Natatakot ako na baka isang araw, hatakin ako ng kahinaan ko.. at yung sinasabi
ko Sayo na promise Ikaw lang ang mamahalin ko, at ibibigay ko Sayo yung the
best ko. Natatakot akong mabigo lang Kita. Mahina ako. kahit na sabihin ko,
lalayuan ko na yung mga bisyo ko. titigil ko na para Sayo. kahit ang hirap,
parang nangangati yung palad ko, pati lalamunan ko. gusto kong takasan at kung
maaari hinding hindi na lilingunin..
pero hindi madali para sakin.. masyado akong
naimpluwensyahan ng mundo noon. matagal umikot sa kamunduhan ang buhay ko.
noong wala Ka pa, kung sino-sino at kung ano-anong tina-try ko. napamahal ako
sa bisyo ko. which is, ikinatatakot ko na mahatak ako nito at mapalayo Sayo
ngayon. lalo na, nalaman kong mabilis Kang magselos, bagay na lihim kong
ikinatuwa. sino Ako para Ikaw pa ang magselos. hindi ko nakakalimutan, ako yung
nagpumilit na isiksik ang sarili ko Sayo. though I am not deserving for Your
love. ewan kung noon naawa ka lang sakin kaya tinanggap mo ko. Pero sobrang
thankful ako dahil doon, pero sana mas pagpasensyahan Mo pa ko. wag kang
mag-alala, itina-try kong magbago kahit paunti-unti.. ASAP yun promise.
kung pwede nga, lagi akong nakablind fold para di
matuksong tumingin sa iba.. kahit sabihin kong kaya kong pigilan ang sarili ko.
hindi natin masasabi, mapaghangad ang laman. madaling mahulog sa pagkakasala.
alam ko, mumultuhin parin ako ng nakaraan ko. hahanapin ko sa sistema ko ang
mga dating kinahiligan, bisyo at libangan. kaya sana mas higpitan Mo ang kapit
sakin, at ang pasensiya Mo. di ba nga, tao lang nagkakamali.
pero hanggat nandyan Ka kakayanin ko. huwag Mo lang
akong iiwan. kahit anong mangyari.. please..
Sana kahit hatakin man ako ng mundo o ng anumang
balakid satin, sana wag Mo kong bibitawan. Sana ipaglaban Mo ko.. at lalaban
din ako, sa tulong Mo, ng care at incouragement Mo sakin at sa ipinapakita Mong
pagmamahal magiging faithful ako Sayo at mabubuhay na pinanghahawakan ang
sinabi Mo sakin, "Minamahal Mo ko.. noong una pa lang." ... Kaya
thank you... wag Mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. promise, totoo yan!
No comments:
Post a Comment