Natutuwa ako tuwing nakikita kita
panatag na natutulog
sa ilalim ng tulay
karton at sako ang higaan
at kinumutan ka ng
lamig na pangmadaling-araw
kung
minsan, habang walang dumadaan
na
kala mo'y walang nakakakita sayo
magdya-jakul ka
habang umaawit ng mga ooh at ahh
at tatalsik lang sa
kung saan...
naalala ko, nangarap kang taniman
ang hardin ni Miss Perpetua
ikinalungkot mong labis
noong itinapon lang
niya
tobleron mong hinablot pa sa kung sino
bulaklak na pinitas sa kung saang bakuran
lumuha ka noon..
naalala ko, noong minsan sa madilim na eskinita
hinatak mo ang kamay niya
sinikmuraan, at di nakapanlaban
pinilit mo ang hindi
maari, idinudukdok ang labi
sa anumang bahagi ng kanyang
katawan,
pinagsamantalahan...
inuusal mo, "mahal kita,
puta.. mahal kita Miss Perpetua! Mahal na mah..!!"
napahinto ka
nang masilaw sa liwanag ng flashlight
ng nagrorondang mga tanod
agad kang tumakbo...
ngunit huli na
nakorner ka ng taumbayan...
walang patid ang pag-iyak ni Miss
Perpetua
walang patid naman ang pagtama
ng mga
sipa, kaldag, tadyak, suntok, palo ng batuta
sa iyong katawan...
at halos maligo ka sa dugo.
Mula noon, isang taon ding hindi kita nakita
kala namin patay ka na..
Oo, para sakin patay ka na
Pero, alam mo 'Tay,
tuwing nakikita kita sa ilalim ng tulay
gusto kitang kumutan
ng mga yakap ko
No comments:
Post a Comment