There was an error in this gadget

Wednesday, June 8, 2011

Aydol ko si P-NOY


Kahit anong mangyari… Aydol kita!
Hindi po dahil magaling kang magsalita
Kundi alam kong pakikinggan mo
kaming maralita…

Kahit anong mangyari… Aydol kita!
Kahit baka huminto na po ako next sem…
Dahil pina-privatize na po University namin
Kulang daw po sa budget
Sabi ng admin…
Kinaltasan n'yo po ba iyon nang palihim?

Kahit anong mangyari… Aydol kita
Kahit bukas sasama ako kay ama pa-Maynila
Kasama ang iba pang magsasaka
Na kaanak ng 14 na nasawi sa inyo pong hacienda
sisigaw po uli sila
"Reporma sa lupa, tunay na Reporma!!”
dagdagan ninyo po kaya ang subsidy sa kanila?

Kahit anong mangyari… Aydol kita!
kahit hindi matikman ang hustisyang inaasahan
ng ate kong ginahasa ng isang congressman
wala po kasi kaming pambayad sa Abogadong pambayan…
o pautang na lang po
kung mayroon kayo diyan?

Kahit anong mangyari… Aydol kita
Kahit nag-alala ko sa pagpunta niyo sa Amerika
Baka binenta niyo na pong tuluyan
Ang Pilipinas kay Obama?
Kapalit ng Hotdog at tiwala?

Kahit anong mangyari… Aydol kita!
Kahit anong mangyari sa masa…
Sa pagtahak ng daaang
ikaw lang po ata ang nakakakita

Aydol kita! Aydol kita!
Alam mo kung bakit Aydol kita?
Kasi naman, AY DOL-ing ang mga mata ko!
Putsang mga mata ito... kaysarap dukitin!

1 comment:

  1. mahusay ang pagdadala ng tula para sa akin...simple ngunit matindi ang palo...nahinaan lamang ako sa tapos..gusto ko 'tong tula mong ito!
    ipagpatuloy.....

    ReplyDelete