by Reymond S. Cuison on Linggo, Hunyo 20, 2010 nang 7:20 PM
My day bonds with risky chance
It’ll break my untrained mind
I am chained with frigid wind
I can’t leave the bedrock line
No choice to live and to die
A death of my freedom won’t to fly
But my every step placed to fall
And my mistake fails my goal
-122308
The Bridge
The bridge is haunted by unknown
Under the rope is failure’s doom
Though the time is limitless to stay
You’ll awake but so sleepy –soon
As you think you we’re at barefoot
Just draw a wall of hard stones
Cause your world is a just with God
He held your faith perfectly unmoved
When storms and quakes grasp your vein
Or shivered your eyes can’t look forward
There’s still an air with shadow of wings
Drive you to flow, strengthful huming
The color blue will fall from eyes
But lingers for spring tomorrow night
After the day while the bridge is haunted
At the end you’ll see its roses scent
-043008
The Next Big Thing
Waiting for the perfect time
Before you hit the finest rhyme
It’s nothing but a laziest sound
Tomorrow is unknown and round
No ages to fetch by a sudden
Cause it will crawl in unpick-able distance,
Unhidden…
Tomorrow smile more proud than before
To take the flames here in to ignite
But how, if the moonlight fight?
Then it wont hide…
No more sunshine says “hello”
No more mornings should be follow
And your tomorrow is a narrow
Full of mourning, full of sorrow.
Why we don’t grab this chance today
While you still play your heyday
Cause the breeze will blow everywhere
In timeless, in all out says…
-071108
True Hapiness…
If you sights through people on your ground
Some with wants, smile that lap by heaven’s bound
But some with needs, the sweat to smell and faintful fears
Their unceased tears, unnumbered drops have wore unfair
Despite their milestones and pow’r, still the unfulfillment
Glittered with their eyes t’was full of mourning
Looking for friends or someone to accomodating
Trying to find care and rest before the sunset creepin
And there’s someone even countering the dooms of frail
With their life with contentment and stonebridge when fail
For all of these –their center is the Zion’s hail
How strong the storm but the breeze was vail
This spring I knew is the awaited answer
Whatever so precious name you’ve been cheer
It’s a naught to justify the true hapiness
God, family, and friends is a true treasure among all these
-041608
Tungkod at Saklay
Ang tabsing sa dagat na lumilingkis buo sa puso
Mag lalangkas sa dilig ng araw hanggang sa matuyo
Ang asin ng pagsisisi’y lilingib man din ay siphayo
Maglalatay sa kaibuturan, maging paa hanggang bungo
Sa dagat ng iyong budhing sinapawan ng dura
Dustang iginawad ay ‘sang dakot nang baha
Sana’y mawalang parang bula…
-113009
A lot of…
I had a wound last summer
It chokes me well
I thought it will heal
as time going by…
I wake up early this morning
Cause of this pain
So now I am thinking
…Confusingly!
What I have been doing lately?
-121508
Banal na…
Nahihiya akong sabihing “hindi ko niyukuran
Si kristo pagkat nahihiya ako sa aking
Sariling elastikong mukha,
Hindi sa badya ng pagiging alipin sa anino…
Hindi sa multong santo na nakagapos
Sa makitid nating katalinuhan…
Hindi sa banta ng lawang apoy
Sa naghihimutok na impyerno… siguro’y
Nahihiya akong mag balat-kayo
-020709
HOMECOMING
Days are counted on vile of precious night
I predict it’s meant a variable for fight
After the selfish less vacation from the province
Finally, it’s our waited so meaningful homecoming
It’s been a while, or seems untouch of miles
When you promise for your return with smile
In time the pity’s nation redeem peace’s hour
And fascist proclaimed their doom and bow
I put a glazes pierce with my excited eyes
For me to meet you –the friend of mine
But on that day, when I finally see how fine you are…
It’s a darkest days which visits my essentials,
Who puts you on the coffin-?
I wish it’s not the peace you’ve been talking
The peace on your Tomb
-090909
Maykroskowp
Hanggang sa himaymay ng gusot (palusot)
Ng kaliit-liitang kahingian sa pagtuklas
Ay magkakahugis na likas sa kanya
Hugis na di madaling makita ng mata…
Walang makakita
-092609
Life’s life
(Its your time)
When the breeze blows at the east
Summer clock waives at your hand
Your knees will be bow but unseen
Accepting the limitation is near to bend
Wheel of fate is now on rolling
After the riddle of life and death
Still unknown unless you don’t accept
Your pen’s mouth will cry at red
Time is boundless though you wait
Even the mind is full of faith
Its favorable notwithstanding
It is depend with nothing
We have the choice on how to choose
It’s our destiny but to live
And soon our fate is to die…
Don’t waste the chance to be got high
-121409
PRICE of PAIN
Her nights are wonder before the cries
Full of happiness by her green thumb
Thought she planted life of rose and buds
Never thought it‘s full of thorn…
The days of yonder where you having play
Her eyes in timeless, quintessence of care
Her sweat, tears and blood justifies it all
The greatest love by the mother’s soul
-031909
Life in the Meadow
(Shikspiryan sonnet)
Ignorance of ones sprout is acceptable
Yet becomes a grass thru others must be useful
It must be quiescent in vintage time for cleansing
Must not a headache for the flower that growin'
The sense of life is depend to the one who hold
But holding for naught thought and in their fate that fold
Are means all null that have turn life miserable?
No venture at all; how a grass be colorful?
As an ornament rather a trash undisplace
A grass as “trees’s leaf of our land” shows work amaze
Accepting unfortunate fate is’nt an aid
Hold on tight on stand’s ground for others have made
Their footstep is not a cross cause you’re strong
Seems colourful as long as you’re not doing wrong
-090707
KAWAYAN
Baog.
Mangungulili sa pag-iisa, hu’ag!
Mangaglalambitin pa sayong sanga
ang mga paslit na ibon.
Kahit bumagyo
Ng paghamak na di mahulugang karayom
Hindi ka nila kilala…
Pagkat nagpapakintab sila ng pangalan
At nagbibihis ng bahaghari sa kanilang mukha
Subalit lamang ka pagkat naitala na ang nakatakda
Maglalahong parang bula sa mata
Ng madla, ang mga nandura!
Mahabag ka sa sarili, hu’ag!
Humalakhak sila kung damo ka,
…ika’y damong hindi gugupo
-121109
SMILE…
It grows in every blinks of laughter
For an outer face beyond shed and fears
From the morning, wipen by unexpected rain
Let smile gloom for a shower be summer’s lane
It proves the colour of dark and white
As a pool for nicer your pride be hide
Other as a falls for thtuthful your Brights define
But ornament at all though impressions of dust
Smile is everywhere if heart beats
If a bud hears your laugh, it too inside
For itself a smile could be found deep of heart
Was better and true a reply of not just proud
So let your smile flows by the water of red
And let you grows from dry of dieng roces scent
Place it to the sun, moon and universe
For innocent quils should be inverse
-102907
Ang papel ng bukas…
1. Sa iyong kamay na naabutan ng sobre
2. Ng batang lilimang taong gulang
3. Nabasa mo ang magulong itim na tintang
4. Naipunas doon, “ate kuya konting barya lang po,
5. Pambili lang bigas…”
6. Subalit napansin mo ang kalyo sa iyong kamay
7. At makapal na ito…
8. At inisip mo kung paano ito nakuha ng iyong daliri
9. Ng iyong kamay;
10. Bumalik sayong alaala, ang holen
11. Sa maliit na bilog habang ika’y umaasinta
12. …ngunit sablay, minsa’y sapul
13. Inangat mo ang iyong kamay at
14. Malakas na pukol sa iyong turumpo
15. Gaya rin ng lilimang taon, ayaw umikot
16. … lamang ay sisiskad-sikad.
17. Mili ‘tong lumipad –ang iyong upuan
18. Habang umaandar ang roller coaster
19. ng Disney Land…
20. halos masuka pa, kahit hawak ng iyong kamay
21. ang apa ng sorbetes nang bumaba… pagkat malamig
22. sa aircondition na bus
23. habang naglalakbay kasama ang iyong kamagaaral
24. hanggang sa pag-uwi ng bahay na pagod, humihingal
25. …galing kang fieldtrip pero agad kang
26. Sisimangot
27. Dahil inutusan ka ng iyong ina,
28. Ng napakahirap na gawaing magtimpla ng kape nya
29. Wala kang nagawa kundi sundin
30. Ang sarili na humiga at magtalukbong ng kumot
31. … anong hirap gisingin ng isang hindi tulog
32. Pagkagising mo’y may nakahain na sa paborito mong platong
33. Itinuro ng iyong daliri at sinabing gusto mo…
34. (agad kang ibinili)
35. Bagaman iba sa pagturo mo sa una mong GITARA
36. …humiga sa malamig na semento, nagpagulong-gulong, at
37. Tumangis sa pagpilit sa iyong Ama
38. Kaya’t
39. …ilang buwang puyat
40. …ilang buwang gutom
41. …ilam buwang paghihirap…
42. Ilang buwang ganun dahil sa bago mong gitara
43. Marahil nga’t naisip mong doon nanggaling
44. Ang kalyo sayong kamay… ngunit
45. Muli kang nagising
46. Sa kalabit ng gusgusing batang lilimang tauhing gulang
47. Kasabay ng pagsigaw ng tsuper “hoy! Bumaba ka na!”
48. Ngunit walang isip-isip, ibinalik mo ang sobre
49. Sa gusgusing payat na bata
50. Ang sobre …nang walang laman
-101809
Sintang Lupain ng mga Malaya
Bakas ang hudyat ng pulang bandila
At magpapantig sa tenga ng lupa
Hanggang sa mabuwal nitong pagsala
Sa bangis ng mga nagpapangil na adhika…
Bukas ang talatang diniligan ng dugo
Nagbunga ng kalinisan ang ipinunlang bungo
Mula sa suso ng inahing bilanggo
Nagsipsipang ang mga buwitreng may buslo…
Anihang nagwakas sa pesteng nangagsidalaw
Sakahang nauwi sa libingang pambayan
Guminhawa ang buhay nang nailatag sa higaan
Mas mabuting naratay sa sariling bayang sinilangan…
Ang natatangi nyang ina ang kanyang hahagkan
Ito’y halik ng uliling palaboy sa sariling
Paraisong nilikha ng kanilang pangarap
Ngayo’y natupad, ngunit di natikman…
Mapalad kayong may paningin –malayang tumatanaw
Mapalad kayong nakaririnig –alam nyo ang alingawngaw
Mapalad kayong may buhay –pag-asa nyo’y walang pagpanaw
Ang kapalaran ng isang walang buhay … ay patlang.
-102009
Flower Doll
Man of tasted bud tooks of proud
Scared of losing jewel on his box
Another page reads out without talking
After the few sentence he leave it open
Love is a bud that has a scent
That has untame feeling inside its heart
Love at the first beat sprouts uncertain
Unless you have thorn, it is given
Never turn to nourishes the eyes
Which always lean on –the next days
-012809
Habang Nagrarali sa Inyong Harapan
(Tarnished by Cervantes)
Inubos mo ang oras sa DOTA, sa facebook, sa trabaho at iba pa
Ibig sabihin, nag-ubos ka ng oras sa wala!
‘nit sinasabi mong wala naman kaming nagagawa…
Turing mo sayong sarili’y literado
Ngunit di mo maunawaan kung ano ang aming ipinaglalaban
Inaakusahan moi kaming walang silbi
Ngunit ayaw mo namang pagsilbihan ang ibang tao
Pinaninindigan mong tama ang tinatahak mong daan
Ngunit ang totoo’y takot ka lang sumubok ng panibago
Nananalangin ka sa di’os upang ika’y patawarin
Ngunit ginagawa mo ‘to para ikubli ang iyong mga kasalanan
Nagbibigay ka ng limos sa mga pulubi
Ngunit sila ang sinisisi mo kung ba’t naging ganun sila
Ang pagkukumpara ay hindi naman pagpapakahulugan
Ang analohiya ay di naman talaga paghahambing
Ang kaibahan ay di tulad ng pagkakaiba
Ang pula ay walang kinalaman sa dilaw
Hindi tayo pareho
Hindi tayo bagay
Hindi kami ikaw
Hindi tayo…
-122709
OWN SIMPLE WAY
/ecko
Is she an artist?
What happen on the wall?
It was painted red
And she’s keeping wept
While cleansing her hands…
How creative is she!
To paint using a knife
Ang her colors, very unusual
Unceaseable…
I heard those sounds
But it was so hard to figure out
The blood on her innocent hands
After she had clean it
By the water, it’ll turn red…
Then she’ll start to fled tears
Bursting out the feeling on her mind
“mercy cast upon me,
I won’t bare sin, but you insist”
Then she will fight…
it is not the true knife before her
cause it was her shadow,
the dark side wearing hatred
an unbreakable hates with
her father…
Her father that play
With her as a doll
Totally a null and foul
He is alwayus happy,
After the play…
-121209
AKLATAN
(inalay kay LEOVIHILDA B. MARTIN-librarian and adviser of IV-A)
Silence means "YES"
kaya lahat kami may makapal na face
it means "NO" to keeping quiet
sa tambayan ng makukulit
In footrug quest no more amaze
bakit magsasapin e, kami ang taga linis
but not for all, law is a law
kaya lang samin walang kaso
No other place like library
na may sekshng ngala'y "Mam.LEOVI"
in four corners witness to be
sa bawat tuwa maging pighati
Kabalikat lahat
in hue and cry or cheerful smile
but. . ..ganun pa man
it will turn soundless if you are blind
-031508
ALANGANIN
(bahala na)
Bahala na ang gapos na punpun ng kalawang ang syang bumigay,
ang syang magbigay ng dahilan upang wag mawalan ng ganang muli pang huminga
pagkat ang hanging pumupulupot sa seldang ito'y alingasaw ng halo-halong amoy,
ng dugo, pawis, ihi, tae, ng bulok na taong patay na naaagnas na ang balat, natutuklap ang lamang inuuod. . .
Bahala na ang kalawang ang sumira
nitong gapos na bakal. . . 'makakalaya rin kami'
-022889
Bahala na ang gapos na bakal ang magpasya
manali man sa kamay kong wala nang gana pang igalaw. . .
sa buhay kong wala ng araw -022890
Bahala na ang media ang kumausap sa aming mga kaanak at magsabi, "tahimik na ang kanilang kalagayan"
-022890 11:45pm
Bahala na ang konsensya ang pumatay sa mga naghahari,PNP
(sakaling makadaplis sa metal nilang puso)
-pagkat di na namin magagawa ang magpatuloy. . .
-022890 11:59pm
"Namatay kami para mabuhay ang konsensyang papatay sa kanila"
-022809
ANG NGITIRADO
/malalanicks
Isang bultong pagtawa, bitbit kong anila
sa nakabubuyong pananda ng payasong aka
kwentong pabula, bumulwak sa bulsa
pawang panakip lang sa papanangis na luha
Pero'y pagtatapat sa huling pagluksa
at minsan nga'y sa maling pagpapanggap
sa maskarang mukha na pawang humahalakhak
ang totoo'y -ang luha'y umaagos sa totoong mukha
Sino pang tatanglaw tuwing dumidilim
sinong hihilon ng sugat tuwing may kinikimkim
at kung gumaling man, sinong makakapiling
sinong hahaplos ng kamalayan kung mayron mang hilahil
Ang magpapalakas ng nanghihinang loob
maskara kaya'y basagin at ngumiting marubdob
kaya'y magbato pa ng patawa't ngumiti
o kaya'y magmuni-muni't buntunan ng hikbi
-032508
BALAT-BATONG DUKHA
(sacks of sweat #12)
Manhid na sa init ang gusgusing balat
ni hindi nabatid yumayabong ang sinat
sa gitnang bayang matayog ng ganap
manhid kang nakatali
sayong paghihirap
Lumangoy na sa talinong bunsod ng pagbabago
itong bayang sinilangang aka moy impyerno
bat di ka lumingon kung sikmura'y kumukulo
isipin mo na lang pagkagising ay maglalaho
Maniwala ka namang ramdam na ang pagunlad
nang hindi nila maturing manhin ka sa paglanghap
o isantabi mo muna ang pagtangis sa hirap
ngumiti ka sa pagtango
kahit tiyan ay kayakap
Masdan mo ang paligid, di ba't ikay mayaman
kay lawak nang bahay mo't walang hangganan
hindi ba't ramdam mo ang sinasabing kaunlaran
malaki na ang palimos ng may habag na mayaman
-(101108
BULSALAYTIS
Kuyom na palad ang bibilad sa tigatib
kahit tigang ang sikmura sa pagkalam
kailangan man'y yuyukong walang tugon
ang humingi ay masasamid, isang buntong. . .
kanino pang haligi sasandal ang pamilya
kung inaanay ang pundasyon sa hika
puro wala, puro wala at wala
butas nga ang bulsa sa pagdukot sa wala. . .
sa hantungan ng taong kaibigan ay patay
imbalsamado ang turing sa itay-
buhay pa ay sumaka-bilang buhay, inaanay. . .
di mabilang na paghiram sa kahungkagan ng hukay
hanggang sa maitulak sa hinukay ng anak
lumubog sa paglitaw ng bilang at haba
kung makabayad ay dugo na ang isinanla
nagwala,nawawala at magwawala
ng silang lahat ay yumao ang paggalang
-073008
DALUBTALA
Sinun0d ko ang pagtirik ng kandila sa aking palad
ang liwanag nito'y wari isang bitwin
nakanginginig sa pagbilang ng bawat patak
habang nalalaglag ang luha nit0'y may ap0y na kayakap.
nag-aantilaw, at unti-unting dinidilaan ang dilim sa aking kwarto.
naalala ko ang nakakatakot na kwento ng mga matatanda
tungkol sa pagtitirik ng itim na kandila
ng ina para sa hindi matahimik na kaluluwa ng kanyang anak.
hindi raw makarating sa dapat kapuntahan pagkat hindi mahagilap ang liwanag
. . . Nagtawa, at nagkantiyaw ang ilang nakapakinig
bukod tanging ako lang ang nauto sa kwento.
may nahabing tan0ng sa aking pangungusap "an0 pa kaya ang kandila sa bayang makabago"
An0 nga ba ito kung mas maliwanag pa ang teknolohiya,
wala nang naliligaw na kaluluwang naghahanap pa ng kandila
at isang pagkabigla -nang biglang nawala ang dilim
may kumapa ng sindi ng b0mbilya,
at agad nit0ng kinain ng bu0 ang kadilimang hindi magupo ng aking abang kandila
nasa ganun ak0ng pagiisip
nang lumatag ang ap0y sa aking harap
kumapit sa mantel ng aking higaan,
mabilis na kumakalat
tila nakikipagsabayan sa agham
-ang lumalaking liwanag. . .
ang waring bitwin ay naging araw.
DILAMYA
Kung pauulanin lang sa bibig ang laway
matapos umigpaw sa hingal sa daldal,
tila winasiwas ang walis sa tingting-kapal
ay walang nadampot?
ang malabong bukal
sa tipak na kamangmangan
humuhugis lupit ng angking pangalan.
lumusung man sa dagat at maghilod ng dumi
kung nabubuhay ka sa dating maruming gawa- ay putik parin,
maging ang ngiti. . .
kung namunga nang bulok ang matayog na puno ay
sumanga sa biyak na kahoy ang pagkakaputol
o kinintal ng ugat ng budhi na puno ng pakiwari, ngunit walang pagtutol!
sabik sa ningning ang walang disiplina, at maggagawad ng palakpak ang tulad niya. halakhak ng tahip sa angkin nyamg paggalang, nagkukubli sa kutis, malabatis na ituran-walang maliligo,
sa durang lubluban.
. . .dilamyang kabuuan
. . .dilamyang kahungkagan
-101608 (abf1)
DRIED LEAF. . .
A butterfly gained a kiss of life
a destiny for flower but a fate to die
for less twice of weeks of flying high
imprison it-means livin dry
its like us who gained a tender past
from destiny to meet to fate of apart
its a leaf of year that leaping dry
but writing it in heart means making it,
immortal. . .
-I (022008
FAILLED TRIP
/fegie's scene-lost bonnet
Had plentitude of itchness
just to wore it that day
gladly ran with joy
held your bonnet then play
With the smile it content
you shown it with your friend
but "its lost", says your clamsy friend
then, your smile had bend
Sudden fears you felt so
through your home you cant go
cause your bonnet leaves you
but its mem0ries can't do
It seems yesterday had happen
your laugh and yells with them
for a big awaited moment
the crowded bus meets end
Thanks black bonnet you've done a big part
Thanks my friend you'll stay in my heart
-112407
1ST BEAT
/highblood
Drop of sensational protest
of heart immune at breast
when love shall takes place
the first beat start unrest
Pending words will float
through the air of your doubt
bashfulness choake the throat
voices speaks by the shadows
Drop flows unforeseen
it flows by the rivers swing
weaving the furnist strings
of the deepest feeling
when eyes satiated by the glace
start the burst, take the plunge
of your feelings as a drop of rain
from the first beat much gained steam.
-082408
HILING KO'Y NANDITO KA
kung ang dilim ng pagdududa'y lumigid sa pandinig
muli bang maaaninag ang tamis ng 'yong paghimig
ang hayag mong lambing na kikitil sa panginginig
hiling ko'y nandito ka ng luhay di na muling mangilid
Pakigapos ang kaluluwa sa panaginip ko'y gumagala
lagyang buhay ang hiningang susuko paglumisan ka
pawiin mo ang pagtangis, ra oras o minuto'y isang baha
dinggin nawa ang pagsigaw bago ang pintig ay mawala
Hiling ko'y wala nang araw pagka't ikaw'y tanging bitwin
hiling ko'y lumilipad sa alapaap ng makapiling
o sa oras ay makapaglakbay nang di sayo'y nalulumbay
subalit pano pa kung layo moy walang sukat na taglay
Ika'y kidlat sa pusong nagningas sa king kabataan
ang baga sa damdaming lumulusaw ng katahimikan
ikaw ang tanging dahilan ng panitik ng naiwan
naway nandito ka kung maratnang, naghihintay lang sa kawalan.
-121508
HOW?
-the parting
How do i write a friendship poem
if thy my dear friend goes other door
no more shoulders when in help
no groupings work
How do i say, "May i go out."
If there's no whisper in my teachers mouth
no more lessons to tackled
no answers with proud
How do i wait for later or soon
if we abondoned our room
no more cheers can hear
no cheaters along
How can i hide by myself
if my heart wet by mine cry
no more fearless old yells
no crazy laugh
How can i forget yesterday
if memories lives everyday
no more bondings,
but, no past unstay
I hope . . .
I WISH YOU'RE HERE
(Overwhelm)
If the darkness of doubt lingers my ears
is there still a light of blissful cheers
of your careless charm that brokes my fears
i wish you're here when nightmares brought tears
Chain my soul it will flowing by my sleep
revive my hale it will last when you decided to leave
then cease my cries it will flood by a hour or minute
please hear my call when it choked my heartbeat
I wish there's no a sunshine because you're my star
i wish i can fly through the sky whenever you'd go so far
and i wish i can travel by time so i can't miss your smile
i wish you're here, but you lied your soul in unmeasured mile
You're the calmness blitz that ignites the heyday ground
you're the warmness coal that liquefied my foolish sound
you're my everything, the reason of this pen's mouth
so, i wish you're here before i find myself crying for naught
-121408
IF YESTERDAY SA GOODBYE
If i'll lie then travel from the island of soul
please call my name as what you've told before;
"when a star sparks in the midst of the storm
it will be the chance for our sweet conversation
for the continuety of the cycle and flow
for the life of new tomorrow
then i believed in the end of this race
you're still holding our countless promises
but then, this heart started to scare
cause night share with my bed
and the sun dont want to fade
for one day mine mind replace today
and the feast of yesterday
won't say hi, but only sweet goodbye. . .
-120607
ILOG-PASIG
(panukat dunong)
Sa pagitan ng kapatagang tubig
nabubuhay ang kalyeng maligalig
hitik sa lintik...nanlilimahid
nanlilisik sa bawat gilid
Lunduyan ng sasakyang may hugis
sangkap nya ang tumatagas na langis
sa kalyeng puro putik
isdang salot ang lilinis
Kay gandang pagmasdan ng alon
tuwing hahampas sa batong mahinahon
ngunit lata'y din kung matuntun
pang amoy mong hindi sanay sa sipon
May pakinabang na kay laki
limitasyon lamang ang nag-aari
ang dapat sisihin -pasintabi
tayo ang walang habas na dumudumi.
-092508
IN LOVE UNREAL
(nevermind)
For i witness of pride and flame
a grass hoping this ground turned green
colour Brights enthusiasm
worse, still in jungled garden
For i saw bugs sips on flower
flower wanted this bug to stay
joyfull, excitement and smile
but hopeless its true mind replied
with need not think, doubting naught
in love unreal sweat second count
scout's sensation sin's sprout
rejected will in countless doubt.
Tears as drop of rain fell apart
longing inself, invades true heart,
dries one's leafs and lasting petal
thought "n0t mourn ended for start"
for i, inspired from manger's sounds
believes unfortune fates no bound
when he who came with his green tumb,
he said,"numbness intends to dump"
but again, insects bited our dream
who could fly and drink through spring,
"Im aid to sprout thy new name,
your all help, if you play my game".
"sure i," great deals for prize discern
man's of unclimber waits concern
for i, witness of mine insane
its ended dry but gained more thing.
Sadly, tormented, leads to wept
but wiser i, free flow to seap
notice that "every cry was gift,
that let my grow, mine mind swims deep.
-090908
JOSEPH'S JOURNEY
/screams on my pillow
Through the midst of darkness while i'd walk at barefoot
taking up through the croake road when suddenly i'd fly
mine mind things, but the doors talked me, but i cant hear
how would i escape, how can i let go my over sleep.
Can't distinct the path to choose
this rushing curiosity panting the cross
as an athlete's determination is infrose
gold plake of honor entitled for countries toast.
Everytime when i look from before
as no changes at all, life is unsure
that's why i tried to count mind mull
this number is a bricks as stair blocks of year.
It takes so long to subsided these way
i was traped by these journey which grasp my air
when the stars twinkling, it burnt my fail
how can i passed these words unreveal.
-041308
KALAWANG SA RILES NG TREN
Ang tinahak nya'y daan ng tren sa may teresa
sa ikot ng troley at sikad ng mga pudpud na tsinelas
may kasiyahang tumutugon sa kanyang pagyuko
pagbibigay galang sa haring araw na tirik sa araw na iyon
nakadukot sa kanyang bulsang hitik sa salaping hindi makita,
lamang sa kanyang panaginip ng huli nyang pagidlip
-121108
KARETON
Makipagsabayan ka sa sasakyang kay bilis, ang harurot
nang pumagitan sa napipint0ng buhay at kamatayan
nang magsisabog ang pinulot mong kayamanan sa bundok
ng basurang nakatambak sa likod ng gusali't restauran
makipagsabayan ka sa mga taong huwad ang kaluluwa
nang hindi ka nila madaya sa taglay nilang mahikang
biyaya ng kanilang diyos-dyosang salaping makinang
na tanging panginoon sa lahat ng may lupa,
nilang mayamang may palasyo sa ibabaw at ilalim nitong ating daigdig. . .
makipagsabayan ka sa mga taong sakim sa pagkamkam
maging ang isinuka nilang may tatak na taglay
na presyong mas mahal pa sa iyong abang buhay
makipagsabayan ka-
ikay makipagsabayan, kung ayaw mo nang mabuhay!
-010908
LABANDERO
(balderama)
may alingasngas ng tubig sa aking palad
habang kinukus0t ang pagkabagot sa oras
sumasabay sa hampas ng mga al0n sa pangpang
na parang nakasakay ang paa ko sa ulap
. . ..walang bilang ang buhanging taglay ng dalampasigan
mayr0on man'y hanggang kamatayan ang sukat ng pagbilang
pagkasuya lang sa lasa ng pagbula
-sa dagat na hindi masisid. . .
nagtatampisaw ang paa ko sa daluy0ng ng al0n
nang narinig ang batang humihingi ng tul0ng
kumakawag sa nanlalamung katubigan
sumisigaw ng pariralang walang kaayusan
napuna kong wala na ang ibang nand0on
maliban saming dalawa
(anim0'y pinaglalaruan ng ilusy0n)
may awa sa aking matang lumuluha ng takot
kasun0d nun ay paglus0ng sa bangung0t
nakita kong kumakawag, at humihingi ng tulong
ang aking sarili na nangahas na mansagip
marahil ay nakalimutang hindi pa nakalalang0y sa tanang buhay. . .
-nagising ak0ng naghihilamus ng bula sa batya.
LAWA NG MATA
initsa ng bata ang boomerang na luha
may takot sa yungib at kaba
muling bumalik ang nagyeyelong langit
may hiwagang nakaukit.
nanlilisik, nakakunot, may bugtong na sino?
naglaro sa sulok, natinik sa pinto.
inaaway ang bangungot
sa paggising ay ibinaluktot ang buto at mabilis ang takbo
hawak ang sagot-hindi sigurado.
namangka sa kaarawan, may ningning ang gasera
makalawang hakbang
sa lilim ng duyan, nadulas na naman
sinturon'y naipilipit nang sumungit ang langit, kulimlim
sa lawa ng buyo, muntik higupin, poso-negro
inukit ko sa bula -basahin mo.
kamaong patak sa tasa-ang pawis
hindi na yata mapuno, may butas ang paligid
ang langit nagngingitngit ,nabingi sa patak ng alulod
nagtampisaw ang kalyadong paa, hindi pumayong-sa silong
kinaibigan ang salamin ng pagkatao...puting anino?
dumagundong ang unos sa dulo ng lubid
hawak ang sagot, may gintong bitbit
tumilaok na ang araw.ngumiti ang bulak
kamatayan sa namunga, (alaala)
sa lawa ng mata.
. . .hitik na ang baul
at ito ang susi-
walang sara. . .
(030508)
"LIFE seems like as these"
(com.ink part-2)
A life lives when once living
there's a shadow when theres a light
the river flows if there's a path
there's twinkling star only by night.
like a storm when there's a nimbus clouds
a ship drives by seashore's ground
there's slam house if there's unuseful rooms
as shoes when there's a pair of foot
There’s a sweater when wheater blew shiver
there's a nightmare if there's a screams,
a pillow when there's a dream
a serenade when ones feeling sing
there's a garbage can if there's a waste
there's a lasting paper if there's an ink
there's a flavored gum when it can chew
as i am "livin perfectly imperfect" when there's no you.
-021908
LOVE ABOUT ALL
Sun's breath will last no end
and light your love unscent
for once discern the beat
heat boils till eyes be wet.
Now you are tuqning mild complete
the fragrance flow as wild as wind
most comes from imperfect marriage
died for while, burning love turned freeze.
Old mind goes farther door
couples scent but new born
for thou ant but prison.
heart's flame now troublesome.
Night hailed for thy prouding silent
ceased odor's pride gained sweetest scent
from sparks of coil, longings melted
inspiring breath would last, its end.
-030108
MAGLARO NG CHESS
/descipulo'y capitolo singko.abfilim0n
Unang pasok sa pangarap na pinto
isang hakbang sa bawat pagbuntong
kailangang kumaway sa mga estranghero
hanggang sa oras ng pagupo
kung hindi'y buong linaw sa pag-igting, ng matalim na sino. . .
Maging parte na ay isang karangalan
malapit man sa hiya'y madaling masakyan
pakiming pahiwatig man isang alon sa asul na karagatan
aral ng bato, magmasid ng manhin -hindi pakitang tao.
Maiwanan man sa pagtakbo, tulinang maglakad
sa matayog na dangal, lunduyan ay alapaap
agahan mo ang bukas na sagot sayong pangarap
damhin ang hanging agad sayong maglilipad
Maging kang totoo, sa pangunguna ng diyos
at sya'y magmamaneho sa maylandas na dalusdus
gawing simple ang lahat problema'y problema ng unos
sa ginto ng yungib, matakot man ay sya ang gagapos.
Kung ganun man, sa altar ng panangis
ganyakin ang sarili, yumukong mabilis
sakaling matinik ka't sa puso'y kumiskis
itanim ang tiwala -ito'y laro lang sa chess
-ikaw ang tore . . .
-090308
MY INVERTED THOUGHT
/elien
Crying so blue?
then shout if it is true,
you should loud your voice
to know that you are Crying.
Reveal it through your ground
you need not to be bashed,
be shy, but why?
All you want is to Reveal.
Hungry, you felt but no one cares
they dont even know that you are blind,
you're blind but no one can help
no one feeds you though you are Hungry.
Turning round your places work
but you are fainted with the heat,
heat that melted your thought
by your feeling that slowly turning.
-040208
PAGKATAPOS NG BUKAS
Narating mo siguro ang iyong mga pangarap
o baka pangarap mo'y naratnan ka pang nangangarap
hindi ba pangarap mong lumipad sa alapaap
sana hindi ka hinulog ng maitim na ulap
Inaalala mo siguro ang noon
o baka alalahanin ka na ng araw ding iyon
ano nga bang pangarap mo pagdating ng panahon
sana di ka pangarap ibalik sa kahapon
Sa larawan noon ngiti mo'y isang hiyas
sana ngayon ilarawan ma'y di tapayang may butas
sana noon nilarawan mo na ang bukas
para bukas hindi ka isang larawan sa rehas
Lumuluha ka siguro sa paggunita
o gunita'y lumuluha dahil nawawala
na baka pagkalipas ng bukas na ito
kumupas agad ang nakalipas sayo.
-030608
PAGPANAW
(raven hawk's suicide note)
Lumalangoy ang isip
sa dagat ng kaisipan
umaasang maapuhap ng makwentuhan
ang kariktan nitong nakagapos sa kawalan.
Sa lalim ng pagsisid ay nais ng sumuko
humihinga sa misteryo, at tunay na mundo
kinukubli ang huwad kaysa sa totoo
gagapiin ang luha sa pagpanaw nito
Ginagapos narin ang bawat salita
minimina sa hangin at kinakata
nakikinig sa boses na walang makaunawa
ang hanay ng mga hinuha
marapat lang ipakita.
Pero, hitik na ang blangkong papel
at ang hiwag nito'y sakin lang nakatanim
ang tulang ginawa- sa lilim ng patay na araw
kumata'y-hindi matanaw.. . .
kathang-walang matanaw. . .
-022208
PALUTANG-LUTANG
Papalaot na!
kanyang bangkang istayro sa mayamang
ilog ng basura sa ilalim ng tulay
sasagwan sya ng isang bilang at maglalambat ng kalakal
pangarap na lang ang isang banyera sa isang paglaot
malibang isang sako sa kanyang bitbitin
susuyurin hanggang pampang, nang magbigat ang timbang
kung walang daya ang timbangan
-063008
PAMBURA NI LISA
/eraserheads
Likidong luminis sa sikmurang tigang
kumapit sa dugo hindi na mabilang
sa tawag ng mantyang
gagapos saan man
titimbang ng higit sa kanyang pangalan
Sa ilang inakay na di malimliman
sa baba ng lipad dagit lang ay langgam
tuka sa karimlang tinuka ng ilan
pakpak na ginapos niring kahirapan
Pambili ng aliw ang binentang aliw
sa inakay ni lisa sa lipun ng tingting
sikmurai'y ano pang sisilbatuhin
malibing naman ay walang maglilibing
Dagitab na ilaw sa gaserang basag
kanyang liwanag man ay aandap-andap
lubhang pasalamat kina'ng bumanaag
pagsapit ng dilim muling papabihag.
-090908
PANDIKIT
@pasahero
Sa sakayan ng pampublikong sasakyan
napukaw ang ngiti sa kinauupuan
matapos umalingawngaw sirena ng kapulisan
lalaking nanginginig umangkas nang biglaan
Pilit ginigiit sarili ay ipinupuslit
sa mahabang upuan ng naglalakbay na jeep
may galos na paang inaalihan pa ng putik
pasinaya ba ng takot sa nagrorondang pulis?
Unti-unting tumakas ang takot na alingawngaw
sa mukha n'yang bakas ang lubhang mapanglaw
sa gitna ng pandidiri pilit kong tinanaw
dahilan ng kalabog sa dibdib ay tumanglaw
Sa busog nyang bulsa nakausli ang takip
umalingasaw ang lamang nakalulungong pandikit
ano ba sa likod ang botilya nyang bitbit
pasinaya ba ng takot ang kalabog sa dibdib?
-102908
PINSIL SA PITWARYO
/7 eve
Binabagabag ang isip sa mahalimuyak na samyo
karikitang angkin ay maluho, ako'y lihim na hinahagkan
nagpapawis, butil-butil sa buong katawan.
ikaw, ang nagpaningas ng pananabik
-sa pananahimik ng panaginip, habang lahat ay ganap ng humihilik
inalihan mo ang buhay, maging itong pagiisip.
Sa kabaliwang pinunla na yumanig saking mundo.
kinumpuni nang kaytamis, pulupukyutan ay pareho.
na ni isay di huhusto.
busalan ang lalamunan, isulsi ang bukasang-tinig
isabaul ang isip, tumitibok, nanginginig.
Ang sinag mo saking mundo'y bumibigkis sa pagalis
ikay pinsil sa pitwaryo
-pitong ibayong pagtitiis.
kayat maging sa langit ay agad kang natatanaw
nagaabang at o umiibig sa nagiisang ikaw
wala kong mamahaling ibang-hindi ikaw.
-122108
REACHING HIGH
Everytime i wanted to climb and reach
mountains of my doubts and goals of my life
holding my faith, my trust, my all to teach
what is the good, the better not to hide
mearuring what i can, be apportion
such good things to prove myself has strength
to do all things have better position
and ventured to reach with trusting no bend
reach the highest mountain which all i own
and we're the one to choose where's life going
even night was coming and dark scion
dont ever take haze cause truth we're knowing
that when if we're heard the echos of harp
that is the time we had lighten our dark.
-012006
REBELYON
/cahlyWheety
Ako'y nakadamit nitong maskara ng buhay
upang takpan ang takot at pagninilay
nakasuot man ng lastikong ngiti
nang magkunwaring masaya, ngunit hindi.
Ako'y ga hanip lang sa mata ng madla
nagpapanggap sa kanilang maamong alaga
subalit hindi sa puso'y mailap
at tigang sa luha ang pusong humihikab
Ako'y alila ng kasinungalingan
ibinabaon sa lupa ang katotohanan
at ngayong nais ko nang maging ako
rebelyon ng puso sa pekeng mundo.
SA ALITAPTAP NI BINGI
(deafarture)
Kung ba't ang dagta sa labi'y di sumibat
ngayon ay nilalango ang sariling ulirat
katambal pa si estong na syang tanging alagad
sa bukana ng uwang do'n malimit magpuyat
Bulong ni estong sa minsan nyang kalabit
suntok sa buwan daw kung ako'y managinip
ang alindog sa paggiling ni nena sa kabaret
kay juan na nga raw malimit 'tong kumakapit
Tugon naman'y, "magaling sya ang buwitre kagabi,
at walang alingawngaw ang sumupil sa pagsaksi
syang naglaro ng baril sa kanlungan ni pipi
sumisigaw ang luha nya sa damuhang kay-kati."
Panikil lunggati sa oras na kantahin
lalamigin si nena ko't ako na ang pipiliin
kung ganun'y magaso man sa dilim ay iigting
buwan ay iaalay magtulak man ng lagim.
Nanumbat si estong sa kanyang pagismid
mas sukdul sa kaw daw itong pagkamanhid
natiis sumang-ayon ang saksi lang ay kuliglig
sa duguang si pipi na kanya raw kapatid.
-081908
SA IYONG PAGLISAN
-panulat
Bakit ba o, sinta akoy nilisan na
ano bang nagawa't mukhang nagsawa ka
kasalanan ko ba o sadyang sinadya
paglingap na hanap ganap bang nawala?
Mata sa langit ay nakatingin parin
katulad ng ating malimit na gawin
kata'y mapagod sa pagbilang ng bitwin
na hanggang ngayon ay buhay sa damdamin
Tulad nga ng dati ang halik sa pisngi
tuwing magkikita't twing kata'y uuwi
ngunit ng naglaon init ay lumamig
tulala na't lagi di na mapangiti.
Di ka man nawala'y nawala ka parin
mula nang iwan mo't mundo koy lisanin
tuwa ko'y nawala at nagluksa mandin
lalaki ma'y luha ay hindi ililihim.
-083006
UNTIMELESS MOMENT
(segundarya)
Once i'm a stranger in year of the start
when my feet in question had entered to be as part.
Then i became a diver in m0nth of wisdom
tried swims deep together with cries, sweat and smile.
In minds fetching weeks sudden turned to sweetest count
in every wheze challenge, we faced in doubtless mount
But when the day meets my endless dream for a new
to hold unexpected world of blurring view
A hour of farewell can flood the dry sea
by the wept of leaving, minutes cause rain that unflee.
Since every seconds can leap the end
but probably not the last.
-030508
WHAT TIME' ARE YOU GOING TO WRITE?
-carlitos pipe
Feelin so unfine to chase
and it was so hard to thrace
the ideas that keeps to escape
how can i write it by letters
By the air it has i made
so it vanished by the wind
flew again in somewhere
so i will repeat it again
From far away i am looking
from everywhere i've tried to be seen
those things that i want to reveal
which by my ink will lead to be filled
I need these to reconsile
just to read these pasade
i know time waits for no 0ne
so,dont play all m0ments you've had.
-082908
THIS IS WHAT WE WANT TO DO
Bringing the flame within the torch
Though this is the dream of inkless toss
Reminisce the echoes of proud's voice
Lingers in ceiling of the solemn ghost
Have weighing the leaves of our past
Before the busy time dries it up
Inherit the history as you forget it last
Drawn it through the shadow with no dimension
Looking so deep by the center of the sea
Flood by weary when summer blows thee
Missing leaves will count unnumbered
Through your mind of Cherishes hungered
Nudely ties of fate to create own destiny
As water flows by river unites by the sea
Old pages of past will reborn so near
The old doings as we enjoys to face the fear.
KULTO
itirik mo sayong kamay ang itim na kandila
habang pinupunasan ng dugo ang pader ng mansyon
pati ang inipun na utak ay ikalat sa kanilangn tarangkahan
nang masuka sila sa dulot nitong alingasaw...
magbabalik ang nilamon nilang palay
maging ang palay na binudburan ng abo ng mga bangkay na sinunog sa talahiban
nung gabing tirik ang manhid na buwan...
ilatag mo ang krus na may pangalan sa kanilang paligid
ang mga krus na di mabilang sa dami
nang matuto silang bumilang ng buhay na pinatlangan
ng kanilang budhing nilalamon ng uod, ng asupre
ng impyernong tirahan ng kanilang lahi.
ikunla sa ilog ang pulang luha
at ipadaloy ito sa di mapigil na agos
baka sakaling makarating;hanggang sa tubo ng kanilang palikuran
sa kanilang pitsel. may pagasa pang kalawangin ang kanilang mga baril...
may pagasa pa, WAG KANG TITIGIL!!!
ngayong taglagas
pipitong dahon na lang ang matibay
at malapit ng magpalit ng kulay
punpun na ng kalat sa daan
himig ng hanging malumanay...
sa nanganganib na sanga
titikwas narin ang bandana
ang panyong may pinta,
sumpaan ng pagsasama...
mainip na yakap ng araw
makapaso'y tagos sa pagdungaw
nakasisilaw...
sa hataw ng piping alingawngaw
.... nauuhaw na ang lupa
hindi naman maidilig ang aking luha
pagkat gutom narin ang nanghihinang puno
hiling nito'y baha...
nagwakas na ang pagbilang
wala ng mga alon sa pampang
natakpan na ng ulap,
ang bitwing makikinang
said na rin ang patak ng ulan
... ang alaala sa dating tagpuan
isa-isang lumilisan, ginigibang tanggulan
, nilang wala ng pakialam.
nalalanta na sayong gunita,
unti-unti, isa-isa...
nalalagas ang dahon ng alaala...
ganun nga kaya???
ANG BANDANA
tumingin ka sa malayo
nakikita mo ba ang puno...
tingnan mo maigi,
iyon ay malago...
tumingin ka uli
iyon ay hitik sa bunga
igala mo ang iyong mata…
pagkat may nakaupo sa silong ng mangga
nandoon sila, naaalala mo ba?
masdan mo, sila’y masayang nakangiti…
pagkat sila’y tumatawa, ang iba’y ngumingisi
dinig mo ba ? unti unting lumalakas,
humahalakhak sila... hindi, pagkat ito’y hagalpak…
tingnan mong maigi nang iyong maalala...
pero pansinin mo...
isa isa silang nawawala oras na masinagan sila ng araw,
unti unti silang naglalaho,
pagkat nawawala ang lilim...
baka wala na sila sa animnapu, hindi kaya?
Ilan na lang ba silang nakaupo sa silong ng mangga…
naisip mo ba?
wag kang sakim... ikaw ang puno
Liliman mo sila.
MESIAS
Sa muling pagluhod ng tala
Ay isisilang ang mga bugtong na anak
Silang mesiang dapat papurihan
Magsisiangkas sa mga kabayong maytatak
Silang may korona sa lapihan,
Isang mananalo o kumbinasyong pinustahan…
Maglalakad sila sa bundok,
At magpuputol ng puno
Habang nagbubungkal ng lupa ang ilan
At itatabon sa mga ilog-sukahan
Wala nang kublian ang rebelde,
At lupa o putik na mangagsisiguho
Kayat aalayan natin sila, ng sampaguitang mahalina
ng bandilang may agila na walang araw
kundi ang bitwing nagsisitirapa,
sa bagwis ng may pakpak
sila ang messiah…
ang magaahon sayo, sa timba ng saya.
At isasalin sa malawak na dagat… na kumunoy
WHERE DID IT ALL BEGIN...?
worshipping these wastes by the lord of the flies
creeping out through your bed its lies and its fright
unclimbable mountain but a treasure for poor
golden wastes at thorn with unsightable cries
dried salted fish was now undying pair on dish
causing by sun's breath which liquefied our flesh
and soon universe will rest
revolving within these tears
-091808
Bolpen at lapis
tama na ang luhang pumapatak
katambal ang ulan sa pagtangis
wala nang pagpinid sa haba
walang hinto, walang panuto
hanggang maulit muli ang siklo
hanggang masaid ang pagtulo
...ng plumang nagdurugo
kung payak lang na dura
umaapaw man na salita
kung sinilang lang ng dila
ay wala paring naipunla
walis na winawasiwas ang tingting-kapal
walang nadampot... puros paghingal
umaatungal ng pabulong
walang punyal
...ng tintang hangal
kung batis ng uso
pulot ang luha sa galak at samyo
lantay na pag-ibig
busilak na himig
at ilang mgadakilang pag-awit
tapat na paghimig
...ng makatang panitik
-080209
Who told you that lie?
Who told you that lie
Like a pool all mine cry
When distance have untie
Us; but am in wine?
Who told you that lie
No look back on my eyes
I see the clouds up high
But not the tears of the sky
Who told you that lie
My smile had set by time
You’re the flowers in mine
Then a plant in a while
Posibly, they told you true
I filled the pool of tears
While drunkin' a lot
You’re a thumbs plants thorn
-121108
SI.LA.PO
/sining lahi poly-reperatory
Ang entablado, tulad ng dating
nilaanan ng hikbi sa pagdaluydoy
ng pusong pinaalab ng puso sa pag-tunghay...
mula sa iba't ibang mukhang
binubuhay ng sining at pagmamamahal, sumumpa:
"handa na kong maghubad..."
hanggang namugad ang pangarap
matanghal din ang talento't lumipad
ang maskara sa realidad ng mundo
ang maliit na tao sa aking puso
na patuloy na lumiliit sa sikip, upang humitik:
"maghahanda na kong maghubad..."
gastusan ng gintong oras, lawa ang pawis
luha ng pago at saya, hanggang sa akin
at sila'y isang pamilya.
di ko inisip na ampon ang hiya
pero dumaloy ang dugo, kabigkis nitong puso, bigla...
namuhay na may ngiti, namuhay na may kaba,
at namuhay sa luha
hanggang ulan ay tumila; hinila ako pababa ng biyak na lupa
ang entablado'y lumayo sa akin, biglang dumilim...
hinahanap ko ngayon ang paghahaila sa akin
basa ako ng luha, habnag kumakapa sa hangin
naiwan ako ng entabladong magdadamit sa akin...
-110908
WIN or LOST
-unlimited
All tears of tiredy moment
May wipe by cheers
Together in unity we bore
the fears...
Mastering the steps
as sharp as knife,
Knights whose faught for might
These snaps
These claps
And props
All in reigns to ignite...
Big break for a solemn
Argues and revelations
Rebellion to the leaders's pride
for a sudden froze
All in quiet... a frigid pose
For time can heals
All the pieces frail we'd feel.
Foul illusion, teary situation
And unmeasured temper
Cause it's uncertain
But it's a fight!
-051508
TIME IS GOLD
A bouquet of nourish flower nourishes in smell
From the graceful garden of yesterday
It’s a lady in the midst of his sight
In the vase of mud keep dried so tight
A weeks of blowing crowned with cheer
In days of changing it’s flood of tears
You’re with ear –the faith draws folds
A time to hear that “time is gold”
-121808
RESUREKSYON…
Di ba sisiskat din ang araw at ningning
Sa tulad mong abang tinulak sa bangin
Sapagkat ang buhay di dapat sayangin
Sa lahat ng tao’y umaga’y darating
Kay gandang timbangan anaki’y laruan
Kay bigat ng aba kaysa sa mayaman
Mayamang may tangan biling katarungan
Na sa aba’y pilit na hinahadlangan
Ang ganda kay gandang winika ni ama
Na lahat ng tao ay sadyang pantay nga
Mula karap0atan, pangarap at pita
Hamon at problema, hanggang sa pagluha?
Ngunit ang mayaman mas angat sa iba
Sa sirangang timbangan na ‘yong nakikita
Kahit na ang aba’y lagging nadarapa
May bagong umagang sisikat sa mukha
-071607
Mabuhay!
Nagpapalit lang ng dahon ang araw
Sa sakong bitbit ni juan ay dudungay
Habang nalilibot sa bundok ng langaw,
Maghahalukay…
Sa kanyang palad ang napulot na papel
Na malinis walang sulat na tintang suwail
Nanghinayang itimbang pagkat walang sukat
ang kanyang hilahil…
sa pag-uwi’y kinatitigan ang papel na napulot
at dumakot ng asin at sinaboy sa mata
nais nyang isulat doon ang kanyang pagluha
ang dusa, ang pag-asa, ang pawis o ang
walang hanggang sana…
ngunit nilamukos nya ang walang sulat na papel
at hindi nya naisulat ang nais nyang isulat
…dayuhan sa buhay nya ang titik
…ang pluma nya ay putik
-012710
Shadow…
/panambitan ni Kathleen
Everytime the dark will take its route
Through ocean of the sky ang stars road
My heart was filled of solemn mood
Speechless cries ang doing naught I should
Shadow of the past running through my veins
The weight of wounds seems tragically untraced
Though it’s been a year that faded as rain
That nothin’ can cease this feeling at chain
Pushing to forget was so hard to do
With the one whom you made love so true
To your heart the strength have been tried to cope
Even if you knew you’re going to last hope
Can’t release the feeling of blaming inself
Moreover these pain causes by you
Even if you don’t meant or you don’t knew
The shadow means to leave the old view
-033009
Pagkupas
/faded by dong
Nakahilata sa nagyeyelong ilog
May Kristal na tubig sa mga mata
Doo’y may pader na di magupo
Nagselyo ng puso sa takot
Patay na tuyong dahong nalalagas
Hinihipan ng papanaog na taon
Siphayo ng puso sa basag na obra
Ay bunga ng patay kong hiling
Matamis na samyo ng malabong hamog
Sa suso ang sanggol na dahon
Hinahunin ang pintig na walang pinid
Sasluhan naman ang malalim na idlip
Mainit na liwayway saking pakpak
Huling limlim sa lambing ng galak
At kung ang lahat ng ito’y pumanaw
Ako’y mananatili sa iyong paglitaw
-121208
Huling yugto ng oras
May ngiti sayong mukhang kay amo ng sa birhen
Nakaitim ang langiut nang kumaway ang alabok
Sinadyang magpatak ng gamundong dalahin
Ang senyas ng pagpatid sa huling lagatok
Bilang na pala ang oras ng huling halakhak
Hagibis ang kasarinlang ipinataw ng maykapal
Sayong pagyaong kay bilis ang pahina’y nagahak
Subalit ang bawat titik mo, saming puso ay nunukal
Malakas na umid sa huling yugto ng oras
Madlang siphayo ang kinintal ng kapatlangan
-051909
ANLUWAGE
/carpenter
Sa mata ng isang karpintero’y
May ngiting mamamalas
Ayon ang araw ng paggiba
Sa kanyang mga naitayo
Ang unti-unting pagbagsak
Ng kanyang mga obra
Ay tila mamahaling kerubing
Pinupulbos ng mga maso
May ngiti sa kanyang mata
Habang ngumingisi…
Ang tunog na nabubuo ng
Pagsasalpukan ng mga gamit
Sa paggiba at ang ginigiba
Ay may anong saliw na
Kakatwa sa kanyang pandinig;
Ang himig na umaalingawngaw
Mula nang sya’y magbinata
Hanggang sa mag-asawa’t magka-anak
Bumulong sya ng bulong ng pagkukuwento
…hanggang sa muling humalakhak
(boses nya’y walng tunog)
Bumakas ang galit sa kanyang mukha
(tapos na ang pagngiti)
-habang lumuluha
-032309
SIYASATIN
Ang sinag na umabot sa sandaigdigan
Nakakapit sa tipanang walang kasiguraduhan
Mula sa nagliliwanag nyang kaluwalhatiang
Sinasamba ng walang alinlangan
Nangalap ako ng sagot bago nagtanong
“Sino ba ang diyos”; nang sinagot ni amang
Isa ring apostoles ng bbliyan, tago lang aking tugon
Pagkat ngalap ako ng sagot bago nagtanong
Sagot ng aking pusong tinarakan ng kapighatian
Nasa’n ang diyos noong mamatay si ate Fe
Sa kamay ng mga lalaking hayok sa laman
Habang siya’y nakaupo sa mahahabang upuan ng simbahan
Magpasalamat tayo sa maawaing dios
Pagkat tayo’y pinagpala; sa kanya natin ialay ang papuri
Pagkat siya lamang ang tama
Papurihan siya nang walang patid
Sambahin natin ang ispiritong nagmumulto
Sa ating isip…
-032408
Ang tao sa buwan
At tao sa lupa
Isang dipang walang laktaw ang babagtasin
Ang rikit ng kalawakang madalas nagkukubli
Sa ulap na may nangingilid na luhang mapait
Sa dipang susukatin ng pangarap ay mabula…
May tao sa buwan at siya ay nakatanaw
Tulad mong nakatanaw sa bilog na buwan
Ngunit di magpang-abot ang inyong mga mata
Pagkat tulad mo, bumabagtas s’ya ng dipang
Walang katiyakang sukat…
-052809
Ventana
Hindi na mabakas ang lumang araw sa kanayunan
Puno ang langit ng bituin at bilog din ang mahinhing buwan
May aalialigid na ilang kabinataan
Kakaiba ang amoy na tila pinaghandaan
Hayan silang pinupupog ng kaba
Nangingintab ang buhok sa pamada…
Tila isang gabi sa pagpanaog
Tila nag-iipon ng lakas ng loob
Naghihintay kaya sa pagdungaw
Ng probinsyanang iniirog
Bang! Bang! Bang!
Hayan silang nag-aaklas matapos ang ilang putok
Isang hagip ng alingawngaw –ng baril sa pagtutok
Hayan silang walang pagkakaisa
Pagkat iniwan ang isang nakabukagta,
Ang unang panauhan
Tangan ang kanyang hitik na supot
Noong huling pagpanaog…
Sa bintana
-032909
Jabez
Pinilit kong kalimutan
Ang di ko malimot mong pag-iral
Kalawang sa puti kong blusa
Mantyang pula ng kahapon
Pinilit kong ilihim
Ang di malihim ng pagkakataon
Kipkip sa lilim nitong blusa
Sadyang kay hirap itago
Pinilit kong kumbinsihin
Ang di mapanatag na kalooban
Sa huli’y nanaig ang puso ng ina
Sayong pagsilang na di sinadya
Pinilit kong magdoble-kayod
Ang magpasuso habang naglalaro
ang isip sa pagnanais maging haliging matibay
nawa’y matutong maging ilaw,
pumapatnubay…
-041409
INCOMPLETE
A SMOKE IN DYING MACHINE
AS SPEECH PONLY SHADOW CAN HEAR
AS SHOES IN THE LAND OF WATER
AS A TIME OF PRISON’S WATCH
AS APPLE’S LEAF IN SUMMER BREEZE
MY BREATH BLOWS WEST TO EAST
WITHOUT YOU LIFE IS A MESS
-010510
Paliwanag ng isang Bulag
Bangungot: walang kulay na panaginip
Ang kanyang nakita… walang kulay ni isa
“iyon marahil ang pula pagkat dugo
Ang amoy n’iyon”
Sa pagitan ng tunog –bakal na pader
May tao doon na nagluluksa –pagkat humihikbi
Agad akong lumapit nang sinabi nya, “tulong!,” paulit-ulit
Bulag ako. Pero inaninag ng aking kamay
ang kanilang anyo…
at hindi lang pala isa ang humihikbi
na ngayo’y nananangis
kumukulilig sa tenga ko ang paghingi nila ng tulong
ang isa’y nakaratay sa lupa “paumanhin
at natapakan kita”
bulag ako pero inaninag ngt kamay ko
ang kanyang mukha
nahipo ko’y bungo…
-102509]
Alsaymer Disis
/syokoy
Isumpa ang nakalimot sa pagsabi nilang “isumpa man sa bato”
At ipako ang mga nangako na napako lang ang pangako
Ng dahil sa bilyong paghampas ng alon
Sa pampang na katalik ang suwail na dagat;
Naghingalo ng labis ang inukit na titik
Sa pagyabong ng oras…
Tila ako inang may kandong na sanggol –ang iyong pangako
Dinuduyan sa isip nang paulit-ulit kong madama
Ang pagkasabik
“matulog ng mahimbing …aking sinta,
Bukas pagmulat mo’y aking pagkatuwa…”
Nagising akong may dampi ng ngiti sa labi
Tumatawa…
Muli ko itong idinuyan saking kandungan
Pabalik-balik. Tila humuhilik na pag-asa;
Umasa ‘kong darating ka… tama nga
Nagayong ikaw naman ang gusto kong yakapin,
Bakit ka bumalik…
Alam mo bang labis aking pagkasabik,
Na sa muli nating pagkikita’y muli ring
Sisigla an gating pag-ibig
Tayo’y muling iibig
Sa ating pagkikitang hinintay ng ilang taon
Sa muli nating pagkikita’y di ko inakalang
Muli kitang yayakapin… ngayon
Ngunit sa malamig mong kaba0ng
-103009
Ang Patay na Dagat
Piniga ng poot
Ang bayn ni hesus;
Noong una’y isang basong pula
Sa taga, ang brasong nadaplisan
Ng palasong may lason
HIMAGSIKAN!
Alingawngaw ng boses-manggagawa
Kanya-kanyang wikaing nandayuhansa dila,
Hanggang mabuwag ang pundasyon
Ng matayog na tore ng babel…
…sa may sungay na anghel
Ay tangan ang pugot na ulo ng
Batang palaboy,
Naglalaro lamang sya
Ng kanyang bangkang papel
Sa ilog eurhrates … pinaaanud
; ng bata ang origaming gawa
Sa makukulay na papel de hapon…
Ngunit ikinahon
Disin sana’y inabutan ng pasko
nang makapagbukas ng kanyang regalo,
Kaso’y bungo ang Aguinaldo
Nakita mo ang basong nilalangaw
Alingasaw ‘yon ng ulilang pinatay…
Ngunit ibinuhos mong lahat sa lababo
At dumaloy sa tubo hanggang kanal…
Bagama’t di mo na sinubaybayan
Pero nagpatuloy iyon hanggang sa ilog
-at nagtaka si pilato
Pagkat kumulay iyon hanggang sa
Oasis ng Libyan
“wala na nga bang dalisay na tubig
Ang lawa ng Caspian,
Hanggang Mediterranean
Maging ang katubigan sa Jordan
(hindi nya batid)
-pula ang ilog, ang karagatan
Ang dugong ibinuhos mo lang sa kung saan
Ay nagpatuloy sa pagdaluydoy
Hanggang sa mapansin ng isang balong
Nangungulila sa anak nyang –kinuha ng estado
Sapilitang inilayo- nag Polo ‘Y Serbisyo…
…ang pagkulay ng pula
Sa dulo ng ilog na hangganan ng dagat
Nakita mo…
Ang lumuluhang kaluluwa, “ANAK…”
-121909
UN-NECK-DOTA
Pasensya na...
medyo nag-eemote lang ever
sa pag fly-fly may mga etchings etchings
kung dehins Carino brutal ang effectiveness-
Devastated naman ang heartache
Trying hard... crumacryola
Mas malayong binuview ang future
beyond unfortunates kong past... at destructions
pang turtore-kwek kwek na japeyk
Dios Mil, piratang DVD's at pills:
Mas malabong magpasaksak o magpamasaker
Ampatuad de ladlad at parti-less...
nagpapaturok sa patag na dibdib
MaLuz Baldes lang 'tong des honares.
...doble Kara ('y Crus) pang effect
sa mamihan at pares pares
pasensya na...
medyo mag-iispyuk ang bandirittas
iban daw ang tita mo sa kader der na politiks
so chaka daw pag kaming maglutas
sa unsolvebables na poorest nationg may tigdas...
paano ihiheal ang illinoisiest cities
-like pinas?
pasensya na...
We’re not macho papa's tulad ni R'meo
tipong sumasayaw ng low-low-low
Tirintas ang kilay at nakashaging eyebrow
ngunit nagpapatuloy...
ang dugong Bayani sa mga nerves nagfoflow
...though
Birdugo ng pangarap,
Siento por sientong waley pang clap-clap...
from alapaap-
Heaven to earth ang paglagapak
waley mang pakpak...
But we swear, pang oath na itich
pagkat magandang bukas ang ikoCrosstich
Promise!
Cause we can make-over, for Free!
...necessarily,
At trulalong di puro drawings
...Trust me!
-020910
Hinagpis ng Init sa Tag-lamig
(Pag-aalay sa lamay ni tsong)
Trese. Panis! Bwakanang pagong
Lugaw! Dyablong malupit sa pagbulong
Gagat-labi pang atras si mokong
Dobol-Ded yun kung matutong
Alas! Tumirada sa tilamsik ng laway
Binuburol ng buhay
Hay! Alai… naglalamay
“Puto’t kutsinta!
May dala kong susi sa bulsa
Heto ang baul…
Walang sara
Parang kutong tiniris sa paggawad
Pang-Belong kutis kung madalumat
Saloob ng kahong tigbak ng malas
Julietang ahas…
Todo’s los Santos pag-ibig
Grabe sa lupit… inaagnas.
Huminto tayong hingal-aso sa pagparada
Purnadang kinikilatis kung sumibat ang tama
Maya’t maya kata sa pagsimot
Parang uhog ni tukmol sa pagsingot… walang kaba
Paulit-tulit…walang tira
“Puto’t kutsinta!
May dala kong susi sa bulsa
Heto ang baul…
Walang sara
P’re kaibigan ka sa pag-abot to the highest level
Magkasama sa paggamot ng pagkainutil
Butil butil na pawis… walang hilahil
Tsong pinagpala ka ni Lord
…walang pipigil
‘Tang-yagit! Ang luha tsong
Hindi ko matigil,
Pusang-Ama!
Andito na ang pera
Kaso sayang lang,
Patay ka na…
“Puto’t kutsinta!
May dala kong susi sa bulsa
Heto ang baul…
Walang sara
…P*?@...
-022310
Huling Araw ng Kaarawan kong
Kasama ka; Ina.
Takot akong sumilip sa putting kahon
At isipingh ito’y laro ng emahinasyon
Pagkat alam kong…
Hindi ko makakayang umahon
Sa paglangoy sa sariling baha
Takot akong buksan ang regalong kubli
Ito’y kahapong uukit pabalik sa ‘yong ngiti
Tanglaw nitong umaga…
Hindi ko maisip kong paano pa
Ang mabuhay ng wala sayong tabi
Huling Araw ng Kaarawan kong Kasama ka; Ina.
Namasdan ko ang tuwa sayong mata
Habang bumibigkas ng salita…
Masidhi ang pag-unawa ko sa habilin
Bagaman mabagal at mahina
Takot akong makitang ako’y nandoon
Sa loob ng silid at humuhungos
Walang patid ang luha sa pag-agos
…sa diwa ko’y pilit kang iginagapos
Dito lang ako sayong tabi nakakalong
May haplos ng pag-ibig saking pagbangon
At hindi lalayo sa takbo ng emosyon
Pagkat alam kong…
Takot akong sumilip sa putting kahon.
-022110
High Heels
Nakaharap syang nananalangin
Sa krus na may nakasabit
Na tao!!! (nakakapit)
Magkadikit ang makinis na palad
Na puno ng pulseras at singsing
Na pilak!!! (tanso ang loob)
Bumibigkas ng salita sa isip
“oh! Santa Maria napupuno ka
Ng Grasya…” (kabisado)
Pulang ilong. Dahil sa pagkusot
Ng tissue sa namumulang matng
May kontak-lens… (kala mo totoo)
Sa pagtayo, tila lumulutang
Sa pagkabanal-banalan ng kanyang
Panatang pagsamba…
Maaliwalas ang isip, tumimo
Ang sitas ng pari ukol sa pag-ibig
Sinasapuso?!
Matingkad ang sinag ng araw
Kaya’t nakapagtatakang bigla
Ang ambon…
Nalaglag ang gamit nya sa pagkabigla
At tarantang pinulot isa-isa ang abubot
Nagkalat sa daan…
Muntik mawala sa isip
ang sermon ng pari ukol
sa pagkamahinahon…
nang may palad na nangalabit
sa kanyang blusang kupasin
isang musmus na matamis
ang pagkakangiti ng palad,
nakalahad…
sambakol ang mukang ipinukol
ng pagkainis dahil sa ambon
nanlaki ang matang tila bisugo
lumansa ang amoy ng pabango
“Ano Ba!” at matalim na pagsino
Naiwang nakalahad ang musmus
Sa palad nyang nakalahad
Ay may grasyang
Hindi mabilang… sa dami
Patak ng sanlaksang ulan
(malayo na ang babaeng inalayan ng bata ng karma)
…napamura…
…natapilok…
-012710
Titik
Nagpakadalub-gawa sa kikinlang titik
Pumalaot ang nilikha sa duguang ilog at putik…
Napagpanting sa pandinig marahil kung marinig
Ng ‘nunong lumikha ng malikhaing panitik…
Naikulong sa bagahe nang nagningning ang puti
Nang nangatog itong bansa sa byaheng paabante
Nakasakay na raw sa gulong at pakpak ang higante
Tayo’y naglalakad namang usad pagong na piki?
Titik-tilaok na ang orasan
Tayong kumapit nga’y di napag-iwanan
Ngunit ang di kumapit ba’y nangagsiiwanan?
Gayun man’y may paa ang ibon
Lumilipad nga’y muling sa lupa’y kakain
Kaya lang wag nawang ihambing
Ang tayo sa ibong kaladkarin
Ang pinagpugaran
ay agad naililibing…
natutong lumipad,
nakalimot bumalik
parang
TITIK natin…
Inukit sa putik… ay nagging buhangin.
-011509
ANDAMI KO NG KALAT…
ANG MGA SULATING NAKAPALOOB DITO AY PAWANG ORIHINAL
AT HINDI PO KINAPI-FAYS LANG SA MGA ARTIKULO NG IBANG TAONG
MAHILIG RIN LUMIKHA NG MGA BASURANG GAYA NITO…
ITO NA PO ANG NAKAUUMAY NA LIPON NG MGA TULA…
ANG BASURANG ININGATAN NG ILANG TAON…
NA NANGANGAMOY NA PO NGAYON!
ANG BUNGANG LIKHA NG KUMIKIROT KONG NGIPIN
LALO NA SA GABI…
MAGHANAP NA NG KAPOTE…
AT MAGPAKALUNOD SA MGA SALITA!!!
AS OF NOW… welcome to the JUNGLE!!!
-BY MANAGEMENT
cuison.reymond@yahoo.com
No comments:
Post a Comment