There was an error in this gadget

Monday, September 26, 2011

Hindi ko na maitatakwil ang mga naisulat ko na…

Hindi ko na maitatakwil ang mga naisulat ko na… 
Subalit para yung anak ko na hindi ko pala kadugo, 
hindi talagang sa akin,
hindi talaga ako ang sumulat. 
Siguro iniisip mo ngayon na kasinungalingan lang ba ang lahat.
Isa lang bang malaking pagpapanggap. 
Tingin ko, hindi naman. 
Hindi naman sa ganun. 
May mga bagay lang 
na sabihin na nating nagkaroon ng linaw. 
Nawala ang  piring sa mga mata ko. 
At nalaman ko kung sino  ba talaga ako
. Oo. 
Yung tunay na ako na matanggal ng nakatago
, na matagal nang naghihintay sa akin 
para magkakilalan kaming dalawa. 
Sasabihin ko na rin sayo
kung sino ba talaga ako. 
Tama hindi nga ako
yung matagal mo nang kilalang ako. 
Akala mo ako iyon. 
Pero hindi!
ako rin gaya mo 
–nagkamali rin sa pagkakakilala kung sino nga ba akong talaga. 
At ngayon ko lang rin nalaman
na ako pala ay hindi ako
ang nakilala mong ako.
Hindi ako ang hugis, agwat, espasyo
Hindi ako ang konkretong inaakala mong ako.
Hindi ako ang laman, balat, litid, apdo
, atay, ugat o dugo. 
Hindi ako ang panlabas na anyo. 
Pagkat ako ang diwa ng kaluluwa. 
Ang diwang hindi makikita ng literal mong mga mata. 
Ako ang diwa ng kaluluwa
na gaya ng bulaklak ng lotus na payapa ang diwa
sa gitna ng maruming ilog. 
Ako ang diwa ng kaluluwa 
na ang tungkulin ay ang maglingkod.
Diwa akong makikilala mo ngayon. 
At hindi ka na magtatanong
kung bakit ko laging pinupuri
ang pangalan ng aking Panginoon. 

Haribol!

No comments:

Post a Comment