Saturday, December 29, 2012

Life is a kaliedoscope




    Life is a kaliedoscope
          ...puno ng ilusyon
              gaya ng pandora's box
                           ang sagot ay nakakahon
              si Psyche naghihintay ng padala 
    ng kanyang nanay na DH sa Iraq
naging balikbayan ang pugot na ulo ng ina
                               -katawan ay nawawala...
              May batang may hawak ng kahon
         sa gitna ng mataong lugar
     na biglang sasabog
durog, lasug-lasog ang mga inosenteng katawan
          kulang-kulang isandaang libong sugatan
                     at limang daan ang wala nang buhay..

Life is a kaleidoscope.
                   puno ng kulay...
                      kulay pula ang bikini ng prosting minor
                                         na naghuhubad ng puting pagkatao
                  asul na plastik-bag sa maduming kayumangging paa ng mga batang kalakal
          na nasa luntiang bundok ng Payatas
dilaw naman ang laso sa berdeng kotse
          ng paring kakapark lang sa bagong pinturang Sogo Hotel
                   at iba't iba pang mga kulay ng buhay gaya ng kaliedoscope...

ansarap sumilip...
                    kailangan lang itutok ang mga mata
                                 nang makita

                na ilusyon lang ang dulot ng ating pagkamangha sa mahika..



Wednesday, December 26, 2012

Gusto Kitang Kumutan ng Yakap ko



Natutuwa ako tuwing nakikita kita  
  panatag na natutulog
    sa ilalim ng tulay
      karton at sako ang higaan
         at kinumutan ka ng lamig na pangmadaling-araw

                                kung minsan, habang walang dumadaan
                                      na kala mo'y walang nakakakita sayo
                                          magdya-jakul ka
                                              habang umaawit ng mga ooh at ahh
                                                      at tatalsik lang sa kung saan...

naalala ko, nangarap kang taniman
                 ang hardin ni Miss Perpetua 
ikinalungkot mong labis
                                noong itinapon lang niya 
                                        tobleron mong hinablot pa sa kung sino
                                                bulaklak na pinitas sa kung saang bakuran
                   lumuha ka noon..
naalala ko, noong minsan sa madilim na eskinita
      hinatak mo ang kamay niya
sinikmuraan, at di nakapanlaban
          pinilit mo ang hindi maari, idinudukdok ang labi
    sa anumang bahagi ng kanyang katawan,
                 pinagsamantalahan...
                      inuusal mo, "mahal kita,
                      puta.. mahal kita Miss Perpetua! Mahal na mah..!!"
            napahinto ka
nang masilaw sa liwanag ng flashlight
   ng nagrorondang mga tanod
        agad kang tumakbo...

ngunit huli na
      nakorner ka ng taumbayan...

                           walang patid ang pag-iyak ni Miss Perpetua
                   walang patid naman ang pagtama
              ng mga sipa, kaldag, tadyak, suntok, palo ng batuta
          sa iyong katawan... at halos maligo ka sa dugo.

Mula noon, isang taon ding hindi kita nakita
                  kala namin patay ka na..
                  Oo, para sakin patay ka na
                                                                 Pero, alam mo 'Tay,
tuwing nakikita kita sa ilalim ng tulay
                               gusto kitang kumutan
                                                  ng mga yakap ko

“Dont judge the book by it's cover"



Hey! Dont jugde the book by it's cover
because still we're not the cover but the essence of the book.

                   Tayo ay mga buhay na libro. May sari-sariling istorya, kwento, kasaysayan at esensya. Sinulat sa mundong ito ayon sa itinakda ng iisang Author -ang pinakadakilang Manunulat.
Sa henerasyon natin, na printed na ang pagkakagawa mahirap tukuyin kung alin ang talagang gawa Niya. Napakarami ng mga copy-paste na lang. Emitation from the original. It means wala nang originality. In our generation -the printed books, there's a lot of emitation. Kakaunti na lang ang unique, ang orihinal na kopya ng Diyos, cause even a books can multiply itselves, using photo-copying machine. Result? It is so hard to distinguish which is the original God's handwritten books?

           Anak ng manunulat ang kanyang mga libro ngunit dalawa lang ang kinapupuntahan ng anak. Kung masunurin na anak? Syempre ilalagay ka sa good shelves -sa maayos na lalagyan. Kasi nga ikaw yung libro na hindi sakit sa ulo. Doon ka sa safety ground. Kung anak kang suwail? Hindi nagpapagamit sa kanya? Ilalagay ka sa lugar na hindi masyadong pansinin, doon sa tambakan ng mga hindi na binabasang libro, kasama ang alikabok, ipis at anay at kung minalas? wala nang halaga ang pagiging mong libro. Pwede kang gawing pantaklob sa ulo kapag umuulan, madalas nababasa (ng luha ) o kaya'y pwedeng paningas sa de-uling na kalan... but still may pag-asa pa! dahil private library ng God ang world na ito...

Binabasa ng Manunulat ang kanyang isinulat -ang kanyang obra maestra. For God is a proof reader also, for any mistakes, mis-spelled, wrong grammar, He corrects it, by His will. All things work together for good.. at walang karapatan ang libro na magreklamo, bakit ganito ang nangyayari sakin, bakit lagi akong nahuhulog sa kamalian? Isa lang ang sagot! Were still in a proof-reading process para maisulat tayo nang perpekto sa mata ng Manunulat. Kaya nga sa lahat ng pagkakataong ini-edit tayo o nirerebays, magpasalamat ka dahil may katiyakan kang ang Diyos nga ang Author mo.

Because, satan is also a writer. But only an emitator, a die-hard fanatic of God's great books. Unfortunately, no one can ever copied nor duplicate the works of the Great writer. God's style of writing is one of a kind and satan is still a trying hard copy-cut! Satan's book always has a defect, worhtless, not good at all. Satan's dont know how to create a best awarded books. Then, he maybe asked that what is the secret of God? Is it in a cover?
So satan focus on the cover. The results? lots of living books are in a good cover, but still once you read every pages, as a whole, there's no quality, no perfection, or even no worth at all. A bad books without good contents, not realiable, not in a good wordings because satan is the author.

               Sabi nga, ang libro ay representasyon ng katauhan ng manunulat. Do the characteristic of the Great Writer can be read in you? You are the one can answer this and also it will reflects into your deeds and your words. Your character must be the author's like, to be able to say that you are created by God.

If I know that God is my Author, so what must I do now?

 1. First, Always remember your essence. Your not a cover of the book, you are the essence of the book... Cover may be washed out, fades, but not the true essence of the book. So dont be so Cover-sensitive? Or so much care of your cover.. Be the essence of the book! That's the only way to feel your worth, and true hapiness! So as the title says, “Dont judge the book by it's cover”. No one can say “hey! Look at me, I am better book than you are? Look at my cover? I am beautiful and you are a pitiful, ugly book!   
Rediculous, but truth will reveal. Only the Author can say, what is the most beautiful in His eyes.

2. Second, You are not the author of yourself!
You can not control your situation, you are the book! Not the author. Dont push yourself to control your life. It will only give you so much stress, for eagerly trying to change things or getting things whatever you wanted.. your trying hard, but then in the ends you fell dis-appointed. Hey! We are not in-controlled! And maybe, the Author put you some weaknesses to be able to see your strength. Dont be so much discourage with your imperfection because, God made you perfect in His time.

3. Lastly, Being a God's book, Serve Him as He is your author!
Dont serve your self, but serve your author. Be engage yourself in loving service of God. Some books are made to be a guide, so serve God for being as a guide!! Books are made to give wisdom and knowlegde, so serve God for giving wisdom and knowlegde. Some books are made to give rules and regulations, so serve God for giving rules and regulations. Some books are made to inspire others, so serve God as you inspire other! In short, be a good book! Magpagamit ka sa Lord. Know your ability.. then use it to serve God!

When the time is fulfilled, all bad books, books that He is not the author will be put on fire. For their every pages, every words, every sentences, and even the cover will turned into ashes.

Now, the question is... “Who is your Author?”

Masasanay na lang ba kami ?


Dumaan kami sa matinding unos
            malakas na bagyo ang humagupit
                   sa barong-barong naming nilipad na ng hangin
                             ilang bahagi ng bubong na yero 
                   at trapal na itinali bilang dingding
at anong aasahan mong gagawin namin?
     maghintay na tumila ang ulan
     at magpakabasa na lang
         habang nilalamig, nanginginig ang katawan
     sa ginaw at sa gutom
hinugasan na rin ng putik na baha
     ilang gatang na bigas 
            di na rin masisid pa
            ilang lata na kinalawang na sardinas

di kami tatayo lang dito 
    at maghihintay ng biyaya
        ng pagtila ng ulan at paghupa ng baha
paano na ang panibagong bagyong parating?
   masasanay na lang ba kami sa baha?!

HINDI!

asahan mong mamumundok kami!