Ay isisilang ang mga bugtong na anak
Silang mesiang dapat papurihan
Magsisiangkas sa mga kabayong maytatak
Silang may korona sa lapihan,
Isang mananalo o kumbinasyong pinustahan…
Maglalakad sila sa bundok,
At magpuputol ng puno
Habang nagbubungkal ng lupa ang ilan
At itatabon sa mga ilog-sukahan
Wala nang kublian ang rebelde,
At lupa o putik na mangagsisiguho
Kaya't aalayan natin sila, ng sampaguitang mahalina
ng bandilang may agila na walang araw

sa bagwis ng may pakpak
sila ang messiah…
ang mag-aahon sayo, sa timba ng saya.
At isasalin sa malawak na dagat… na kumunoy
-july2010
No comments:
Post a Comment