Temptation
by Reymond Cuison
------------
I am struggling with temptation, I know that everyone does. Common naman yun sa tao. Kung hindi ka tao, siguro exempted ka.
Teka,
naisip ko pati hayop ata nakakaramdam din ng temptation? Yung lamok?
Alam nila kayang nakakaperwisyo sila dahil sa dala nilang dengue o basta
ang alam lang nila ay hindi nila kayang labanan ang temptasyon na
sumipsip ng dugo ng tao? ; o kahit yung aso, even sa public place basta
makakita ng ka-partner, ayun parang magnet na magdidikit. Hindi nila
malabanan ang temptasyon kahit na nakakahiya ang ginagawa nila in
public, pati mga bata nakikita ang mga ginagawa nila (naalala ko tuloy
dati nilagyan ko ng asin na may sili yung bahaging iyon na nagdudugtong
sa dalawang aso, at ayun... karipas ang takbo nung lalaking aso, habang
kinakaladkad yung babaeng aso, ngayon-ngayon ko lang nare-realize na
bad pala yung ginawa ko) pero kasi naman, wala nang hiya-hiya, hindi na
mapigilan ang temptasyon ng katawan.
Yung pusa ng kapitbahay
naming kawatan, madalas nagnanakaw yun ng ulam sa bahay ng iba pa naming
kapit-bahay, parang pinapangalandakan na magnanakaw ang pinanggalingan
niyang pamilya, siguro nga pati hayop nakakaramdam ng temptasyon sa
katawan, yung alagang baboy ng kapitbahay namin, parang kadire yung
kinakain nila na kanin baboy, ang baboy nun! pero wala e, hindi nila
kayang labanan ang temptasyon,
Like what we experience.
Yung
temptasyon, maya-maya yan nandyan. parang kumakalat na epidemya, parang
sakit, na lahat nahahawa. Lahat striving to survive. lahat humaharap sa
temptation. sabi nga, abnormal ka kapag di ka nakakaranas ng
temptasyon, na matukso ng kung ano man kasi normal yun. In the first
place, hindi mo naman kasalanan na may magtukso sayo o may mag-temp
sayo, ang kasalanan ay kapag bumigay ka! kapag nagpadala ka sa
temptasyon, yung tipong naudyukan ka, natukso ka at hindi mo na
napigilan sarili mo kaya ginawa mo.
Wait, hindi lang naman ito
tungkol sa sexual thing e, yung tukso kasi o temptation ay nasa iba't
ibang anyo. I mean, maraming ibang uri ng temptasyon.
Halimbawa,
you are tempted to take revenge, yung tipong sinaktan ka ng tao, pero
pinipigilan mo lang gumanti pero dahil may nag-uudyok sayo na gumanti e
ginantihan mo (naapakan yung paa mo, ayaw mo na lang sanang kumibo pero
yung nakaapak e nang-irap pa, tapos sabihan ka pang "haharang-harang ka
kasi e", nung narinig mo yun... kahit na gusto mong pigilan sarili mo na
wag na lang siyang pansinin, pero inudyukan ka ng ego mo at ng damdamin
mong nasaktan, kaya nakipagsigawan ka sa nakaapak sayo, at sinapak mo
siya);
Naalala ko, para manalo ang team sa basketball nung liga, I
was tempted na patirin ang kalabang ace player na binabantayan ko,
ayun... sumudsod sa floor ang mukha, dugo ang labi, kaya pinagpahinga,
humingi ako ng tawad at pinaniwala silang hindi ko yun sadya, nawala ang
ace player ng kalaban, kaya nanalo kami. Hindi ko mapigilan ang
temptasyon na maging mayabang, inuudyukan ako ng sarili ko na itago na
lang ang pagiging cute ... pero I failed, naipagyayabang ko parin (hehe!
joke lang ang isang ito) meron namang hindi mapigil ang inggit at
selos, you are tempted to feel that envy and jealousy - kahit na
pinangako mo sa gf/bf mo na hindi ka na magseselos kahit anong mangyari
kasi nga mahal na mahal mo siya, pero tuwing nakikita mong may kausap
siyang iba, e naiinis ka, pinagseselosan mo lahat ng mapalapit sa gf/bf
mo -ang ending? ayun, nagtatalo ulit kayo. Paulit-ulit na pagtatalo!
We
are tempted to be impatient. Kahit na ilang new years resolution mo na
ang pinangako mo na sana'y magkaroon ka ng mahabang pasensya ay hindi
parin nangyayari, mainitin parin ulo mo, tinatanong ka lang e nakasigaw
ka kaagad. Minsan kahit na gusto mong wag na lang magsalita -but there
are always something tempted you to get angry, then next you are tempted
to be violent.
Ate ko, di mapigilan ang pagkain, kahit na lagi
niyang sinasabing nagda-diet siya: kakain ng konti sa gabi, sandamukal
naman ang kakainin sa umaga. Ayun, naimpatso tuloy, sumakit ang tiyan,
nagka-ulcer. Ako, kahit ilang beses ko nang plinano na mag-ipon, di
parin matuloy-tuloy, laging napupunta sa tindahan ang perang binabalak
kong ipunin. There are these temptation in our sorroundings. Temptation
to spread gossips, yung di mo mapigilang ikwento ang buhay ng ibang tao,
na kung minsan ay di maiwasang dagdagan pa ang kwentong ipinapakalat
mo, or we are tempted to lie when we are cornered and other kinds of
temptation.
All temptation is from satan. Kasi kung galing yun
kay God e hindi iyon makakasira sa buhay mo o sa buhay ng ibang tao, o
hindi ka ilalagay nito sa panget na sitwasyon. Pero kahit masama man ay
nagagawa parin natin. Bawal man pero nahuhulog parin tayo. Sabi ng iba,
kasi 'masarap ang bawal', pero alam natin na ang bawal kapag nilabag mo
maaaring may kaparusahan ito, o kaya ay may balik sayo. Kaya kung ayaw
mong malagay sa mas malalang sitwasyon, we need to be aware to this
temptation. Kasi kung mahulog ka sa tukso ,if we fall into temptation ay
walang dapat sisihin kundi ang ating sarili din. Natutukso tayo kapag
nadadala tayo ng ating masidhing pita. I mean, kung ano yung ginugusto
natin, so choice mo parin kung bibigay ka sa temptasyon o hindi.
Nasa
paligid lang ang temptasyon, pero mas maganda kung alam natin kung
paano ito maiiwasan o matatakasan. Hindi lang naman ikaw ang nakakaranas
nito, may iba rin na nasa parehas na sitwasyon, sa hinaharap na
temptasyon sa buhay, pero may ilan na kayang iwasan at takasan ang
temptasyon na yun.
To help us para matakasan ang temptasyon, alalahanin natin ang ilang mga bagay na ito:
1.
ENVIRONMENT. Maging aware sa mga lugar kung nasaan ang temptasyon,
iwasan ang lugar na madalas kang nate-tempt, at huwag dumaan sa daanan
ng mga taong laging nahuhulog sa temptasyon.
Para maiwasan ang
maging tsismosa, huwag kang lalapit sa tambayan ng mga tsismosa.
Halimbawa, sa tindahan kung saan madalas kang bumibili ng suka ay laging
nandoon ang mga tsismosa na pinagkukwentuhan ang buhay ng may buhay, na
kahit ayaw mong makarinig ng tsismis dahil baka maging tsismosa ka rin,
e hindi mo maiwasang marinig ito. So, isip ka ng ibang paraan, pwedeng
sa ibang tindahan ka bumili, hindi lang naman siguro iisang tindahan ang
nasa lugar ninyo, kung wala namang ibang tindahan, huwag ka na lang
bumili.
Basta ganun, be aware in our environment. Kung nagda-diet
ka, stay away from eat-all-you-can restaurant; Kung gusto mo nang
pigilan ang sarili sa bili nang bili tuwing may pera, stay away from
Divisoria, mall or stores kung saan maraming magte-tempt sayo na
gumastos; Ayaw mo nang mag-DOTA o mag-computer games, pero lagi kang
nasa computer shop, pwede kang udyukan ng nasa paligid na maglaro ulit.
Maaaring maging sabungero ang laging nasa sabungan o maging sabog ang
laging nasa shabuhan. At gaya ng paalala ng meralco -DANGER: KEEP AWAY!
HIGH VOLTAGE! Kasi maaari kang makuryente.
Just be aware on your
environment, while we are in this material world, we are so attached on
material things -but when we are out in this world -you can also
dettached in material things, kaya maganda rin na meron tayong spiritual
affiliation para kahit papano e hindi tayo laging naka-focus sa
material things, na atleast you are considering spiritual things. You
see, kung malayo ka sa tubig, malaki ang posibilidad na hindi ka mabasa
at kung palagi ka namang nasa tubig, malaki ang posibilidad na hindi ka
matutuyo.
Ganun talaga, your environment are your first potential temptation.
Dahil
unevitable ang temptasyon, na bawat galaw mo e may mag-uudyok sayo na
maging ganito o gawin ang isang bagay na ito kahit na ayaw mo o
pinipigilan mo, dapat kang maging aware sa paligid mo, on your
environment para kahit papaano ay makaiwas at hindi mahulog sa
temptasyon. Kapag alam mo kung nasaan ang kanal, maaari kang makaiwas sa
pagkahulog at kapag alam mo pa kung anong mangyayari sayo kapag nahulog
ka ay gugustuhin mo ang huwag mahulog.
Isipin mo, isang bata na
nalaglag sa kanal... kadire, ang baho-baho, nakakahiya kasi may tae-tae
pa sa kanal na yun. Isipin mo pa na pagtatawanan siya ng ibang batang
nakakita ng kanyang pagkahulog, "ang bobo naman! ay! tatanga-tanga!".
Tapos pagagalitan pa yun ng nanay niya na mas masaklap e nahulog na nga,
nagkagalos na nga, ayun at pinalo pa! tapos maririnig mo yung sigaw ng
nagagalit na nanay "sinabi nang wag kang maglalaro BANDA SA KANAL e,
AYAN TULOY NAHULOG KA! ANG TIGAS-TIGAS NG ULO MO! KAILAN KA BA
MAGTATANDA!"
Then, we realized na tayo yung batang iyon noon,
someone gave us a warning, keep away from the place where there's the
unevitable temptation. But still, we did.
2. ACCOUNTABILITY.
Kapag nahulog tayo sa temptasyon, wala rin namang ibang dapat sisihin
kundi tayo rin. kasi nagpadala tayo, kasi hindi natin ito napaglabanan,
dahil mahina tayo at mabilis matukso. Pero isipin mo na lang, nakita
mong mahuhulog sa bangin yung kaibigan mo, tapos di mo man lang
tinulungan, di mo man lang sinabihan, baka sisihin mo ang sarili mo sa
pagkahulog niya... that's the issue of accountability.
Kailangan
din natin ng makakatulong, ng payo mula sa ibang tao, sa kaibigan at sa
pinagkakatiwalaan natin. Kung kaya mong mabuhay mag-isa, e di sana wala
nang konsepto ng pamilya, ng mother at father mo, ng kapwa... dahil you
can exist by your own. Pero hindi e, yung phrase na "No man is an
island," walang buhay sa isang isla nang siya lang mag-isa, merong mga
taong napapadpad sa isang isla (gaya nung sa temptation island) pero
yung konsepto na "paano nag-exist yung tao doon sa isla? wala ba siyang
tatay at nanay na nagluwal sa kanya?" syempre meron, kasi kung wala? ano
yun si ADAN? isipin mo, kahit nga daw si Adan, hindi naman nag-exist
lang nang siya lang sa sarili niya. I mean, there's was God who created
the first man. Hindi ginawa ni Adan ang kanyang sarili, God created man,
base sa bible.
Man can't survive by his own, he need to seek
help from others. We need to seek help from the other people. When we
are sick, we head for the help of the pediatrician or doctor, to
albularyo, to manghihilot; you can seek knowledge to our teachers; noon,
people confess to a priest para di siya makonsensya sa ginawa niyang
kasalanan (kasi accountability ng priest yun); Every people are
accountable to everyone. kaya nga, in some part ay may pananagutan ang
magulang sa pagkaparewara ng kanilang anak, kung anong natutunan ng
estudyante sa kanyang guro, kung anong kalagayan ng mamamayan sa isang
bansa ay madalas nasisisi ang pamahalaan.
Yung batang nahulog sa
kanal kanina, kung nakinig lang sana siya sa kanya matalak na nanay, sa
babala nito na wag maglalaro sa malapit sa kanal, di sana siya nahulog,
pero hindi siya nakinig. So, maganda rin yung may nagpapayo sayo at may
nagpapaalala para makaiwas at makatakas sa temptasyon o sa tukso.
Pangarap
kong tumanda nang single ako, pero itong pangarap ko na ito maaaring
hindi ko pa matupad kasi lagi akong nate-tempt na manligaw, yung
temptasyon na magkaroon ng girlfriend o ng karelasyon kasi yun ang uso
ngayon, at parang ang hirap iwasan, kaya nga ang sabi ko sa bestfriend
ko -paalalahanan niya ko lagi tungkol sa pangarap ko, na sabihan niya ko
kapag nakikita niyang nate-tempt na naman ako. I badly needed the help
of my friends, kasi kung ako lang mag-isa e ang hirap nun. kasi kahit na
ipinangako ko sa sarili ko e hindi ko parin masasabi.
Nakakatuwa
nga yung mga anak na open sila sa kanilang magulang, yung kaya nilang
i-share yung secrets nila sa parents nila- kasi mas malaki ang
posibility na magabayan sila, mapayuhan sila tungkol sa nararanasan ng
anak, pero dahil hindi lahat ng anak ay ganun sa kanilang magulang o
hindi lahat ng magulang ay ganun sa kanilang anak, ay atleast have a
friend o people you can trust para matulungan ka sa pag-iwas sa mga
temptasyon.
I do sharing my burden to my cat 'Aily', and it is a
big ease kapag naikwento ko na yung problema ko about this temptation,
kapag nagkukwento na ko sa pusa ko at hindi niya ko pinapansin
-narerealize ko, na iyon ang payo ng pusa ko sakin, na yung burden ko
dapat hindi ko pansinin. Kasi the more na nagpo-focus ka sa nagdudulot
sayo ng temptasyon, the more the possibility na mahulog ka dito.
I
do not mean, do a public confession, kasi di lahat ng tao
mapagkakatiwalaan mo. Kung nakapanood ka na ng face to face, parang ang
ganda kasi the program aims to reconcile the two sides na may conflict.
pero paano yung public opinions? anong tingin mo sa kanila? anong tingin
ng kakilala nila sa kanila? I did sometimes laughed with these people,
na ang landi naman nung babae, ang bobo naman ng lalaki masyadong
martyr, natapos man ang kanilang usapin dahil sa mga trio-tagapayo, pero
pag-uwi nila sila parin ang usapin... ng kapitbahay, ng buong
baranggay, ng bansa.
kung gusto mo maging sikat, okay sige, let it go!
i-share
mo ang story mo sa publiko, at mag-abang ka sa sasabihin ng nakapanood
nito. Ito yung usapin ng accountability, may pananagutan tayo sa iba,
dahil everyone are struggling with temptation, please give help or
remind everyone so that we can escape or atleast avoid to fall into it.
Kung
ikaw ang magpapayo, make sure na yung payo mo ay makakatulong para
malampasan yung problema ng papayuhan mo, remember people seek help kasi
kailangan nila ng tulong.
3. PLEASURE AND PAIN. Masarap ang
bawal, yan ang madalas kong naririnig. Pero alam nating lahat ng bawal,
kapag nilabag mo maaaring may kaparusahan ito, o kaya ay may balik ito
sayo na hindi maganda. Be aware on the pleasure and pain. Kung
magpapadala ka sa temptasyon ano ba ang mapapala mo? pleasure o pain?
Remember
this, kung ayaw mong malagay sa mas malalang sitwasyon, we need to be
aware to this temptation that telling us to grab this, choose this, like
this, do this for this is pleasurable... pero di mo alam sa dulo pala
nun e mas marami ang dulot nitong PAIN. So be aware on it, kasi kung
nahulog ka sa tukso, you fall into temptation ay walang ibang dapat
sisihin kundi ang sarili din. Natutukso tayo kapag nadadala tayo ng
ating masidhing pita. I mean, kung ano yung ginugusto natin, so choice
mo parin kung bibigay ka sa temptasyon.
MASARAP ANG BAWAL?
mahirap pigilan ang sarili sa pagpili ng kung anong magpapasaya sa
sarili o sa mga bagay na sa tingin natin ay magbibigay satin ng masarap
na pakiramdam, ng kasiyahan (kahit na mali ito para sa ibang tao, kahit
na masama na ito, o kahit na kasalanan na ito) hindi natin mapigilan ang
sarili, kaya nadadala parin tayo. I agree, sin is pleasurable, but
things that was pleasurable are temporary and the pleasure itself are
temporary while pain will goes on and on.
Halimbawa, ang sarap
gumastos, kaya kapag may pera sige ang gastos, masarap makabili ng mga
bagay na gusto mo, it is pleasurable... pero kapag naubos agad ang pera
sa kabibili, wala ng pera e kasesweldo pa lang, doon na mapapaisip,
pagsisisihan, na dapat hindi ako bili nang bili -and that was PAIN.
Isang buwang pinagtrabahuhan ang perang kinita, pero ginastos lang sa
loob ng ilang araw... kapag naubos na, mangungutang na naman siya dahil
sa wala nang panggastos sa pang-araw-araw;
SEE THE END RESULTS,
if you fall into temptation. Mas pinili mo ang maglaro ng computer games
kaysa pumasok sa isang subject mo, magiging masaya ka sa una, kasi
makakapaglaro ka na naman, pero di ka nakakuha ng quiz, pero wala kang
attendance, pero di mo alam minsan na nga lang mag-discuss ng lesson si
sir tapos absent ka pa, ito ang mas malas kasi pagdating ng exam -nganga
na naman. Saan ka kukuha ng sagot, sabihin na nating may teknik kang
alam para makakuha ng sagot, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay
makakapangopya ka, paano na lang kung yung lesson na yun sa isang
subject mo e kailangan mo in the future, sa trabaho... you can't apply
something that you haven't learn!
Isipin mo, yung taong nasa
malalang sitwasyon ngayon? nagkaroon sila ng pagkakataon na mamili noon,
pleasure o pain? Mas pinili nila ang pleasure without the consciousness
na temporary lang ang pleasure, at mas matagal ang PAIN. Bawal sayo ang
kumain ng matamis, pero hindi mo mapigilan ang sarili na kumain ng
matamis... kaya kumain ka, mga ilang minuto lang naubos mo, oo nasarapan
ka, pero maya-maya aatakihin ka ng sakit mo, lalala diabetes mo, o yung
kumplikasyon mo, isusugod ka sa hospital, ang daming maaabala pero no
choice sila kasi di ka nila maiwan, bibili sila ng gamot (di mo pa alam
kung saan sila kumuha ng perang pambili nun) at gagaling ka, na akala mo
tapos na ang lahat pero hindi pa pala dahil patuloy ang epekto ng
ginawa mong pagkain lang ng matamis.
Sa lahat ng mga bagay na
magte-tempt sayo, isipin mo kung mas madami ba ang pain o mas madami ang
pleasure. At kung mas marami man ang pleasure, isipin mo rin na
panandalian lang ang pleasure, walang permanente sa mundong ito. Yung
pamantayan mo ng maganda, maaari pang mag-iba, yung bagay na nagpapasaya
sayo ay maaaring magpalungkot sayo, yung MINAMAHAL mo pwede kang
MURAHIN balang araw. Yung pinag-ipunan mong pagkamahal-mahal dati,
nabili lang ngayon ng ibang tao nang napakamura. Be aware on the
pleasure and pain, when we talk about temptation.
Iniisip ko nga
rin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit tayo nahuhulog sa
temptasyon?? Dahil sa tao lang tayo? Dahil sa mahina tayo? Dahil sa
pasensya na, tanga lang. Siguro may kanya-kanya tayong dahilan. Pero isa
sa maaaring dahilan ng lahat, dahil sa pagiging materialistic natin.
Dahil sa attached tayo masyado sa mga bagay-bagay, kaya kapag nandyan na
ang temptasyon sa paligid -ang hirap tanggihan. Karaniwan pa naman,
kung saan ang weakness natin doon ang temptasyon natin. Materialist
people are tempted by material things for this is their weaknesses.
Sabi,
the root cause of being a materialist is because of false bodily
identification natin. Mali ang pagkakakilala natin sa ating sarili. kung
ano tayo at kung sino talaga tayo, kapag tinanong tayo kung sino tayo?
malamang ang sagot natin ay ang pangalan natin, ang ating description sa
sarili natin, ang ating katangian, like... I'm Reymond, a college
student, tall dark and... lier, a book reader etch... but see, all of
this is just a labels, katawagan lang natin para may pagkakakilanlan ang
isang bagay but some of us we're not conscious that we re not this
body.
This body is our tools to live, isang kagamitan lang ang
ating katawan, gaya ng isang damit na sinusuot, isang machine na
ginagamit, isang kotse na sinasakyan -this body is just our tools. Pero
kung ang pagkakaalam natin na ang ating katawan ay tayo mismo at hindi
isang kagamitan? what will happen? Hindi na ikaw ang magkokontrol sa
katawan mo kundi makokontrol ka ng katawan mo. Your body will control
you, na kung anong sabihin ng body mo ay gagawin mo naman dahil hindi mo
alam na ikaw dapat ang nagkokontrol ng iyong katawan. Like a car, it
needed a driver, if the driver was controled with the car, that's too
unnatural. Pero ito ang realidad, maraming nagpapakontrol sa kanyang
katawan, dahil nga sa maling pagkakakilala niya sa kanyang sarili.
See,
for our material body are matter -matter is anything that occupied
space and has mass, kaya tawag natin sa katawan ay material body pero
the material body are attached with material things, parang magnet na
laging dumidikit sa kapwa niya magnet, o sa iba pang metal. Kaya nga
sabi ko kanina na laging nandiyan ang temptasyon, madidikit at madidikit
ka sa mga bagay na magtetempt sayo, pero kung kokontrolin natin ang
magnet na mailayo sa kapwa nito magnet o sa mga metal, gaya ng katawan
natin kung tayo ang kumokontrol sa katawan natin -maaari tayong makaiwas
sa pagdikit o sa pagkahulog sa temptasyon.
Halimbawa, kahit na
alam mong di naman talaga kailangan ng katawan mo ang yosi, dahil bad
nga yun, at ito ang 1st cause kung bakit may lung cancer e dahil nga
natural na dumidikit ang katawan sa material things, na para sa katawan
ay masarap yun, ay sumusunod ka sa gusto ng katawan mo -dahil ang
pagkakaalam mo ay ito na rin ang gusto mo, pero kung conscious ka at
alam mo na ikaw ang may hawak sa katawan mo, magagawa mong kontrolin ang
iyong katawan at maiwasan na huwag madikit sa temptasyon sa
sigarilyo... o sa ano pa mang ginugusto ng katawan natin na hindi mo
naman talaga kailangan. Hindi mo naman talaga kailangan na bumili ng
bumili kapag may pera, that was your body na nagsabi na bumili ka dahil
ito ang magbibigay sayo ng kasiyahan but it ends up into worst
scenarios.
Your body tempted you to fall inlove with this
girl/boy, na kapag maging boyfriend o girlfriend mo lang siya ay sasaya
ka na, but still hindi parin, kahit maging kayo it doesn't give you a
100% satisfaction, sometimes nagiging sanhi pa ng mas matinding PAIN
sayo. Sa huli na lang kasi natin madalas nare-realize na dapat hindi
tayo nagpadala, dapat nag-isip muna tayo, "dapat pinigilan ko ang
katawan ko," pero huli na ang lahat, you are now suffering because you
fell into temptation, remember masarap ang bawal pero alam nating may
consiquences ang anumang maling nagawa natin.
Control your body
by being conscious that this pleasure is temporary, may give you
dis-appointments, but the pain may be goes on and on. Kaya kung ngayon
pa lang ay alam mo na ang materyal na bagay ay temporary lang at
maaaring may dulot ng pain, o paghihirap sayo, kahit paano aware ka sa
maaring mangyayari, you control yourself para di mauwi sa mas malalang
sitwasyon.
Isa pang realidad, we are dominated on the different
factors in life, we canno't control things sa paligid natin. Masaya na
sana ang buhay kung lahat ng gusto natin ay makukuha natin, pero ang
realidad ay ito- hindi lahat ng bagay ay maari nating makuha, madalas
nga yung mga bagay na hawak mo na ay nawawala pa.
Masaya na sana
ang buhay kung makakapag-computer ka lagi, pero di mo kontrol ang
sitwasyon, maaari kang maubusan ng pera, wala kang pamusta, maaring may
mas mahahalagang bagay na dapat unahin kaysa sa paglalaro. Maraming
dumarating sa buhay natin na hindi natin kontrolado, na kapag hindi ka
aware na ganito ang nangyayari e malulungkot ka, maiinis ka,
madi-discourage ka. kala mo basta kasama lang siya okay na ang lahat
pero hindi parin pala... dahil kalaban ninyo ang sitwasyon, ang iba't
ibang paktor ng buhay, ang pagbabago. Isipin mo yung nalulong sa drugs?
Okay na sana ang life kung laging high na high siya at laging nakakatake
ng bawal na gamot, but still may factors parin na hindi niya
kontrolado, paano kapag naubos ang drugs, paano kapag wala na ang
epekto, paano kapag nahuli siya? e di kulong, e di gagawin niya ang
lahat para makakuha ulit ng drugs na yun. Root cause? Dahil sabi ng
katawan niya ay masarap ang drugs na yun, nagpadala siya, so his body
controls him.
Things are temporary, di yan tumatagal... kahit na
ang temptasyon maaaring di rin tumagal kung ikaw ay matatag at if you
are strong enough to escape with this or to say NO with this. If the
temptation is like a virus o sakit? Be immune with virus of temptation,
yung may bakuna ka na panlaban sa sakit. This will happen if your mind
are fix! If your body are well being used -maaari kang makaiwas sa
temptasyon. Maari mong matanggihan kung ano man ang idinidikta ng ating
katawan.
The reality is this, you are not your body, but you are
the life within the body -you are the soul. Remember these lines, our
body is just a tools, gaya ng isang machine na ginagamit, ng damit na
isinusuot, ng kotse ng sinasakyan. The question is, sino yung gumagamit,
sino yung nagsusuot o sino yung sumasakay?? That is you! Your real
identity, the life within the body, the soul.
if someone will say, ANG BORING NAMAN NG LIFE KUNG WALANG MATERIAL THINGS NA MAGBIBIGAY SAKIN NG KASIYAHAN?
No,
if you are in the consciousness of being the soul, material things is
no longer gives you dis-appointments -for the material things is not the
source of the soul's pleasure, of the soul's hapiness. For example,
kung yung Goldfish ay inalis mo sa kung saan siya dapat... kahit na
bigyan mo yan ng anumang kayamanan, 1 billion dollars, kotse, house and
lot, luxurious things etch. Hindi parin magiging masaya yung goldfish
dahil ang kailangan niya ay yung tubig, yung lugar kung saan siya dapat.
Same with us, if we are on our natural being, we have our natural needs
then we will have the real happiness, to real satisfaction. You 'the
Life' needed the source of life -and it is God.
Ibig kong
sabihin, kung tayo yung soul, the real essence of the soul is to
attached to the things of the soul, and the sources of the pleasure of
the soul. We need to be in the source of the soul, which is the Supreme
Soul -our God. We are just a servant, not a master, for we are not the
controler! Katawan nga natin ang hirap kontrolin di ba? So, accept the
fact that there is the Supreme Person that controling the whole
universe, the whole factors in life... pero tayo hindi natin kontrol
yun, may mga bagay na hindi natin makukuha, may mga plano tayong hindi
natutupad, may mga bagay na gusto nating kontrolin pero maraming hadlang
at hindi natin magawa.
If you are striving and trying to enjoy
material things, this will dis-appoints you -dahil ang totoong ikaw ay
hindi ang material body mo, kundi ang buhay sa loob ng katawan na yan.
Kapag kasi pinagbigyan mo ang katawan mo, mas lalong nangangati yan.
Yung kapag nangati, tapos kinamot mo mas lalong nangangati di ba? sabi
nga the more you scratch it , the more it itches and the less you
scraych it the less it itches. So dapat kontrolin ang pangangati ng
katawan. Control your body.
DONT SERVE YOUR BODY, na ibibigay mo
yung gusto ng katawan mo, na magpapadala ka sa temptasyon dahil lang sa
idinidikta ito ng katawan mo. HUWAG! Para kang alipin ng katawan mo
niyan. Remember this, we are not a master of our own, we are a servant
of the real Controler of everything. At ang real function o ang dapat
ginagawa ng isang servant is to serve, but this time... we will serve
not our body, but to God. Render ourself to the loving service of God,
your soul -the real you -will get the real satisfaction, the real
happiness.
"My desire, is my suffering... before, when I was in a delusion,
striving for the material satisfaction, but ends into dis-appointments,
purify the mind, to realize that the real satisfaction can only be find
to a humble service to our Supreme God,"
<img>
<photo id="1" />