There was an error in this gadget

Thursday, November 17, 2011

PHENYLPROPANOLAMINE II


(kay jhenny)

Bumibigay na ang utak,
Hindi kaya ng Phenylpropanolamine
Ang sintomas ng ganiyang sakit
Tumulong man ang tinawag na albolaryo
Sa batis ng Croma
Pinilit lang akong ayusin
ang tila palaisipan na sudoko sa mga kamay…
Hindi ko lang malimot ang lalim ng pantheon
tuwing mapapahinto sa ganoong pagkakataon.
May nagsabi pang, “Pag nasa Roma,
Kumilos Romano ka”
Magmukha ka mang hipokrito
Na humihilik sa boses espanyolita!
Walang makapagpapagaling
Sa ganyang karamdamang masidhi ang hatid
ng pinagmulan
Maging marahil  ang ibong Adarna
na namumugad parin sa kabundukan ng Tabor
ay walang bisa ang awit na pinagpipitagan
ngunit nawa’y paniwalaan
ako’y maging tanggulan
tulutan nawang pahirin ng aking palad
ang iyong pag-ulan
 
Iniisip ko lang,
Kung muling aaliwalas ang buwan
at walang pag-alulong na magaganap
Naalala ko lang
na baka maulit ang iyong yakap,
Halik, at siil sa matamis na labi…
Iba na ang hugis ng mga ulap tuwing gabi,
Iba na ang kislap ng tala sa mutyang dalamhati,
Iba na ang kulay ng pag-iyak…
katulad  ito ng alulong ng buwan,
Tulad ng mapanglaw na kalawakan,
Tulad ng sandaigdigan
Na patuloy umiikot sa kanya-kanyang patutunguhan,

Wari’y pag-ikot mo sa aking isipan…  
-080810


No comments:

Post a Comment