Showing posts with label Dagli. Show all posts
Showing posts with label Dagli. Show all posts

Wednesday, September 17, 2014

"Maghihintay ako sa muli nating pagtatagpo"

"Kung talagang para sa iyo ang isang tao, mawala man siya sayo nang mahabang panahon, magkikita parin kayo... kapag tama na ang mali at kapag pwede na ang hindi dapat," donfelimonposerio
Nagkahiwalay tayo dahil mali ang sitwasyon, dahil hindi tayo dapat magsama. Alam nating ganun ang mangyayari mula pa noong una – pero ipinilit natin ang kagustuhan ng isa’t isa. Nagpakahulog tayo sa ating nararamdaman, hindi pinakinggan ang pagbabawal ng lipunan – dahil sabi natin sa isa’t isa – handa natin itong ipaglaban… basta mahal mo ko at mahal kita, basta magkasama tayong dalawa.
Umasa akong ganun nga ang mangyayari. Pinanghawakan ko yun. Itinanim sa isip ang pangakong di man sinabi ng ating bibig ngunit ipinangako ng ating mga puso. Nagbigay sakin yun ng kasiyahan, ng inspirasyon para maging masaya ang bawat umaga, maging kumpleto ang bawat araw na daraan. Naalala ko ang bawat madaling araw na tutunog ang alarm ng cp ko, 4am -magigising ako, hudyat para tawagan kita at gisingin na rin. Magkahiwalay man tayo, magkaiba ang lugar ngunit parang ang kilos mo at kilos ko ay iisa. Sabay nating ginagawa ang mga bagay kahit hindi tayo magkasama. Hanggang sa paglubog ng araw parang walang distansyang nakapagitan sa ating dalawa, hihigang muli, pipikit, iisipin ang isa’t isa. Magtatagpo tayo sa panaginip at doon ay nagiging malaya tayo. Walang iniisip na mapanghusgang lipunan. Walang hahadlang. Puno ng kasiyahan. Uupo tayo sa lilim ng punong mangga, magkahawak kamay at iisa ang musikang ating pinakikinggan. Pinagmamasdan kita habang nakapikit ka, di mo ko mapapansing nakatitig lang sayo… kinakabisado ko ang hugis ng iyong mukha, ang ayos ng iyong buhok, ang kabuuan mong larawan. Nais ko na kahit sa aking pagpikit ay makikita ko ang maamo mong mukha. Dahil alam kong sa ating pagdilat, magigising tayo sa panaginip, gigising muli ang pangunggulila.
Mahirap para sakin ang kalagayang hindi ko maaaring sabihing akin ka, o ipagmalaking minamahal din ako ng taong pinakamamahal ko. Dahil kahit na nais kong isigaw nang malakas, nang maririnig ng lahat na “Ikaw ang pinakamamahal ko, na masaya ako dahil kasama kita.” Oo, masakit isiping hindi ko ito magagawa. Hindi ko maaaring gawin ang lahat ng ito dahil nga mali, dahil nga hindi maaari.
Alam mo bang gusto kitang ipinta o gumuhit ng larawang doon ay magkasama tayo –para kahit papaano may titignan akong larawan natin. Dahil sa ayaw mo namang magpakuha ng litrato na kasama ako, dahil takot kang baka may makakita nito. Gusto kong maging makasarili at sabihin sayong, “Hayaan mo na nga sila! Wala naman silang pakialam satin e,” pipilitin kitang wag na lang intindihin ang lipunang mapanghusga pero hindi pwede. Alam kong hindi ka makikinig. Ang hirap ng ganito na nagtatago tayo sa mundo dahil lang sa di tama ang ganito o hindi pwede ang ating gusto.
Patawad. Patawad kung napapansin mong nagiging insenstitive ako, siguro dahil nasanay lang ako sa naging sitwasyon natin, bigla na lang nawawalan ako ng reaksyon, nagiging masyadong tahimik sa tuwing may ibang taong nasa paligid nating dalawa, o sa tuwing lagi kitang tinatanong kung masaya ka ba, kung di ka ba nahihirapan, kung kaya pa ba nating panindigan... Alam kong naiirita ka sa mga tanong ko, kaya noong minsang nagtampo ka sakin, ibinalik mo ang mga tanong na yan, "Ikaw! kaya mo pa ba akong panindigan?!" sabi mo sakin. Naghintay ka ng sagot pero wala kang nakuhang tugon. Nasa isip ko nung mga panahon na yan -mahirap ang sumagot, mahirap ang magbitaw ng pangako, dahil madalas tayo nitong binibigo, dahil na rin sa mga di natin kontroladong sitwasyon o hindi inaasahang pagbabago. Sabi ko, "Maghihintay ako, hanggang maging tama na ang mali o maging tama na ang hindi maaari." hindi ko na hinintay ang reaksyon mo. Tumalikod ako. Tumalikod ako upang humarap sa panibagong yugto ng paghihintay. Malayo man tayo sa isa't isa, malayo sayo, malayo sa paningin ng kinaiinisan nating lipunang mapanghusga. Ang mahalaga, may pinanghahawakan ako.
Kaya ngayon, hanggang di pa naitatakda ang ating muling pagtatagpo, araw-araw akong uupo sa krispy kreme at gagawin ang naipangako ng aking puso, "Maghihintay akong may pananabik, hanggang sa muli mong pagbabalik."

Monday, September 15, 2014

Sorry for losing your trust

                                                   09/15/14                          
Dear JC,

Hindi na ba talaga kita makikita ulit sa krispy Kreme.
Alam ko, sa paulit-ulit kong pagpunta doon, umaasa parin ako, naghihintay parin na muli kang darating, na muli kang magpapakita. Gaya ng dati, mula sa likuran ko, tatakpan mo ang aking mga mata ng iyong kamay at tatanungin mo kung anong pangalan mo. Hindi ako sasagot dahil hindi na kailangan. Kilala kita. Kilalang kilala ko ang boses mo, ang malambot mong kamay. Kilala na kita, kaya natakot ako nang nagkamali ako. Nasaktan kita at alam kong hindi madali sayo ang magpatawad dahil sa dati ka nang nasaktan, pero ngayon naulit lang... inulit ko lang. Kasalanan ko, nagkamali na ko. Alam kong malabo na ang lahat. Sorry.
I feel being sorry for losing your trust. Alam kong nagkamali ako... nang minsang nalito -nabanggit ko ang ibang pangalan nang minsang kasama kita. Hindi ko naisip na maaring kang magselos. Nahihiya ako. Maaaring iniisip mo -kasinungalingan lang ba ang lahat. Ang pangako na ikaw lang, na handa akong maghintay sayo, na ikaw lang ang mamahalin ko, forever.
Ngayon alam ko na ang pangamba mo -hindi natin kontrolado ang sitwasyon, na maaring sa isang iglap mabali ang mga pangako, ang iniingatang katapatan ay mapalitan ng kasinungalingan, ng paglilihim, ng hindi pagiging tapat. Oo, mali ako. Wala palang forever. Sorry. I did, lost your trust. Now I am afraid of losing you. I clearly see your face in everywhere, but now it slowly fading. No! Too late of fixing my eyes. I don't see any hope for your forgiveness. Your trust is like a mirror, once it is broken by someone, the pieces reflects the broken image to those who broke it. And now, it draws a guilt on my veins. Nahihiya ako na sa isang iglap mabago ang pagkakakilala mo sakin.

Ilang oras ang lilipas sa pagkakaupo ko sa Krispy Kreme, tatayo ako at uuwing nagsisisi, uuwing bigo. Ilalagay ang earphone sa tenga ngunit walang tunog. Dahil alam ko, kahit anong lakas ng kanta, mas malakas ang himig ng kalungkutan. It drives me to put my life to its end.
Bukas, may bagong umaga... pero ngayong gabi bubuo ako ng sariling araw, isasara ang daigdig sa iba upang papasukin ang himig na magtatakda ng huling kabanata. Sorry JC, sana mapatawad mo pa ako.


                                                                                                  - Yours,
                                                                                                     Donfelimonposerio

P.S. Siguro isipin mo na lang na di tayo nagkatagpo, o di mo ko nakilala para di mo maisip na sinaktan lang kita. Sana mabura sa isip mo ang nagawa ko, o kaya ay ako mismo. Patawad.   
   

Sunday, November 17, 2013

Doon na lang sa Starbucks...



                Excited na naman ako na makapagsulat ulit ng mga obra habang nagkakape sa starbucks at dahil inaasahan ko ring doon ay makikita ko siyang muli.

Excited ako. Pero nae-excite ako dahil sa makakapagsulat uli ako ng obra... teka, ewan ko ba, ang totoo yata kahit wala akong maisulat na obra basta lang makita ko siya sa starbucks na 'yon.

              Oo, at hanggang ngayon, tingin ko walang kinalaman ang pagsulat ko ng akda sa starbucks dahil kahit naman wala ako sa Starbucks ay nakapagsusulat ako, pero kung wala ako doon sa Starbucks ay hindi ko siya makikitang muli.

Ewan ko nga ba bakit ginagawa ko ito, nagkakape ako -kahit na hindi naman talaga ako mahilig na magkape -kahit na magbayad ako ng mahal (Kahit na nagtitipid naman ako) baka dahil gusto ko lang talaga siyang makita doon. Kapag nasa harap ko na ang mainit na (ginituan atang) kape ay maiisip ko yung binayad ko ay pwede ko nang pamasahe nang isang buong linggo papunta sa paaralan kung saan ako nagtatrabaho -pero pupunta parin ako dahil wala akong magawa, iyon lang ang paraan para makita ko siya, kung pwede nga lang pumunta doon nang hindi na oorder ng kape, basta uupo ako doon para lang makita ko siyang muli. Kaso hindi pwede yun! paulit-ulit akong lalapitan ng crew ng Starbucks at ipaparamdam sakin na dapat akong umorder dahil bawal ang mukhang nakiki-WIFI lang (kahit na hindi ko naman habol ang WIFI o ang matry ang kape nila -na para sakin parang kalasa rin lang naman ng 3 in 1 na tig 6pesos yun)

Kaya lang na-realize ko sa bahay kahit na may kape doon na kalasa din ng kape ng Starbucks, wala naman siya -wala paring kwenta.
Kaya wala akong magawa, dahil iyon lang ang paraan para makita ko siyang muli.

Teka... bakit nga ba wala akong magawa?? Lahat ng mga bagay may paraan, basta gugustuhin mo. Pwede akong maghintay sa tapat ng Strabucks na iyon at hintayin ko siyang lumabas, kahit na ilang oras pa,
o kahit na gabihin pa ko, kahit na mag-overtime pa siya maghihinta ako sa kanyang paglabas, nang sa ganun malapitan ko siya, lalapit ako sa kanya at magpapakilala. Pwede kaya yun? (e diba, may kasabihan tayong do not talk to strangers?)

Teka, e kung i-add ko na lang kaya siya sa FB account ko, ise-search ko ang name niya at makikipag-friend ako sa kanya para kapag friend na kami sa facebook itsa-chat ko siya kapag online siya... Tama! Pero paano kung hindi niya I-accept ang friend request ko?

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay! Ang hirap, wala akong sapat na lakas ng loob, kaya wala akong ibang magawa kundi pumunta sa Starbucks na yun, habang nagkakape ay miminsang matatanaw ko siya, sapat na yun para sakin.

Ayos na sakin ang ganoong set-up, basta lang makita ko siya sa loob ng starbucks. Kahit na hindi niya ko makilala pa...

-Sa Starbucks na lang...

Saturday, January 21, 2012

Profesional



Naalala niya, habang nasa taxi kung paano siya nagbago para lang kay Dave. Ang blush-on, Glossy Red Lipstick, Pearl Earings, tube, 2 piece swimsuit, 5’ high heels, cigarette, LD’s, Tsoktong at iba pang kaugnay nito ay kinalimutan niya. Itinago, ibinaon sa limot, lahat! Para lang kay Dave.
Nakilala niya ito sa simbahan bilang assherette, kaya’t di siya makapaniwala sa nabasa sa text ng isang babae sa cellphone ni Dave na palihim niyang kinuha sa ilalim ng unan ng asawa.
Huminto ang taxi sa isang hindi kilalang Inn. Room 207. Walang katok katok, sumugod siya. Hindi niya matanggap na inilihim niya rin maging ang pagiging professional.
                Sinampal niya si Dave, at inirapan ang isa.

Halimuyak



Isang batang lango sa halimuyak ng rugby ang umawit,
“Walang hangganan ang isip”, himig niya sa saliw ng kung-anong musika sa paligid. 
Umindak siya
“Walang hangganan ang isip”, paulit-ulit
“Walang hangganan ang isip”

Lata



Karaniwang araw para kay William ang umupo sa pang labing tatlong baiting ng overpass sa Aurora, Cubao habang nakatanghod ang kamay sa mga akyat-panaog na di maubos na taong nangagdaraan.
Ang di karaniwan, nang di sinasadyang masipa ang latang hulugan ng baryang kanyang napalimusan, na hayon nagkalat sa daan, dali-dali siyang tumayo at pinulot ito isa-isa, nakalimutan niyang bulag pala siya.

Mina…


Hot Spot Tourist Attraction iyon noon, ang dalawang bundok sa pinilakang tabing, mabenta ang advertisement sa telebisyon, pinipilahan ng tao at hindi lalangawin sa industriya ng hubad na katotohanan na marami na ring nagmina sa katas at sustansiya ng dalawang bundok na ito na dating tago, magubat at malusog.
Ngunit tumabang ang panlasa ng mga turista sa dami ng mga nagsisulputan: Katya Santos, Diana Subiri, Angelica Panganiban, Maui Taylor at iba pa. It’s more fun in the Philippine! Double Check!

Wednesday, December 14, 2011

Banal na Abo


Bukas ang bintana , kayat malayang naglalagos ang malamyang hanging pang hating gabi sa sa isang kabahayang puno  ng mga santo. Iba't ibang hugis, laki, bigat, hitsura ng mga niluluhurang banal na kahoy. Mula sa banal na kamay na umukit nito: may Santa Mariang mula sa banal na sicamorro; Santa Fe na mula sa mahogany na nakuha pa sa banal na kabundukan ng Trala-la; Santa Maria Magdalena mula sa punong hindi pa napapangalanan; ang maliit na banal na Nazarenong gawa naman sa tsok -na hindi mauuri bilang banal, pero dahil pinangalanan ay banal na rin; Santo Antonio na mula pa sa isang matandang paring Dominikano noong panahon pa ni Rizal; at may mga marmol ding banal. Isa si Santo Niñong puno ng mga beads ang nangingintab na damit. Sinulsi ito ng mga deboto sa Parokya ng Kristong Banal Church. Tangan ang Krus at koronang kulay ginto sa kaliwang kamay ng Santo Niñong naghihimala raw tuwing magiging kulay asul ang itim nitong mga mata; At marami pa.


 Ang ilan ay magkakasama sa banal na altar. Isang lamesang laging may haing kakanin at arnibal at hindi pinapatiran ng pagtirik ng kandila. Araw-araw may nakatakdang magtirik ng kandila rito at magdadasal ng Ave Maria nang tatlong beses ang sinumang hindi tutupad sa kanyang takdang tungkulin.  


                    Ngunit nang gabing iyon, bukas ang bintana. Humihip nang malakas ang hanging mabilis naglagos sa buong banal na lugar. Natatangay ang bagong labang kurtina ng bintana, hanggang napalapit sa pakalahati ng kandila. Napadikit. Matutumba ang kandila at mabilis na kakapit sa tela ng damit ng mga banal na santo. kakalat sa bagong labang kurtina. Gagapang sa kabuuan ng bahay. Ilang banal na kahoy na ang nagliliyab. Naglalagablab. Natutupok na dahil sa kandilang kanina naman ay malamlam ang pagtanglaw ngunit biglang lumikha ng nakasisilaw na liwanag.


Ang paglitaw ng nakasisilaw na silahis na madaling tutupok ng buong banal na lugar na iyon. kabilang ang ilang banal na kahoy na sa malao't madali ay magiging banal na abo na.


Amen.






Tuesday, November 1, 2011

ISANG PANGAKO SA WAITING SHED



That's the beauty of above ground tomb here in the Philippines...
Kalahating oras na akong nakaupo sa waiting shed. Nag-aabang ng dyip habang nagtetext sa kaibigan. Nakakainip maghintay ng masasakyan, lalo na kung hindi mo alam kung sasakay ka talaga. “kelan lang ay nag-alay ako ng bulaklak sa puntod ni Rhiza,” sabi ng katabi ko. Ewan, kung ako ang kausap niya. Pero sakin siya nakaharap. Dalawa lang kami sa upuan na ‘yon sa waiting shed.
“kay laki ng pinagbago ng lugar. Wala na iyong puno sa harap ng puntod. Iyon lang sana ang nagsisilbing payong ni Rhiza sa mga oras na tirik na tirik ang araw. Duhat ‘yon. Puno ng Duhat na sa tuwing dadalaw ako’y walang bunga. Di ko alam kung nagkakataon lang o baka nakararamdam rin ang punong iyon ng panganib na dulot ng aking pagbisita. Wala na rin nga yung nilagay kong palatandaan sa lugar. Tinanggal na siguro ng bagong bantay sa mga puntod.
Ngayon sigurado na akong ako nga ang kausap niya. Nakalimutan ko ng magpapara pala‘ko ng jeep. Nakakapraning si manong e, lakas trip… di muna ko sasakay.
 “Masisisi ba nila ‘ko kung hanapin ko sa kanila yung bandanang dilaw, doon sa rehas ng bakod. Na siyang palatandaan na katapat niyon ay ang kinalalagyan ni Rhiza. Tinanong ko lang ang Guwardiya. Sabi nilang hindi nila alam. Hindi nila alam at wala silang pakialam… pero hindi pwedeng hindi nila alam. pakiusap!! pakiusap!! ang paulit-ulit kong sabi sa kanila. At hindi ako tumigil kahit na dumudugo na ang noo ko nang mahampas sakin ang baril ng isa. Lumuhod ako sa harap nila… pakiusap kong walang tigil”
Wow! Daig pa ni manong si Lea Salongga sa Cinderella, sa isip-isip ko. Ang bilis magpalit ng damit ni Manong. Siguro dating Artista sa teatro. Characterized ‘yung dialog… “Pasalamat ko ng malaki nang ipakita ng bantay ang dilaw kong bandana. S-si Rhiza. Nasaan na po si Rhiza?!” pinatayo ako ng guwardiya at itinuro niya ang banda roon. Hindi ko maulinigan, at madilim ang hapong iyon. Wala akong makita. Tinungo ko ang banda roon. Gagap ko sa isip ang lapidang may ukit na pangalan ni Rhiza.
Ang hanay ng ataul ay hindi ko nilaktawan sa paghanap kay Rhiza. Wala akong Makita! Wala na ang harang na pumapagitan dati sa puntod ng mahal kong si Rhiza. Saan nga ba? Saan po ba? Muli kong pakiusap at sinabayan ko ng pag-uyog sa manggas ng unipormeng kaki ng bantay. Ngunit di ko maunawaan kung bakit nila ipinagkakait ang madalaw ko ang puntod ni Rhiza. Kahit ang puntod lamang niya… ang banda roon, ay mga sako lang naman na may kung anong laman. Itinuro ng gwardiya na tanggalin ko sa pagkakasara ang isa sa mga sako.
At nakita ko ang aking anak. Rhiza?… Rhiza, ikaw nga! Kamusta na ang anak ko… ang maganda kong anak… Rhiza! Rhiza…”
OA sa emote si manong. Para siyang may kargang hangin. Inuuyog. Idinuduyan ng bisig. Parang baliw. Parang may sapak. Gusto kong makisakay sa trip ni Manong. Kaya, hinipo ko ang ulo ng karga niya. Malamig ang hanging para kong tangang hinaplos. Oo nga… at maganda si Rhiza nang makita ko siya sa aking isip. Pero si manong, nagulat ako nang siya ay napahinto. Sabay titig sa akin. Nagulat ako sa pinukol niyang tingin. Nakita ko ang nanlalaki niyang mata, walang tinag na nakatitig sa akin. Agad akong kinabahan, pero ngumiti siya pagdaka at tumakbo nang mabilis… papalayo. Na walang lingon-lingon sa kanan o sa kaliwa… maliwanag kong nakita ang masaya niyang pagtakbo bago siya tuluyang matumba. Humagis pang parang papel nang masagi siya ng isang malaking bus. Bigla akong napatayo sa’king kinauupuan sa lilim ng waiting shed.

May bakas ng pulang likido ang salamin ng bus.

Napasigaw ang ilang nakasaksi. Ang tingin ng lahat ay sa taong nakahiga… habang tikom ang bibig kong tila nangatal sa pagkabigla. Si Manong… Napalunok ako ng hangin at hindi parin makapaniwala. Nakita kong ngumiti siya sa akin bago tuluyang mapapikit. Ang ngiti ni Manong… parang sinasabi sa aking alagaan ko si Rhiza. Napatingin ako sa langit. Bughaw ang ulap. Alam kong mahal na mahal niya ang kanyang anak. Malinaw kong nakitang kumapit sa kamay ko si Rhiza at lumuluha pang nagpapaalam sa kanyang ama –si Manong. Napaluha ako. Pagdaka’y bumulong ngunit matapat na pangakong nagmumula sa’king puso. Mabagal kong sinabi ang mga kataga… Aalagaan ko si Rhiza. Pangako, aalagaan ko siya. 

Friday, April 1, 2011

Guho

Mabigat ang bagsak ng langit sa aking mga palad, sa aking katawan, sa aking pagkatao. Isang napakalaking paraiso sa ibabaw ng malambot na papag, 6.3 magnitude ng luwalhati sa pag-indayog, na walang taglay na tiyak na timbang, sukat at bigat. Alindog na di masukat sa ibabaw ng mga guho. Kung langit ang kalakip ng lupa ay ilang pilye kaya ang ilalalim ng pagkalubog?

Nakababahala ang ganitong kaisipan, ilang araw sa ilalim ng mga guho. Ilang kilometro na lang ang impyerno, mainit, nakasusulasok, hanging alikabok at usok. Nakababahala. Kung ang saliw ng halinghing, ng musika ng mga ooh at aahh ay maging panaghoy ng aking pagkakasadlak sa guhong iyon. Maabot pa kaya ang tinig , masagap ng mikroponong ibababa ng mga mananagip. Aahhh! May senyales pa ng buhay sa guhong ito. Pumipintig. Mabilis na kalabog, mabilis na pagpintig. Pabilis nang pabilis. Ang rurok? Papaano ang rurok? Ito ba ang pulot na ang tamis ay may lasa ng aftershock?

Bumibitak-bitak ang lupa, ang kutson, lumangitngit nang matindi ang pundasyon, ang pawis dahil sa karagdagang debris sa mga lansangan, sumirit ang malalakas na tubig dahil sa mga pagkakadispalinghado ng mga pipes at sewers. Sa anumang pagkakakawing, ito parin ang pulot ng rurok. Kahit kapiling mo sa ibabaw ng kama ay kuma-kamasutrang dambuhalang butsog na seksi sa paningin lamang ng isang lasing…


Wednesday, March 9, 2011

Mapa ng Pilipinas

Hihimasin ko ang Luzon ni Katrina, na parang nagha-hiking ako sa Siera madre o sa Mt. Mayon. Hihimasin nang walang tigil na kahit magkakalyo ang kamay, ang palad o paltusin ang paa sa pag-akyat ay lalamasin ko ang kanyang Luzon.


Kapag sawa na ko’y dahan-dahang magpapadausdus papunta sa tinutumbok na mahiwagang distinasyon. Ngunit tatawirin ko muna ang kapatagan ng kanyang Visayas. Hihipuin pababa ng paglalakbay ko sa kaparangan, sa pusod ng talampas ng visayas ni katrina.


Hanggang sa makarating sa Autonomous Region of Muslim Mindanao ni Katrinang laging nakabelo, nakabalot… ang hiwaga ng bataang pinagpipitagan ay tututukan ko ng kanyon ng pagmamahal.


At kakabayuin, aariin, kukuhanin, sasakupin, at gigyerahin na parang G.I Joe na bumibisita.


Ngunit walang Green o Black Agenda..

Monday, January 24, 2011

Memorandum of Aggreement


MOA
(Security Center’s Top Secret)
Susugod na raw kami. Kailangang makabawi at mabawi ang pribadong pag-aari ng aming kasamahan. Kaya’t wala ng alinlangan kahit na walang Back-up. Susugod kami!!     Narinig ko kanina sa linya. Marahil, ito yung sinasabi nilang Defence Mechanism ng tao. Mukhang nagmumura kasi yung nasa kabilang linya. Paulit-ulit na “Betel garai!” ang sinasabi. “Betel garai mo mukha mo!!!” sagot ni commander leo alyas kesong-puti sa parang nag-Eespanyol na kausap, at dahil siguro sa inis ni commander sa kausap ay umakmang ihahagis nito ang mobile communicator sa dalampasigan. Sa baybay dagat na hindi bughaw ang kulay ng tubig at ilusyon na lang ang sariwang hangin. Pipigilan sana namin ang kanyang pagtatangka pero buti na lang napahinto ito. Naisip niya marahil na mahirap o sobrang hirap sumisid sa ganung ka… sa hindi masyadong malinis na tubig gaya ng Manila Bay.  
Isa pang counter-terror command strike forces, gaya ng dating hindi man lang naidadaan sa isang plano ang dapat sanang pinagpaplanuhan nang maigi. Gaya ngayon, nakatsinelas lang ako, walang laman ang wallet kundi isang daang ibinayad sakin ng klasmeyt ko. Malaking pasalamat ko nga at ngayon niya binayaran ang utang niyang nakaraang taon pa hiniram.
Humanay pa-platun ang tropa. Susugod na kami. Kaya’t nakihanay na rin ako sa kasama kong kuntodo-pustura, kapwa naka-ACU M-65 field jacket at may tatak na PM2 sa Beret flash na suot-suot nila sa kanilang ulo. Move! Move! Move! Si commander Leo alyas kesong-puti matapos maitago ang hawak niyang mobile communicator ay nagkasa ng tangan niyang M-16 baby armalite at saka sumakay sa halftrack humvee.
At kunwari may alam ako nang ikasa ko naman ang hawak na .38 caliber. Papaakyat na sa escalator ng Campo Uno, Security Center, napansin kong may nakaabang na Intel marahil. Mabilis na lumapit ang aming commander, “Co-chief, on alert na sa target?”
“The Ground is clear, commander” tugon nito. Matapos ay kapwa sila nagsalute sa isa’t isa. akala ko talaga ay isa siyang Intelligence ng Kalaban –upang magsagawa na naman ng isang tactical interrogation sabotage, mabuti at hindi.
Dinala kami sa Headquarters. Kasado na ang baril ko, kahit medyo nakakabadtrip ang suot kong tsinelas dahil sa nabasa na ito ng pasmado kong paa, alerto ako. “ Sir kami po yung may ari…” at pinapasok si jeslie sa loob ng opisina ng Security Center, ang klasmeyt kong may malinaw na paningin, pero walang pagtingin sa akin. Papasok pa sana kami, pero hinarangan kami ng aming hiya. Nakapustura ba naman kami ng pangsundalo. E, sinong hindi matatakot sa amin?! Kaya nakinig na lang ako mula sa labas ng office sa usapan ng naka-well attire na security officer at ang aming kasamahan. “…natatandaan ko po’y nailapag sa sopang inupuan kanina,” ani ni jeslie. Matapos ang mahaba-haba ring interrogation ay pinapirmahan ang Memorandum of agreement (MOA) na para sa mga nawawalan ng gamit. Hindi (naman!) burara ang klasmeyt ko. May mga bagay lang na sadyang nakatadhanang mawala, pero kung nakatadhanang magbalik ay magbabalik. Kahit pa maiwan mo ito sa pinaka malaking mall sa Asya.
Naisip ko lang kanina, kung ako ang nakapulot ng cellpown ni jes? hindi ko na iyon isasauli.
Hehe. Biro lang.

Wednesday, July 28, 2010

Pirdenan Majilian

Pirdenan Majilian
@ PULA PULA ISLAND

Umalingawngaw ang sigaw ng langit. Muling papalo ang isang higanteng alon na ikahahampas ng aming mga katawan sa bawat kanto ng barkong Maricelles. Napakarami ng tumalon sa malamig na karagatang Artiko at mangilan-ngilan na lamang kaming lumalaban sa nagngangalit na alon dahil sa malakas na bagyo.

At muli’y isang malakas na kulog. Nakita kong natakot si Eula at napapikit ito. Sinubukan kong lapitan siya. At agad niyakap ng mahigpit.

Pinanatag ko ang kanyang loob kahit maging ako ay natatakot na rin sa maaaring mangyari sa amin.

Mabilis ang mga pangyayari, at muli… isang napakalaking alon na naman ang nabuo, sa pagkakataong ito maaari ng ikadurog ng barkong sinasakyan naming. An’ taas, alam ko nang hindi kami pagbibigyan nito. Hinigpitan ko ang yakap kay Eula. At ang isang kamay sa poste ng layag, hindi ko na alam ang susunod na maaaring gawin kaya’t napapikit na lang ako at umusal ng dasal sa isip. Nagdilim.

Masakit na sa balat ang sikat ng araw nang mamulat ang aking mata, halos hindi ako makagalaw sa sakit ng katawan ko. Parang lahat ng parte ko’y napilayan, nalamog at puros pasa. Agad kong pinagana ang paningin, sa malawak na pampang, nangagsikalat ang pyesa ng mga bagay bagay, ang aking bag at iba pang mga kung ano-ano. Tila wala namang tao sa islang ‘yon. Ni Isa. Si Eula? Pakling tanong ko sa sarili. Naglakad akong iika-ika, halos kinakaladkad ang nangingirot pang binti. “EULAAA!” malakas kong sigaw. Mga ilang ulit, ngunit tila wala talagang nakaririnig…

Tinungo ko ang kahabaan ng dalampasigan, hanggang nakaabot sa may batuhan, malagubat na may dinadaluyan ng tubig na galing sa karagatan. Nawawalan na ‘ko ng pag-asang Makita pa siya. Napahinto ako sa paglalakad nang may gumalaw sa damuhan. At doo’y lumabas ang isang malaking sibat. Mabuti’t nakalihis ako nang bahagya. Daplis lang sa kanang balikta. Akala ko’y naligtas na ko sa paglubog ng aming barko ngunit panganib parin yata ang napuntahan kong isla. Muling nagsigalawan ang mala-talahib na damo. At hindi lang isang sibat, kundi maraming sibat na hawak ng mga nakabahag. Tinangka kong tumakbo subalit huli na, mabilis nila akong pinalibutan.

Nagkamalay na lang ako sa sinag ng apoy sa aking harapan, at sa ingay ng nagkakasiyahang mga nakabahag. Tila isang Ritwal. Nakapalibot sila sa akin habang sumasayaw. Sa kalagitnaan ng seremonyang iyo’y biglang tumunog ang N70 ko, nagplay ang true tone kong ‘LOW’ ng black eyed peas. May tumatawag, at nagulat ang lahat. Sumenyas ako na pakawalan muna sandali upang makuha ko ang aking CP sa bulsa. Himalang pinagbigyan ako. Nasagot ko si Auntie pero mahina ang signal at lasing pa siya, “choppy ka Auntie! Auntie, Auntie!!!” kaya’t hindi kami nagkaintindihan…

Nag-empty battery pa ang cell. Napansin kong napatanga ang mga nakapalibot sakin, waring naghihintay sa mirakulong alulong ng bagong unit kong selpown. Doo’y nakaisip ako ng paraan para makaiwas sa banta ng kamatayan. Parang napanood ko na ‘to sa DVD na pirated na tungkol sa mga Inveronmental friendly-ng Cannivals. Ayaw kong kainin nila ko nang buhay. Kinuha ko lahat ng laman ng backpack ko. Pinakita sa kanila ang mga gamit na ‘yon: Ang Lighter, ang Swift Knife, ang Kutsara’t Tinindor, ang pang Shave (na Gillette Rubie pa ang tatak), ang Flashlight, 45’ Calibre, at ang lahat na meron ako…

Kaya’t namangha silang lahat. Ang islang iyon ay wala pa sa sibilisasyon, sa kabihasnan. Nagsiluhod sila. Lahat sa aking harapan. “Ra Ma Tsuktsitsua Ra…” paulit ulit nilang sambit. Ang gabing iyon ay naging Masaya; binigyan ako ng pang-VIP na kwarto at mga alilang Babae, pagkain at isang salu-salo. Pinaupo ako sa tabi ng marahil ay ang kanilang Datu at pinapanuod ang mga sumasayaw sa gitna ng bilog. Maya-maya’y Masaya nilang ipinasok ang isang bihag na nakatali sa kawayan. Nagpalakpakan sila at nangagsisigawan. Napaluha ako nang Makita si Eula… May tarak ng balaraw ang kanyang dibdib. Mula doon ay pinapainom sa akin ang pulang likidong nasa bao. Nakita ko pa kung paano kinuha ang Dugong ‘yon mula sa pagkakatusok ng balaraw sa dibdib ng kapatid ko, ang pagsirit ng sariwang dugo ni eula, ang pagsalo ng Dugo sa Bao. nakita nilang pagpatak ng luha ko, sa totoo lang ay hindi ko na mapigil ang habag, lungkot at pagkasuka… Dinahilan ko na lang na “Tears of Joy” ito.

At muli nilang iginiit na inumin ko ang laman niyon –ang dugo ng aking kapatid. Ngunit ininom ko rin bago nila ko paghinalaan.



Hindi nga sila nakahalata…



-052808

Wednesday, July 21, 2010

Ang Tableta


Napuno ang kanyang palad ng mga butil na gamot. Doon, sa kanyang kama ay dahan-dahang n’yang inilapag ang walang lamang botelya. Tinitigan ang nasa kanyang kamay at napako ang tingin niya dito…

Nasa isip niya marahil ang ginhawang matatamo matapos na maisubo ang lahat ng ito, pagkat nais nyang gumaling ang sugat ng kanyang pusong kasalukuyang kumikirot.
Pinahid nya ang nangingilid na likido sa kanyang mata at umayos ng pagkakaupo sa malambot na kama. Pagdaka’y dumakot ng isang butil (kung matalab ang isa’y paano pa ang marami –ang tila namamayani sa kanyang isipan sa pagkakataong iyon)
Sinentro nya sa maliit na takip ng botelya ng gamut ang kanyang hawak. May tatlong dipa trin ang layo ng takip, at sa tulad nyang may salamin ang mata at mahirap ang pag-asinta nito…
Initsa nya ang unang tableta, ngunit kapos. Ang pangalawa, at kapus din. Ang pangatlo, ngunit kapus parin… Hanggang ang pangdalawampu, ngunit wala paring pumapasok saloob ng takip… ni isa.
Lilimang butil na lang ang nasa kaniyang palad. Malapit na maubos… ang mitsa ng kanyang oras na sinisindihan ng kirot ng kaniyang puso –ay malapit ng matapos… kaya’t kinalkula ni Shiela ang paghagis sa isa sa limang natitirang tableta. Ang distansya mula sa timog kung saan sya naroon papuntang hilaga kung saan naroon ang takip ay aabutin ng 0.012 milya kada minutong itinatakbo ng isang paghagis.
At napangiti siya. Pumasok sa loob ng takip ang isang tableta. Agad siyang napatayo at tinungo ang takip. Nandoon ang isang tabletang ipinasok niya. Saglit na inayos ang suot na salamin, pinunasan ang lente nitong nabasa na nang tuluyan ng likidong hindi inaasahang magdaraan. Isinubo nya. Dumaloy sa bituka pababa sa gilingan sa tiyan -ang tableta’y nagkaroon unti-unti ng bisa. Guminhawa ang kaniyang pakiramdam. Kala niya’y aatakihin na siya… ng kaniyang pagkabagot!


Galit na galit ang isang babaeng nakaputi. Halos nagkakasalubong ang kilay at wari’y umuusok ang ilong. Masama ang tingin nito kay shiela. “Ang kulit mo talaga! Hindi ka ba magtatanda! Walang ano anu’y sinabunutan niya ito, mahigpit na hinawakan sa buhok at hinampas sa pader. Sinasayang mo ang gamot mo?! Sige! nang wala ka nang maiinom pa! Dinampot nito ang ilang nagkalat na tableta at walang habas na ipinasak sa bibig ni Sheila. Halos maduwal ito sa biglang pagkapuno ng bibig. Tinakpan ng babae ang bunganga ng pinagagalitan. Madiin at marahas na pagtakip sa bibig ng kaharap. Kung hindi pa tumirik ang mata’t bumula ang bibig ng bata’y hindi pa niya sana titigilan ito.

Biyaya ng MayKapal

(When does human life begin?)

Tarantang taranta na si itay ngunit kita sa kanyang mukha ang kasiyahan. maaga pa siyang umuwi galing sa pagmamaneho ng malaking truck na mabaho, at dumaan pa siya sa palengke para bumili ng bagong thermos, gatas, biskuit at iba pang pagkain. siguro, sobrang saya niyang may bagong anghel na naman kami. ilan na nga ba kami; isa...dalawa...labing isa! labing isa na pala kami. kulang pa ng isa para isang dosena na-pero sino kaya ang hindi mag-uulam ng itlog na may pula pagkakain na. si ate? hindi. masiba yun e. si tatay? siguro. kasi paborito naman nila ang toyo kaysa sa isang dosenang itlog na binibili sa tindah- Ay! nakalimutan kong sabihin kay nanay na yung sabi ni aleng Marta, ...ano nga ba " ah -yung listahan daw pala -mahaba na... pero hindi ko yata masasabi kay nanay yun ngayun dahil abala pa siya sa pag-ire. nakakainis kasi yung matabang baboy na aleng Martang 'yon, nagmumura pa habang nang-uutos, "kung walang balak ang nanay mong bawasan ang listahan niya dito, pwes! ipagbabalik niyo ang pinagkukuha niyo. mga patay gutom!" haaay! siguro hindi nag-aaral yung matabang 'yon. nakakainis. palibhasa puno na ng uban ang buhok kaya pati pagbabawas ng listahan kinaiinitan ng ulo. makikita niya, kukunin ko ang gunting sa Bag kong Ultraman at ibibigay sa kanya. ewan ko na lang kung hindi parin siya marunong gumupit.
nginunguya ko pa yung biskuit na dala ni tatay nang nagtaka ko sa pagngiwi ng kanilang mukha. nag-aatungal na parang aso, si ate, lalo na ang tatay at ang ilang kapitbahay namin ay parang sinakluban ng langit-lupa. ano kayang meron sa loob. naisip ko- baka naging tyanak na ang baby namin. naninipsip ng dugo. maraming pangil. baka kinain na si lola. patay! may pangako pa naman sakin si lola na bibigyan ako ng limam piso. dalawa.
puno na ng tao ang bahay namin sa loob. wala na rin ang ingay ni nanay at ng lola kong nagpapaire sa kanya. natuwa ako nang narinig ang sabi ni ate, "lalaki po..." syempre may bago na akong kalaro ng wrestling, isi-six-one-nine ko siya pag naglaban kami. "sayang naman... di nyo na dapat pinagbubuhat ng mabigat kasi...inaal'gaan niyo dapat ang nanay niyo!" kumunot ang nuo ko. parang naiintindihan ko na -sa sermon ni aleng selya. lumapit si ate sakin. namatay daw si baby, naiwan yong katawan sa loob ng tiyan ni nanay. aaaah! kaya pala. akala ko si lola. kinuha ko yung plastik na dala ni tatay- nakasabit sa may pako sa dingding. nandoon ang biskuit, gatas at milo. (sa labas ko na lang papapakin ang milo. ayoko na yung may tubig pa.) bigla kong naisip si Ernie.
inimbitaha ko yung mga kalaro sa magiging piging. nautakan ko pa si Badong, ibinigay nya sakin ang holen niyang limahin. yung checkerd. kapalit ng masarap at mainit init pang kape at iba't ibang tinapay t'wing gabi. syempre, alam kong magiging bida ko sa lahat tulad ni Ernie noong nakaraang linggo. sayang nga lang, dalawang araw lang akong nakapunta. doon sa masayang lamayan sa kanila. masaya pa nga si Ernie- kahit patay na yung kuya nyang si Estong langit. hehe. matapos ang isang linggo -ako naman. tapos, bibili na ko ng bago 'kong laruang Let's Go.

KABITAK

yung mga hindi contented with one love, nagiging mga bulag?

" minsan hindi na natuturuan ang puso kung sino ang dapat nitong ibigin,
dahil minsan, iniisip nating mas matimbang ang nadarama kaysa naiisip"

Marahil, hindi niya alam kung paano ako unti-unting nauupos at tinatakasan ng aking hininga sa oras na isang daliri na lang ang pagitan ng aming katawan, tuwing mahahawakan ang malambot niyang palad at ikakampay habang naglalaro sa katahimikan. hindi niya lang alam kung gaano ako nananabik na mayakap siya nang mahigpit tuwing nakakalong ang ulunan niya sa nanlalamig kong hita -sa 'king kanlungan.
at unti-unting madarama ang init ng kanyang katawang kumikitil sa lamig ng hangin. unti-unti na ring nilalamon ng kakaibang emosyong lumalatay sa kaibuturan ng aking laman at buto. paanong hindi ko kahuhumalingan ang tikwas ng kanyang buhok. may kinang ang bawat hiblang kay itim -na parang mapanglaw na gabi sa bukana ng aking bintana, sa loob ng tahimik kong kwarto. samyo ang mahalimuyak na amoy na nanunuot saking paligid...ng aking daigdig. dulot ng kanyang kagandahan at angking ningning. ginugupo ako ng kanyang liwanag. ang katotohanan ay lumalatay...makirot.
hinayaan ko ang aking daliri na gapusin ang kanyang malambot na palad. biglang nangilid saking mata ang ilang butil ng luha, ngunit pinahid ko agad nang hindi niya ito makita...
"malamig ba erik?" tanong niya. pagdaka'y hinigpitan ang kapit saking palad, at agad lumikha ito ng init. "...nilalamig ka na ba?.." lumitaw ang kislap ng matamis niyang ngiti. saglit ko siyang tinitigan at daka-daka'y natikman ko na naman ang malambot niyang labi ... sino ba ang lalaking hindi aayon sa takbo ng kanyang mundo. kahit na sa malayo...
naaalala ko pa. madulas ang kalsada nang gabing 'yon dahil sa ulan; sa daan kung saan mas pinili kong bagtasin kahit mukhang inaayawan ito ng ibang sasakyan dahil marahil sa kwento kwentong pinamumugaran raw ito ng mga engkanto't lamanlupa. kung sa bagay hindi naman ako naniniwala sa multo, lalo namang hindi takot -sa bagay na likha lang ng malikot na kaisipan ng tao. Maliban lang noong nakita kong may nakatayo sa gilid ng kalsadang iyon.
babaeng naka bestidang puti. nakalugay pa ang kulot at basang buhok. walang tinag sa pagkakatayo...walang kagalaw-galaw. tila nalaglag sa kamay ko ang pinanghahawakan kong kasabihang "To see is to Believe" nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang subukan kong aninagin ang hitsura ng kanyang mukha... at nakita ko ang kakaibang anyong angkin niya. Hindi! ang bulong ng aking isip... bahagya na kong nakalampas kahit nakita ko ang bigla niyang pagkaway, ang nanginginig niyang katawan dahil sa lakas ng ulan, at ang pagtamlay ng kanyang mukhang larawan ng kawalan (bigla) ng pag-asa –dahil sa hindi ko man lang siya hinintuan. Nagtatalo ang aking isip at konsensya. Hininto ko ang sasakyan at inatras. Ang babaeng ito’y larawan ng di masukat na karikitan. Nagpaunlak na rin ako na sumakay siya kahit kakaiba ang nararamdaman ko, ibang iba… at hindi ako nagkamali sa hinala ko. Nagulat ako nang subukan niyang lumapit sakin na parang nanunukso. Hanggang sa dumikit ang malamig nyang katawan sa braso ko. Hindi ko na alam ang gagawin, sabi ko na nga ba –uumpisahan nya na akong lapain. Hindi! Hindi totoong hindi ako takot sa multo. Para na akong istatwa. Nang hanggang sa kauna-unahang pagkakataon dumampi ang malambot niyang labi sa labi ko. At bumilis ang pagpintig ng puso, gusto kong tumutol ng mga sandaling iyon subalit dinala ako ng emosyon; nangintal ang kakaibang pakiramdam. At nakisabay na sa pag-indayog ng kanyang pagmamalabis… nangyari ang hindi ko inaasahan.
Hinatid ko siya sa sinasabi niyang lugar. Isang mansyon. Ang babaeng ito. Hindi! Nagkasala ako… “Mommy! Where have you been…? I miss you…” sa malakas na bati ng batang iyon –parang tabak na humampas sakin ang narinig. “Who is he, mom?!” at tumingin siya sakin at ang ilan pang sumalubong sa kanya: ang matangkad na lalaki-na una nang humalik sa kanya? ang ibang kamag-anak marahil at ang ilang pulis(?) “Thanks to him honey, he’s a good guy… my savior” sa sinabing ‘yon, tila nagpantig sa tenga ko ang hindi mawaring bagay; ito ba’y katotohanan o isang panlilinlang. Laking pasalamat ng lahat sa akin bagaman alam kong hindi ako nararapat para sa pasasalamat na iyon.

Hanggang sa aking pag-uwi’y bitbit ko parin ang kakaibang pakiramdam –lito!. Hindi ko mawari ang tunay na kaganapan pero alam kong may kwento ang lahat –bagay na hindi na mababatid ng isang di kasangkot sa bagay na ‘yon –maliban pa sa naganap saming dalawa… gumagambala sa isip ko, humihilagpos sa aking katauhan. Nag-aalab. Matutulog na sana ako noon nang biglang tumunog ang telepono. “L-Lea?!” sa kabilang linya. S'ya nga. Siya ang gumawa ng daan ng pagsasama namin ngayon.
“Erik, bakit?” sa isang tapik niya’y agad akong nagbalik sa realidad. “Ah…w-wala. May iniisip lang ako.” Napatayo ako at niyaya sya sa bandang ilog. “Tara sa duyan dun,” Agad siyang tumugon sa yakag ko... At para siyang batang naglaro. Ang bawat tikwas ng kanyang buhok, ang matamis niyang ngiti… Siguro nga isang laro lang ang lahat. Isang larong hindi ko kayang tigilan. Isang malaking kasalanan? Ewan. Basta ang tanging alam ko, hindi ko siya magagawang iwanan.

kung ikaw ang nasa katayuan ko, ganun din kaya ang gagawin mo?!
…Kahit na siya lang ang kumukumpleto ng iyong mundo?
Kahit na siya lang ang iyong mundo?

…Wag yung plastik! Yung totoo???

hai! minumulto ako ng sarili kong anino...

bahay kubo kahit munti!!! the little family show!

Pinihit sa on ang maliit na shellane at dooý isinalang ang pulang kaserola. Laman nun ay ang tanghalian ng pamilya . bagamat gulay na naman na galing sa bakuran. “masustansya ang gulay ang laging sinasabi ng kanilang ina. Malunggay, petchay, kangkong, upo at talong... ilan lang ‘yan sa pananim na inaalagaan sa kanilang bakuran at likod bahay. Kung kakantahin ang gulay sa kantang bahay-kubo tiyak makasasabay ang sa kanila. “Ö, iyan luto na daw, kakain muna tayo ng tanghalian bago ka raw pumasok sa iskul,“ sambit ni moninay. Inahinan ang mga maliliit na plato. At kun’way tumikhim... “tapos mamamalengke muna ‘ko, ikaw magtatralbaho daw...“ sabay turo kay atan na agad mapapakamot naman ng batok. Magugulo ang tatlong piraso niyang buhok. presko sa paningin ang bagong gupit na si atan, sa kanyang kalbong ulo lumalabas ang maaliwalas niyang mukha at tiniternuhan ng medyo makapal na kilay ang malaki’t bilugang mata, medyo may katangusan ang ilong, at manipis ang labi... “ O, baon mo ýan! Bente yan ah!“inabot ang balat ng Tops sa anak. “Sige na! Papasok ka na raw sa iskul“ umalis ang dalawa at naiwan si moninay. Gamit ang maliit na sandok ay hahaluin nito ang chicaro, ang pinitpit na dahon ng gumamela,at ilang dahon ng pansit-pansitan na tumutubo sa kahit tuyong lupa. Lalapit sa kanya si atan, “umuwi na ko...“ sabay halik sa pisngi ni moninay. Tulad ng dati, dahan-dahang lalapit sa labi ng dalawa... at kapwa sila makatitikim ng mapaklang lasa ng gatas.
“hihiga ka raw, tapos tatabihan kita“ magkakatinginan ang dalawa. Hindi na kailangang ipinid ang pinto o ilugay ang kurtina sa bintana. Tamang-tama at walang matang nakatingin. Hindi sila magiging dahilan ng pagkakaroon ng kuliti ng ibang may balak mamboso. Siguroý idolo ni atan si Fernando Jose at si Moninay kay Rosalinda... nabasa man ng mga bata yung nakasulat sa bandang gilid ng telebisyon “Parental Guidance“ at nabigyan ng patnubay ng kanilang magulang. Hindi ba nila dinadaya ang pagtakip ng mga palad sa kanilang mata (nang hindi masaksihan ang hayagang pagniniig ng dalawa) sigurado bang ang palad ay hindi lihim na nilalagyan ng butas sa pagitan ng mga daliri. Bukod pa doon ay marunong rin ngang mag-DOTA si atan. May posibilidad na nagawi siya sa libreng palabas sa website ng UPORN na tila BarbieDoll na isalampak-bulatlatin ang bahagi ng katawan. Carino brutal na pagsasalpukan ng mga nilalang na tuklapin man ang balat, tanggalin ang mga laman-loob, bali-baliin ang mga buto ay hindi na mahagilap ang kaluluwa.
O kung nagawi si moninay sa kahabaan ng Aurora Cubao o sa kahit saang bangketang puno ng binibentang DVD X, mga nakahubad na babaeng buyangyang ang itinatagong bahagi ng katawan ng karamihang kababaihan sa lipunan. Hayag ang pornograpiya sa lansangan, napadaan na kaya sila sa pugad-langaw. Doon sa lugar na kahit hindi pa pumapatak ang buwan ng BER –tulad ng October at December ay puros krismas light na ang dekorasyon, doon kung saan patay-sindi ang mga ilaw, kasabay ng nakaiindayog na tugtog. doon sa ang mga babae'y walang saplot kundi maliit na telang manipis. bakat ang matayog nilang bukas tuwing may kostomer na bigatin, yung mga may datung; mga kalalakihang suki ng mga lokal na prudukto, mamimili ng mga tilapyang basang inilalako sa merkado -with Business Permit galing sa DTI. mabuti't bawal pa para kay atan ang pumasok sa ganoong klaseng lugar. ngunit hindi matatatwa ang maagang pagkabukas ng isipan ng ating mga paslit ukol sa gawang laman at pita ng kamunduhan.
inilapat ni moninay ang katawan sa sahig. malamig sa sementong hindi man lang nilatagan ng sako o karton man lang. si atan, kita sa musmus nitong katawang nag-iinit dahil sa kulob na laruang pawid, dahil sa pagkalat ng alimuom sa paligid -singaw ng init ng tanghaling tapat. hayon at huminto ang orasan ng kanilang bahay nang magpang-abot ang kanilang tinging tila may sinasabi sa bawat isa, tila lumilikha ng komunikasyon sa kanilang batang puso. Malas at darating agad si kristine -ang kanilang anak. magmamano sa kanilang dalawa. tulad ng nakatala sa propesiya. magkakatinginan lang sila. "Ayoko na daw..." "Ayawan na daw..."

…After More

(wow! san mo nabili baguio yan hah! magkano? )



Fieldtrip. Pangalawang araw na namin ‘to. Linsyak maginaw lalo na paggabi dito sa Baguio, yun tuloy sinipon ako. Nakahiga na ang apat kong kasama sa kwartong parang lata ng 555 sardines, nang bigla akong napabahing. Mabuti na lang at may tela akong nakapa. Malapot at madulas ang hindi ko namamalayang sumama saking pagbahing. Uhog yata ang tawag dun. Nagulat ako nang hinatak ng katabi ko yung telang napahiran ko ng uhog. Ikinumot nya sa nanlalamig nyang katawan. ang ginaw ng baguio.

Lumabas ako sa madilim naming kwarto (hindi ako sanay na matulog na nakapatay ang ilaw, baka may mumoo) mukhang haunted pa naman ‘tong Pines Inn na pinili ng Coordinator naming. 3days sa ganitong lugar. Kay hirap isiping masusurvive namin ang ganitong kapalaran… ang hirap mag-isip. Dahil sa nagtitipid kami, tiis-tiis daw. Yun ang kinaya ng budget na pang student fare… sagad na ang discount. Yung punong abala pagod nang humingi ng tawad, awat-awat.

Tumingin ako saking relos. At naalala kong sira pala ‘yon. At pang props lang. tumingin ako saking cellphone. 3:30 na. naisipan kong pumunta sa banyo kahit hindi ako nababanyo… inisip ko baka matupad na ang pangarap kong makakita ng multo. Ito ang dahilan kung bakit ako sumama dito sa baguio. Ang makakita ng anumang nilalang na handang magpakita.

Biglang sumara ang pinto, kahit Hindi ko naman sinasara… mala-lock ako sa loob… pipilitin kong bumukas ang pinto pero hindi ito mabubuksan. Mapapatingin ako sa inidoro. Doon, makikita ko ang unti-unting pag-angat ng isang babaeng nakaputing kamiseta… takip ang mukha ng nakalugay nitong kulot ang buhok… dahan-dahan ang pag-angat…mapapatitig sakin ang nanlalaki nyang mga mata. May dugo-dugo pa ang paligid ng bibig… matutulis ang kuko sa daliri. Sa pagkakatayo ko… halos hindi ako makagalaw sa tindi ng pagpintig ng aking puso… pananayuan ako ng balahibo sa katawan… lalabanan ko ang kakaibang pakiramdam , pero sa huli ay hindi ko malalabanan.. *parental guidance* lalapat ang kamay niyang may matutulis na kuko ang mga daliri sa 'king leeg… hahawakan niya na 'ko. Walang pagpipilian kundi gumanti ng hawak. Naghawakan kami. Hanggang sa… (For more scenes, use your own emagination!)

May malamig na hangin ang dumaan. May kumatok. Pigil ko ang salita “Sandali… may gumagamit pa!” nananayo na ang balahibo ko –sa ginaw. Binuksan ko ang pinto…



GABI NG HUWEBES...
ITINATABOY ANG MATINGKAD NA BUWAN
AT MINAMADALI ANG ARAW SA PAGDATING...
:ORAS NG PAG-ALIS...
MULA SA TARANGKAHAN AY NAKA HANDA NA ANG KAKAIBANG SAYA,
MULA SA BAONG WALA, KUNDI ANG PANANABIK NA MASILAYAN ANG KAKAIBANAG PAGLALAKBAY...
MALAMIG NANG KAUNTI SA BUS,
NGUNIT INAASAHANG MAS MALAMIG ANG BAGUIO SA AMING PAGDATING...
DUMAAN ANG HANGIN DAHIL SA KATAHIMIKAN
NANG NAGPAHINGA ANG ILAN...
SILENT TRIP SA BUS 1.
2...
3...
4...
LIMANG ORAS NA PAGPAPAINIT NG PWET SA UPUAN AT SA WAKAS...
ISANG HOTEL? ANG AMING PAGHIHINTUAN...
LIMANG KATAO SA MASIKIP NA KWARTO,
ANG ILAN AY SARDINAS SA KANILANG PWESTO...
NALAMANAN ANG SIKMURA: KUMAKAIN NA LANG KAMI PARA MABUSOG AT HINDI UPANG MASARAPAN... KASO'Y MADALAS NA KULANG,
GULAY NA BATO,
TINAPAY NA WALANG PALAMAN,
MALAMIG NA KAPE,
KANING PANIS...
WALANG TUBIG!!!
KAWAWA ANG NAHULING MALIGO KAYA NGA
MALIGO NA LANG SA PABANGO...


... BUTI NA LANG MARAMI KAMING NALAMANG MGA BAGAY BAGAY NA NGAYON LANG NAPAGTANTO...

" MARUNONG ANG MANGMANG KUNG ALAM NYA ANG KAKULANGAN,
MANGMANG ANG MARUNONG KONG AYAW NYA NANG MATUTO..."

" MINSAN KAILANGAN NATING MAGING BINGI,
LALO NA KUNG ALAM MONG HINDI MAKAKABUTI ANG KANILANG SINASABI..."

THOUGH WE DONT SEE THE ROSES SCENT
SMELL IT WELL,



AT HANGGANG SA MULING PAGPUNTA SA QUIAPO...

HINDI MAN TAYO TOTOONG MAKARATING DOON,PANIWALAIN NATIN ANG LAHAT NA ANG NAPUNTAHAN NATIN AY ANG QUIAPO!!

Lumang tipanan; henesis

(when they play at the tree-house)

Wala na kong alam na batis na kasing lamig at linaw ng sa yungkuban.
Malinaw ang pagkakagaya nito sa kanyang mukhang walang bakas ng pangamba. Nakikita ko sa kanyang mata na hindi na nga siya binabagabag ukol sa desisyon ng mga kurro. Ayus lang, at mangyayari din naman ‘yon sakin –balang araw kapag nakahanap na sila ng kapapanagayan ng loob para sakin.

Kumula ang tubig sa pagkanlaw ng kanyang paa. Lumabo ana pigura ng tubig, kasabay ng pagbuo ng alon bunga ng pagkahampas. Muli siyang pumwesto na aktong sisisid muli. Ang bikas niya, hiniling ko’y sana maipagkasundo rin ako sa tulad ni ka Badjo. Kung kasing bait at tapang niya ang kabiyak ko’y wala na kong mahihiling pa. at muli siyang sumisid. Bumilang ako sa isip, at humula ng bilang ng kanyang pag-ahon. Madalas inaabot siya ng singkwentang bilang, at aahon na siyang gagap ang hininga. Noo’y tinuruan nya kong sumisid para naman daw makasali ako sa paliksahan nilang patagalan ng hininga sa ilalim. Pero nabubusog lang ako sa tubig pagdaka’y iiyak sa kanyang bisig dahil sa takot kong malunod. “tahan na sirin, hindi naman kita hahayaan malunod e,” ang maririnig ko sa kanya. At hihinto nga ‘ko sa pag-iyak.

Dapat lumitaw na siya. Sa pagbilang ko’y dumoble ang hinulaan kong oras ng pag-angat ng kanyang ulo. Nag-alala ako, “ka jo! Wag kang magbiro ng ganyan!” lumapit ako pag k’wan tahimik na ang tubig. Sa pangalawang pagkakataong pagtawag ko’y hinatak niya ang mga paa ko’t dinala sa tubig. Lumatay ang lamig sa aking lalamunan. Akala niya’y matutuwa ako sa birong ‘yon. Hindi ko nga tinigilan ang palo ko sa kanya, kahit pa namumula na ang mga braso ko sa tigas ng dibdib niya.

…kinumutan kami ng mga dahong nalalaglag. May dakot ng init ang kanyang paghinga. At kay gaan ng pakiramdam kong may kakaibang pagpintig sa puso.
kung ilang oras din ang nakalipas ay hindi ko na alintana. Bagama’t napakasaya ko’y may takot ding umuusbong saking isip, dumudungaw sa bintana.

“magdadapit-hapon na…” ang kulay ng ulap ay hindi na bughaw nang oras na iyon.”Tama na nga ang paglalaro’t baka kaganina pa tayo pinaghahanap ng inang… marahil nag-aalala na ‘yon,” aniya. Marahil nakita niya ang aking pagkabagot. Inilahad niya ang kanyang palad upang tuluyan na kong tumayo. –ang kamay nya’y sing tigas ng sa bakal, tanda ng kasipagan. “Pwede na ‘to…” at binigay nya ang kamiseta kong pinatuyo sa sikat ng araw. “Suutin mo na madali’t baka pa magkasakit ka” hinatak nya ang tali ng bintana. At inayos ang ilang kalat sa lapag. Paanong hindi niya liligpitin ang kalat at mag-ayus sa bahay na itong nasa itaas ng puno.
Ay pinagpaguran nya ang paggawa nito, na sabi niya’y para sa akin daw –kahit na pakakasal siya sa iba… Andito ang alaala naming dalawa, mula ng bata kaming madalas manguha ng mga kaimito’t santol… Nagpatiuna siyang bumaba upang alalayan naman ako. Ang ingay ng lagaslas ng tubig sa batis at ang alingasngas ng mga dahon at sanga –ng punong ito ay magkasabay kong naririnig. Pumipintig ang lupa at nararamdaman ko. Muli’t muli; tuwing muling lalapag ang aking paa sa tuyot na mga dahon. Wari’y pagpintig sa sinapupunan ng lupa ang sa akin…