindi?
Kinapa sa bulsa. Hinagilap ang pusporong bagong bili lang sa tindahang
inutangan niya ng isang kaha ng sigarilyo. Wala. Napatingin siya sa sahig. Nahulog
roon ang pusporong hinahanap. Agad niyang pinulot at naglabas ng isang palito. Nanginginig
ang kamay niya habang kinikiskis sa silabang-liha. Ilang kiskis. Ayaw. Tinapon niya
ang isa at kumuhang muli ng isa pa. Nabasa ito ng kape. "tang na! Sumindi ka!
Sindi naaaa!" nanginginig ang kamay, sinubukan niya ang iba pa. Kiskis sa
silabang-liha. Kiskis. Pudpod. Kiskis uli.. Ba't ayaw mong sumindi putang
posporo kang walang silbi! Tang na! Paulit-ulit na kiskis, at muling pagkapudpod
ng ulo ng palito ay tumulo na ang luha ni Fe, ngunit ayaw paring sumindi ng
kahit na isa man lang sa mga palito ng pusporo. Sa inis, inihagis niya ito, at
akmang ihahagis din ang sigarilyong hindi naman masindihan nang bigla niyang
natapakan ang basong kapehang nalaglag sa sahig. Nadulas siya. Nawalan ng
panimbang hanggang sa matumba. Humampas ang ulo sa baso. Umagos ang dugo. Umaagos
din ang luha sa kanyang mga mata. Dahilan ng panlalabo ng kanyang nakikita. Maliwanag
ang buwan, pero unti-unti nawawala na ito sa kanyang paningin. Nawalan siya ng
malay-tao. Kaya't sayang, hindi niya na naabutan ang mas maliwanag na silahis
na mabilis kumakalat sa buong paligid. Hindi na nasaksihan ang biglang paglitaw
ng nakasisilaw na silahis.
Stories # 4: Litson
De Letche
Alog tunog. Silip sa butas ng hulugan ng kayamanang bilog. Tunog.
Baryang bilog. Bilog na baryang ihinulog sa loob. Kutob. Aaah! Yugyog. Alog. Walang
tunog? Mahina ang tunog dahil maraming laman. Tiniis kulo ng tiyan. Pinalipas
recess sa eskwelahan. Pinagtiisan. Hulog. Tunog. Alog. Kayamanang natutulog sa loob.
Natutulog sa loob ng alkansyang pabilog. Bilog na kulay asul. Ang alkansya ni
buboy -baboy. Si Buboy hindi baboy. Payat siya. Yung alkansiya ang baboy. Hitsurang
baboy ang alkansya ni Buboy. Kaya noong natulog si Buboy katabi ang kanyang
baboy, nang nagpakita ang silahis- ang nakasisilaw na silahis ay biglang naging
lechon ang baboy. Kasama si Buboy na hindi baboy. Payat siya. Pero ngayon patay
na. Wala na. Walang abog. Mayroong tunog. Tunog ng palahaw na mayroong pag
sinok. Inalog. Wala na yung tunog. Nawalang lahat nang sila ay natupok.
Stories # 5: Jess..
Kinabahan ako sa
ikinikilos ni Jessica nang tumayo siya't lumabas ng kwarto. Waring may
bumabagabag sa kanyang isip mula pang kaninang pinagsasaluhan namin ang
paboritong leche plan. Kahit anong tamis sa bibig ay may kung anong pait sa
pakiramdam. Nababasa ko sa kanyang mga mata. Umuulan sa labas. Bagamat hindi
malakas. Naroong lumalagos ang mga patak sa mukha ni Jessica na di ko alam kung
paano patitilain.
Sinundan ko siya. Balak kong magkwento sa kanya ng mga
nakatatawa o biro. Yung may green humors. Yung nakaaalis ng kanyang lungkot
ngayon. Hindi ako sanay na ganoon siya. Alam
ko, kahit hindi niya pa sabihin sakin. Kabisado ko na siya. Ang lahat sa kanya:
kung ilan ang hibla ng buhok niya sa ilong, ilang beses siya maligo sa loob ng
isang linggo; ilang baso ng tubig ang naiinom sa maghapon; kailan siya badtrip,
kailan siya masaya, kailan siya mayroon at kung kailan pwede na...
Pero kanina, naghinala na ko nang sabihin niyang pwede na. Tiningnan
ko agad ang kalendaryo. Petsa atrese. Linggo. Napakunot ako pero hindi na ko
nag-usisa. Naisip ko na lang na siguro naisip niyang ang linggo ay para sa araw
ng pahinga. Pahinga para sa mabibigat at nakapapagod na gawain sa latian. Para sa
ikagagaan ng pakiramdam ko at niya rin marahil. Kaya sino ako para magkait at
tumanggi sa muling pagbaba ng langit sa aming munting dampa.
Lumabas ako. Inabutan ko siya sa baybayin, sa tabing-dagat. Naroon
siyang nakatanaw sa malayo, sa may laot, sa malawak na karagatan o maaaring sa
nakaraan. Lumapit ako. Anong bumabagabag
sayo? Agad kong tanong kay Jessica. Kanina ka pang walang imik a, may
maitutulong ba ko? At lumingon siya pagdaka kong masambit ang kataga, na waring
nabuhayan ng loob. Malaki ang matutulong mo. Nakatitig siya sa mga mata ko na
waring hinahanap sa kung saan ang katapatang maisusukli sa kanyang panambitan. Iligtas
mo ang dagat tabang.. Ang mga baklad na nabuwal. Kumunot-noo ako sa sinabi niya.
Kailangan mo kong tulungang papagtibayin ang bumbon, ang mga talaksan. Para sa
sangkaragatan.
Hindi ko maintindihan ang
ipinapakiusap niya. Bakit niya inaalala ang sankaragatan? Inaalala mo ba
ang mga isda? Mga hayop sa dagat? Lumapit ako't agad siyang niyakap. Dama kong
mabigat ngang pag-aalala niya sa mga nilalang na nabubuhay sa karagatan. Inalo ko
siya. Niyakap. Oo, huwag ka nang mag-alala, maaayos din ang lahat. Ngunit humilagpos
siya sa pagkakayakap ko sa kanya. Humakbang palayo sakin.
Mukhang di niya nagustuhan ang naitugon ko. Kung ayaw mo
kong tulungan, ako na lang. Nag-iba ang timbre ng boses niya -sa tonong may
pagtatampo. Malakas ang palahaw ng puso ng karagatan at di na ko makatitiis na
magsawalang kibo na lang. ? . Kaya anong gagawin mo?
Ang marapat!! At matagal ko na dapat ginawa! At lalo pa't
tinatawag na nila ko.
Napapakunot pang lalo ang nuo ko sa mga sinasabi niya pero
mukhang seryoso naman siya. Jessica ano ba?! H-hindi kita maintindihan! Ang nasabi
ko na lang dahil sa pagkalito. Hindi mo nga kailanman maiintindihan! Saglit nga
Jess! Bak- naudlot ako. Bigla nagtanggal siya ng kanyang damit. Humantad sakin
ang hubad niyang katawan. Ang kanyang kabuuan. Wala na siyang anumang suot na
mas lalong nakapagpalito sa akin. Naguguluhan ako. P-para san yan? Bakit ba? Nababaliw
ka na b- lumusong siya sa tubig. Ni hindi siya lumingon, ni bumanggit ng
anumang salita, ni hindi pinansin ang sinasabi ko, bagay na nagpalala pang lalo
sa isiping napapaano na nga ba si Jessica. Sinundan ko siya. Lumusong rin sa
tubig. Subalit nabigla ako nang nakita ko... Buntot ng isang malaking isda. Makulay
na buntot na nakadugtong kay Jess.. Si jess. I-isa syang sirena?? Taong isda.. S-sirena!
Jessicaaa! Pero ni hindi man lang niya ko nilingon, malayo na ang kanyang
nalalangoy. Malakas na ang alon. Kaya napa atras ako. Gulong-gulo parin at
manghang-mangha sa nakikita. Totoo ba to? Nananaginip ata ako. Kinurot ko ang
pisngi ko. Masakit. Ibig sabihin, totoo nga. Si Jessica... At nawala na siya sa
paningin ko. Wala na siya. Wala na. Wala
"kuya! Kuya gising! Gising dali me sunog!!" at
napabalikwas ako sa tawag na yon ni Dayang. Nakasisilaw ang silahis na bumungad
sa pagmulat ng aking mga mata. Totoong panaginip. Hindi. Totoo 'to. Hindi isang
panaginip. Ang panaginip, nagkatotoo. Totoo.
Nyube
Untitled.
“sunog!” Me sunog! Lumabas na kayo r’yan!”
At
ilan pang kalampag sa pintuan. Mabilis na ngang lumatag ang apoy sa bawat
bahagi ng dingding. Nagngangalit ang apoy sa kisame. Bumubuga naman ng itim na usok
ang kagamitang natutupok. Lumalatag sa buong kabahayan, kaya’t malabo ang daraanan.
Sanhi ng paninikip ng hininga, masakit sa lalamunan ang itim na usok, at nagpapahapdi sa mata kaya’t hirap tunguhin ang daan palabas.
Nangagsisipagbagsakan
ang mga kahoy na nagniningas. Mapanganib pang lalo’t tangan ko si Tatang, ang tatlong
nakababatang kapatid. Nanginginig ang kamay ng kapatid kong bunso na
nakahawak maigi sa laylayan ng aking damit. Nananangis
sila’t di inaagwatan ng
pagpatak ng luha dahil sa matinding takot. Dasal nang dasal si Tatang. Iisang
pangalan lang ang binabanggit. Sinipa ko pagdaka ang pintuang nilalamon na rin
ng apoy. At mabilis tumakbo palabas.
Nagkakagulo ang mga tao. Tangan ang
balde ng mga lalaki at sinasabuyan ng tubig ang kani-kanilang nasusunog na
kabahayan. Di magkandaugagang kipkip ng mga kababaihan ang kanilang mga
sanggol, habang ang mga anak na nakapaglabas ng iilang gamit ay naroong
nagbabantay. Mga kagamitan na dahil sa pagmamadali, ng pagkataranta ay nabitbit
palabas.
Iisang mukha ng lahat habang
pinagmamasdan ang kanya-kanyang kabahayang mabilis. Nilalamon ng apoy. Mukha ng
panangis para sa mga ari-ariang naipundar ng ilang taong pinagtrabahuhan. Na
ang ilan pa nga’y di pa natatapos bayaran: mukha ng matinding takot, ng panangis, ng
panlulumo at panangis.
Wala pang tumitilaok na manok, nasa kalagitnaan pa lang ng pambubuwisit ang mga
lamok, na biglang nabulabog dahil sa hindi inaasahang pagkapal ng usok, ng
napakaiitim na usok. Noon ay kinaiilagan ng mga tagapagdala ng dengue at malarya
ang usok lamang na likha ng mga lion at baygon, pero noong mga oras na iyon,
nagsilikas ang mga ito. Bitbit ng mga lamok ang kanya-kanyang balutan.
Walang maliwanag na buwang makikita sa
kalangitan. Nakatago marahil sa mga ulap, na pinaiitim pang lalo ng mga
pangyayari. Pero hindi importante ang maliwanag na buwan ng mga oras na iyon.
Napakaliwanag na kasi ng paligid, parang isang napakalaking bonfire sa palibot
ng mga taong nagmumukhang duwende sa dami at liit. Nagiging panggatong ang mga
kabahayan. At pinagniningas pang lalo tuwing may sasabog ng mga tangke ng
shellane, M-gas o kerosene. Tanggap na ng ilan ang maliwanag na pagkawala ng
mga pangyayari, ari-arian, ng buong kabahayan. Maliwanag na abo na lang ang
buong kasasapitan nila.
Umalingawngaw ang lansangan mula sa dako kung saan. Napalingon sa paparating
ang mga residenteng nakapaligid sa nasusunog na kabahayan. Ang alingawngaw ng
pag-asa na makapupula sa nagngangalit na apoy. At nagbigay ng daan ang mga tao
sa ilang fire truck na rumiresponde.
Nagsibabaan ang mga bumbero, hinawi
ang mga tao. Inihanda ang naglalakihang hoss at sinimulang pahinahunin ang
lumalamon sa kabahayan. Nadagdagan naman ng lakas ng loob ang mga kalalakihan,
kaya’t hindi nila lalong
tinigilan ang pagsasaboy ng tubig gamit ang kanya-kanyang balde. Nanginginig.
Kumakabog nang malakas ang dibdib, hindi maipaliwanag ang pakiramdam.
Halo-halong emosyon. Pinahid ng isa ang nangingilid
na luha sa mga mata. Hindi pagkaduwag ang ibig-sabihin ng pagluha ng lalaking
iyon. May mga pagkakataon lang na tinatalo ang paniniwalaang tatag ng labis na
pagmamahal. At sa kanya ang tanging naipundar. Kanina pang kinakalampag ng
lalaking iyon ang tarangkahang bakal, ang kanyang bahay na nilalamon ng rin ng
apoy. Naka-padlock pa ito. Marahil tulog pang mga tao sa loob. Paulit-ulit na
malalakas na kalabog-katok ng lalaking hindi na malaman ang gagawin kung paano
gigisingin ang mga nasa loob. Dumampot siya ng bato. At inihagis sa may pintuan
habang sumisigaw ng pangalan. Lumikha ng malakas na ingay ang inihagis na
malaking bato. Kumalabog. Ngunit wala paring sumasagot mula sa loob. Walang
pwedeng daanan maliban sa tarangkahang iyon. Palibhasang naka-konkretong bakal
ang buong harapan. Kandado ang gate at sinamahan pa ng sobrang init na
nagmumula sa naglalagablab na apoy na mabilis nang kumakalat sa buong bahagi ng
kabahayan.
Sinipa-sipa niya ang konkretong bakal
ng tarangkahang iyon. Nagsasayang lamang siya ng lakas –nakakandado itong maigi. Lumingon-lingon siya.
Hindi mawari ang hitsura ng lalaki. Alangang inis at panangis. Humagilap ng
anumang pwedeng ipampukpok sa kandado. Dumampot
muli ng bato. Ubod-lakas na inihampas sa kandado, ngunit sulidong bakal ito.
Hindi uubra lalo’t pahirapan ang hampas, nasa loob ang pagkakasara at masyadong mababa
para maabot.
“ba’t ayaw nyo pang magsilabas diyan!!” Sigaw niyang wari’y umabot
na sa sukdulan ang pagtitimpi, sa galit.
Ibinato niya ang hawak sa nagniningas nang pintuan ng kanyang bahay at pagdaka’y bumaling sa may tangan
ng hoss. Walang anu-ano’y kinuha niya ito sa bumbero. Sapilitang inagaw ang pamatay sunog.
“A-ang-mag-ina-ko!!” At pinihit niya sa
pagkatodo-todo ang hoss. Kasunod ang biglang pagpilandit ng mas malakas na
pag-alagwa ng tubig. Nakatutok sa kanyang bahay na nagliliyab.
Nilalamon na ng apoy ang kabuuan ng
bahaging harapan ng kanyang bahay. Nagliliyab ang pintuan. Umabot na sa poste
ang ningas ng apoy, sa kable ng kuryente. Napakataas.
“trabaho po namin ‘to. Amin na po.” Anas ng bumbero sa aligagang lalaki.
“hindi pwede! Puta! Ang mag-iina ko, nasa loob pang mag-iina ko.” Wala nang patid ang daloy ng luha ng lalaki, nakikiusap ang boses nito, nagmamakaawa
para sa pag-asang baka maapula ang apoy na iyon na unti-unti nang nilalamon ang
buong kabahayan.
"kami
na lang pong bahala," pakiusap ng bombero. Matapos ay pilit kinuha ang
water hoss sa lalaki at sumenyas sa kasamahan na may tao pa nga sa loob. Ngunit
sa pagkawala ng tangan, kinuyom ng lalaki ang kanyang kamao at At sinikaran sa mukha ang bumbero
"nasa loob pang mag-iina ko! Putang na!"
Nabigla rin ang mga nakakita sa ginawa ng lalaki
"asang silbi nyo?! Kanina pa me sunog dito!" at ang
reaksyon ng nakapaligid ay ang pag-awat sa lalaki. Lalo pa't kwinelyuhan nito
bigla ang bomberong di naman nanlalaban.
"ba't ngayon lang kayo! Tang na nyo!" ulit ng
lalaking nag-aalab na rin sa galit.
"tama na adre!" at pinagtulungang hawakan ang isa.
Iginapos sa kanilang mga bisig. Doon ko lang nakilala ang mukha ng lalaki -si
mang Ismael iyon.
Kakauwi lang niya galing sa trabaho. Si mang Ismael...?
Napalingon ako bigla sa kanilang bahay. Sobrang laki na ng apoy, na
nagngangalit sa paglamon ng tanging pasukan. Walang pag-asang makaraan doon.
Hindi pupwede... Ang mag-iina ni mang Ismael, maaring nakulong na sa loob. Hindi
pwede.. Noon din. Iniwan ko sa kinapupwestuhan sila Tatang. Naisip kong
magbuhos ng isang timbang tubig sa katawan. Makatutulong ito nang mabawasan
kahit paano ang matinding init. Mas madali sana kung ang kisame o dingding ay
gawa sa kahoy. Kaso hindi. Isa sa mga bahay na halos kabuuan ay bato ang kila
mang Ismael. Bakit hindi, kung mayroon namang ipambibili. Malaki ang sahod ng
isang operator ng elevator sa isang first class hotel sa Makati. Dagdag pang
malaki-laki ring sahod ang sa anak na call center agent. Kaya't masasabing may
sinasabi na sa buhay. Kaya nga't ikinulong sa bakal ang harapan ng bahay, na
ngayon e, pahirapang pasukin dahil sa pagkakandado at sa nagliliyab na apoy.
Makitid ang tungtungang pader sa pag-akyat ko sa bakod, na
harang sa pagitan ng estero't mga kabahayan. Isang kibot lamang o isang maling
hakbang ay tiyak kong ikahuhulog. Pero hindi ko ikinabahala ang anuman nang mga
oras na iyon. At para saan? Nang hindi ko siya mailigtas. Sila, na nasa loob
pa. Natitiyak kong ilang mga sandali
pa'y hindi na nila kakayanin pang manatili roon. Lubhang malaki na ang apoy sa
tarangkahan ng bahay na iyon ni mang Ismael. Marami nang nagtutulong-tulong na
mabuksan ang kandado nito at paulit-ulit na mapatid-litid na sigaw ng mga tao.
Nasa panganib ang mga nasa loob. Hindi pupwede. At minadali ako ng labis na
kaba't pag-aalala. Iisa lang ang naiisip kong maaring daanan. Pagtungtong ko ng
bubong, agad kong tinungkab ito. Lumangitngit. Naka-konkreto ang pagkakapako ng
bubong na iyon. Ilan pang ubod lakas na pagtungkab ay nagkaroon na ng uwang.
Lumabas ang maiitim na usok. Maari nang magkasya ang isang tao roon. Agad ang
apuhap ko sa kung sino. Madilim ang buong kabahayan dahil sa maiitim na usok,
sa naglalagos na maiitim na usok sa buong paligid ng kabahayan. Sige ang sigaw
ko nang mabatid nilang naroon ako. At hindi nga ako nagkamali, narinig ko nang
may tumatawag ng pangalan ko. May naaninag na kong naroon. May pinagtutulungang
iangat ang dalawa na isang hindi ko pa masyadong makita kung sino.
"abutin mong kamay ko! Kapit!" ang sigaw ko sa kanya at buong lakas kong
hila-hatak papaangat nang mahawakan ko ang kamay niya. Ang bigat, na sinamahan
pa ng pahirap na usok. Nalalanghap ko na,'t nagpapatindi ng bigat. Masyadong
mausok. Madilim. Masakit sa lalamunan. Sa mata. Tumitindi ang singaw ng init.
May apoy na nagmumula sa ibaba. Mabilis nang kumakalat. Hinigpitan kong
pagkakakapit sa kanyang kamay. Humanap ng makakapitan. At isang ubod lakas kong
hatak sa kanya. Natumba kami. Napayakap siya sakin. Noon din nasilayan ko ang
kanyang mukha. Isang malaking pasalamat ko. Tahan na Jess.. Tahan na. Pang-aalo
ko sa kanya na sige na ang pag-iiyak at panginginig ng buong katawan.
"h-hindi pwede! Sina mama-s-si ate-tricia. Na-nasa loob
pa...” sa ani niyang iyon ay bigla kong naalala ang dalawang nag-aangat kanina.
Kahit hindi ko halos maaninag ang mga mukha. Naroon pa sila. Naiwan pa sila
doon. Agad akong naalarma, pero may kung anong humarang sa pagtatangka kong
muling lumapit sa butas. Biglang napahigpit ng kapit sakin si Jessica. At
naramdaman ko ring biglang lumangitngit ang bubong. Mukhang bumababa nang
kinatutungtungan namin. Napaatras kami. "sina mama..!" giit niya
sakin. Ngunit biglang lumagos ang apoy sa uwang ng bubong. Hinarangan na ng
apoy ang tanging maaaring daanan. Naramdaman ko naman ang malakas na
paglangitngit ng tinungtungan namin. Napa atras pang lalo kami. Babagsak ng
kinatutongtungan namin. Bibigay na anumang oras. Napapikit si Jessica at
kumapit nang husto sa akin. At ilan pang atras namin. Hindi ko na namalayan,
natapakan ang marupok na na kahoy. Napasigaw si jess nang mawalan kami ng
pagkabalanse.
Dyes
Ang
akyat-bahay
at
si tulo-laway
Chum: 2 case San Miguel Beer pilsen/
Pika-pika
“Jess?!” Ang gulat ko bigla sa kanya nang pagkamulat ng mga mata ko’y siya ang nabungaran.
Nakatingin lang siya sa akin at halata kong pinagtatawanan niya ko kanina pa. Siguro
kanina pang mula sa kasagsagan ng mahimbing na paglalakbay ng isipan. Bumangon
ako. Nagpunas ng mukha gamit ang kumot. Butil-butil
na pawis sa noo. Nakahihiya, naisip ko.
“bakit ka andito?” Agad kong tanong sa kanya nang mabaling ang isipan niya sa dapat
isagot. Tumindig siya sabay namewang.
“pumasok na ko. Kanina pa kayak o kumakatok!” Aniya na
mababakas ang pagkayamot sa hilatsa ng kanyang ayos. Pusturang ewan. Mahabang
damit na pang-gangster na tinernuhan ng maikling shorts na may mga tastas at
butas.
“tawag ako nang tawag kanina pa, ala namang sumasagot,” dugtong niya pa na
sinamahan ng pagtaas ng kilay, na hindi ko masyadong
pinansin dahil abala kong nagpupunas na ng laway-laway sa bibig. Nagtatanggal
ng namuong muta mula sa saglit kong napahimbing na idlip. Sumagi sa isip ko ang
sabi niyang pagtawag sa pangalan ko, tumagos nga yata sa panaginip ko. Doon sa uwang ng bubong. Panaginip lang yon?
Pusang ama talaga, mukhang hindi yun panaginip, mas magandang sabihing
bangunot. Pati sa bangungot nandoon ka. Tsk!
“paano ka nakapasok dito?” Kunwari’y painis kong sabi ko sa kanyang pang-iistorbo.
“binuksan ko yung pinto,” paliwanag niya sabay sampa sa katre ko at panatag na inihiga ang
sarili, “hindi ka naman kasi nag-la-lock”
Nanghablot ng unan na akala yata’y nasa sariling bahay ang
hinayupak.
“kala ko nga walang tao. Tapos andito ka lang pala!”
“pinanonood mo kong matulog?”
“hindi no! … Ang himbing nga ng tulog mo,” tumingin siya sakin na parang nang-iinis.
“may halinghing pa. Ah! Ah! …yak! Siguro nagwe-wet dreams ka?!
Pinagpapantasyahan mo ko no?”
Napahinto ako bigla.
“ew!” Napakamot ako ng noo, wala ako sa wisyo para makipagbanatan ng salita.
“may napanaginipan ako, pero hindi yon wet dreams! Isang bangungot!” Ani ko sa kanya na
ngingiti-ngiti lang sakin. Tanda na hindi kumbinsido. Tumayo ako at pagdaka’y lumabas ng kwarto.
“pagpantasyahan ka? Ew! Ang ganda mo naman,” sabi ko habang papunta sa banyo. Napansin kong sumunod rin siya. Akala ko’y hanggang sa loob.
Mabuti’t hindi.
“maganda ako talaga, ayaw mo lang aminin.”
Nangisi lang ako sa sinabi niya.
Sinindi ko ang ilaw ng palikurang kahit papaano ay nakatiles na (salamat sa
kapitbahay na nag-renovate ng bahay, yung ilang patapong tiles na hindi na nila
kailangan ay ibinigay samin. Sana nga nilubos na nila’t samin na rin ibigay ang mga hindi na nila
kailangang appliances).
Napalingon ako nang bumukas ang t.v
nakaupo na siya agad sa sofang hindi de kutson. Hawak-hawak ang remote ng
telebisyon. Bigla, lumipat ng tsanel kahit hindi siya pumipindot sa remote.
Nakita kong napakunot siya.
“ayos to ah, otomatik. Ahahaha!” Tumawa siya ngunit hindi ko na lang pinansin. Ewan
kung matatawa ako o mahihiya.
Binuksan ko ang gripo at sinahuran ang balde. Pamilyar na pakiramdam ang
naramdaman ko sa pagdampi ng tubig sa aking mukha. Doon sa kaisipang iyon. Si
mang Ismael sa panaginip ko. Nakita kong bigla nang mapapikit ako sa pagsabon
ng mukha, pati si aleng Elena. Alam ko parehas wala na sila. Matagal nang
patay. Hindi ko alam ang dahilan pero alam ng lahat na inulila na sa magulang
sina ate Patricia at si Jessica.
Kung ikwento ko kayak ay Jess yung
tungkol sa panaginip na iyon, tungkol sa magulang niya. Pero baka lang siya
maiyak at emosyunal pa naman ang hinayupak. At hindi ko na naman maalala ngayon
ang buong detalye. Yung lagablab lang siguro, maliwanag na silahis na nakasisilaw.
Daigdig ng napaka-init na apoy. Daigdig ng apoy. Daigdig ng init, yung ganoong
konsepto. Yung ibang eksena wala na sa isip ko, kaya huwag na lang.
Kinapa ko ang tabo nang maramdaman kong masakit na sa mata ang sabon. Ngunit
inabot niya sakin. Hindi ako medyo makadilat. Mahapdi sa mata. Banlaw. Banlaw.
Banlaw. Pagkawala ng sabon nakaupo na siya sa bowl.
“anong ginagawa mo diyan?!” Bulalas ko nang nabigla sa di man lang naramdamang pagpasok niya.
Napatayo ako.
“bawal na ba umihi?” Sambit niya sabay alok ng isang nakalolokong ngiti. Dali-dali akong lumabas ng banyo. Nakatalikod na ko pero parang nakikita ko
parin ang anyo niya roon habang nakaupo. Ang lantad na bahaging iyon ng maputi
niyang hita. Napailing ako. Kinawag ang ulo sa kabastusang gumuguhit sa
imahinasyon. Nabura. Ngunit bigla ang pagtunog ng kung anong bumagsak sa banyo.
Napalingon ako agad. Gumana kahit hindi iniisip na paganahin ang voluntary
muscles para agad na sumaklolo sa kanya.
Ayon, malambot, matayog ang hindi
sinasadyang nasapo ng aking kaliwang kamay habang kalong-kalong ng kanan ang
kanyang ulo. Ilang sentimetro na lang sa kanyang pagkabaldog sa flooring na
nakatiles at pagkaalog ng kanyang matigas na ulo, na kung mauuwi sa amnesia –makakalimutan niya kung
sino siya at lahat-lahat sa paligid niya. Kaya bago pa ako makalimot sa sarili at kung ano pang magawa ko, agad ko siyang inangat
nang tuluyang makatayo… Pero madulas ang sahig dahil sa nagkalat na sabon… Bigla, hindi gaanong
kagaanan ang dumagan sakin. Lapat na lapat na parang nakabaliktad na bundok sa
kapatagan. At ang kapatagang iyon, nakadama ng kung ano nang
malamang bundok ang nakapatong sa kanya. Isang matayog na bundok na hindi pala
isa kundi dalawang bundok na nagpabilis sa tibok ng puso ng kapatagang iyon. At
ayon, parang huminto ang lahat…
Ang mga mata niya, kapag tinitigan ay
ganoon kaganda, parang may kristal ang loob… At ang labi niya mapula-pula na manipis at
mukhang masarap tikman na… Bakit ganoon ang amoy.
“nakainom ka?” Bulalas ko, pero hindi ko kailangan ng sagot dahil tiyak ko yun. Tanto ko na kung bakit kakaiba ang ikinikilos niya, hindi
normal.
“ilang shot lang,” sagot niya sabay ngiti. “bakit mabaho na ba hininga ko?”
Napailing ako, “medyo lang. H-hindi
masyado” kasabay ay mabilis na pagtayo ko. Baka kung ano pa ang isipin niya. Matapos makasuhay, tinulungan ko siyang makatayo.
Ngingiti-ngiti lang siya habang itinataas ang hindi pa pala nasusuot na
maikling shorts. Hindi ako nakainom pero ramdam ko ang biglang pamumula ng
mukha ko. Tumalikod. Lumabas ng banyo. Matapos ay lumabas din siya, ngunit
dumeretso sa kwarto ko. Napakunot na naman ako ng noo. Anong gagawin niya doon.
Mukhang pahiwatig na yun ng kung ano. Sign from heaven? O it’s a sign to heaven?
Kailangan ko bang sumunod? Pero bata pa ako para dito… Susugod ba? Hindi.
Hahakbang na ko, pero ayos lang naman kung…
Lumabas siya, dala ang charger ng
cellphone niya na hiniram ko kahapon sa kanya.
“empty bat’ ako, hindi ko matext yung dyowa ko e,” wika niya pagkalabas ng kwarto. Lumiwanag ang
nalalabuan kong isipan, pero bigla ring dumilim.
“sinong dyowa mo?” Bulalas ko.
Ngumiti siya,”biro lang! Selos ka kaagad e ‘antaray mo nga!”
“abnormal ka!”
“tsk! Alis na ko,” putol niya na may pagkayamot ang tono. Wala na kong magagawa.
“sige lang,” tugon ko.
“nga pala me inuman sa bahay. Birthday ni ate tricia.”
“hindi siya pumasok? Di ba panggabi yon?”
“maya pang eight,” aniya. “punta ka na lang”
“di ako umiinom e”
“tsk! Wala nang lalaking hindi umiinom ngayon!” Napangisi siya at waring nanunukat.
“ako”
“tsk!”
“ikaw?”
“beki ka alam ko yon!”
Nagpanting sa tenga ko ang salita
niyang iyon.
“sino? Sino?!” Nagpukol ako ng matalim na tingin sa kanya. Humakbang papalapit.
“ulit?” Gumanti siya ng tingin, at naglaban kami ng matalim na tingin.
“ikaw! Ikaw!!”
“Bading. Chokla! Si-la-his! Beki, pamint-”
Napahinto siya. Mariin ang pagkalapat
ng aming mga labi. Huminto ang orasan ng bahay namin. Matagal din.
“aray!!” At nahinto ang sandaling iyon. May tumulong dugo mula sa manipis niyang
labi. Nataranta ako at agad pinunasan ng
hinlalaki ang pagdaloy niyon. Napansin kong namula siya.
Umandar muli ang oras. Mabilis siyang
nawala sa harap ko. Tumakbo papalabas ng bahay, habang hindi ako makagalaw sa
kinatatayuan ko. Iling. Nagising ang diwa at pagdaka’y sinubukan
kong sundan ng tingin kung saan na siya napunta. Luminga-linga sa paligid.
Wala na siya.
Onse
Bato-
bato pik
sa
saliw ng pangwakas na awit
Chum: 1 bottle mineral water/
Isang buntong hininga nang matiyak kong nakauwi na nga siya. Napatingin ako sa
langit. Walang mga tala, walang mga ulap. Wala lahat.
Napatingin ako sa paligid, pinagala
ang paningin sa kung saang kayang marating ng paningin. Nagmasid-masid. Maingay
ang pag-alog ng tambyolo mula sa harap ng bahay nila Wilma. Umpukan na ang mga
tao sa kanya-kanyang session sa bawat lamesa; sa kabilang banda, nagsasara ng
beauty parlor si ate Kris -na dating siga, pero noong iwanan ng asawa ay naglaro
na ng manika; katabi nun ang karinderya naman ni aleng Pilar na kanina pa bugaw
nang bugaw ng langaw gamit yung manipis na istik ng kawayan na may nakatali sa
dulo na ginupit-gupit na plastik bag –nilalangaw na siguro ang mga tinda niya; at sa katabi
banda ay yung langaw at bangaw sa garbage bag na bitbit ni aleng Bebe. Tiyak
nang deretso sa tabing ilog yung basura nilang
hanggang dito sa amin umaabot ang bango ng alingasaw; sa tapat naman ng bahay
nila Jessica, paparada pa lang yung tricycle ni kuya Monching. Pagarahe na sa
tapat ng kanilang tinda-tindahan; habang takaw pansin naman ang mga
pakendeng-kendeng na lakad ng mga wow sa hubog ng katawan. Saglit na natuon ang
paningin ko sa kanila: ayus sa micro-mini-skirt na tinernuhan ng pang-itaas na
masikip na tube na tanging pumipigil sa pagluwa ng kanilang mga dibdib. Puno ng
kolorete ang mga mukhang pinaputi at pinakinis ng facepowder –ang residente ng
pugad-langaw na nagbibigay aliw sa mga nais maaliw, mga parokyanong nais
magpalipas ng gabi sa kanlungan ng mga anghel na ang hatid ay langit. Kapag
nagkapera ako, papasok ako sa isa sa mga kwebang iyon na puno ng patay sinding ilaw. At para masaksihang muli ang misteryosong
big night show tuwing holidays at holyweeks.
Yung nga extreme na palabas: yung mga
naglalagablab na apoy sa kamay ng mga babaeng gumigiling-giling; yung mga
lumululon ng espada. Sana madama ko rin yung pakiramdam na sayong espada naman
yung nilululon; yung magic. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung ano kayang
misteryo ang nasa likod ng pagkawala ng perang papel na iniipit sa bibig ng mga
bote habang may gumigiling pababa sa ibabaw ng lamesa. Misteryong nais ko ring
masaksihan nang harapan. Makita ng mga mata ko rin mismo. Wala na ang mga
babae. Busog na ang mga mata ko pero mukhang bitin ang isip.
Sa
pagpinid ko ng pinto, unti-unting bumubukas ang ilaw ng entablado sa aking
isipan. Dumiretso ako sa banyo, isinara ang pinto. Ni-lock. Sandali akong
napatingin sa bowl, at naalala ko (o pilit kong inaalala) ang pwesto niya roon.
Ang bahaging iyon ng kanyang maputing hita at unti-unting nagiging kabuuan. Ang
batang iyon sa pag-indayog ng balingkinitang katawan, may malusog na dibdib –may potansyal siya.
Napapailing tuloy ako, kinakawag-kawag
ang ulo sa imahinasyon gumuguhit sa isipan. Ayaw mabura. Pinulot ko ang mabangong sabon sa sahig. Madulas at mahirap hawakan.
Pumiglas, ngunit nadampot din. Nagsabon sa mukha, mga ilang pahid. Ilang
pagkuskos.
Binuksan ko ang gripo at sumirit ang tubig mula roon.
Malakas ang bagsak ng tubig sa balde. Pinatagal ko ang sabon saking mukha.
Nakakangalay. Naupo ako sa trono. Nagmuni-muni. Hawak ang sidron kahit wala ang
paboritong kalatas ni bathalumang Approdite ng Romanya. Pero biglang nabasag
ang saglit kong katahimikan nang narinig ko ang alingawngaw ng speaker na
nagmumula sa katabing bahay. Nagpi-feedback. Masakit sa tenga, garalgal
pa ang tunog nito. Maya-maya’y tumugtog ang isang pamilyar na kanta ng namayapang pop icon na si M.J –yung kantang ‘Yesterday’.
Isang buntong hininga, pinatugtog na
naman ng pasikat na kapit-bahay ang bago nilang component. Mabuti na lang ay
paborito ko yung kanta. Ang kanta ni pop idol Michael Jackson, na
pinagpasa-pasahan ng mga nahilig sa pop songs ni M.J, na nagkaroon ng iba’t ibang bersyon. Mga
humigit kumulang 2,000 na interpretasyon ng mga kilala at hindi kilalang
artists. Yung kantang iyon na una kong narinig sa
tricycle ni kuya Monching. Malakas na sound-trip habang nakasakay ako sa loob
ng kanyang tricycle habang dumadaan kami sa lubak-lubak na daan.
Para akong napapaindak noon dahil sa
kanta o dahil na rin sa lubak-lubak na dinaanan namin. Yung lubak na halos
nang-aalog ng buong pagkatao, na para akong itlog na binabati sa isang bowl o
parang ako yung nagbabati ng itlog. Ganoong pakiramdam. Nakatatawa at
nakatutuwa na habang nakaupo sa trono –hindi yung pakiramdam na may background song na M.J. siguro ay yung pakiramdam na may dinadaanang lubak yung sinakyan kong
tricycle ay para akong itlog na binabati o yung taong nagbabati ng itlog.
Umaapaw na yung tubig sa balde nang may kumatok. Pigil ko bigla ang salita. Si
Tatang, naisip ko.
“may tao?” Katok nang malakas. Nakilala ko yung boses. Hindi pala si Tatang.
“walang tao!” Sigaw ko. Si Dayang ‘yon, ang isa sa tatlo kong kapatid na babae.
Pinihit ko ang gripo.
“bilisan mo kuya, naiihi na ako,” mula sa labas ang tinig, natiyak kong naroon na nga silang tatlo. Kakauwi lang galing eskwelahan. Ibig-sabihin
pasado alas-sais na. Ayus, wala pang pang-hapunan. Toka ko ngayon ang
pagsasaing.
“sandali. Patapos na ko!” Ayus talaga. Agad ang pagtayo ko sa bowl. Dali-daling nagbanlaw.
Banlaw. Bumaling muli sa bowl.
“bilis kuya! Sasabog na pantog ko!”
“oo na,
saglit!”
Nagmadali na ko. Narinig ko pa yung
pagbulusok ng tubig nang ibuhos ko ang isang timbang-tubig. Umiikot ang kung
ano. Ikot. Ikot. Ikot. Ayaw lumubog. Buhos
uli. At Ayos! Lumabusaw.
May tumilamsik… dumampi
sa paa ko. Mainit-init.
*wakas*