Ni Donfelimonposerio
Time Check: 12:45 pm ;
Recon Taxi: TWG075
:Hindi siya
Bumuntong hininga.
Kalahating oras pa lang naman siyang nakaupo sa may waiting shed. Muling
titingin sa wrist watch na seiko ang tatak na emitation lang
na hindi pa tapos hulugan sa kaibigang business minded.
-minsan natatawa na lang
siya kapag naaalala ang pakiusap ng kaibigan, "please naman! Abonado na
naman ako nito e, sa katapusan ha!" pakiusap ng kaibigan at tatango lamang
siya. Abunado. Tiyak iyon! Avonado siya, dahil ni sa hinagap wala siyang balak
bayaran ang kaibigan. Napakarami ng katapusan at walang kasiguraduhan ang
bilang ng kanyang pangako, iyan ang sigurado.
Muling humihip ang hanging
panghapon, nagkalat sa kalsada ang mga fliers na kanina lamang tangan
iyon ng babaeng realstate agent. Ibinibigay sa sinumang magdaraan pero hindi
siya binigyan kahit nakatitig siya sa babaeng iyon nang sadyang dumaan kanina
sa harap nito. Marahil may pamantayan ang babae sa kung sinuman ang bibigyan
-yung tipong may kakayahang bumili sa kanyang inaalok. Naitanong niya tuloy sa
sarili na halata bang wala siyang pera sa bulsa at wala pa siyang kakayahang
bumili sa ngayon?
Sa ngayon! Ngingisi siya.
"sa ngayon wala pa.." aniya habang nakatingala at nakamasid sa
kalangitan. Pero balang araw! Luluhod ang mga tala. (napangisi siya, ang
drama.) Pati buwan-pati araw luluhod sakin, pangako yan! Magiging hari
rin ako ng mundo at si felisa .. (napangiti siya at muling napatingin sa suot
na wrist watch. Tapos, lumingon-lingon sa dakong maaaring panggalingan ng kung
sinuman.
Ano ba!! Anong oras na!
Tsk!! Pabulong niyang sambit sa sarili. Matapos na mabasa ang maliit na kamay
ng kanyang orasan.
Time Check: 3:05pm ;Galore
FX Taxi SUA743 ; Hindi pa rin
Muling babaling ng tingin
sa mga taxi-ng hihinto upang magbaba ng pasahero. At bubuntong hininga matapos
mabigo sa inaasahan. Kung mainipin lang marahil ang lalaking iyon di siguro
siya makakaabot ng higit sa kalahating oras na nakaupo doon sa waiting shed
na pininturahan ng alikabok ng maghapon. Putsa! Anong nangyari kaya dun!
Mukhang iindianin ako nun a!
May mga fliers na nagkalat
na sa lansangan na hatakin-kaladkarin ng hangin sa kahabaan na iyon ng EDSA.
Mula sa hindi kalayuan, natanaw niya ang isang batang nakayapak, puno ng putik
ang katawan.. Butas-butas ang mahabang suot na damit. Buhaghag ang kulot-kulot
na buhok. Napakunot noo siya nang mapansin niyang may hawak itong fliers na
waring binabasa ng marusing na bata napangisi siya nang mapansing wari may
malalim na pinag-iisipan ang batang iyon.
Lumangitngit ang malambot
na kama sa kanyang pagtaluntalon sa malambot na kutson. Inihagis, malalambot at
kay babangong unan. Nang nangulo ang tiyan -pagkalam ng sikmura dulot ng ilang
araw na paglalakbay sa lansangan. Sinikap niya na sa paghalungkat-kalkal sa
basurahang pinagpipyestahan ng mga langaw, bangaw, niknik at mga uod ay may
makuhang mailalaman sa tiyan. Ngunit anong malas ng araw na iyon na ni tinapay
na may amag, ni kaning kaunti pa lang ang pagkapanis o anumang ulam na kahit
may amoy ay maaari nang pagtyagaan -subalit wala. Huminto ang bata sa
pagtalon talon, biglang nginatngat ng bata ang mga unan, naglalaway na bibig na
waring sarap na sarap sa kinakain. Bumusina ang isang sasakyan, nagulat ang
gusgusing bata at agad na umalis sa kinatatayuan. Nagmura ito at dinuraan muna
ang kotse tsaka umalis. Mabilis na tumakbo palayo.
Time Check: 3:30pm;
Raymund Taxi ATU777; Kala niya si Felisa pero kamukha lang pala.
Narinig niyang kumulo ang
kanyang tiyan. Naalala niyang di pa siya nanananghalian. Umalis siya sa bahay
nang palihim, tangan ang bag na may lamang ilang gamit, mga damit, di niya rin
kinalimutan ang envelope niyang naglalaman ng kanyang pagkatao, mga sertipiko,
resume etsetera na batid niya kakailanganin niya sa paghahanap niya ng trabaho
matapos na makarating na sila ni Felisa sa uukupahan nilang munting kwarto sa
isang paupahan sa Sta.mesa, kailangan niyang makapagtrabaho agad kung sakali.
Hindi madali ang gagawin nila sa panahon ngayong hindi maganda ang takbo
ng ekonomiya. Mahirap ang buhay, sabi nga ng iba. Pero kailangan niyang
magpakatatag at ni Felisa. Pinag-isipan niya na ito nang ilang ulit. Dalawang
buwang buntis si Felisa at may pananagutan siya, mga ilang buwan lang magiging
ama na siya. Isisilang ni Felisa ang kanilang anak. Kung lalaki isusunod niya
sa kanyang pangalan. Joselito Bernalde Jr. Kung babae, wala pa siyang naiisip.
Bahala na. Nakikinita niya sa isip ang magiging masaya nilang pamilya. Malayo
sa matritidang biyenan, malayo sa humahadlang sa kanilang pag-iibigan, malapit
sa mapayapa’t masayang pagsasama nilang dalawa at ng kanyang magiging anak.
Si felisa na masayang maghahain ng masarap na pagkain habang takam na takam
silang dalawa ng kanilang anak. Muling kumulo ang tiyan niya.
"iho mukhang andami
mong dala a,? Naglayas ka ba?" bati ng isang matandang may tangan ng
panindang sigarilyo at kendi. Sa wari niya'y nasa sisenta na ang edad.
"hindi po sa ganun,
fortune, dalawa po"
Bakit siya sasagot, ano
nga bang pakialam niya sa matanda "pasindi po,"
iniabot sa kanya ang lighter, at umupo ito sa tabi niya. "pasensya ka na iho, kangina pa kita pinagmamasdan. Naalala ko kasi ang sarili ko sayo."
iniabot sa kanya ang lighter, at umupo ito sa tabi niya. "pasensya ka na iho, kangina pa kita pinagmamasdan. Naalala ko kasi ang sarili ko sayo."
Anas ng matanda, habang
inaayos ang tangang kahon ng paninda. "naglayas po kayo dati?" Ewan kung bakit natanong
niya ito, pero naisip niyang mabuti nang may makausap nang di ganong mainip sa
paghihintay sa di niya sigurado kung susulpot pa ba o hindi.
"hindi sa naglayas
iho, pero parang ganun na rin" mabagal na tugon nito.
"paano pong paraang ganun?"napakunot siya at sumeryoso ng ayos.
"paano pong paraang ganun?"napakunot siya at sumeryoso ng ayos.
"may mga dala rin
akong mga balutan, diyan mismo sa kinapupwestuhan mo. May hinihintay ako
noon."
"babae? Kasintahan
niyo po" napatingin sa kanya si manong, parang siya kay Felisa. Parehas
sila ng matanda, naghihintay sa magkaparehong lugar.
"Ou, pero di dumating
si Celina."
Nagulat siya. Napangisi,
nagtanong
"Celina po?"
"ba't di naman nagpakita?” Seryoso niyang tanong pero may tumawag sa
matanda, bibili sa kanya ng sigarilyo. Agad tumayo ito ngunit nagsalita muna
bago agad na lumapit sa tsuper.
"hindi ko na nalaman
ang dahilan iho."
Nabahala siya sa iniwang
sagot sa kanya ng matanda,
"hindi ko na nalaman
ang dahilan."
Balak niya pa sanang
hintayin uli ang matanda para sa kwento nito tungkol sa hindi pagsipot ng
kanyang katipan pero nawalan siya ng pag-asa nang sumakay ang matanda sa
humintong bus.
"si manong.. Parang
manghuhula ah." nabanggit niya sa sarili. Tingin sa relos.
Time Check: 4:05; Rainmill
Taxi CRY693 ;nakita niya si Felisa , walang dala.
No comments:
Post a Comment