Sunday, November 17, 2013

Doon na lang sa Starbucks...



                Excited na naman ako na makapagsulat ulit ng mga obra habang nagkakape sa starbucks at dahil inaasahan ko ring doon ay makikita ko siyang muli.

Excited ako. Pero nae-excite ako dahil sa makakapagsulat uli ako ng obra... teka, ewan ko ba, ang totoo yata kahit wala akong maisulat na obra basta lang makita ko siya sa starbucks na 'yon.

              Oo, at hanggang ngayon, tingin ko walang kinalaman ang pagsulat ko ng akda sa starbucks dahil kahit naman wala ako sa Starbucks ay nakapagsusulat ako, pero kung wala ako doon sa Starbucks ay hindi ko siya makikitang muli.

Ewan ko nga ba bakit ginagawa ko ito, nagkakape ako -kahit na hindi naman talaga ako mahilig na magkape -kahit na magbayad ako ng mahal (Kahit na nagtitipid naman ako) baka dahil gusto ko lang talaga siyang makita doon. Kapag nasa harap ko na ang mainit na (ginituan atang) kape ay maiisip ko yung binayad ko ay pwede ko nang pamasahe nang isang buong linggo papunta sa paaralan kung saan ako nagtatrabaho -pero pupunta parin ako dahil wala akong magawa, iyon lang ang paraan para makita ko siya, kung pwede nga lang pumunta doon nang hindi na oorder ng kape, basta uupo ako doon para lang makita ko siyang muli. Kaso hindi pwede yun! paulit-ulit akong lalapitan ng crew ng Starbucks at ipaparamdam sakin na dapat akong umorder dahil bawal ang mukhang nakiki-WIFI lang (kahit na hindi ko naman habol ang WIFI o ang matry ang kape nila -na para sakin parang kalasa rin lang naman ng 3 in 1 na tig 6pesos yun)

Kaya lang na-realize ko sa bahay kahit na may kape doon na kalasa din ng kape ng Starbucks, wala naman siya -wala paring kwenta.
Kaya wala akong magawa, dahil iyon lang ang paraan para makita ko siyang muli.

Teka... bakit nga ba wala akong magawa?? Lahat ng mga bagay may paraan, basta gugustuhin mo. Pwede akong maghintay sa tapat ng Strabucks na iyon at hintayin ko siyang lumabas, kahit na ilang oras pa,
o kahit na gabihin pa ko, kahit na mag-overtime pa siya maghihinta ako sa kanyang paglabas, nang sa ganun malapitan ko siya, lalapit ako sa kanya at magpapakilala. Pwede kaya yun? (e diba, may kasabihan tayong do not talk to strangers?)

Teka, e kung i-add ko na lang kaya siya sa FB account ko, ise-search ko ang name niya at makikipag-friend ako sa kanya para kapag friend na kami sa facebook itsa-chat ko siya kapag online siya... Tama! Pero paano kung hindi niya I-accept ang friend request ko?

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay! Ang hirap, wala akong sapat na lakas ng loob, kaya wala akong ibang magawa kundi pumunta sa Starbucks na yun, habang nagkakape ay miminsang matatanaw ko siya, sapat na yun para sakin.

Ayos na sakin ang ganoong set-up, basta lang makita ko siya sa loob ng starbucks. Kahit na hindi niya ko makilala pa...

-Sa Starbucks na lang...

No comments:

Post a Comment