Wednesday, December 26, 2012

Ayokong mawala Ka pa sakin


               Noong nakilala kita, bless na bless ako. Mula nang maramdaman kong may care Ka rin sakin. sa lahat ng mga text ko at tawag, nagrereply Ka agad, nagrerespond. Ikaw na talaga! Kahit na sinasabi ng mga tropa ko na mahirap daw ang long distance relationship. pero di ko naman yun ramdam at kailanman, hindi Mo pinaramdam sakin na may distansyang nakapagitan satin..
Kaya nga buo na sa isip at puso ko, kakayanin ko lahat ng ito at lahat gagawin ko para marestore yung relationship natin.
Gusto ko yung forever na. hindi nanlalamig, nagdududa. walang lost of connection, walang cool-off at walang break-up.

           Basta ako, iisipin ko lang na Ikaw na ang una at huli ko, Sayo lang ang buhay ko, at walang ibang kukumpleto ng mundo ko kundi Ikaw lang. di ako maniniwala sa mga naninira satin o silang magaling magpayo na huwag daw akong masyadong stick-to-one, na bakit daw ba pinaprioritize Kita kaysa sa career ko. a, bahala sila! Mas mahal Kita kaysa sa kanila. Kung dota ba o Ikaw? Syempre Ikaw. Walang halong trash-talk. at first, ano bang pakialam nila satin. hindi naman sila ang nakakaramdam ng ganitong pakiramdam. tatakpan ko na lang ang tenga ko sa kung ano mang gusto nilang sabihin. Hindi na ko ulit makikinig sa kanila.. pinagsisihan ko na iyon dati nang nakinig at sumama ako sa kanila, sa mga tropa ko, thursday ng 7pm nun, magkikita sana tayo sa Q.C Circle. kaso, hindi ako nakarating. mahina pa kasi ako noon, tipong kapag naudyukan, sasama agad. sabi kasi ng mga kasama ko, saglit lang.. ilang minuto lang. e, napasarap ng kwentuhan. tapos, biglang naglabas ng hard-drinks (pasensya na, sabi ko Sayo hindi ako umiinom pero i lied! Sorry)
Nilansi nila ko nun. sabi ko, wait.. isang shot lang ha! May lakad pa kasi ako mga adre. Ang isang shot.. naging dalawa, apat, anim na shot. ayon! Bagsak. lulugo-lugo pauwi, tumatawag ng uwak. uwak. Maasim na suka.. nasa isip Kita pero masyado akong mahina to resist. sa mind ko, kahit medyo bangag, dala ng tama ng alcohol, umiikot ang paningin binabanggit ko yung name Mo.

Humihingi ng sorry sa isip. alam kong naghintay Ka sakin nun. sorry talaga.
After nito, pinangako ko na talaga sa sarili ko, promise.. last na 'to. di na ko tatayo sa daraanan nila. magyaya man uli sila sakin, di na ko sasama at mas pipiliin Kita.. at the fist place, dapat hindi na sila ang kasama ko. Lagi Mong sinasabi sakin, and I admit it - bad influences always lead you to distraction and ruin your life. for them kasi, na dapat i-enjoy lang ang lahat. no restriction. no law. but just the freedom to fulfil the emptyness of their senses. kumbaga, kung ano ang in, they hang-out!

                 Kinabukasan, lumuhod ako Sayo. I wait for the punishment. I know, I lied. what I have done, is worth for Your unforgiveness. but surprisingly, You've done nothing. akala ko hindi Mo na ko noon tatanggapin, kung ano-anong pumasok sa isip ko. baka sa isip Mo, kinasusuklaman Mo na ko, o isinumpa kaya.which is alam kong hindi ko talaga makakaya, kapag nangyari yung kinakatakutan ko na totally i-ignore Mo ko't hindi na pansinin kailanman, na kung mangyari, ikamamatay ng buo kong pagkatao pati kaluluwa ko.
Sa pagkakaluhod ko noon, itinayo Mo ko. hindi ako nahihiya, makita man ng iba na lumuluha ako na parang bata. pinahid Mo yung luha ko. binulong sakin, "pinapatawad na kita". parang malamig na hangin, alam kong narinig ko 'yon galing Sayo.
Bigla akong narevive, at nagpromise ako, crossfinger, cross my heart -magiging faithful na ko Sayo. bawat araw, bawat oras promise ko -Ikaw lang.

Blessed na bless ako noon. Siguro lahat ng taong makatabi ko halata nila 'yon. Hindi ko ililihim, hinahanap-hanap kita lagi. kahit nasa school ako, o nasa bahay at kahit saan man. bukambibig ang Iyong Pangalan. Tipong araw-araw kinasasabikan Kang makausap, makasama.
Tapos hinihiling na sana.. sana forever na 'to! Wala nang cool-off o break-up.

                  For me, distance is not a wall between us.
because our connection is from the deepest they could ever emagine -from eternity of our soul.

Psalms 108:1

No comments:

Post a Comment