PAGPANAW
(raven hawk's suicide note)
Lumalangoy ang isip
sa dagat ng kaisipan
umaasang maapuhap ng makwentuhan
ang kariktan nitong nakagapos sa kawalan.
Sa lalim ng pagsisid ay nais ng sumuko
humihinga sa misteryo, at tunay na mundo
kinukubli ang huwad kaysa sa totoo
gagapiin ang luha sa pagpanaw nito
Ginagapos narin ang bawat salita
minimina sa hangin at kinakata
nakikinig sa boses na walang makaunawa
ang hanay ng mga hinuha
marapat lang ipakita.
Pero, hitik na ang blangkong papel
at ang hiwag nito'y sakin lang nakatanim
ang tulang ginawa- sa lilim ng patay na araw
kumata'y-hindi matanaw.. . .
kathang-walang matanaw. . .
-022208
Lumalangoy ang isip
sa dagat ng kaisipan
umaasang maapuhap ng makwentuhan
ang kariktan nitong nakagapos sa kawalan.
Sa lalim ng pagsisid ay nais ng sumuko
humihinga sa misteryo, at tunay na mundo
kinukubli ang huwad kaysa sa totoo
gagapiin ang luha sa pagpanaw nito
Ginagapos narin ang bawat salita
minimina sa hangin at kinakata
nakikinig sa boses na walang makaunawa
ang hanay ng mga hinuha
marapat lang ipakita.
Pero, hitik na ang blangkong papel
at ang hiwag nito'y sakin lang nakatanim
ang tulang ginawa- sa lilim ng patay na araw
kumata'y-hindi matanaw.. . .
kathang-walang matanaw. . .
-022208
Sa lalim ng pagsisid ay nais ng sumuko
ReplyDelete* NANG yata dapat ito, at wala yatang salitang "kinukubli." IKinukubli" ng salita. Ngayon, kung kaldag sa tula, gawin na lang, 'KINUKUBLI