Wednesday, September 17, 2014

"Maghihintay ako sa muli nating pagtatagpo"

"Kung talagang para sa iyo ang isang tao, mawala man siya sayo nang mahabang panahon, magkikita parin kayo... kapag tama na ang mali at kapag pwede na ang hindi dapat," donfelimonposerio
Nagkahiwalay tayo dahil mali ang sitwasyon, dahil hindi tayo dapat magsama. Alam nating ganun ang mangyayari mula pa noong una – pero ipinilit natin ang kagustuhan ng isa’t isa. Nagpakahulog tayo sa ating nararamdaman, hindi pinakinggan ang pagbabawal ng lipunan – dahil sabi natin sa isa’t isa – handa natin itong ipaglaban… basta mahal mo ko at mahal kita, basta magkasama tayong dalawa.
Umasa akong ganun nga ang mangyayari. Pinanghawakan ko yun. Itinanim sa isip ang pangakong di man sinabi ng ating bibig ngunit ipinangako ng ating mga puso. Nagbigay sakin yun ng kasiyahan, ng inspirasyon para maging masaya ang bawat umaga, maging kumpleto ang bawat araw na daraan. Naalala ko ang bawat madaling araw na tutunog ang alarm ng cp ko, 4am -magigising ako, hudyat para tawagan kita at gisingin na rin. Magkahiwalay man tayo, magkaiba ang lugar ngunit parang ang kilos mo at kilos ko ay iisa. Sabay nating ginagawa ang mga bagay kahit hindi tayo magkasama. Hanggang sa paglubog ng araw parang walang distansyang nakapagitan sa ating dalawa, hihigang muli, pipikit, iisipin ang isa’t isa. Magtatagpo tayo sa panaginip at doon ay nagiging malaya tayo. Walang iniisip na mapanghusgang lipunan. Walang hahadlang. Puno ng kasiyahan. Uupo tayo sa lilim ng punong mangga, magkahawak kamay at iisa ang musikang ating pinakikinggan. Pinagmamasdan kita habang nakapikit ka, di mo ko mapapansing nakatitig lang sayo… kinakabisado ko ang hugis ng iyong mukha, ang ayos ng iyong buhok, ang kabuuan mong larawan. Nais ko na kahit sa aking pagpikit ay makikita ko ang maamo mong mukha. Dahil alam kong sa ating pagdilat, magigising tayo sa panaginip, gigising muli ang pangunggulila.
Mahirap para sakin ang kalagayang hindi ko maaaring sabihing akin ka, o ipagmalaking minamahal din ako ng taong pinakamamahal ko. Dahil kahit na nais kong isigaw nang malakas, nang maririnig ng lahat na “Ikaw ang pinakamamahal ko, na masaya ako dahil kasama kita.” Oo, masakit isiping hindi ko ito magagawa. Hindi ko maaaring gawin ang lahat ng ito dahil nga mali, dahil nga hindi maaari.
Alam mo bang gusto kitang ipinta o gumuhit ng larawang doon ay magkasama tayo –para kahit papaano may titignan akong larawan natin. Dahil sa ayaw mo namang magpakuha ng litrato na kasama ako, dahil takot kang baka may makakita nito. Gusto kong maging makasarili at sabihin sayong, “Hayaan mo na nga sila! Wala naman silang pakialam satin e,” pipilitin kitang wag na lang intindihin ang lipunang mapanghusga pero hindi pwede. Alam kong hindi ka makikinig. Ang hirap ng ganito na nagtatago tayo sa mundo dahil lang sa di tama ang ganito o hindi pwede ang ating gusto.
Patawad. Patawad kung napapansin mong nagiging insenstitive ako, siguro dahil nasanay lang ako sa naging sitwasyon natin, bigla na lang nawawalan ako ng reaksyon, nagiging masyadong tahimik sa tuwing may ibang taong nasa paligid nating dalawa, o sa tuwing lagi kitang tinatanong kung masaya ka ba, kung di ka ba nahihirapan, kung kaya pa ba nating panindigan... Alam kong naiirita ka sa mga tanong ko, kaya noong minsang nagtampo ka sakin, ibinalik mo ang mga tanong na yan, "Ikaw! kaya mo pa ba akong panindigan?!" sabi mo sakin. Naghintay ka ng sagot pero wala kang nakuhang tugon. Nasa isip ko nung mga panahon na yan -mahirap ang sumagot, mahirap ang magbitaw ng pangako, dahil madalas tayo nitong binibigo, dahil na rin sa mga di natin kontroladong sitwasyon o hindi inaasahang pagbabago. Sabi ko, "Maghihintay ako, hanggang maging tama na ang mali o maging tama na ang hindi maaari." hindi ko na hinintay ang reaksyon mo. Tumalikod ako. Tumalikod ako upang humarap sa panibagong yugto ng paghihintay. Malayo man tayo sa isa't isa, malayo sayo, malayo sa paningin ng kinaiinisan nating lipunang mapanghusga. Ang mahalaga, may pinanghahawakan ako.
Kaya ngayon, hanggang di pa naitatakda ang ating muling pagtatagpo, araw-araw akong uupo sa krispy kreme at gagawin ang naipangako ng aking puso, "Maghihintay akong may pananabik, hanggang sa muli mong pagbabalik."

Monday, September 15, 2014

Sorry for losing your trust

                                                   09/15/14                          
Dear JC,

Hindi na ba talaga kita makikita ulit sa krispy Kreme.
Alam ko, sa paulit-ulit kong pagpunta doon, umaasa parin ako, naghihintay parin na muli kang darating, na muli kang magpapakita. Gaya ng dati, mula sa likuran ko, tatakpan mo ang aking mga mata ng iyong kamay at tatanungin mo kung anong pangalan mo. Hindi ako sasagot dahil hindi na kailangan. Kilala kita. Kilalang kilala ko ang boses mo, ang malambot mong kamay. Kilala na kita, kaya natakot ako nang nagkamali ako. Nasaktan kita at alam kong hindi madali sayo ang magpatawad dahil sa dati ka nang nasaktan, pero ngayon naulit lang... inulit ko lang. Kasalanan ko, nagkamali na ko. Alam kong malabo na ang lahat. Sorry.
I feel being sorry for losing your trust. Alam kong nagkamali ako... nang minsang nalito -nabanggit ko ang ibang pangalan nang minsang kasama kita. Hindi ko naisip na maaring kang magselos. Nahihiya ako. Maaaring iniisip mo -kasinungalingan lang ba ang lahat. Ang pangako na ikaw lang, na handa akong maghintay sayo, na ikaw lang ang mamahalin ko, forever.
Ngayon alam ko na ang pangamba mo -hindi natin kontrolado ang sitwasyon, na maaring sa isang iglap mabali ang mga pangako, ang iniingatang katapatan ay mapalitan ng kasinungalingan, ng paglilihim, ng hindi pagiging tapat. Oo, mali ako. Wala palang forever. Sorry. I did, lost your trust. Now I am afraid of losing you. I clearly see your face in everywhere, but now it slowly fading. No! Too late of fixing my eyes. I don't see any hope for your forgiveness. Your trust is like a mirror, once it is broken by someone, the pieces reflects the broken image to those who broke it. And now, it draws a guilt on my veins. Nahihiya ako na sa isang iglap mabago ang pagkakakilala mo sakin.

Ilang oras ang lilipas sa pagkakaupo ko sa Krispy Kreme, tatayo ako at uuwing nagsisisi, uuwing bigo. Ilalagay ang earphone sa tenga ngunit walang tunog. Dahil alam ko, kahit anong lakas ng kanta, mas malakas ang himig ng kalungkutan. It drives me to put my life to its end.
Bukas, may bagong umaga... pero ngayong gabi bubuo ako ng sariling araw, isasara ang daigdig sa iba upang papasukin ang himig na magtatakda ng huling kabanata. Sorry JC, sana mapatawad mo pa ako.


                                                                                                  - Yours,
                                                                                                     Donfelimonposerio

P.S. Siguro isipin mo na lang na di tayo nagkatagpo, o di mo ko nakilala para di mo maisip na sinaktan lang kita. Sana mabura sa isip mo ang nagawa ko, o kaya ay ako mismo. Patawad.   
   

ALIPUNGA

Alipunga

Sa maghapong babad sa basa
noon'y palakad-lakad ka sa baha
sa isip mo, ito'y bagay na kalagayan ng dukha
nasanay ka, hanggang sa magka-alipunga
masakit, mahapdi, nakakairita...
Alipin nga ng pangangati
itong mga paang kinapitan ng alipunga ...
hindi maiwasang kamutin
kamay man ay sawayin,
A, mahirap labanan ang damdamin
ng isang maralita
gaya ng pagpigil sa pagkahumaling
o pag-angkin na bunga ng anumang pagkasakim
Oo, at sa bawat pagkamot
makadarama ka ng ginhawa
hanggang sa ang minsang pagkamot, uulit-ulitin,
kakainin ka ng sistema ng paulit-ulit na pagkamot
hanggang sa makalimot ka na
hanggang sa magdugo at matungkab ang balat,
hanggang sa magkasugat-sugat
hanggang sa magnaknak
himaymay ng laman ng iyong balat,
hanggang sa hindi ka na makalakad dahil sa alipunga
masakit, mahapdi, nakakairita...
kaya't, mananatili ka sa malambot mong kama
kakalimutan ang maghapong paglalakad sa basa
Oo, at di ka na sanay sa kung ano ang baha
binulid ka ng alipungang ikaw din ang gumawa

Ngayon, uubusin mo ang oras sa pagpapagamot
bibili ka ng mamahaling pampahid
kahit alam mong wala na itong bisa
dahil hinahanap-hanap mo parin 
ginhawa ng pagkamot sa paa
Alipin ka na ng iyong pangangati
at gaya ng maraming alipin,
maghahanap ka ng lunas...
ngunit wala kang balak gumaling.