Hindi lang para sa maganda at gwapo ang love story
dahil kahit sa daigdig ng mga abstract ang mukha
may tumutubo paring pag-ibig...
parang pigsa sa magkabilang pisngi ng pwet!
<3 P.S. Ay Lab Yu!
Chapter 1
IMperfect Match on my Scrath...
[JULIET's POV]
"Wait, pakinggan mo ang quotes na 'to, Lies are like flowers in full bloom, they look beautiful but do not last long, hehe, cute di ba? galing yan kay Master Cheng yen." Hindi ako sumagot agad sa sinabi niya, di ko kasi nagets gaano. ?. ok, wala nang gaano. hindi ko talaga na gets kasi kanina pa ko nag-iisip kung paano sisimulan tong gusto kong sulatin e.
"Anong ibig sabihin nun?" natanong ko na lang para masabi niyang may kausap siya.
"Ahhmmn... Hindi maganda ang magsinungaling.?" nawala na talaga sa isip ko yung gusto kong isulat. "HAHAHA!!" bumulalas ako ng tawa. ang galing mo talaga Yuan.
"Antaba ng utak mo! bakit di mo yan pagdyetahin!"
? "Haha! Ikaw na matalino, mali ba yon? Whatever, Ano ba kasing isinusulat mo dyan bhes, kala ko ba nandito tayo para mag-enjoy? Sinama mo pa ko dito 'tas wala naman tayong ginagawa.." ha? sinabi niya yon, siya talaga nagsabi nun? mukhang nakakadireee yung nasa isip niya. Lokong Boyfriend to ah!
"Alam mo AMBASTOS MO!! ano bang iniisip mo nagagawin natin dito? gago ka ba." sinama ko siya dito sa kwarto ko kasi nga magpapatulong sana ko sa kanya. Brainstorming kumbaga. Kailangan kong gumawa ng Story for my requirements sa school, para wala nang Exam, gawa na lang daw kami ng five Short Story tapos ipapabookbind namin. Shet na Creative Writing subject namin yan, di naman namin Major, e, nag me-meyjor-meyjoran. five stories pa? Shet! Isa nga wala e!
"Ano ba kasi yan?!" hinablot niya sakin yung binder ko. tapos tinignan. ayt! May manners din e noh?
"E, wala namang nakasulat ah? kala ko kanina ka pa nagsusulat?" ngumiti ako sa kanya. Hehe. Wala pa nga kong nasusulat e, kasi nga di ko alam kung paano sisimyulan yung story na gusto kong isulat.
"E, hindi ko nga alam kung pano sisimulan! Kaya nga kita sinama dito e," alam kong hindi ko talaga sinabi ang dahilan kung bakit ko siya pinilit na sumama sa dorm ko. Kanina nagulat siya nang niyaya ko siya... never kasi akong nagyayaya sa kanya ng anuman. Si YUAN, siya lagi nagpipilit na isama ako sa kung saan, siya lagi unang nagyayaya. Sama naman ako. Laging siya yung unang mag-o-open ng mga bagay bagay sa buhay niya. Ako, Tamang kinig lang. pero kapag tinatanong naman ako, ayoko magkwento sa kanya ng buhay ko. Wala lang ayoko lang talaga. Tawag niya nga sakin noong una, Miss Misterious. Noong hindi pa kami.
"Hoy Ano ba! bhes, sabi ko po... ano ba yung gusto mong isulat? Malay mo makatulong ako." Bhes yung tawagan namin kasi, bago naging kami galing kami sa matatag na friendship relationship. As in Bestfriend talaga. Matagal na kaming may lihim na pagtingin sa isa't isa. Ayaw lang talaga umamin sa isa't isa. Mamaya kuwento ko kung paano kami nag-aminan. hehe, awkward situation yun. at mahabang istorya.
"Ahmn.. Alam mo bhes, kasi may balak na talaga akong isulat e." nakakahiya sabihin. Baka matawa siya kung sakali. Hehe
"Ano nga?"
"Gusto kong magsulat ng Five love story, pero... kwento ito ng mga simpleng tao, simple means. yung mga awkward yung mukha."
"H-ha? HAHAHAHA! Maka-awkward ka naman sa mukha wagas ah! Ikaw na maganda!" sabi ko na nga ba e, matatawa lang siya at hindi niya gusto yung ideya ko. TSK!
"K-kasi gusto ko ng something new, yung kakaibang stories." well, marami na namang kakaibang stories sa mundo, andami nga kong nababasang mga weird na stories sa wattpad.com e. "Pero alam mo kasi parang lahat ng nababasa ko pare-parehas na lang e, yung tipong laging pag-ibig ng prinsesa at prinsipe, kwento ng mayaman at mahirap, kwento ng gwapo at maganda, love stories ng sikat." kala ko nakikinig siya sakin e, nandoon siya sa desk ko dalawang hakbang sa kama ko kung saan naroon ako, ewan kung anong kinakalikot, parang ewang nakakainis kasi hindi niya yata pinapakinggan yung sinasabi ko.
''kasi nga may formula ang love story. Weird ng naiisip mo ha, pero tingin mo may happy ending ang dalawang couple na mahirap na mananatili silang mahirap o pangit?. na hindi sila magkakaboses sa lipunan? o yumaman man lang? o gumanda man yung mga itsura? Walang babasa ng kwento mo!" Ang haba rin ng sinabi niya ha, love na talaga kita bes. kung hindi niya sinama yung dulo. Pakialam ko sa babasa? E, kay Sir. Mikko Salvador lang naman mapupunta yun e! pwera na lang kung may balak siyang ibenta yung mga kwento namin. TSk! Tingin ko mukhang pera yun, tsaka may pagka manyak na propesor. Yack! parang Boyfriend ko, may pagkamanyak.
" E, kasi naman e, parang nang-uuto lang yung ganung mga love stories, parang napakalayo niya sa reality."
"hehehe, e, kasi nga fictionated yun." humarap siya sakin at lumapit sa kama ko. maliit lang yung kama ko pero kasya parin ang dalawang tao dito. Pero wala akong balak na mahiga na katabi siya.
Ano siya siniswerte. Hehe. pero, hindi sa ayoko, I mean, hindi pa pwede. Aral muna, aral muna!
"fiction as in hindi talaga totoo o makatotohanan! " nag-isip siya saglit, nakahawak sa balbas niya na ilang piraso lang.
"singkit ka pala bes, may lahi ka bang chiness na oranggutan?" pag ganito siya kalapit sakin, ewan ko parang ang init ng pakiramdam na parang nilalamig parin ako. Noon naman walang spark samin e, pero ngayon parang nakakakoryente ako kapag lumalapit siya, parang 1 centemeter lang ang pagitan namin e parang nakadikit na ko sa High Voltage conductor. Shet na malagket!
"tse! Wag mo nga kong tignan ng ganyan bes, hahalikan kita e! pero alam mo, kung gusto mo ng mga story na malapit sa reality magbasa ka ng mga true to life stories na genre."
"O-oo nga, sabi ko nga."
"P-pero gusto kong isulat yung kwento noong nakita ko sa kanto, sa may Liwasan, yung tinuro ko sayo noong nakaraang gabi. Isang pamilya sila e na tingin ko may magandang love story sila."
napayuko ako, nahihiya kay Yuan. na baka unrealistic din yung idea ko.
"So, anong gusto mong gawin." nagulat ako nang bigla siyang pumunta sa likuran ko at yumakap sakin.
"gusto mong interviewhin sila kung paano sila nakabuo ng isang pamilya?" ang ganda ng boses niya, kinikilig ako. Shet! nararamdaman ng leeg ko yung paghinga niya.
"sasamahan mo ba ko kung sakali" humalik siya sa leeg ko, naramdaman ko yung pagdampi ng labi niya sa leeg ko.
"Okay, I'll accompany you. for your stories.. why not. sasamahan kita,"
Chapter 2.
The Setting and plotting
[YUAN APOLLONIO's POV]
"Hoy Misteryosang babae, sinong kasama mo dyan??" sigaw ng kung sino sa pinto.. tapos nagulat na lang ako nang bumukas ito, Isang matabang babaeng , tatlong beltbags ang dala.. Hehehe, BILBIL pala yun! nakakagulaticons lang.. ^_____^v
"Alam mo bang bawal ang lalaki dito? anong ginagawa niyong kababalaghan??? mamaya magulat na lang ako't nagkakabuntisan na ang mga borders namin! " hehe, mas mukha pa nga po kayong lalaki??bakit nandito ba 'tong amasonang to??
"Me sinasabi ka??" halaaa! Nababasa niya ba sinabi nang utak ko?? ahahahaha
"Ah, ate princess s-si Yuan po, BF ko po, w-wala naman kaming ginagawang masama e," antaray, sige bhes honey ipagtanggol mo naman ako.
"PAKI-ALAM ko" ( >__< ) that baboy na caretaker, na mukhang undertaker.. nakakatakot. Tumayo ako. at magpapaalam na sana nang
"IKAW LALAKI! Sa uulitin.. Mali, HINDI NA DAPAT MAULIT ITO, NAIINTINDIHAN MO, KUNG HINDI PA KO DUMATING AGAD, NAKU!! MALAMANG NAGSASAPIN-SAPIN NA KAYOOO!!!" talsik nito bumabagyoo eh, baboy na ginagaroting pakatayin.
"grabe naman po kayoo"
"Matino po akong lalaki, "
"OU, isa ka sa mga nagsabi niyan na lalaking naabutan ko sa aming boarding house, at syempre dahil sa matitino nga ay iiwan na lang basta dito ang mga alaga namin na mga may PAKWAN NA SA TIYAN!!"
"HEHE, O siya-siya pooo.. mauna na po ako!! " di ko na hinintay na magsalita ulit si matabang baboy, tumakbo na ko palabas ng bording house ni bhes ko.
Naku naman kasi tong si Juliet e, hindi naman nagsabing bawal pala ang bisita sa kanila.. naku talaga..
"YUAN saglit," nasa likod ko si bhes, my honey na bestfriend ko nang matagal tagal ding panahon, at ako ang matyagang torpe na sa wakas ay nakuha na ang matagal nang pinapangarap sa mundong ito..
"Pauwi ka na ba?" naglalakad na ko palabas ng eskinita, sa kahabaan ng street ng Teresa,
"Ou, uuwi na ko sa bahay... bakit? " siguro naman hindi siya magpapasama pa sakin sa kung saan noh,
"SASAMA mo na ako sayo, kelangan kong matapos yung konsept na ginagawa ko eh, malapit na kaya ang pasahan nito, " sasama sa bahay na..namin? namin?? totoo ba 'to? ehhe, umaayon ang panahon at ang kapalaran??? "DAHIL ISA KA SA MATINO, ISA KA RIN SA MAG-IIWAN SA ALAGA KO NA MAY PAKWAN NA SA TIYAN!!!" wahhh, hanggang ngayon naririnig ko parin yung matabang baboy na yun ahhh.
"Hindi pa ko uuwi, punta muna tayo sa park, circle tayo, hapon na naman eh, hindi na mainit.." wag muna sa bahay, kahit na matagal ko na siyang niyaya sa bahay..
"Wag na sa park, punta na lang tayo dun sa Liwasan sa may kanto nun, ipa-plot ko na kasi yung story ko e, kelangan ko munang makita yung setting... " deretso lang ako sa paglalakad, papunta sa covered court kung saan nakapark ang kotse ko, "Sige dun tayo, ui, grabe lang yung caretaker ng boardnig house niyo ha, machine gun ang bibig"
juliet just smiled and hold my hands, "I love you Yuan, Hehe, sorry, di ko nasabing bawal lalaki dun," then I reply a kiss on her forehead.
Nagdrive na ko papunta kami sa liwasan, kung nasaan yung sinasabi nitong gagawan niya ng story,
she turn on the radio, naghanap ng kanta, then "I feel that I Have always walked alone. But now that you're here with me, There'll always be a place that I can go. " feel na feel lang?? hehe, pero yan ang gusto ko sa bhes ko, ang angelic voice, hehe... nakakahiya man "Anong kanta yan? Weslife ba yan??"
"A1 kumanta niyan, Heaven by Your side!! suddenly our destiny has started to unfold. sabay ka dali, " at ito naman ang ayaw ko, demonic ang voice ko e, pang groarrr grooarrr...
metalic hehe,
Duet kami, " now my life is blessed ...with the love of an angel. "
"how can it be true? " habang nagda-drive ako, parang nag-so-shoot lang kami ng music video.
"somebody to keep the dream alive." ako. "the dream I found in you. " tapos siya.
"I always thought that love would be the strangest thing to me " tapos duet ulit, ahahahah.
" but when we touch, I realise that I found my place in heaven by your side. " parang nasa heaven na talaga ako, kapag kasama ang bhes my honey ko, sana kahit mamatay na ko, siya parin ang destiny ko hanggang sa heaven. Kung mapunta nga kami sa heaven...
"Nandito na tayoo, ano nang gagawin natin?" nang nakarating na kami sa sinabi niyang lugar, isang parke, at malapit sa depress area. May hinahanap si Juliet at ako sa kanya naman nakatingin, ano na naman kaya ang pumapasok sa isip niya ngayon,
"Ano bang hinahanap mo?? may kakatagpuin ka ba ngayon dito??" at napansin ko nang nakita na niya ata yung hinahanap niya, dun sa bandang gilid ng nakasaradong store, may naroon na kariton, at mga beggars - sorry for the word pero sige, let's we call them -mga economically challenge na tao.
"hehe, mag-iinterview ako, " dala ang binder niya, bumaba siya at lumapit sa aleng may kinakalkal sa kanyang kariton, at so on.. hehe, Lalaki ako pero alam mo yun, nandidiri rin ako, nilalangaw eww.. puro langaw.. basura. crap!
"Magsasaing pa lang po kayo?" tanong ni bhes sa ale, na kasalukuyang nagtatakal ng bigas gamit ang lata ng sardines doon sa isang plastic na tig 1 kilo lang ata ang laman. Isang kilo hinahati pa??
"Hapon na po ahh, ngayon pa lang po kayo kakain??" hehe, tamang tao ata talaga ang napuntahan namin , hindi sila kumikibo at pipi ata ang mga ito, may sinusulat si bhes, nakatagpo lang ng tipid na tingin yung ale, tapos bigla namang may umiyak na sanggol.
"Uhaaaa, Uhaaa," iyak nang iyak yung sanggol sa loob ng kariton, kaka-awa naman yung kalagayan nila, lalo na yung baby, iyak nang iyak pero di naman pinapansin ng ina, tuloy lang yung ale sa ginagawa.
"Tahan na, tahan na, " nagulat na lang ako nang karga na ni bhes yung sanggol at pinapatahan ito, nabigla naman ako nang tumayo yung ale sa pagkakaupo, naisaling na sa apoy yung maliit na kardero -doon sa pinabagang uling,
"Bhes," tawag ko nang kinuha ng ale yung sanggol, tapos kinarga at nag-breast feed, hindi ko alam kung sinong dapat mahiya samin kasi lalaki ako, pero parang natural lang naman sa ale ang magpasuso sa harap ng publiko, naawa ako imbis na kung ano man ang isipin kasi yung dibdib ng ale medyo payat naman , hindi tulad ng sa maid namin.
"Yuan, umayos ka nga, maniac ka!" nagulat na lang ako nang hampasin ako ng binder ni bhes, nakatulala pala ako sa aleng nagbe-breastfeed.
"Hindi ako maniac grabe ka bhes," umiba ako ng tingin, wait, make me clarify yung sa breast ng katulong namin, hindi ako maniac at hindi ko minamanyak ang maid namin ha, kasi ano, may maid kami na may anak na. Mataba yung maid namin, palamunin nga yun e, pero kasi nakikita ko rin minsan na nagbe-breast feed siya. at tambotsug yung dede nung maid namin,
"ale ano pong pangalan niyo?? " tanong ni bhes, na alam ko ginagamit niya na ang kanyang strategy sa kanyang pagiging psychology student.
"gusto ko lang po sana kasing mainterview kayo, meron po kasi ajsaihdhsojdojs" etsetera etsetera, ayoko nang makinig sa pag-uusap nila, though tipid ang mga sagot ng Ale, may nakita kasi ako bigla na isang babaeng kakapasok lang sa eskinita, masikip na kalye, ewan, hehe... nakuha niya yung atensyon ko , may anghel din pala minsan na napapadpad sa ganitong klaseng lugar.. Ang cute ng girl promise.. hehe ^________________________^v
"Luto na ba, nakadelhensya na ko, nangutang ako ke Makoy, pero ayokong pautangin e," may kararating lang na manong na nakahubad, me tatoo andaming tatooo, hehe, me dragon tapos mukha ni hesus, tapos pangalan na hindi ko mabasa kung ano,
"Sino sila???" tanong ni Manong, ano bang napasok namin.. kinabahan tuloy ako bigla.
"Magandang hapon po Manong Jhonny," wow ha... kilala na agad ng bhes ko yung Manong, Jhonny pala. ahhh. Napansin ko naglabas ng pera ang gf ko tapos inabot sa Manong,
"Ito po , papautangin ko po muna kayoo," tumingin si Manong sa juliet ko, tapos walang anu-ano ay kinuha yung pera. Gusto ko sanang pigilan siya e, kaya lang..
"Ayokong isiping nanunuhol kayo, marami nang lumalapit samin dito, tapos papakiusapan na lumipat kami ng lugar, hehe, hindi kami aalis dito noh, lugar namin tohh. Ke Asyong ang lugar na! teritoryo ko ito!! " grabe lang , nakabatak ba si manong?? mukhang may sapak lang ahh. Imbis na matakot ako, gusto kong matawa, kasi parang ang siga eh, dispalinghado naman pala, iika-ika si manong. Napansin ko na maliit yung kanan niyang paa, malnurish yung isa niyang paa. Hindi to sakin mananalo ng takbuhan. Hehe
"Ay hindi po, kung me ganun man po, hindi po kami isa sa kanila, ahhh estudyante lang po ako, gusto ko lang po sanang makipag kwentuhan at malaman yung tungkol sa buhay niyo, " grabe lang bhes, ito talaga ang gusto mo haa.. sige. Kung sino mang profesor yun na nagpapagawa sa GF ko ng story, putik lang kapag hindi siya nun binigyan ng mataas na grade, we almost in a life and death situation here.
"Heh, Bala kayoo! Yang si Josie ang tsikahin mo!! wag mo kong istorbuhin," sigaw ni manong tapos sabay alis, dala yung isang daan na galing sa gf ko, kung bastusin man niya GF naku lang, lalaban talaga ako, kahit na teritoryo niya 'to,
"P-pasensya na kayo kay Jhonny ha, ahh Juliet ba ulit??" pagbibigay paumanhin ng ale.
"Opo, siya po si Yuan, BF ko" ngumiti lang si Aleng? Josie nga ba?? napansin ko lang nakabraces ba si aleng josie? hehe, kaya lang dilaw yata yung braces niya na may itim... ansama ko, sorry. Observation ko lang naman yun. Hindi siguro talaga uso sa kanila ang pagsisipilyo..
Then a chica minutes begins. Siguro mga ilang oras din silang nag-usap. Tapos buti naman, " Mauna na po kami ate Josie, pagbalik po namin dala ko na po promis," aalis na kam- wait.. Babalik pa po kami?? iyon ba yung narinig ko??
"Babal-" awwww. hindi ko na natuloy kasi, nangurot na siya na ibig sabihin oo balak niya ngang bumalik dito .. Naku naman! nalintikan ng magaling.
"Sige, salamat din kung ganun," kasiyahan yung nakikita ko sa mukha ni aleng Josie.
"Ano yung tinitignan mo dun kanina??" napansin pala ako nito na nakatingin sa babae na pumasok sa isang eskinita. . Heheh,
"W-wala naman, ano ba yun?? " palusot ko lang hehee.
"Ang ganda nong babae noh?? sundan natin... tara dalii, " Teka, putik nanghila na tong lokong 'to
"saan tayo pupunta??"
"saglit lang tayoo, hahanapin natin yung babaeng nakita mo kanina na crush mo na ata.."
"Crush agad bhes?? Agad agad?? " then she smile at me, at ayon pagkapasok namin sa isang eskinita, at isa pang eskinita at mahabang eskinita... para kaming nagtu-tour sa isang bagong island.. Para kaming mga ignorante, sa kanya siguro hindi pero sakin.. hehe, Mga bahay ba talaga ang nandito?? Grabe lang may mga pang-midgets ata... sobrang baba ng pinto. Tapos may mga ang dingding mga tarpuline lang. Tapos ewan hahhaa..
"Tara na balik na tayo," nakikita ko na pagod na rin naman siya kakalakad namin kaya, balik na lang kami.
"Babalik tayo dit- teka... Nakita ko na, bilisan mo" ano na naman??? para akong aso lang ha, me tali sa leeg sunod sa kung saan maisipan ng amo. Naku lang, kung hindi lang kita mahal Bhes.
"Hi, Miss," ayon nasa harap kami ng isang Chapel ba ito ... Binasa ko yung nakasulat "Parokya ng Kristong Banal," at nga pala, yung anghel na nakita ko kanina ay nasa harap namin.. Mas maganda siya sa malayo, hehe, joke lang.
"Magsisimba kayo?? Tara na po sa loob," halaa? Hindi ako nagsisimba, hindi na ko nakakapagsimba mula siguro 5 years old ako. Yun yung natatandaan kong nakapasok sa simbahan para magsimba..
"Ah. Tyaka na lang po babalik po kami, Ano pong pangalan mo?" naku naman bhes, pati ba naman madre pinagdiskitahan.
"Angel po, Angel Angel Catherine Meebo, sige po aasahan po namin kayo, lagi pong bukas 'tong chapel, wag po kayong mahihiya, ang tahanan ng Diyos ay lagi pong bukas sa lahat," ang bait naman nito. Tsaka angelic din ng Voice. hehe, pero mas maganda parin ang bhes ko noh.. At nakipagkilala na nga kami sa kanya. napansin kong marami nang dumadating na... Pwede ko bang sabihin na deboto?? ayun,
"anong oras po ng start ng misa?"
"Exacly 6pm po, mag-uumpisa si Father Bejo, eh punta po kayo ha"
"hehe, sige po next time, bukas po babalik kami, may pupuntahan pa po kasi kami eh. nice meeting you po," buti naman naisip na nitong umalis, so much for today. Marami na kaming nagawa ngayon..Sa loob ng sasakyan, nagsusulat lang siya.. hindi ko pa ini-start yung makina kasi gusto kong magbigay ng time sa kanya, ayokong istorbuhin ang mga sinusulat niya. Baka naman makalimutan niya yun. hehe. "Anu na," huminto siya sa pagsusulat. "Tara na!" mungkahi niya, gabi na rin sige uuwi na tayo. hahatid ko na rin siya sa kanila.
"teka, pabasa nga ng isinulat mo" at kinuha ko sa kanya yung binder niya at binasa...
PERFECTLY IMPERFECT
(my 5 ever written Stories)
5 short stories: ever written..
setting: Liwaran, squatters area... lumiko sa kanto, deretsuhin ang eskinito, kumanan may poste, pumasok sa gate..
makiraan muna, 1st house, "bahay na walang bubong,", 2nd house, "the den of heaven and hell"; 3rd house "the abandoned house of peace and humility" and 4th "The Love at the Chapel: Miss Angel" last "bahay ng writer!" how we will plot a unploted stories when it is not ploted anyway.
halika at pumasok sa kwarto ng de lata at tilapyang walang ulo.
1. BAHAY NA WALANG BUBONG...
cast: Aling Josie Matlag
Kuya Jhonny
benben --> a.k.a ULO
Jerry --> a.k.a TOM
Jelai --> a.k.a Jelai
"Hahahahhahahaa," hindi ko na mapigil sarili ko sa pagtawa... "Grabe bhes, ang galing naman pala ng ideya mo eh, mukhang maganda 'to ha, " hinablot niya sakin yung binder, >___<
"Sino naman yang mga 'yan?? ULO, TOM at JELAI??" tatlong tao pa lang naman ang nakikita namin ahh??
"Ahh, ayan.. Mga anak ni Aleng Josie yan, Gabi pa kasi ang uwi ng mga yan eh, nakwentu lang sakin ni Aleng Josie kanina," believe na talaga ako sa bhes ko, anlupit lang.. hehehe
"Gusto kong bumalik dun bukas, samahan mo ko ha," sabi ko na nga ba!!!! Anu pa nga ba?
mas ginusto kong samahan ka e, di samahan ka.
"Okay, kelan tayo babalik"
"Tomorrow night, pleaseeeeeeee."
"Ahhhmnn,"
"Pakikiss mun-," hindi pa man naramdaman ko na yung labi niya, Okay sige kung ganito nang ganito naman pala eh. Sasamahan kit
"Arraaayyyyy! Maniac!!!" hehe,
"Nanghahawak ka nang boobs eh!" ^________________________^v
"Ang kapal mo haaa! kadiri ka bhes, tara na nga, " sorry, nakakadala e, peace tayo. hehe! kala ko makakalusot hihi.. Bukas nang gabi, ewan kung anong mangyayari... babalik pa ba kami?????
______________________________________________________
\( ^__^)/
Chapter 3.
Bahay na Walang Bubong 1: daga.
"alas singko na ng hapon di pa tayo kumakain ng tanghalian, ano pa bang hinihintay mo ha??" kita mo itong walang hiyang 'to! kadarating lang e ayan agad ang bubungad sakin?
"malapit nang mainin 'to, maghintay ka lang,
anong ulam yang nabili mo?" sana pwedeng makain, kapag itong asawa kong bumili laging asama ng lasa ng binibili, paano e pinagstatsagaan yung sa buhok na karinderya ni Besieng Taba. Palibhasa e tayp niya yung matabang baboy na yun, kala naman papatulan siya nun. tsk!
"e wrong timing nga ko, sarado kila Besie, kaya kila Burnok ako bumili," lumapit siya sa kardero, nagtanggal ng damit at ginawang sapin sa kamay para di mapaso.
"Pwede na 'to, malata na nga e, dami mong sinabaw siguro, inubos mo yung laman ng galon," hininto ko ang pagpapadede sa anak ko, "letche ka, ikaw bang nag-iigib ha? e ako namang gumagawa ng lahat dito sa bahay na 'to ha!" konti na lang sasabog na talaga ako,
"tanga wala tayong bahay! nangangarap ka Josie?! sige na kain na tayo labs, uusok na naman yang ilong mo, o may adobo dito, pinadamihan ko pang sabaw yan," wala nga pala kaming bahay, di nga pala bahay ang tawag sa kinaroroonan namin. Kalsada ito at hindi ginawa para tulugan o tirahan ng kung sinuman, nakakaawa ang kalagayan namin, ang mga anak ko ang baby ko, "hoy! Josie kain na tayo!"
kala ko nga kanina nang me pumunta ditong nakakotse, kala ko'y papaalisin na naman kami. Palilipatin sa ibang lugar, dadalhin sa presinto o irerelocate daw...
itatapon sa malayo, sa isang lugar, doon ilalagay sa sinumpang relocation, na malayo sa trabaho ng mga tao pero yung kaninang dumalaw dito e, mabait naman pala. Nagbigay pa nga ng isang daan yung isa -si... ano bang pangalan nun ulit? Juls? Juliet! tama Juliet yung magandang babae, tsaka yung kasintahan niyang Yuan atang pangalan -bagay na bagay yung dalawang yun,
"HOY JOSIEE!! bakit ka tulala diyan?" mukhang mayaman pa sila't may magarang kotse e-
"JOSIEEEEEEE!"
"Ay pakang may tatoo!" punyemas 'tong lalaking 'to, biglang sumigaw at nambato pa ng tsinelas
"'lang 'ya ka! ano ba yun?? pati tuloy 'tong bata e nagulat sayo e," kinuha ko yung tsinelas at binato rin sa kanya pabalik, pero di siya tinamaan.
"Letse!" may gana pang tumingin sakin nang masama,
"anong oras pa tayo kakain ha?!" ako pang ni-letse ng lalaking 'to?
"malapit na yang mainin, ang kulit! o ito... paypayan mo para lumakas yang bago ng uling," inabot ko sa kanya ang pinilas kong karton na pinaghihigaan ng sanggol ko.
kinuha niya at pinaypayan ang de-uling na kalan,
"andami kasing inuuna e, kanina pa 'to dapat pinaypayan mo na e, buti naman umalis na yung mga reporter mo?" inuuna ko? ano kayang inuuna ko dito e nagpapadede nga ko ng bata? punyemas,
"yung dalawa, pinaalis ko na, baka huthutan mo pa ng pera e," karga-karga ko parin ang baby ko, kakaalis lang ng dalawang magkasintahan kanina -sana bumalik nga yun bukas.
"babalik daw sila bukas, mga hapon daw, nakakahiya ka kanina, pati dun namamalimos pa," nagsasandok na siya ng kanin sa pinggan niya, sinalin ang ulam,
"ano ako pulubi? tsk! anong kinahihiya mo? sila ngang dapat mahiya e nang-iistorbo sila sa buhay ng ibang tao? tapos may balak pang bumalik e mga kuripot naman,"
"Hoy, Jhonny yang bunganga mo ha, binigyan ka na nga ng isang daan e, di ka naman kilala nung tao," palibhasa 'tong lalaking 'to numero unong walang hiya e,
"me shinashabe ka??" wala talagang hiya, puno ng pagkain ang bibig tapos nagsasalita, "wala, sabi ko kumain ka lang diyan, tirahan mo lang sina Benben at Tom... pauwi na yung dalawa, si Jelai nagpaalam sakin kanina uumagahin yun wag mo na daw tirahan,"
"bumili sila ng ulam me mga trabaho di kayang bumili, kailangan kong kumain me lakad ako -me itutumba ko ngayon," binaba ko si Gi sa higaan niya, parang may daga sa dibdib ko na biglang nabuhay,
"di ba sabi ko wag ka nang tatanggap ng ganyan ha! putik ka Jhonny, gusto mong bumalik sa rehab?" pagkalapit ko sa kanya, alam kong may takot sa mata ng asawa ko,
"Takas ka Jhon, isa kang takas... hindi ka ba talaga marunong mag-ingat,"
pinahid niyang luha sa mata ko, "wag ka ngang umiyak diyan, nag-iingat ako labs,"
punyemas kang lalaki ka, puro na lang problemang dulot mo, "kelan ka ba titino ha,"
tumayo ako at nagpahid ng luha, kumuha ng pinggan at nagsandok ng kanin, "wala ka nang dinulot samin puro problema, mabuti pa ngang wala ka dito e, di kami nag-aalala, kung nasa kulungan ka, alam namin na nandun ka, lam mo ba..."
"yang si Jelai lumaki yan ng walang ama, pagbalik mo dalaga na di ba, sina Benben at Tom -patay ka na para sa kanila-,"
napahinto ako nang nalaglag yung pinggan ng asawa ko, wala na rin namang laman puro yung tira-tira nalaglag sa lupa, "LETSE!! Tumahimik ka na nga!" tumayo siya't di pa nagbihis ng damit ay mukhang aalis na naman,
"si Jelai -sabihin mo dyan sa anak mo -mag-ingat para di nagkakasakit -kapag nagkasakit siya paano na?? kapag bumalik si Benben tsaka yang si Tom, sabihin mo sa kanila wag nang mag-alala patay nang tatay nila, PATAY NANG WALANG KWENTA NILANG AMA!!"
"Uhaaaa, uhaaaaaa," nagulat ata yung bata sa ingay namin, "wag kang aalis, umayos ka,"
"yung anak mo umiiyak, me kinuha ako diyang kulambo galing ke markos, itatapon na nila yan kinuha ko lang,"
"uhaaaaa, uhaa -uhaaaaa," pinuntahan ko yung kinalalagyan ng baby ko, paalis naman 'tong walang kwenta kong asawa, "sige umalis ka, umalis ka na sa letseng buhay namin, wag ka nang babalik!"
"ano bang problema mong bata ka," paglapit ko sa kariton nagulat ako nang me daga, "ahhh, layas!! layasssss!" pinagpapalo ko nang pinagpapalo yung dagang kumakagat sa paa ng anak ko, puro dugo nang paa ng baby ko, wala na sa paningin ko ang asawa ko,
"uhaaaaa, uha uhaaaa," kinarga ko agad ang baby ko, umalis na yung walang kwentang daga, "Tahan na, uy, masakit, tahan na, hindi na hindi na," di parin tumitigil sa iyak ang baby ko, kumuha ako nang damit, binasa ng tubig na galing sa galon at pinunas sa paa ng baby ko,
"tahan na," anlaki ng sugat ano ba 'to,
tahan na sabi e, ano bang gagawin ko, gamot?? colgate?? sabon??
"nay, anong nangyayari sayo, bat iyak nang iyak si Gi?" nabuhayan ako ng loob nang nakita ko si Tom, ang anak kong panganay, "kinagat yung paa niya ng daga e, Tom me gamot ka ba diyan,"
"namumutla na si Gi, tsaka ang init-init o," hinipo ko ang baby ko, bakit ngayon ko lang 'to napansin, ang init init ng baby ko, ambilis naman ng epekto ng kagat ng dagang yun,
"Nay wag nga kayong umiyak, tara na magdala kayo ng damit ni Baby, dadalhin natin siya sa ospital," bakit doon? teka,
"wala tayong pera," ang mahal magpaospital e, di namin kaya yun
"wag mo nang alalahanin yun ngayon, ako nang bahala, dedelihensya tayo, bilis na nay! kinukumbulsyon na yang anak mo kung ano ano pa kasing iniisip e," e haaa, tara na tara na.
***
Chapter 4.
Bahay na walang bubong 2: Trabaho.
[Jhonny Matlag's point of view]
"ahhh, layas!! layaaaass!!" yan ang huling boses na narinig ko sa asawa ko. gusto niya na talaga akong paalisin, wala na ko sa kanya, balewala na ko sa kanila.
lalayas ako! dadalhin ko lahat ng gamit ko at... aalis- tsk! wala na nga pala akong gamit, nakakatawa talaga, totoo ngang kasabihan, nabuhay kang hubo't hubad, nang walang dala , nang walang pag-aari at mamamatay ka ring wala,
"aahahahahaha, how miss isa pa ngang beer dito! kanina pang ubos 'tong bote ko, ambagal-niyo-naman hik," ano bang klaseng bar 'to at ke babagal ng mga nagsheserb,
"buhos-na-ang-beer sa-aking-lalamunan hik,"
"hoy GRO ka, ashan nang beer??" kikinis nang mga hipon sa madilim na lugar na 'to, ang puso kong nahihirapan, bawat patak, "anong sarap, ano ba talagang mash gusto mo," ang beer-
"paano ka lalakad niyan kung lasing ka," e di gagapang, sino ba 'tong walang yang tong pakilamero, putsha, Si bos Jigs,
"Bos Jigs kamusta po, hindi po ako lasing -medyo... kinokundisyon ko lang pong sarili ko, mahirap nang dagain bos, shot po muna kayo -miss dalawang bot-"
"hindi na hindi na, dumaan lang ako... para dito, Mang Jhon alam mong anong gusto ko -ang mahalaga sakin malinis na trabaho, ayoko nang pumapalpak,"
tsk! ako pa ba? mukhang di ako kilala ni Bos, tinungga ko ang bote, unubos ko hanggang sa huling patak! "kelan ba kita binigo Bos Jigs, pulido akong trumabaho -mataas katungkulan ko sa loob, akong tumumba sa mayor ng isputnik, selda 12, tsaka-"
"sya-sya, kunin mo yan, nandiyan lahat, dapat mong siguruhing di na yan aabutan ng sikat ng araw ha, ang gusto ko mabasa agad sa dyaryo ang good news -bahala ka na Mang Jhon,"kinuha ko yung envelope at tinignan yung larawan at yung pera na nakasobre, mukhang bigatin tong isang 'to ha, siguro konggresman o kung ano, o baka naman kaaway sa negosyo ni bos, ibang iba sa mga natrabaho ko na pero "sisiw to Bos,"
tumango-tango lang si bos, "paunang bayad lang yan, dadagdagan ko pag plantsado na, sige Mang Jhon mauna na ko at marami pa kong aasikasuhin sa negosyo, God bless satin,"
hinatid ko ng tingin si Bos Jigs, madaming koneksyon si bos -alam ko yun, kapag pumalpak ako malamang akong itutumba -at pag nangyari yun? walang ibang matutuwa kundi si Jossie,
"sige umalis ka na, wag ka nang babalik dito!! wag ka nang magpapakita ulit!! "
"sige umalis ka, umalis ka na sa buhay namin, wag ka nang babalik!" yan ang gusto niya, bahala na sila sa buhay nila, hinding hindi na ko magpapakita sa kanila kahit na kailangan, kahit na kailan,
"beer pa po sir??" tama ang dating nitong GRO na 'to, "tamang dating mo no, paalis na ko e, wag na! ambagal nyo, bwishet!" makaalis na ko dito't baka di ko matansya ang hipon na 'to tatansyahin ko 'to!! "makaalis na nga dito!"
"teka Sir, bill niyo po,"
Me bayad ba yun?? Tsk! "mukhang pera , o!" ibinigay ko yung pera na galing dun sa sobre, ang mahal mahal e ang pangit naman ng mga babae, hipon na hipon, dapat takpan na lang nilang mga mukha nila at di na yung katawan, mukhang di rin naman nakadamit ang mga 'to.
"Giling! Go!! Hubad!" di naman marunong gumiling yung isang dancer na nasa stage, "maghubad ka na lang!"
"pare ang bastos nang bibig mo ha," may isang lalaking konsern sa pokpok, ayus yan!
"pasensya na, nakalimutan kong nasa club pala ko, at mga konserbatibong mga tao sa club na 'to, pasensya na," tinaas kong dalawang kamay ko habang nagpapaliwanag, hehe, mainitin atang ulo ng isang yun, umalis na lang ako at baka di ko sila matansya at tansyahin ko sila!
hehehehehahahah... paglabas ko ng sayawan club, me mga pokpok na nasa labas, "balik ka pogi," at masubukan nga kung tunay, "AAYYYYY! BASTOS, BASTOS!!" hehe, sorry
"pasensya na kala ko unan," nagpanggap akong lasing, pero di ako lasing, hinipo ko yung pwet nung isa nang nagkunwari akong natumba, hehehe, mukhang tunay nga!
"giliw, wag mo sanang limutin, ang mga araw at gabi na, mga anak at bahay nating pinaplano -lahat ng ito'y hik nawala nung iniwan mo ko, kaya," ngayon... alam ko nang gagawin ko, kailangan lang -pumanik sa taas ng motel na to, room 24, at pumasok-hanapin yung matabang lalaki na mukhang octopus dun sa larawan-sabay tutok ng baril sa may sintido tapos-putok! BANG!!" ganun lang kadali, malinaw na pera na agad,
[abNormal Point of View]
Hindi siya inutusang bumili ng suka sa tindahan ni aleng Nena, bumili lang talaga siya ng suka nang kusang loob, "aleng Nena pabili po ng suka, yung hindi kulang,"
"ah yung sakto!" hehe anlupet ni aleng Nena, "Nadali mo aleng Nena,"
isang magandang aral na natutunan ni Jhonny sa mga kakosa, mabisang pangtanggal ng kalasingan ang purong suka, pampahapdi ng tiyan at pampawala ng pagkabangag gawa ng alak, "o, Jhonny -mukhang nakainom ka ha,"
"konti lang po,"
may isang binatang lalaking bumili rin sa tindahan ang nagsalita, "konti lang," sabay ngiti at umalis, kilala niya yung bata, yung nasa commercial yun sa T.Vah??
"aleng Nena, kilala niyo yung batang yun?" sabay turo dun sa kaaalis lang na bata,
"abay ewan, sa dami nang bumibili dito sa tindahan e, hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila at hindi ko na rin anaalam kung sinu-sino sila, nga pala si Jelai yung anak mong dalagita -e kadadaan lang dito ah,"
"si Jelai ho? asan daw papunta?" wala talaga siyang alam s mga anak niya, sampung taon sa kulungan at kalalaya niya lang... este katatakas lang pala, wala na kong alam sa mga anak ko, iyon ang nasa isip niya,
"abay di ko na tinanong, basta't bumili lang ng sigarilyo sakin at pumasok na diyan sa malaking building na yan," may malaking building sa harap ng tindahan ni Aling Nena, sakto at iyon din mismong lugar na pupuntahan niya,
"ahh, diyan po yun nagtatrabaho e masahista daw sa salon," ang anak niya sabi ni Jossie ay nagtatrabaho bilang masahista, kailangang magtrabaho ang kanyang anak, dahil wala siya, dahil sa kanya... dahil wala ako sa tabi nila bilang ama nila, wala talaga akong kwentang ama,
"sige po aleng Nena, dito po muna ako," pagkakuha ng sukang datu-puti, binuksan niya ito gamit ang ngipin at sabay ininom, maasim -napangiwi ang mukha niya- umasim din ang sikmura pero isa ang sigurado sa ginawa niya -nahimasmasan siya kahit papaano.
"hoy Jhonny!!,"
napalingon siya kay aleng Nena tapos, "ngiti ka rin!!"
ginagaya nila yung sa commercial, parang mongoloidz lang si aleng Nena, sumenyas din si mang Jhon sa kamay,
"konti lang," ngumiti si Aleng Nena parang bata e ubanin na lahat lahat. pwe! dumura si mang Jhon bago tuluyang umalis at pumasok sa building.
***
Inihanda niya ang kanyang baril, may dala siyang brown envelope sabay pumasok sa building at nagdahilan sa guardiya na may ipaaabot lang siya sa kanyang amo sa itaas, alam niya ang kwarto at dati na siyang pumunta dito, "room 24," malaki ang building at may iba't ibang stall, may fast food din sa loob, may salon na sa tingin niya doon nagtatrabaho ang anak, at sa bandang itaas ay mga paupahang kwarto na,
hindi na siya nag-elevator, hagdan ang ginamit niya, handa na ang baril nang kumatok siya, alam niya na ang gagawin... madala lang naman e, ang nasa isip niya. Isa siyang iika-ika pero killer? sino nga namang maghihinala?
sa ilang katok ay bumukas ang pinto, may tao-binaril niya, buti't magandang baril ang binigay sa kanya ng amo, walang tunog -iwas sa eskandalosong ingay -nakita niya na ang nasa larawan na ngayon ay nasa kama at umiindayog sa ibabaw ng isang babae, nang babarilin niya na yung target, napaatras siya.
"abay di ko na tinanong, basta't bumili lang ng sigarilyo sakin at pumasok na diyan sa malaking building yan," muling pumasok ang linyang iyan sa isip ni Jhonny, pumasok diyan sa malaking building na yan, napahinto siya pero nakatutok na ang baril sa ulo ng kanyang target -ilang putok lang ang kailangan, pero napahinto siya... ang anak niyang si Jelai, naroon sa kama,
nagkatinginan silang mag-ama, nanginginig ang kamay ni Jhonny, (masahista si Jelai, yun ang sabi ng kanyang asawa, kasama ba 'to sa trabaho niya) "taaaaaaay!" nagulat si Jelai kaya't napasigaw ito, may humampas sa ulo ni Jhonny na galing sa likod, maliban sa dalawa ay may mga tauhan pala sa loob,
binaril siya sa tuhod nung isa, -kaya napaluhod siya, nahulog ang baril, tumayo ang lalaking pinupuntirya at sabay lumapit sa kanya, nakatingin lang si Jhony sa anak na umiiyak sa kama, na pilit itinatago, tinatakpan ang kahubaran. "ayokong makita mo kong ganito tay," sigurong nasa isip ng dalaga. nahihiya siya sa ama, pero higit pa dun nakaramdam ng takot ang dalaga nang nakita niyang nakatutok sa ama ang baril ng lalaki.
"boss, itumba ko na to??" tanong ng isang tauhan. "tataaaaay," papalit-palit ang tinging sa mag-ama nung matabang lalaking nakahubad, mag-ama "teka lang," ang bayarang babaeng 'to at ang hired killer.
"kung sino mang nag-utos sayo na patayin ako, antanga niya no-si Jigs, ou si Jigs yun hehe -sinasabi ko na nga ba ang kakumpitensya ko sa negosyo may masama palang balak," dumura siya at bumaling sa babaeng nasa kama, sinabunutan sa buhok, hinila,
"WAG!" pagmamakaawa ni Jhonny, nanginginig siya at pinagpapawisan -hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari, planado na yun -dapat pumanhik sa taas ng motel na 'to, room 24, at pumasok-sabay putok! BANG! ganun lang kadali, malinaw na pera na agad pero bakit ganito -bakit si Jelai, ang anak niya pa?? binaboy ng lalaking yun ang anak niya... gusto niyang sikmuraan ang lalaki sa pambababoy nito kanyang anak, gusto niyang putulan ng ari, katayin at isilid sa drum tapos sementuhan din at itatapon sa dagat! gusto niya yun o higit pa dun.. pero ngayon wala siyang magawa, "parang awa niyo na, wag niyo nang idamay ang anak ko," pagmamakaawa ni Jhonny
tinawanan lang siya ng lalaki, "halika dito!!"
hawak ng matabang lalaki si Jelai at ipinapahawak nito sa babae ang baril, "sige kunin mo itong baril!," sigaw ng lalaki kay Jelai, tumatanggi lang si Jelai, umiiling,
"KUNIN MO!!"
Sa gulat ay hinawakan ni Jelai ang baril, inayos ng lalaki ang pagkakatutok, "ayan ganyan, IPUTOK MO NA!!"
"Ayoko po, hi-hindi ko kaya," nanginginig si Jelai hawak-hawak ang baril. Umiiling ng pagtanggi, tatay ko siya kahit na... kahit na wala siyang kwenta, ka-kahit na matagal siyang nawala, kahit na ganyan siya... ayoko, hindi ko kaya, paulit-ulit na umiiling, hindi ko kayang barilin ang tatay ko,
"IPUTOK MO NA!!!" nagulat siya sa malakas na sigaw ng lalaki at biglang nakalabit niya ang gatilyo. Isang putok, saktong sa sentro ng ulo ng kanyang ama tumama ang bala. Nabitawan niya ang baril? napaluhod sa panghihina ang kamay nasa harap niya ang amang duguan.
"TATAAAAAAAAAAAAAAYYY!!" sigaw ni Jelai at patakbong nilapitan, kinalong ang ulo ng ama, walang patid sa pagluha ang dalaga.
"Je-Jelai, patawad," ang huling salita ni Jhonny.
Iniwan sila ng mga lalaki na parang walang nangyari.
***
Lutang si Jelai sa mga nangyari, iyak lang siya nang iyak habang naglalakad papalabas ng kwarto na yun, iniwan niya ang wala nang buhay na ama, tinakpan ng kumot, hindi niya alam kung saan pupunta... pagewang-gewang ang lakad niya, umuulan nang oras na yun nang pagkalabas niya sa gusali, wala sa kanyang isip kung anong suot nang damit, isa lang ang suot niyang sapatos, pero di niya yun ininda, naglalakad siya sa kalsada habang umuulan, may mga bumubusina sa kanyang sasakyan dahil miminsang mapupunta siya sa gitna ng kalye, "hoy baliw tumabi ka nga!" sigaw ng isang tsuper ng jeepney, pero di niya nililingon ito, "tsk! baliw nga!" kaya't iniwasan na lang siya ng mga sasakyan, nagpatuloy ang kanyang paglalakad hanggang sa kusa nang mapagod ang katawan at bumagsak sa kalsada...
Chapter 5.
Bahay na Walang Bubong 3: Ang Anghel.
[Yuan's Point of View]
kahahatid ko lang kay Juliet sa boarding house nila, ewan ko ba dun masyadong energetic -naexcite kasi dun sa binalak niyang istorya, well, aaminin ko parang nae-excite na rin ako -parang kakaiba rin kasi yung feeling na maisusulat mo yung totoong nangyayari sa buhay ng isang tao, hindi lang basta iniisip kundi naisulat mo dahil iyon talaga ang totoong nangyari sa character mo na totoong tao rin at pwede mong makausap at makilala in reality.
"ang malas naman! umuulan pa," madulas ang daan, kung maaga lang sana akong nakauwi pwede ko pang matapos yung report ko sa company bukas, hay Juliet, nakalimutan kong sabihin e may gagawin pa pala ako, bakit ba kasi ang parang nakakalimutan ko na lahat kapag kasama ka, hay! pero ang saya-saya ko kapag kasama yun, parang ayoko nang umalis sa tabi niya,
*vibrate, calling... bhes*
namiss na ko agad nito, hay naku bhes, "hello... bakit di ka pa natutulog, I thought you feel sleepy, me pasok ka pa bukas di ba,"
"bhes, asan ka, nakauwi ka na??"
"at my car, driving... pauwi na ko, malapit na ko sa bahay. sabi ko take a rest now bhes,"
"gusto ko lang malaman kung nakauwi ka na, kasi umuulan e madulas ang kalsada, take care ha," bigla kong naipreno ang sasakyan, shit! may nabunggo ata ako, parang me babae akong nakita, "holy sh- hay ano bato malas," umuulan pa naman,
"Bhes... bhes nandiyan ka pa ba?? Yuan??!" baba ko muna 'tong phone baka mag-alala pa 'tong babaeng 'to e, ano ba 'to!
"Yet, bhes sige na take a rest na, don't worry I'm okay, bababa ko na ha,"
"okay sige, goodnight bhes, I love you," wala kasing traffic lights e, bababain ko ba? ano ba 'to, sana di napuruhan,
"ui, I said I love you," ha??
"ha? ahh -I love you too bhes, bababain ko na ha,"
"what? anong bababain ko na??" shit ano bang nasabi ko,
"I mean ibaba ko muna tong phone, kasi baka may mabunggo ako-"
"naku Yuan, sige na nga. Kung ano-ano nang sinasabi mo!! ayaw mo kong kausap di wag!"
"hindi naman sa Juliet? Juliet? Hello?"
Naku binaba na nga, mukhang galit pa. Lucky me!! tsk! no choice kailangang bumaba, tao talaga yung napansin ko, buti na lang wala masyadong sasakyang nagdadaan dito.
Pagbaba ko ng sasakyan ko nakita ko yung isang babaeng nakahandusay sa kalsada, mukhang nabunggo ko nga. Madilim ang daan yung, yung front light ng sasakyan ko lang ang tanging liwanag, malakas pang buhos ng ulan, napansin kong wala siyang ibang damit kundi yung malaking polo shirt at duguan siya, "shit! mukhang napuruhan ko ata,"
***
Binuhat ko siya at sinakay sa kotse, malapit na ang bahay namin dito kaya iniuwi ko na lang sa bahay, karga ko yung babae hanggang sa kwarto. Alam ko nagtataka ang mga kasama ko sa bahay kung sino yung babae, I have no time to answer, tinawag ko si Manang dulce -ang maid namin at pinatignan siya, nasa labas ako ng kwarto ng lumapit si Zheng,
"kuya wet look ah, sino yung babaeng yun?" sino nga ba yun? ewan,
"nakita ko sa daan... ewan parang nabunggo ko ata,"
"kuya, nang hit and run ka!" hit and run bang tawag dun?
"baliw, Zheng alam mo bang meaning ng hit and run,"
"Ou naman, nabunggo mo tapos itinakbo mo dito sa bahay, na hit and run mo nga!"
may sapak din 'tong kapatid ko e, kakasama sa mga kabanda niya ayan nalagyan na ng hangin ang utak, "hay naku Zheng bahala ka na nga, sana nga hindi napuruhan yang isang yan, naku pag nagkataon magkakarecord na ang malinis kong pangalan,"
"kuya, hinugasan mo ba pangalan mo??" hinugasan! ang slow ko ba? ewan ko ba kung joke yun basta di ko naintindihan,
"ang OA mo Zheng,"
"bantayan mo muna siya, me aasikasuhin lang ako, kelangan ko pang tapusin yung report ko sa company, bukas maaga ang pasok ko," it's about the business proposal na para sa bago naming produkto, ilalatag ko yun sa mga bagong investors namin, at pag naging successful ang presentation ko, malaking assets ng kumpanya yun!
"kuya! ako talagang magbabantay?? ano ko baby sitter," napahinto ako, paakyat na sana, papunta sa kwarto ko. ang kulit talag nito ni Zheng Zheng, my younger brother, dalawa na lang kami magkasama ng kapatid ko, my mom and dad at ang little sister ko nasa U.S, sa Collarado, may bahay kami dun at pinasusunod na nga rin kami but mas pinili kong manatili sa Pilipinas, maybe because of Zheng Zheng na mas pinili ang Zhenzous, his band, at maybe dahil na rin kay Juliet my only girl in my life, aside my mom and sister,
"sa mga bata lang yung baby sitter no,"
"hindi mo ba siya bata kuya?" bata? as in girlfriend?
"loko ka! me girlfriend ako, hindi ko yan bata no, gusto mo sayo na lang yan, ligawan mo,"
"no thanks kuya, me girlfriend na rin ako,"
"wait, kayo na ni Nina?" malamang kung sila na, dapat akong unang makaalam, kababata niya si Nina, Classmate since elementary hanggang highschool pero ngayong college, di na daw nagpatuloy sa pag-aaral.
"ahhhhhmn, not yet, pero alam kong... ahh basta -wait for my announcement kuya," torpe din!
"tsk! hindi na ko umaasa," pang-aalaska ko, hehe makaganti rin, hay! aakyat na nga ko sa kwarto ko at may magawang matino,
"naku! wala kang tiwala sa kapatid mo kuya, hindi ako torpeng gaya mo noh," imbis na paakyat na ko ng hagdan e napahinto ulit ako at bumaba at hinarap ang pilyo kong kapatid,
"nagsalita ang hindi torpe, alam mo kung torpe ako e di sana hindi kami ni Juliet ngayon," sabay ginulo kong buhok niya
"hay naku kuya, dapat lang noh, 2 years kang nagparamdam ng panliligaw kay ate Juliet tsaka ka lang sinagot nung sa wakas e nagtapat ka, mahina ka parin... ako 2 days lang na nanliligaw sa babae e kami na, minsan nga 2 minutes lang sinasagot na ko agad e,"
"tsk! Zheng Zheng hindi collectible items si Juliet gaya ng mga nililigawan mo,"
"Anong collectible items kuya?"
"collectible items mean, nabibili, by trading, by money, pakitaan mo lang ng maganda, sabihin ang pass word e sumasama na, madaling makuha kasi may pera ka, let us try this, tatanggalan kita ng allowance, at pati credit card then let us see kung magsisilapitan sila sayo," biglang kumunot ang mukha ng kapatid ko at lumuhod,
"kuya naman , ibang usapan yan, wag nang idinadamay pa ang allowance ko, and my credit card, you know how important it is, paano na lang kung sa mga emergency situation tsaka-"
"see my brother," parang ang bait niyang kapatid at hindi pasaway kapag lumuluhod 'tong batang 'to, "now get up- I just have the favor -ikaw munang umasikaso dun sa babae, tawagin mo na rin si Dra. Capara para matignan siya, is it okay?? "
"aye aye kuya!" good my little brother.
***
[Zheng Zheng's Point of View]
Ano bang hitsura ng babaeng yun?? baka nga pwedeng pagtsagaan, "Mr. Zheng, the patient is now at good condition, she has no wounds, or any damage but... there something confuses me, she don't know anything about herself, maybe she's now experiencing a homorage or natraumatize, as you just said na nabunggo siya ng sasakyan ng kuya mo,"
"Pwede na siyang makausap??" baka nagpapanggap lang yun, o it's her strategy para mahuthutan ng pera ang kuya ko, o kasali sa isang sindikato ng mga bunggo bunggo gang,
"yeah pwede na, but she's still under my observation, kailangan ko pang malaman ang results sa mga medical test na ibinigay ko sa kanya, and she need some rest,"
"thanks Dra. Capara,"
"it's okay Mr. Zheng, anyway I have to go, pakisabi na lang sa kuya mo salamat dun sa ibinigay niya,"
"no problem, sasabihin ko po sa kanya,"
"another one, naibilin ko na sa nurse yung mga iinumin niyang gamot, wag ka nang mag-alala sa bagay na yun,"
"okay po,"
pagkaalis ni Doktor, pumasok ako sa kwarto kung saan naroon yung nadisgrasya ni kuya, bukas ang ilaw, naroon siya sa kama, makita ko lang ang hitsura niya aalis na ko. Magaling akong kumilatis ng tao, kung manloloko o hindi, ahh mukhang tulog... itong isang 'to, kapag kamukha ni Bakekang -manloloko, pero kapag ka-
"N-Nina?? Hala, kamukhang kamukha niya si Nina," yung mukha, yung ilong, bibig, kilay, tsaka parehas silang me nunal sa baba, i mean dun sa chin, hanep! pinagbiyak na pwet!
"waaaaaaaaaaaahhh!!" nagulat ako nang dumilat siya, nahulog tuloy ako sa kinauupuan ko na katabi ng kama, "aray ko," ansakit ng puwet ko naman,
"S-sino ka??" tumayo ako at lumapit sa kanya, hindi ko maalis sa isip ko ang isiping parang kakambal niya si Nina,
"ikaw sino ka?"
sa iba siya tumingin, parang hinahanap sa kung saan ang sagot, may amnesia nga ba siya?? "hindi ko alam,"
"ha??" wala nga siyang alam tungkol sa sarili niya,
ha??? umiiyak ba siya? "hindi ko alam kung sino ko,"
tumingin siya sakin, "nasaan ako?? bakit ako nandito?"
"wag kang matakot nasa bahay ka namin, e nakita ka ng kuya ko sa kalsada e, wala ka talagang maalala??"
"pangalang ng papa mo, ng mama mo, o address kaya para mahatid kita dun, o kahit pangalan mo??" lumapit ako sa kama kas umiiyak na nga siyang talaga, "sorry sumakit ba ulo mo sa tinanong ko??"
"wala akong maalala, hindi ko alam kung sino ako," pinunasan ko yung luha niya, wala akong pakialam sa kanya, I mean hindi ko naman minamadali yung pagsagot niya e,
"wag mong pilitin, okay lang yan, magpahinga ka muna," dito muna ko, babantayan muna kita, hinawakan kong kamay niya, naupo uli sa tabi niya,
"bakit... ba't wala 'kong maalala, " tumutulo lang ang luha niya sa mata, drama actress naman,
"tahan na, wag ka nang umiyak, wag ka na munang mag-isip ng kung ano," teka, bakit ko ba ginagawa 'to? sumusunod sa utos ni kuya? naaawa sa babaeng ito? wala lang akong choice kasi nandito na ko e, hay ewan,
"pikit ka na lang, magpahinga ka," pumikit nga siya, hawak ko yung isa niyang kamay, hindi ko alam kung anong gagawin ko para mapakalma siya,
"tonight I fallen and I can't get up,"
I need your loving hands to come and pick me up-" unti-unti siyang tumatahan sa pag-iyak, mabagal ang pagkanta ko, parang naging melow ang Tonight by FM Static
and every night I miss you
I can't just look up -parang nakikita ko talaga sa kanya si Nina, kahit na nakapikit siya parang... basta, iisang hulma ng mukha nila, pero alam ko wala naman siyang kapatid, nagkataon lang sigurong maghahawig sila, marami namang taong magkamukha kahit na di magkamag-anak e,
and know the stars are holding
you holding you, holding you tonight"
I sung a lallubye, and I think it helps her to have a rest, she's at sleep. Now I'm staring at her face, and I saw a innoscent face, an angel... sino kayang babaeng 'to?!
Chapter 6.
Bahay na walang bubong 4: Si Juliet.
[Juliet's Point of View]
Nasa loob ng classrom, boring ang instructor -paulit-ulit sa lecture at hindi naman makaabante sa next topic, mas gusto ko ngayon yung Filipino subject namin kay Mr. Salvador, may ideya na ko kung paano ko gagawin ang final exam ko, five story pala ah, hintayin lang nila yung story ko. Mamaya babalik kami ni Yuan sa Liwasan sa unang story ko, bahay na walang bubong -character family ni aling Josie, nakaprepare na yung gift, mga damit tsaka kumot, wala kasi silang kumot tsaka gamot na rin, mukhang sakitin kasi yung baby niya, ang payat-payat ng katawan, ang cute hawakan nung mga maliit na kamay nung baby... si... ano bang name nun ulit, mukhang di ko yun natanong ah,
"Ms. Devero, Isaid answer the question on the board, are you with us?" hala, siniko ako ng katabi ko, natatawa ako sa sarili ko -mukhang anlayo ng iniisip ko ah,
"y-yes mam," sakin nakatingin ang buong klase, si Mam naghihintay, ano bang pinapagawa??
buti na lang may binulong yung katabi ko. tumayo ako at pumunta sa board. sagutan ang tanong, ayoko ng ganito na napapahiya ako, pero di ko alam yung sagot, "Mam, sorry but I-I don't know the answer,"
"anyone, please help Ms. Devero to answer question no. 1,"
"Mam, I want to help Ms. Devero," bagong boses yun ah?? paglingon ko si Zheng Zheng nandoon, teka new classmates namin siya? Hindi ko napansin na nandito pala 'tong batang ito! si Zheng ang only brother ni Yuan, at kaedaran ko lang si Zheng, 17 na kami parehas nasa 2nd year, Psychology student ako at siya business management pero may mga subject ata na parehas kami, here at St. Something Academy.
"Mr. Apollonio go to the board," tinawag siya ni Mam, at pinaupo ako, I say a thanks to Zheng Zheng for helping me, hay! Bakit ba kasi kailangan ng Math ang mga Psychologist e hindi naman ata namin gagamitin yun pagkagraduate namin,
Pinalakpakan si Zheng ng klase, matalino si Zheng at kilala siya. Actually hindi lang siya kundi si Yuan nung nag-aaral pa siya dito, sikat ang mga Apollonio sa school na 'to, campus heartrob ang magkapatid. Si Yuan matanda siya sakin ng tatlong taon, 1st year ako nun nung graduating student na si Yuan,
Di pa nawawala sa alala ko yun...
Hindi ko alam yung buong facility ng school, 1st day pa lang yun ng school year kaya di ko alam ang pasikot-sikot, sasabog nang pantog ko. Hindi ko mahanap yun Cr, nawiwiwi na ko, I need to pee, "where's the cr, oh no! I can't take it," wala akong mapagtanungan that time ang aga kong pumasok, kaunti pa lang ang mga estudyante... 8am pang 1st class ko but 6:30 nasa school na ko, pa early bird masyado? binubuksan kong lahat ng room, looking for the cr, atlast may nakita akong papalabas na estudyante na mahaba ang buhok, lalabas na e, ayokong mabasa ang suot ko e wala akong dalang pamalit, ayan na "excuse me," nabunggo ko pa yung isang yun, "ay! anu ba yan," hindi na ko nakapagsorry, deretso ako sa cubicle sa bandang dulo.
"haaaaaaaaaayyyy," para akong nabunutan ng tinik, yung quick relief nadama ko, maluha luha na kasi ako kanina, natatawa ko sa sarili ko pero kasi umiiyak na ko that time, yung feeling na wala kang malapitan para mahingan ng tulong at pati sarli mo hindi alam ang gagawin,
pero nagulat ako nang may narinig akong pumasok, boses ng mga lalaki yun, kinabahan ako bigla. Bakit pinapasok ng mga boys an ladies room??! dapat ireport ito sa guidance, lalabasin ko na sana sila nang narinig ko nagsalita yung isa,
"pare totoo na may nagpaparamdam sa cr na 'to!" nagpaparamdam?? as in mumo?? kinilabutan ako bigla,
"kwento din ni manong guard pare diyan sa dulo, me nagpaparamdam daw diyan," gusto kong sumigaw, ano ba! wag niyo kong takutin, unang araw ko pa lang 'to sa school na 'to!
"alam mo yung kwento pare, me nagsuicide daw dito kasi ginahasa ng prof. yung prof. wala na dito pare pero yung kaluluwa ng estudyante laging nagpaparamdam, diyan sa bandang dulo ng cubicle," nagtayuan bigla ang balahibo ko, e sa bandang dulo ako pumasok di ba, naiiyak ako, huhuhu, pakiramdam ko may katabi ako,
"huhuhuhuh," hindi ko na mapigil, iyak na lang ako nang iyak, "pare ano yun?? waaaaaaahahhhh," mas lalo akong naiyak, nagtakbuhan pa silang lumabas, pakiramdam ko nasa tabi ko yung estudyanteng ginahasa na nagsuicide, wala na ni isang tao sa cr, I can't take it! I
"Ikaw! anong ginagawa mo dito?? male comfort room to ah, bakit nandito ka?" male comfort room? pag-angat ng ulo ko, pasinghap-singhap pa ko, pinipigilan ko yung iyak ko,
nakaupo pa ko at hindi pa tapos ang pagwiwi ko, "hoy, bakla ka ba?? aminin mo, patingin nga!" papalapit siya sakit at,
"ouch!" nabigla ako nang nasampal ko siya, tinignan ba naman yung blouse ko, tapos balak hawakan?!
"bastos! maniac! maniac!" lalaki ako sa tingin niya?! grrrg! porket di pa develop itong dibdib ko, inis na inis talaga ko sa kanya, tumayo ako at lumabas ng cubicle
"araaaaayyy!" inapakan ko yung paa niya sabay takbo ako palabas ng cr,
Inis na inis ako sa lalaking yun, he completed my day, my first day here at St. Something Academy -magtatransfer ako sa ibang school!! nakakainis ang mga tao dito, naiinis talaga ako! Grrgg!!
Dumeretso ako sa canteen at kumain, nai-stress ako unang araw palang. Nang kumalma na ko at malapit nang 1st subject ko pumunta na ko sa room namin pero pagpasok ko sa room, nandoon yung lalaking maniac, "ikaw!" sabay pa kami sa pagsasalita, nasa teacher's table siya, prof namin siya? What the, napapalunok ako ng laway, pinawisan nang malapot pagkaupo ko sa bakanteng upuan,
"ui, siya yung student teacher natin," sabi ng katabi ko, "Hi! I'm Nina," nakipagkamay siya at tinanggap ko na rin, tapos mayamaya nagsalita yung nasa kanan ko na waaaaahhh, siya yung nakabunggo ko sa cr kanina, "lal-lalaki ka??" i asked
"ouch naman, strikes two ka na ah, binunggo mo na nga ko kanina sis," hehe , no need to answer -his a gay, "sorry pala kanina ah,"
"Ricardo," pagpapakilala ni Nina sa kaklase namin, natawa ako nang inirapan ni Ricardo si Nina, "but you can call me Rica," sabay bawi ng ngiti, tapos nagpakilala din ako, at maya-maya biglang pumasok yung totoong professor namin, nagpakilala siya kasabay ng pagpapakilala niya dun sa student teacher namin -si Mr. Yuan Apollonio. "Si Sir. Yuan, ang hot niyang student teacher noh, ancharap," bulong ni Richard sa kanan kong tenga, (Richard ba o Rica? nakakaasiwa,)
Yung Yuan na yan student teacher e muntik na nga niyang hawakan ang dibdib ko!! nakakainis siya, "Ang cute niya noh??" bulong naman sakin ni Nina sa kaliwa kong tenga, tsk! "Ang cute nga, maniac naman!"
"ha??" nagsabay pa yung dalawa, "what girl?? anong maniac," ngumiti na lang ako sa tanong nila, pero dahil kinulit nila ako e naikwento ko sa kanila yung nangyari dun sa Cr, at ayun tawa nang tawa nang tawa nang tawa lang yung dalawa.
"student at the back, please be quiet," napahinto kami at nagsikuhan, natatawa lang ako sa isip. nga pala -si Nina at Ricardo (o Rica?) ang unang naging friend ko dito sa St. Something Academy, kaya lang hanggang first year lang si Nina, at mid term lang, kas nagkaroon ng family problem daw.
And the story of the two of us goes on. Adventorous ako, gusto ko maraming mga pinupuntahan o activities yung mga kakaiba, kaya naghanap ako ng magandang organization na pwedeng salihan, I refuse to join at booklover club, nakakaantok yun, basketball teaam? all girls, kakapagod naman yun sobra, tsaka pang masculine naman talaga ang larong yun ah tapos meron na ring all girls? chief master club -organization ng mahilig sa pagluluto ng pagkain, gusto ko sanang sumali dahil matakaw ako -kaya lang di naman ako mahili magluto e, mahilig lang ako kumain. Then I saw this Sining Lakbay Club -kailangan nila ng photographer para sa documentation at stories na balak nilang gawin.
Nagregister ako, pero ang nakakainis e may mga praktikal test pang dapat padaanan? ano ito fraternity? but, i want to join... para magamit kong talent ko sa pagkuha ng mga shot's at paglalagay ng mga captions dito, I have it in my instagram now yung mga captured photos ko with captions. Isa sa natatandaan kong praktikal test ay yung tinatawag nilang one night stand. Unang dinig ko talaga nakakadiri, pero pinaliwanag nila yun sakin, pumunta kami sa oval ng school at doon sa gitna nun pinatayo ako nang buong magdamag, bawal ang umupo o humiga, isang buong magdamag na nakatayo! Grabeng praktikal test, nagsakitan tuloy ang mga binti ko parang doon ko nakuha 'tong barricus vein ko pero hindi ako sumuko nun dahil sa Yuan na yun. But then, hindi ko alam na yung organization na yun ang maglalapit pala sakin kay Yuan, believe me he's the president of that club. Ano pa nga bang magagawa ko to be submissive to whom has a higher rank, and times goes by my submission went deeper down my heart, at nakakainis aminin na nainlove ako kay Yuan.
***
Biglang nag-bell, tapos na ang klase, bago nagpaalam si Mam. Ceballos, she call my attention at sinermunan ako na mag-isa, tango lang ako nang tango, lumabas na yung mga classmate ko, mahabang break time...
biglang lumapit sakin si Zheng, "Bakit ka nandito? may Math 2 ka?" tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang gamit ko, "Nope, naki-sit-in lang, nagpaalam ako ke mam."
"Anlakas mo talaga noh! ako lang naman ang mahina sayo e, Tsk! manlibre ka nga na i-stress ako," mabait si Zheng, at sweet din siya sa kaisa-isang kuya niya at tanging kasama sa buhay, ang alam ko nasa ibang bansa ang pamilya nila, I don't know the reason kung bakit hindi sila sumusunod dun sa states,
"ate Juliet, hindi ka nga pala masasamahan ni kuya mamaya, me pupuntahan ba kayo? kailangan ba talagang may kasama?"
Ayus na ang gamit ko at palabas na nang room nang mapahinto ako sa sinabi ni Zheng, hindi ako sasamahan ni Yuan? Hala! bakit di niya sinabi sakin agad, kala ko okay na, sasamahan niya ko ngayon pumunta kila aling Josie, "bakit di daw siya pwede?"
"He forgot to tell you, he has a business meeting today... till midnight daw, ewan ko ba kung natulog yun kasi gumawa ata buong magdamag ng presentation niya, he need to review his project proposal and-" tuloy-tuloy lang yung salita ni Zheng pero wala na kong maintindihan kasi nasa isip ko kung pupunta pa ba ko o hindi na, ano ba yan, inaasahan pa naman ako nung tao tapos di ako makakapunta! "Hey! ate Juliet okay ka lang?"
"o-okay lang," dapat sinabi niya agad sakin para di ako umaasa, maiintindihan ko naman yun e,
"binilin niya sakin na ako na lang sasama sayo,"
napuyat si Yuan, me gagawin pa pala siya tapos di naman sinabi, tapos kagabi mukhang inaway ko pa ata siya, binabaan ko siya ng phone kasi parang bangag kausap, e inaalam ko lang naman kung maayos siyang nakauwi, tapos ngayon may gagawin palang mahalaga, hay naku Yuan Apollonio talaga, "okay lang ba siya?"
"okay lang yun, si kuya pa... kahit nga may nadisgrasya yun kagabi anlakas parin mambara,"
"WHAAAAAAAAAAAT?? Nadisgrasya siya? nadisgrasya si Yuan ko,"
napatakip ng tenga si Zheng, "aray ko naman, nabutas ata ear drum ko dun ah, relax, di mo kailangang sumigaw, hindi nadisgrasya si kuya, may nadisgrasya siya pero hindi siya nasaktan, yung naaksidente niya, ewan ko ba kung naaksidente niya yun pero wala namang galos tsaka she's okay now, nagpapahinga siya ngayon sa bahay," ahh, buti naman okay lang siya, kala ko me nadisgrasya siyang babae -teka? girl? may nadisgrasya siyang girl?!
"WHAAAAAAAAAT?? Nakadisgrasya ng babae? tapos nasa bahay niya?! aksidente ba talaga??
bakit kailangang iuwi sa bahay niyo, e dalawa lang kayong lalaki dun ah, baka hindi nadisgrasya baka -baka dinisgrasya, nabuntis tapos yan ang dahilan?"
"ay OA ate Juliet," tinitigan ko lang siya nang masama, anong gusto niyang i-react ko? wow ang swerte naman ng girl nakarating sa bahay ng boyfriend ko at matagal kong bestfriend, buti -ako never pa kong nakapunta dun??!
"E BABAE YUN E!"
"ate kailangan nagsusupersaiyans? she is she, so? what's the problem?" itong si Zheng nagtatanga-tanga e,
"anong pangalan nang malanding babae yun??" maraming mga flirt sa panahon ngayon, dapat alerto biente kwatro ka kung ayaw mong masulutan, tsk mahirap na possesive na kung possesive pero di ako makakapayag na agawin sakin ang Yuan ko! "Tell me sino yung babaeng yun??!"
"ahhh si... teka, I forgot to ask her name," nagpapatuloy ng tao sa bahay na hindi kilala? "dapat inaalam mo kung sinong inuuwing babae ng kuya mo sa bahay niyo, hindi mo kasi nararamdaman y-"
"hahahahaah, don't tell me, nagseselos ka ate Juliet," tinitigan ko siya nang masama, >___< hay naku Zheng, minsan ang hina din nitong pumick-up, "kanina pa kumukulo ang dugo ko,"
"kalma lang ate,"
[Zheng Zheng's Point of View]
"kanina pa kumukulo ang dugo ko," natatawa talaga ako sa reaksyon ni ate Juliet, parang bata lang.
"kalma lang ate," I pat her shoulder
"kalma? anong gusto mong gawin ko," alam ko nang gagawin ko, pagkain lang ang katapat niyan,
"Tara na nga, lilibre na lang kita sa canteen," hinila ko na lang si ate Juliet palabas ng room, along the corridor papuntang canteen, nagsasalita pa siya ng kung ano-ano tungkol sa mga hinala niya doon sa babae sa bahay na baka nagpapanggap lang yun, isa sa mga dugudugu gang daw, ano yun?? baka ganun yun, ganito - natatawa lang talaga ko.
Hila-hila ko lang ang kamay niya papuntang canteen, bilisan ko ang lakad kahit maraming nakaharang at nabubunggo namin "aaaaaawwwwww!!" ansakit ng noo ko, papaliko na kami sa kanto along corridor nang may bumangga sakin, mukhang nabukulan yung noo ko. Ulo ba yun ng tao o bakal? ansakit!
"kasi di ka tumitingin e," nakayuko pa ko nun at iniinda yung sakin, parang bakal talaga yung umumpog sa noo ko, grabe lang sino ba 'tong walang yang 'to "sa dami ng mabubungo ikaw pa!" ah inaasan niya ba talagang may makakabunggo siya. Dapat dun siya sa kalsada naghanap ng makakabunggo, malamang mas marami siyang makakabunggo dun, sino ba 'tong walang hiyang 'to?
pag-angat ng ulo ko pamilyar na mukha yung nakita ko, pero di ko alam kung sino siya, ewan basta parang nagkita na kami sa kung saan, "sa lahat ng makakabunggo mo ako pa? kilala mo ko?" tanong ko sa kanya na halatang nasaktan din dahil hawak niya rin yung noo niya, maiksi ang buhok niya, natural face pero nakashade kasi kaya di ko maaalala kung saan ko siya nakita,
"nakalimutan mo na ko agad? hay naku Zhenglot wala ka paring pinagbago," tinanggap niya ang kanyang tinted shade, at ngumiti, bigla atang nanlaki ang mata ko, totoo bang nasa harap ko nandito ulit siya, "M-misteryosang panget ikaw ba yan?" sa tuwa ko napayakap ako sa kanya, ang galing nagbalik siya,
"Ano ba, bitawan mo nga ko. Close ba tayo, hoy! Zhenglot ano ba!" grabe na miss ko 'to, itong babaeng 'to! Itong panget na 'to,
"ui, Nina nagbalik ka," binitawan kong pagkakayakap kay Nina nang nagsalita si ate Juliet, nakalimutan kong kasama ko pala si ate dahil sa pagkasabik
"Hi, Sis," nagkawayan sila, nagyakap at nagbeso, halatang namiss nila ang isa't isa
"Ikaw me kasalanan ka pa sakin ha, di mo sinabing aalis ka pala, hindi man lang kami nakapagpaalam sayo ni Rica," ou nga pala tatlo silang matalik na magkaibigan, sila yung parang charles angel, si ate Juliet, si Nina at yung Rica na yun na mas malaki pa sakin yung katawan. Hala! ako na naitsapwera, sila na magkaibigan, nakalimutan na ko, ayun at umupo na sa table at nagkwentuhan, hay oorder na muna ko.
Nasa pila ako at minsan napapalingon sa kinauupuan nila Nina, anlaki ng iniba ng hitsura niya sa maikli niyang buhok, bakit kaya nagpaputol ng buhok yung babaeng yun, dati nga inis na inis siya mahawakan ko lang yung buhok niya, lagi niya pang sinusuklay yung mahaba niyang buhok dati.
Umorder ako ng apat na meal with extra rice, dalawa kay ate Juliet at tig-isa kami ni Nina, seksi naman si ate Juliet pero ewan kung saan niya nilalagay yung mga kinakain niya, may anaconda ata sa tiyan ng babaeng yun e, mukhang mamumulubi talaga si kuya kapag nagpakasal na sila ni ate Juliet, parang laging may buffet sa bahay niyan,
"tara kain na!" nagtaka siguro si Nina kung kanino yung isang order, "may daratin pa ba?? kanino yan?"
tanong niya nakaturo sa isa pang-order, may laman na ang bibig ni ate Juliet nang nagsalita siya, "akin yan, medyo nagutom ako dun sa Math 2 namin e,"
bigla akong natawa, "nagutom ka pa nun, bwahahahaa! astig!"
"tara kain na tayo, kanya-kanyang trip yan," sabi na lang ni ate Juliet para di siya ang center of conversation, grabeng takaw ni ate Juliet, wahahahah, paano kaya kung biglang lumobo itong babaeng ito, tsk! hindi nag-iingat sa figure niya, anyway for sure hindi naman siya iiwanan ni kuya kasi mahilig sa mga exotic yun e, hehe
after that meal nagpaalam na ni Nina, kasi sa kabilang building siya, nagulat nga rin kami nang malamang nag-shift siya sa criminology, si ate Juliet as usual ay napa "WHAAAAAAATT?" at napatakip ako ng tenga, si Nina natawa lang sa reaksyon namin, sino bang di magugulat yung dating kimi at parang di makabasag plato e biglang magpupulis? astig ytn, paliwanag niya pinag-aral daw siya ng amo ng kanyang ina, si Mr. Scooth na papa ni ate Cassandra, one of our bandmates pero nag-asawa na.
"Kwento ko later, me klase pa ko e," paalam ni Nina, nakaalis na siya nang may binulong sakin si ate Juliet, " Zheng hatid mo na, me klase pa naman ako, samahan mo na si Nina alam kong namiss mo siya," nagpasalamat ako kay ate Juliet at agad sinundan si Nina. It is true I really miss her, so much.
[Juliet Devero's Point of View]
Nang paalis na si Nina, biglang nalungkot ang mukha ni Zheng. alam ko hanggang ngayon may pagtingin parin siya kay Nina, "Zheng hatid mo na, me klase pa naman ako, samahan mo na si Nina alam kong namiss mo siya,"
Nagpasalamat siya sakin at sinundan agad si Nina.
No choice mag-isa akong pupunta sa Liwasan, kung ipagpabukas ko na kaya?
Sayang naman yung araw e next week na ipapasa yung short story namin kay Sir. Mikko, hay! "Sige go ako! AJA AJA! JULIET, KAYA MO YAN!!" sa bahay na walang bubong my first story! uuwi muna ako sa boarding house para kunin yung hinanda ko kagabi na dalawang plastic bag. Sakto sana yung mga damit ko para kay Jelai, kumot at gamot para sa baby, at duster kay aleng Jossie at tape recorder, hehe para sakin yung tape recoder para irerecord ko na lang yung kwento ni aleng Josie. KAYA KO 'TO! JULIET KAYA MO YAN!! "miss okay ka lang" napatingin ako sa nagsalita, ngumiti lang ako sa kanya at tumayo na,
5:07 nang pag-uwi ko sa boarding house, naligo ako at inayus na yung mga dadalhin ko, then itinali ko sa scooter yung dala ko, ambigat din nito ah, excited match itatanong ko na lahat kay aleng Jossie ang lahat ng gusto kong itanong, inistart ko na ang scooter ko, well medyo malapit lang naman yun dito sa boarding house namin, actually pwede ko nga lang lakarin kung like kong magbawas ng callories, hehe pero medyo mainit ang panahon kaya kailangang mag-scooter.
***
Chapter 7.
Bahay na walang bubong 5: si Benben alyas Ulo.
[abNormal Point of View]
Malakas ang preno ng kanyang scooter kaya't lumikha ito ng nakangingilong ingay. Liwasan, maalinsangang hapon, pasado alas singko na pero hindi parin lumulubog ang araw. Nagtanggal ng helmet si Juliet at luminga-linga sa paligid , may hinahanap. Pero parang hindi matagpuan ang inaasahang maaabutan. Nandoon parin ang mga kalat at araw-araw namang nandoon ang kalat na yun, naroon parin ang kariton, ang ulingan, kaya lang wala si Aleng Jossie, ang baby nito o si Manong Jhonny. Nalungkot siya, sayang mukhang wala si aleng Josie at ang baby niya, sa isip niya. Bumaba siya ng scooter, walang ibang tao maliban doon sa nakita niyang batang nakaupo, siguro mga 16-18 kaedaran niya rin marahil.
Lumapit siya sa lalaki na nakaupo at nagtanong, "kuya, asan po yung mga tao dito, si nanay Jos-" sie, napahinto siya nang tumingin ang lalaki sa kanya, parang lasing ito dahil sa namumulang mukha, at pabagsak na talukap ng mata.
"hindi naman tayo magkapatid ah, bakit mo ko tinatawag na kuya," sa isip niya baka ito ang sinasabi ni aleng Jossie na anak niyang lalalaki, si Tom yung panganay sa natatandaan niya at malamang ito si Benben, ang pangalawa sa bunso. Nagtanong siya ulit pero kung ano ano lang ang sagot ni benben,
"sino ka ba, ha?! anong kailangan mo sa kanila, md utang ba sila sayo? kung iniisip mong mababayaran ka nila, tsk! walang pera yung mga yun," iniisip niyang umalis na lang at bumalik sa mga susuno na araw, hindi niya inaasahan ang anak ni aleng Jossie ang makikita niya dito, sinabi niya, "ako pala si Juliet, kaibigan ako ng nanay mo, ni aleng Jossie," inilahad niya ang kanyang palad para makipagkamay, pero binaba niya rin agad, baka bigla siyang hawakan nito, mahirap na. Kailangan niyang mag-ingat, naalala niya sa subject nilang psychology iba ang takbo ng isip ng mga nakainom at lango ang isip sa drugs.
natawa lang ang lalaki, malakas na tawa. Halakhak ata yun, "may bata palang kaibigan si nanay? ayun yan! wala sila dito nandoon sa malayo! nga pala ako si Romeo, pakiss nga Juliet,"sabay tawa ulit.
Malayo? baka lumipat na, sayang naman yung konsepto niya pagkataon na wala na siyang maiinterview, "kilala kita ikaw si Benben, tama ba?
teka, si aleng Jossie saan ba yung malayo? bakit sila nasa malayo?" tanong ni Juliet.
"hay naku, bakit may bibigay ka bang dugo, type AB ka ba? sige ikaw na, ako kasi type O, si kuya type O rin, tapos may negative pa, si Jelai ewan ko sa kanya kung anong uri ng dugo meron yun, at walang may alam kung nasaan ba yung pokpok na babaeng yun, pero di naman namin kadugo yung Jelai na yun, anak yun sa ibang lalaki ni nanay! Tsk! si baby anak din pala sa labas ni nanay yun, lahat ata kami anak sa labas e, malamang alangan namang anak sa loob, syempre kailangang ilabas sa tiyan, e di lahat tayo anak sa labas, bwehehehehe,"
"nangangailangan sila ng dugo? ako, type AB ako. Nasan ba sila? saan po sa malayo" okay lang sa kanya ang mag-donate ng dugo, maganda naman yun sa katawan sabi ng nurse niya, at ilang beses na rin siyang naging blood donor, charitable deeds niya yun sa buhay, "ah basta! doon sa hospital!"
"AB ako, sinong me kailangan ng dugo, si nanay Jossie o yung baby? sa-saang ospital yun?" desperado siyang malaman kung saang ospital yung sinasabi ni Benben,
"doon sa-"
"HOY ULO!!" napahinto siya dahil sa biglang pagsigaw ng isang lalaki, napatingin sila sa mga parating, mga nasa siyam na kalalakihang may dalang mga pamalo ang papalapit sa kanilang kinaroroonan natakot si Juliet. Ito na nga bang sinasabi ko kapag nagkaroon ng away dito, hintatakot si Juliet, tumayo si Benben at hinarap ang mga nag-aamok na grupo, "tarantado ka ah, trip mo kami ha, ba't mo binangasan yung katropa namin ha!"
tinuro isa-isa ni Benben ang mga kararating lang na mga lalaki, "gago kayo, alam mo ba kung nasaan kayo, teretoryo ko 'to!" napaatras si Juliet nang biglang sinapak si Benben ng lalaking kamukha ni Andrew E, may bling bling at chain necklace na ang pendant ay isang malaking kandado. Bumagsak sa lupa si Benben, may dugo sa labi niya, dumura yung marahil leader ng grupo,
"Teretoryo mo 'to? pwes nagkamali ka rin ng dumaan sa teretoryo ko, asan ang angas mo ha!!" ilang sapak ang ibinigay ng lalaki, bakat sa mukha ni Benben ang kamao nitong may bakal pang nakalagay, 4 fingers ang tawag nila. Pinalibutan si Benben ng mga kasamahan nito na ke papayat naman, may mga dalang pamalo, baseball bat, dos por dos, yung isa may patalim, swift knife. Mabagal ang pagtayo ni Benben dahil sa iniinda nitong sakit, napuruhan siya sa ilang natamong suntok, ngayon magkasabay na dugo sa kilay at sa labi ang tumutulo sa mukha niya. Nakapalibot ang mga kalalakihan sa dalawang naghahamunan, nagkakatinginan nang masama, nag-aangasan.
Napatago naman sa bandang scooter niya si Juliet, hindi niya alam ang gagawin, kung sisigaw siya'y bak makakuha siya ng atensyon at baka siya balingan, nasa isip niya ang tumakbo pero nanginginig ang kanyang tuhod, hindi siya makagalaw sa kinapupwestuhan at natatakot na rin siya sa mga nagkakasigawan at hiyawan, sinuntok ni Benben ang lalaki ngunit nakailag ito, dumura muna ang lalaki sabay sugod, nakamasid lang ang mga nasa paligid, maya-maya nang bugbog na si Benben biglang may bato na tumama sa likod ng lalaki, may isang grupo na kalalabas lang sa isang iskenita, mga sampu ang bilang, "pare, mukhang hindi niyo kilala kung sinong binabanatan niyo," anas ng bagong dating, nakahandusay na sa lupa si Benben, humanay ang mga dayo at nagkaroon ng tapatan ng grupo, sampu ang bilang nila Benben, at siyam naman ang mga dayo,
"boy, kahit nasan man kami hindi kami aatras, ginalaw ng isang yan yung bata ko," lumapit ang isang mas nakatatanda sa kanila at nilapitan si Benben at inakay papunta sa kanilang hanay, hindi makatingin si Benben dahil sa natamong sugat sa mukha, "Master Jigs patawad, di ko alam na grupo ni Marcos yung 'sang yun,"
humithit ng sigarilyo si Jigs at nagpakawala ng isang sundok sa tiyan ni Benben, uubo-ubo ang sinuntok at nakadama ng sakit, " Ben, sabi ko mag-iingat ka di ba?!" nanlilisik ang matang nakatingin kay Benben,
"patawad master," at isang suntok pa ay bumagsak muli sa lupa ang kawawang si Benben, inakay ng dalawang kasamahan ang napahandusay na sa kalsada, "Marcos, away bata lang yun, arbor na lang 'to, wag ka mag-alala sisiguruhin kong di na makakatapak sa lugar mo ang mga katropa ko," dumura si Marcos, at bago nagsalita humawak muna sa kanyang kwintas na ang pendant ay malaking kandado, sabay dumura,
"Jigs, hindi away bata 'to, nawalan kami ng isa, buhay ang inutang buhay din dapat ang kapalit, ibigay niyo samin si ulo!"
"nakikiramay ako," dumura ulit si Marcos at sa mukha ni Jigs ito tumama, bigla namang nag-ambahan ang kampo ni Jigs sa nangyari, umamba rin nang pagsugod ang kabilang panig. Nakaamba ang mga dala nilang balisong at mga pamalo, umawat si Jigs sa kanya grupo, "Hindi namin kailangan ng pakikiramay niyo, ibigay niyo samim si Ulo,"
Pinahid ni Jigs ang laway ng lalaki sa kanyang mukha, "ang baho ng hininga mo," pagkapahid sa mukha ay biglang sinapak niya si Marcos at nagsimula ang banatan, paluan, sapakan, sa lahat ng nangyayari naka tago lang si Juliet sa liknd ng kanyang scooter, nanginginig siya at hindi makagalaw sa kinapupwestuhan. May mga nagsasapakan, pinagtutulungan ng dalawa ang isa, pinapalo ng dos por dos ang ulo, duguan ang isang napahandusay na, may hila-hila ang isang kabataan na kasamahang napuruhan sa ulo at mabilis na umaagos ang dugo sa buong mukha, may nagsasaksakan ng balisong at sa di mawaring dahilan natumba si kinapupwestuhan si Juliet, kasabay ng paggulong ng isang kagamaong bato. Nawalan ng malay tao ang isa, kasabay naman nito ang pagpito ng isa sa mga barangay tanod, may mga tanod na dumating sakay ng sasakyan ng barangay, at isang iglap nawala ang dalawang grupong nagbabanatan, kanya-kanya ng pulas pura makatakas sa kadarating lang na mga manghuhuli sa kanila.
"Miss okay ka lang," mahina ang boses ngunit narinig niya may tumatawag sa kanya, hindi siya makapagsalita, masakit ang ulo ko, ang gusto niyang sabihin pero unti-unting humihina ang boses na naririnig niya, naramdaman na lang ni Juliet na may bumuhat sa kanya.
***
Chapter 8.
The Den of heaven and hell 1: Asan si Juliet?
[Zheng Zheng's Point Of View]
Naki-sit in lang ako sa klase ni Ate Juliet kahit wala akong Math 2. Alam kong pagbibigyan ako ni Ms. Ceballos -alam ko may malaking crush sakin si Mam. Hehe! joke lang! Ayoko lang kasing mag-ubos ng oras sa kakahintay kay ate Juliet -hindi ko alam ang sked niya kaya no choice kundi puntahan na lang siya sa classroom nila.
Hay! Hindi ko talaga mahindian si kuya, kung hindi niya lang inutos na samahan ko si ate Juliet ngayong araw e hindi sana ako pupunta, may Gig sana kami ng banda ngayon kaso hindi ko na rin ata mapupuntahan, ang bait na kapatid no? ayoko mawalan ng allowance no! tsaka si kuya na lang ang kasama ko sa bahay, wala ang parents namin at bunso kong kapatid na babae, kaya hangga't maaari ayokong magkasamaan kami ng loob, si kuya lang ang nakatatanda sa bahay kay kailangang sumunod.
In short kailangan ko talagang samahan si ate Juliet, kahit kung saan ba yun pupunta. Natuwa na rin ako dahil first time kong madadrive ang new car ni kuya, may family car naman kami kaso ngayon e nasa pagawaan pa. Kaya okay na rin, basta sabi sakin ni kuya e samahan ko si ate Juliet, ang one and only girl sa buhay ni kuya Yuan.
Sana kahit konti e namana ko ang pagiging faithful and loyal ni kuya, tsk! pero loyal din naman ako sa isa ha. one girl at a time, stick to one at the sense. Parang isang stick ng fishball, pero maraming nakatuhog, hehe! pero sa puso ko naman si Nina, si Nina lang ang nagpapatibok nito, siya yung nagbago ng ilang pamantayan ko sa buhay, nagturo sakin kumain ng fishball, ng mga dirty foods at nagturo sakin na hindi dapat tinatawag na dirty foods ang mga ganun, kasi hindi naman daw yun ititinda kung dirty yun e, gaya ng as I remember that calarines? calamares ba? tsaka if i'm not mistaken, yung kwek kwek na maliit na orange na egg pugo ang laman at yung parent egg, na mas malaki na ang tawag daw ay kwak-kwak. Ewan ko nga kung ginu-good time lang ako ng misteryosang panget na yun! Pero masarap naman yung mga street foods e, food trip.
kanina parang nanumbalik yung bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko inaasahang magpapakita si Nina. Nasabik ako sa kanya, pero siya I don't know if the feeling is mutual but for sure namiss ko siya nang sobra. Kaya nga kanina nang paalis na si Nina after ng lunch namin nila ate Juliet, bigla akong nalungkot.
Hindi pa nga kami nakakapag-usap tapos aalis na, sila lang kaya ni ate Juliet ang nag-usap. Marami akong gustong sabihin sa kanya, linawin, ipagtapat. Teka, ipagtapat? Hindi ko pa yata kayang magtapat, hay! kaya nung sinabi ni ate Juliet na ihatid ko si Nina sa klase nito sa Criminology building ay di na ako nag-atubili at sinundan ko siya. She justa asked why I'm following her, sabi ko gusto kong mag-usap kami pero di siya umiimik habang naglalakad kami papunta sa kabilang building ng school, sinusundan ko lang siya, gusto kong hawakan uli ang kamay niya,
"Wait for me here," huminto kami sa isang bench, here? so kakausapin niya ko?
"ahhhh, okay, till what time?" I asked.
"If you don't want, you may go now,"
suplada naman? "No, I'm here to wait," ang init naman ng ulo nito? nagtanong lang e,
She just nodded, "Good," at pumasok na siya sa building, siguro naman mabilis lang 'tong babaeng 'to. Grabe, bait kong future boyfriend niya noh, naku! I admit siya lang ang nakakapagpasunod sakin ng ganito, and I hate it! I hate the truth na I realize now how I really love this girl. To wait her for a second is okay...
...10 minutes later, I'm quite bored starin sa gate ng building at asahang maya-maya ay lalabas na si Nina- kaya naglaro muna ako sa phone ko ng final fantasy IV a RPG game.
...30 minutes later, masakit na kamay ko, waaaaahhh! hanggang kailan niya ko paghihintayin, kung alam ko sanang number niya, bakit ba kasi walang cellphone number yung babaeng yun e?
... An hour later, super bored na ko sa bench na to! andami nang tumitingin sakin, mga nagha-hi! na mga girls, andami nang dumaan na estudyante pero wala parin siya!!
Nasaan na ba yun!
"Kuya! Kuya? Can I ask a question?" bigla na lang may kumalabit sa braso ko. I heard, galing sa bata yung boses, nakaupo parin ako sa bench sa tapat ng ARO Criminology building at hinihintay parin si Nina,
humarap ako sa kumakalabit sakin, na hindi parin humihinto sa kakalabit sa braso ko, at sa isang batang babae pala galing ang mumunting boses na yun na nasa gilid ko, at nakikiliti ako dun sa kalabit niya na paulit-ulit, "Yes, what's that?" ang cute ng batang nagtatanong sakin siguro mga nasa 3 years old lang, paraming pamilya sakin ang mukha pero di ko maalala kung saan ko siya nakita, ano kayang itatanong nito?? oras? me watch naman siyang suot at pink din gaya ng suot niya, "okay, thanks," she said,
Napakunot ako ng noo, pagkatapos ngumiti yung bata at yumukod ay bigla na lang tumakbo palayo. "kala ko ba magtatanong yun?" what the, anong problema ng batang yun? hehehehehehehehe! Trip ako ng batang yun ah, sinundan ko ng tingin yung papalayong bata, napansin ko yung katulog na nag-aabang sa kanya, "Cherryline come here," tawag ng yaya nito. Anak mayaman yung batang yun, yun ang conclusion ko.
"sinong tinitignan mo?" di ko napansin nasa gilid ko na pala si Nina, "Ha e yung bata kasi nakakatawa,"
"Bakit naman?" umupo siya sa tabi ko at may hinahanap sa kanyang back pack, namiss ko yung ganito, yung boyish na kilos niya, babaeng nakaback pack at walang pakialam sa kung anong hitsura niya,
"hmmn? bakit? may dumi ba ko sa mukha ko, matunaw ako niyan," nahalata niya palang nakatitig ako sa kanya, "ou may dumi," tinuro ko yung banda sa labi niya, yung nunal sa bandang ilong, ang cute nun e, kunwaring may tinatanggal ako, napatitig ako sa mukha niya, sa labi niya,
"tsk!" ngumiwi siya, at kumunot ng noo, "chansing ka na naman ah, Zhenglot ka talaga!"
hehe, pakiramdam ko namula yung pisngi ko, kaya tinanggal ko na yung kamay ko sa mukha niya, "nainip ka ba?" sa iba ako tumingin, tsk! one and a half hour ata akong naghintay, syempre hindi ako nainip, inip na inip na, "Ui, sabi ko kung nabored ka ba? sabi ko naman sayo e, kung ayaw mo pwede ka nang umalis,"
"hindi naman," mas pinili ko naman ang maghintay e,
"good! mukhang na-enjoy mo nga ang paghihintay e, naabutan kita, ngingiti ngiti ka kaya, parang baliw lang,"
tsk! sa tingin niya nag-enjoy talaga ako ah, nasabihan pa kong parang baliw? hehe, naalala ko yung batang makulit, "hindi, yung bata nga kasi , e kinalabit ako bigla tapos tinanong kung pwedeng magtanong, sabi ko pwede, tapos..."
tumingin ako sa kanya, "tapos?" tanong niya sakin.
"ayon, bigla na lang nag-thank you tapos umalis, nakakatawa yun di ba?"
"ou nga, nakakatawa nga," nakakatawa nga? tinignan ko yung mukha niya e seryoso naman, nakakatawa tapos hindi naman natatawa? may ma-react lang ah?!
"tara na nga," tumayo ako at naglakad na,
hindi pa siya tumatayo sa pagkakaupo sa bench, "saan ba tayo pupunta?" di ko na siya nilingon o sinagot, may karapatan akong magtampo antagal ko kayang naghintay sa kanya.
pero sabi ko na susunod din siya sakin, "pasok na," nakatayo lang siya nang huminto kami kung saan nakapark ang kotse na hiniram ko kay kuya, na buti na lang pinahiram niya sakin dahil sa... SHIT! Sasamahan ko pala dapat si ate Juliet! hala paano 'to! hay! ate Juliet naman oh! Tsk! anong gagawin ko, naman! Bakit kasi wala pa kong sariling kotse e,
"Saan tayo pupunta?" tanong niya sakin pagkapasok namin sa kotse, saan nga ba kami pupunta? hindi ko rin alam, ang inaalala ko si ate Juliet, sabi niya kasi kanina okay lang siya, na samahan ko na lang si Nina. Hay, ti-text ko na lang siya. I start the car, "First time mo nga palang makakasakay dito noh?"
"sayo 'to?" tanong niya sakin, sana nga akin na 'tong kotse kaso "hindi, si kuya ang bumili nito, yung family car kasi namin e nasa repair shop pa tsaka-"
I stop, tumatawa kasi siya, "why are you laughing?" I ask, "see, you can't buy your things by your own expenses, tama ba? pero alam mo di mo naman kailangang maging maluho kung wala ka pa e, small things is enough, if only people are contented in their life..."
masyadong anti-socialite naman 'tong babaeng 'to, "tara na nga,"
"okay, teka pano ba 'to?" hindi niya maikabit yung seat belt, kaya lumapit ako,
"akin na nga,"
I smell her hair, nagkadikit ang mga braso namin at para kong nakuryente,
"Sige, na-enjoy mo ang dumikit?!" namula ata ako, napalayo ako agad, baka isipin niya natsa-chansing ako, kinabit ko na agad yung seat belt niya, at nag-drive na ko. kunwaring sensitive pa, tsk! sa isip ko, andami kong gustong sabihin, kaya lang wala akong maisip kung anong unang sasabihin, Kung paano ko ba sisimulan
"wait, saan mo nga ko dadalhin?" saan nga ba? sa motel? hehe, joke lang.
"sa puso ko," tahimik siyb nakatingin sa bintana ng kotse, "ang korny mo,"
natawa lang ako sa sarili ko, pero hindi siya umimik. Naisip ko, posible nga kayang madala ko siya sa puso ko, e paano kung ayaw niya doon? paano pala kung imposible? paano pala kung hindi siya papayag? dapat kong masiguro ito sa kanya ngayon, tatanong ko na talaga sa kanya kung papayag siyang ligawan ko siya. Quarter to 6 palang naman e, aabot pa kami, gusto kong dalhin siya sa lugar na yun. Sa bay-walk, gusto kong makita niya ang paglubog ng araw, maganda ang sunset doon. 15 minutes lang naman nandoon na kami. Tahimik, walang nagsasalita sa amin, alam ko na sasabihin ko, pero gusto kong makarating muna doon,
Hininto ko ang sasakyan, "Nina, tingnan mo," sabay turo ko sa langit, unti-unti ang paglubog ng sikat ng araw, ang ganda ng langit sa kulay nito, ahhmn, "ano bang sasabihin mo?" magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagtanong?
"naaalala mo ba 'tong lugar 'to?" lumingon siya sa paligid, "dito ka sinagot ni Brenda!"
Ouch, "ano ba yan, hindi yun!" tumingin siya sa akin, hindi yun ang inaasahan kong maaalala niya, hindi yun, dito kasi kami unang nagkita, 15 years ago, naliligaw siya, naliligaw din ako, iyak kami nang iyak noon nang nabunggo ko siya sa bay-walk, nagkaumpugan ang ulo namin. Parehas kaming natumba at ako ang unang tumayo at itinayo ko siya, tinanong ko kung bakit siya umiiyak at bakit siya mag-isa. Nawawala din siya, hindi rin niya alam kung nasaan na yung kasama niya, sunset din noon, papalubog ang araw, hinawakan kong kamay niya at naupo kami sa may bay-walk, "tingnan mo oh, kinakain ng dagat yung araw,"
"siguro gutom na din yung dagat," maya-maya biglang tumunog yung tiyan niya. Ang lakas ng tunog, tapos natawa ako, tapos sumimangot ang mukha niya pero maya-maya ay nagulat ako nang tumunog din ang tiyan ko, mas malakas kaysa sa kanya "hahahaha, gutom ka na rin?" nagtawanan na lang kami, kaya lang habang tumatawa kami may biglang lumapit na pulis at dinala kami sa police station, nakita ko sila mama at iyak siya nang iyak, paglingon ko wala na siya, dinala na siya ng isa pang pulis.
"HOY! ano bang gusto mong sabihin?" nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. Napatingin ako sa kanya, I realize it's our destiny na magkita kami noon, destiny ang maging elementary classmate kami, hanggang highschool, destiny ang maging matalik ko siyang kaibigan, destiny kung bakit hindi ako nagseseryoso sa ibang mga babae, kasi si Nina lang ang destiny ko,
"Nina wala na kami ni Brenda, matagal na,"
Tapos na ang sunset, ito ang gusto kong sabihin sa kanya, "so, what I care, ba't mo sinasabi sakin??" kahit na sinasabi niyang wala siyang pakialam sakin, alam kong deep inside mayroon din siyang nararamdaman para sakin,
"Oh, sorry for being rude, so let's celebrate atleast natauhan ka pala," see, marami akong naging girlfriend at siya ang tinatanong ko kung okay pa sa kanya ang liligawan ko, pero maliban kay Brenda,
"sorry kung di ako naniwalang hindi mabuting babae yun, I mean na two-timer pala yun," alam ni Nina ang mga dapat kong piliin, pero matigas ang ulo ko,
"may I correct you, three timer, si luke, si Mike at ikaw Zheng, sinasabay-sabay kayong tatlo,"
Natatawa tuloy ako, huli ko na siya. Alam kong may gusto sakin si Nina, nararamdaman ko yun, and I confirmed it many times pero dini-deny niya pa, ayaw niyang mahuli ko siya, "yeah, I know, ganun si Brenda... pero walang kwenta yun sakin, actually, balewala na yun sakin. I forget about it, Nina kasi... the truth is ginamit ko lang din naman siya at nagkataon lang na ginagamit lang din niya ako,"
kumunot lang ang noo niya, "huh?"
simple, "naggagamitan lang pala kami," nakakunot parin siya ng noo, bumaba ako ng sasakyan at pinababa ko rin siya, hinawakan ko ang kamay niya at dinala sa bay-walk, amoy namin ang samyo ng dagat, ang malamig na hangin
"what do you mean ginamit mo lang siya?" tanong niya sakin nang naupo ako sa bench, umupo rin siya
"kasi, balak ko na pagselosin ka, o para malaman ko kung may pagtingin ka rin sakin, kasi kala ko kapag nalaman mong may iba ako, mahuhuli ko yung feelings mo para sakin," pagtatapat ko sa kanya,
bigla na lang siyang pumalakpak, "hahahaha, bravo Zheng, ang husay mo ha, so nalaman mong di pala ako nagseselos at wala akong gusto sayo, at alam mo dahil sa ginawa mo... tsk! nagalit lang ako, at naiinis ako sayo kasi ambabaw mo Zheng, nakikipag-usap pala ko sa isang isip bat-a," napahinto siya nang lumapit ako sa kanya, magkalapit ang mukha namin, bawat lapit ko, umuusog siya, uusog ako, uurong din siya, pero nasa dulo na siya ng bench at hindi na siya makagalaw,
"Nina, I realize that I Love you," sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa,
bigla niya kong tinulak at tumayo siya, "Zheng I realize that, never na magiging tayo,"
Never na magiging kami? why? "ouch naman, kahit na manligaw ako sayo forever,"
dumampot siya ng maliit na bato, itinapon sa dagat, tumalbog yun nang dalawang beses, "Zheng there is no forever,"
tumayo ako, lumapit sa kanya, nakatingin lang siya sa wave na nilikha ng ibinato niya sa tubig, "pag namatay ka, yung forever mo wala na yun, kakainin na yun ng uod kasama ng bangkay mo,"
ang wild talaga ng utak nito ni Nina e, "Ansama mo naman,"
hinawakan ko siya sa braso at iniharap sakin, ayaw niyang tumingin sa mukha ko, "masama talaga ako," iniharap ko ang mukha niya sa akin, at ngumiti ako. I find her face blushing,
"Ang cute mo naman," sabi ko habang nakatingin sa mukha niya,
"cute talaga ak-" ako? hehe, lalo tuloy nagblush ang mukha niya, mas lalo siyang nagiging cute kapag namumula siya, "bat namumula ka, mas nagiging cute ka kapag kinikilig, ouch,"
awwww, kita mo 'to nanampal na naman! "Tsk! tumigil ka na nga Zheng! tigilan mo ko!!" kumawala siya sakin, tumalikod at papasok na sana sa kotse pero nahawakan ko ang braso niya,
"e di tigilan, pero last na," nilapit ko ang mukha ko sa kanya then I'm giving her a kiss, ang balak ko sa cheeks ko lang siya hahalikan pero bigla siyang humarap at sa labi ko siya nahalikan. Napikit ako, this is my first kiss sa labi ng isang babae, mga ilang minuto then she push me, napayuko siya, at mabilis na pumasok sa sasakyan. Ako? naiwan akong nakatayo, ewan para kasing may kakaiba akong naramdaman habang hinahalikan ko si Nina, may bigla kasing pumasok sa isip ko, larawan ng isang babaeng umiiyak, hinawakan ko ang kanyang kamay at kinantahan, hala. Bakit ko naalala bigla yung babaeng iyon, iyong babeng nasa bahay na kamukha ni Nina, na parang hindi lang kamukha pero kakambal niya si Nina? pero alam ko iisang anak lang si Nina, kailangan kong malaman kung sino siya,
"Nina, may gusto lang akong itanong, may kapatid ka ba?" pagkapasok ko sa kotse, nakayuko parin siya at alam kong nabigla siya sa nangyari,
napatingin siya sakin, at kumunot na naman ang noo, "kapatid?" parang wala ata sa lugar kung itatanong ko sa kanya ang tungkol doon, pero hindi ko rin alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko yung babaeng yun,"wala akong kapatid no, iisang anak lang ako ng magulang ko,"
"sigurado ka?"
"o-oo naman, bakit mo ba natanong?," baka nga hindi, marami namang taong magkahawig e, ka-look-alike mo lang siguro, kaya lang sobrang look-alike naman nun, "wala kang kakambal?"
"ha? ang alam ko ako lang ang nag-iisang anak nila mama at ni papa, bago sila magkahiwalay,"
"o, bakit nalungkot ka?"
lumingon siya sakin, parang wrong timing talaga yung topic ko, "ewan ko ba kay mama, alam kong iisang anak lang ako, pero si papa, pulis yun e, ayokong siraan ang papa ko pero hindi ko sure, baka may anak yun sa labas,"
"pulis palang papa mo?" kaya siguro siya mukhang boyish? at nag-criminology ngayon?
"alam mo ba ang dahilan kung bakit ako huminto sa studies ko?" binuksan niya ang bintana ng sasakyan, alam kong may malalim na pinaghuhugutan ang biglang pag-iba ng tono niya, kalungkutan?
"huminto ka kasi... family problem?" hula ko
"oo, family problem yun at tungko yun sa mga babae ni papa, ewan ko ba, kung saan ata madestino si papa e may babae siya,"
Lumingon uli siya sakin at ang sama ng tingin. Ano na namang ginawa ko? "Ganyan ba kayong mga lalaki?! ha Zheng?" bakit naman nadamay ako? "kung saan kayo mapadpad ay hindi makatiis at maglalandi,"
"waaaahh, nanlalahat ka ah, hindi lahat ng lalaki ganun, alam mo mas flirt ang babae kaysa lalaki, ang term na malandi e sa mga babae yun," pagtatanggol ko sa sarili,
"e ano sa inyo?" nakataas ang isa niyang kilay sakin, hehe,
"macho kasi kami," sadyang ma-appeal lang,
umirap siya," tsk! diskriminasyon yan, pag kayo ang may kabit e okay lang, kasi feeling niyo macho kayo pero kapag babae naman ang nangngabit e tingin niyo ang baba na namin, malandi, ganun?! tsk! hindi talaga pantay!" debate ba 'to? parang topic lang sa socio namin 'to ah?
"pantay naman ah, kaya niyong mangabit din, manlalaki, ganun din kami, "
"so pwede akong mag-two timer din kapag tayo na?"
bigla akong natuwa sa narinig ko, "kapag kami na? kapag boyfriend niya na ko?" so payag na siyang ligawan ko siya? teka ano ba ulit ang sinabi niya? papayag akong mag-two timer siya kung kami na? HINDI! "Hindi pwede yun! sige subukan mo lang, magti-three-timer ako,"
"tsk! hindi nga kayo pantay, diskriminasyon!" natawa naman ako at natawa na lang rin siya. Tapos habang tumatawa siya, sumeryoso naman ako, "so payag ka nang ligawan kita?"
Tapos lumakas lang ang tawa niya, "hahahahahahahahahah," naiinis ako, hindi niya ko sineseryoso e, tawa parin siya nang tawa, kaya para matigil siya nilapit kong mukha ko sa kanya, at hahalikan ko sana pero pinigilan niyang labi ko gamit ang daliri niya,
ahhmmn, "hindi pa tayo makakadalawa ka na agad?! tsaka na pagsinagot na kita," ngumiti siya, "okay na ba yun?"
hindi ako makapagsalita kasi nakatakip ang daliri niya sa bibig ko, kaya tumango-tango na lang ako, "Good boy!" then she give me a kiss on my cheeks, "tara, hatid mo na ko na,"
"sa bahay niyo?" tanong ko,
"hindi, sa bahay niyo! tsk! syempre sa bahay namin,"
hehe, kanina balak ko talagang dalhin si Nina sa bahay, "teka, pwede bang sa bahay muna namin,"
"ano ka sinuswerte? Zhenglot anong iniisip mo ha?!" tumingin na naman siya sakin ng masama,
umiling ako, "nothing, may ipapakilala lang ako sayo at alam kong magugulat ka!"
"sino ba yun?"
"basta!" balak kong ipakilala kay Nina yung babaeng nabunggo ni kuya, papakilala ko siya kay Nina, malamang magugulat 'tong babaeng ito. I drive the car pauwi samin. Alam kong magugulat siya.
***
[Jelai's Point of View]
May remote sa tabi ko, napindot ko yun at bumukas ang t.v. balita ang palabas, may nagsasalita, inuulat niya ang isang lalaki na natagpuang patay sa isang motel sa QC. Na ayon sa pulis isang taon nang takas sa Makati City Jail, ang ulat ihahatid satin ni Jiggy Manigad...
mel, isang bangkay nga ang natagpuan dito sa loob ng kwarto ng Halina motel, ayon sa pulisya kinilala ang bangkay na si Jhony Matlag, 43 taong gulang...
Napindot ko ulit ang remote, namatay ang t.v, muling dumilim ang kwarto. May natagpuang patay? isang lalaking natagpuang patay? nagising ako, may remote sa tabi ko, dito sa kwarto na madilim. Malamig. Nilalamig ako, nakakaiyak ang lamig sa kwartong ito. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, baka dahil sa lamig. Nagtatayuan ang balahibo ko o naiiyak ako, wala akong maalala kung bakit, wala akong maalala kung nasaan ang mga damit ko,
*tok!tok!*
"pwedeng pumasok," may kumakatok sa pinto, boses ng lalaki, baka yung lalaking maganda ang boses,
kinantahan niya ko kagabi, hindi ko alam kung bakit niya ko kinantahan pero nakatulog ako, "bukas yan," siya nga, pero di ko alam kung sino siya, nandito ako sa loob at hindi ko rin alam kung bakit ako nandito, nagising na lang akong nakahiga sa kamang ito,
"bakit andilim," tanong niya, napansin kong may kinakapa siya sa pader,
"hindi ko alam kung paano isindi yung ilaw," madilim ang kwarto, iniwan niya nang madilim ang kwartong ito, teka may kasama siyang babae, maiki ang buhok, anino lang ang nakikita ko mula sa liwanag sa pinto,
nasilaw ako nang biglang bumukas ang ilaw, napatakip ako ng mata, "nakakasilaw,"
hindi ko pa madilat ang mata ko sa matinding ilaw, "hey! bakit nakahubad ka?!" unti-unti kong dinidilat ang mga mata ko na nabigla sa matinding liwanag. Nakatingin siya sakin, ang gwapo ng mukha niya, nakatingin siya sakin, "hindi ko alam kung nasaan ang mga damit ko e, wala akong damit," napansin kong namula ang mukha niya,
Lumipat sakin ang babae mula sa pinto, parang nakita ko na yung mukha niya, hindi ko maalala, "Zheng nakakagulat talaga ha, nagdala ka ng babae dito sa bahay niyo?" tumakip siya sakin,
"tumaliko ka nga! Zhenglot ka talaga, alam mo nang nakahubad tinititigan mo pa," napangiti ako, nagagandahan ata siya sa katawan ko,
"so-sorry," tumalikod ang lalaki, kinumutan naman ako ng babaeng maganda at alam kong mabait siya,
"ano ka ba, bakit wala kang damit?" parang galit ang babae sakin? parang narinig ko na ang boses niya dati, wala akong maalala, "pasensya na, wala akong makitang damit kaninang naligo ako, nabasa na yung damit na suot ko e,"
pumunta siya sa isa pang kwarto, hindi ko alam na may pinto pa doon, pagkalabas niya sa kwarto may bitbit itong damit, "kanino bang kwarto 'to! suot mo muna 'to,"
"teka nga," tinulungan niya kong magsuot ng damit, may inilabas siya na galing sa bag niya, panty at bra, isinuot niya sakin yun, "sino ka ba? I mean -anong pangalan mo? Tsaka, bakit ka nandito kila Zheng?"
Zheng? yung lalaking kumanta para sakin para makatulog ako, "Zheng ba yung pangalan ng lalaking maganda ang boses?" napahinto siya at nakatingin sa mukha ko.
"You mean, hindi mo kilala si Zheng?"ah, Zheng pala ang pangalan niya.
"Ahmn, hindi ko alam ang pangalan niya, at wala akong maalala bakit ako nandito, Wala rin akong maalala kung sino ako,"
"why?"
"ha?" anong why? Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag, "tara na nga muna sa labas," sumunod ako sa babae. Pagkalabas namin ng kwarto, nakita ko yung lalaking maganda ang boses, Zheng pala ang pangalan niya.
"Bagay sayo yang damit ko ha, para kang gangster," damit niya pala 'tong pinasuot sakin? Nakakatuwa, kasya sakin ang damit ni Zheng?
"Salamat Zheng,"
"Nina, tingnan mo siya, para mo siyang kakambal di ba?" sa sinabi ni Zheng, nagkatinginan kami ng babae, naalala ko na, nakita ko ang sarili ko sa salamin kanina, nang nakita ko ang babaeng ito, si Nina? nang nakita ko siya kanina para kong nakita ulit ang sarili ko sa salamin,
I'm so amazed, Zheng talagang kamukha ko siya," inikutan ako ng babae, siya si Nina, wala akong matandaang ganung pangalan. Wala akong matandaang pangalan ni isa. Pati pangalan ko hindi ko alam. Nagkukwento si Zheng kay Nina tungkol daw sa pagkakapulot sakin pero wala talaga akong maalala sa mga sinasabi niya,
“May naaalala ka na ba ngayon? Kahit man lang pangalan mo, o kung saan ka nakatira?” Tanong ng dalawa sa akin. “Wala! Pilitin ko man pero wala akong maalala,”
tumango lang ang dalawa, “I think...” lumapit sakin si Nina, “For a mean time, bigyan natin siya ng pangalan, ahmmmn, ano kayang maganda?” bibigyan nila ako ng pangalan? May pangalan na ko e, kaya nga lang hindi ko talaga maalala
“Kamukha mo naman siya e, E di malapit na lang sa pangalan mo,” wika ni Zheng, ano naman kaya?
“NANI!!” kumunot bigla ang mukha ni Nina, at kunurot si Zheng, “Awww!” hehe, “ ano ka ba Zheng, pangalan ng mama ko yun e!”
hehe, ganun ba? “I think maganda ang... Lea!” Mukhang magandang pangalan nga yun ah? Lea. Ikaw na si LEA”
Ako si Lea, “nagustuhan mo?” tanong sakin ni Nina, ngumiti ako sa kanya “gustong-gusto,” tatango-tango naman si Zheng, “pwede na rin, pero mas maganda parin ang Nani, aww!!”
“Bakit ka ba laging nangungurot!!” sabi ni Zheng habang hinihibo yung braso na kinurot ni Nina, hindi ko napigilang tumawa, at tumawa na rin sila.
"Zheng Zheng, bakit nandito ka?" mula sa likod namin, nagsalita ang isang lalaki, papalapit siya sa pwesto namin.
"Oh, kuya nandito ka na, kala ko may board meeting ka?" kuya ni Zheng, magkapatid sila,. Magkamukha nga rin sila. Mas matangkad lang ng konti si Zheng.
"kakauwi ko lang e, ba-bakit kuya?" parang galit ang kuya niya sa kanya, namumula ang mukha nito,
"asan si Juliet?!" lumapit siya sa kapatid niya, galit nga siya, "bakit hindi mo siya kasama?! di ba may binilin ako sayo? sabi ko samahan mo siya?!"
"Si-si ate Juliet? Hindi ko na siya sinamahan, kasi... sabi niya okay lang, hindi ko na sinamahan si ate Juliet, may masama bang nangyari?"
Hinawakan ng lalaki ang kwelyo ni Zheng, bigla niyang itinulak ang kapatid at napaatras hanggang sa kinapupwestuhan namin, "Zheng, minsan lang ako may inutos sayo,"
"kuya bakit ba? ano bang problema mo? si ate Juliet? Tinext ko naman siya e, sabi niya okay lang," nauutal ang boses ni Zheng, may takot sa boses niya,
"Damn you! Nasa akin ang phone niya oh,"
Lumapit bigla si Nina sa dalawa para umawat, "teka, magkasama kaming tatlo kanina e hawak niya yang cellphone niya," paliwanag ni Nina sa lalaking natataranta na at pawisan ang mukha.
"May tumawag saking pulis, kinuntak ako, natagpuan ng mga pulis ang phone niya doon sa lugar kung saan dapat kayo pupunta, delikado sa lugar na yun Zheng, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon, wala si Juliet sa boarding house nila! o kahit saang paligid sa letcheng lugar na yun!" may nawawala? wala akong alam sa kung anong pinag-uusapin nila, sino naman yung Juliet?
"Kalma lang kuya Yuan! baka kung saan lang pumunta si Juliet," pagtatanggol ni Nina, nagtataasan na ang boses nila, wala akong alam sa mga nangyayari, naiiyak na tuloy ako,
"Zheng, pumunta ako sa dapat na pupuntahan niya, may nangyaring gulo dun, may mga dugo doon, sasabihin niyo kalma lang?!"
"kuya sorry, I never thought it will happen," nakakuyom ang kamao ng lalaki, alam kong nagpipigil siya ng galit,
Si Zheng napaluhod na lang sa kanyang kinapupwestuhan, nangingilid na ang luha sa mga mata ni Zheng habang nakatingin siya sa kanyang kuya, "Of course, kasi puro kapritsuhan lang naman ang nasa-isip mong yan!" bago siya umalis, tumingin siya sa amin, kay Nina at sa akin. Sabay mabilis na lumabas, tinayo namin si Zheng na umiiyak noon,
"tutulungan ka naming hanapin si Juliet," sabi ni Nina, ako rin kung may maitutulong gusto ko ring tumulong sa paghahanap.
***
Chapter 9:
The Den of Heaven and Hell 2: Missing
[Yuan's Point of View]
"kuya sorry, I never thought it will happen," naikuyom ko ang kamao ko, sorry lang!! Juliet is missing?! Too irresponsible, tsk! Nagagalit ako sa sarili ko, I'm too irresponsible man for Juliet, hindi ko dapat ipinagkatiwala siya sa iba, hindi yun kasalanan ni Zheng,
"Of course, kasi puro kapritsuhan lang naman ang nasa isip mong yan! " alam kong kasalanan kong lahat ng ito. Nang napaluhod si Zheng sa kinapupuwestuhan niya, nagu-guilty ako, ipinapasa ko ang sisi sa kapatid ko. Ano man ang nangyari kay Juliet, alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito...
Kanina, I'm on my psesentation sa business meeting namin nang tumawag sakin si Juliet, ano namang problema nun. Nag-excuse ako sa board member para sagutin ko ang phone, "Hello, Mr. Yuan Apolonio..." kinabahan ako nang iba ang sumagot sa number ni Juliet? "Hello! sino 'to? bakit nasa 'yo ang phone ng girlfriend ko," hindi naman ipinapahawak ni Juliet ang phone niya sa kahit na kanino, kahit nga sakin, ayaw niyang ginagalaw ko ang gamit niya. I'm puzzled, why I'm speaking with a barangay officer telling about... lost of phone of my girlfriend? Wait, where is Juliet?
"Where's my girlfriend? Sir, wa-what happen to her?" paanong mawawala ni Juliet ang phone niya. Teka, dapat sa mga oras na 'to magkasama sila ng kapatid kong si... Zheng. Kailangan kong malaman kung nasaan si Juliet, kailangan kong malaman kung ano nang nangyari kay Juliet. Kaya kailangan kong pumunta agad doon. I immediately drove my car papunta sa lugar na yun, sa Liwasan, doon sa pupuntahan dapat namin. I head to the barangay hall, and they told me what happened,
"napulot namin ito kanina, matapos magkaroon ng gang riot dito sa barangay namin, sa plaza banda, kabataan ang mga sangkot dito, marami pang mga dugo sa kalsada at mga naiwan na tsinelas, mukhang nagkapuruhan," nagbabalita ang isang tanod, ipinakita niya sakin ang napulot daw nila,
"girlfriend ko ang may-ari nito! Asan siya? nasan ang girlfriend ko?" kinuha ko mula sa kanya yung cellphone ni Juliet. Kinabahan akong lalo dahil sa kinukwento ng tanod: mukhang nagkapuruhan? Gang riot, kabataan ang sangkot at maraming dugo sa kalsada. Mukhang hindi maganda 'to. Asan si Juliet?!
"Patuloy po ang paghahanap ng mga tanod namin, tumawag na rin kami sa mga pulis para makatulong, gagawin po namin ang lahat para mahanap siya," Dapat lang! Dapat lang na mahanap ang girlfriend ko! Tsk! Sana walang mangyaring masama sa kanya.
"gusto ko pong sumama sa paghahanap, kailangan kong makita ang girlfriend ko, hindi ko alam kung ayos lang ba siya ngayon, o baka napano na siya, sir sasama ako sa paghahanap," pakiusap ko sa isang tanod, lumabas siya at sumunod naman ako.
"okay sige tara, sumama ka sa pagroronda," sumakay ako sa sasakyan nila, may mga walo kaming nakasakay sa sasakyan ng barangay, may mga dala silang batuta at flashlights dahil sa gabi na at madilim.
Bawat eskinita ay pinasok ng sasakyan ng barangay, nagtanong-tanong sa mga makikitang naroon sa lugar, may picture ako ni Juliet na ibinigay sa kanila, "Nakita mo ba ang babaeng ito?" puro iling lang ang sagot ng mga tao, alam nila ang nangyaring gang riot pero tikom ang bibig nila, wala silang nakita o ayaw lang nilang magsalita?! Sa society na ganito, alam kong hindi nawawala ang mga taong sangkot sa mga black market, sa sindikato o mga crime case.
Sa hitsura pa lang ng mga tao, hindi mo na mapagkakatiwalaan, may mga nakahubad -na ang ilan napag-tripan pang i-vandalize ang buong katawan sa tatoo. May mga videoke bar din, na I don't know if the barangay has a care to raid it, napapanood ko sa local t.v na malaki ang kinikita ng barangay sa mga ganito, kung nakikinabang sila bakit nila ipasasara? Hay, napapatingin ako sa parteng madilim na kanto at may mga nakatambay na kabataan, pero kapag malapit na kami biglang mawawala. Bawat tatanungin namin, wala silang alam, wala silang nakita.
"kapitan magandang gabi po, shot po muna tayo," bati pa ng ilang kalalakihang naabutan naming nag-iinuman sa isang bukas na tindahan, sumenyas lang ng pagtanggi ang kapitan at nagtanong na rin kami sa kanila, "nabalitaan nga po namin kap. nagkaroon ng riot sa liwasan, pero itong magandang babae sa picture mo," tinitigan pa ng isa at pinagpasa-pasahan,
"syota mo sir?" napatingin sakin yung isang nagtanong, "o-opo, girlfriend ko po,"
"nakita niyo?" bawing tanong ng kapitan.
"di pa namin nakikita yan kap, pe-pero sige po kapag may nabalitaan kami kap itatawag namin agad sa inyo," tsk! ano bang aasahan ko sa mga lasenggo na 'to!
"sige salamat!" bahagyang tango ang sinagot ng mga lalaki, at paalis na rin ulit kami,
"sa tiyan lang ilagay, wag sa ulo ha," pahabol na paalam ng kapitan sa mga naglalaseng, "sige po kap. ubusin lang po namin 'to, tutulog na rin po kami,"
Dumeretso na kami at isang ikot pa ang ginawa. Magmamadaling araw na rin, sabi ng isang tanod ipagpapabukas na lang ang paghahanap, gusto ko mang ipagpatuloy pa ang paghahanap kay Juliet pero paano? Hindi ko kabisado ang lugar dito! "Sir oh, uminom ka muna ng kape," nakaupo ako sa waiting area ng barangay hall nang lumapit ang isang tanod, ito yung barangay captain na kasama namin kanina, tumanggi ako sa inaalok niyang kape, "Hindi na po,"
"Sir paglumiwanag na, magpapadala ako uli ng tao para magronda sa lugar, mahahanap din po natin ang girlfriend niyo," tumango lang ako sa sinabi ni Kap. Isa lang ang nasa isip ko, bigo kaming makita si Juliet. Nasaan na ba kasi yun! kasalanan kong lahat ng 'to e! Nag-iisa pa naman yun sa tinutuluyan niya, wala akong alam o kakilalang kamag-anak niya dito. Wala akong alam tungkol sa pamilya niya, kung nasaan sila, kung bakit mag-isa lang siya sa buhay... Teka, baka naman nasa boarding house na siya, syempre hindi yun makakapag-text sakin dahil nandito sakin ang phone niya,
Tumayo ako, "Oh, sir aalis ka na po ba?" tanong sakin ng kapitan, sana nasa boarding house lang siya, sana nandoon na siya,
"babalik po ako bukas," paalam ko sa kapitan, at deretso ako sa kotse ko.
Habang nagda-drive, nasa isip ko pa ang unang pagpunta namin sa lugar na yun, sa maruming squatters area, si aleng Jossie at ang anak niya sa kariton, si Juliet na nag-i-interview sa kanila. Hay! Masyado kasing adventorous yung isang yun e! Napapahamak tuloy e!
Around 2pm na nang makarating ako sa boarding house ni Juliet. *knock*knock* alam kong nakakabulahaw ako sa mga boardmates niya, pero nilakasan ko pa ang pagkatok. sana nandito ka! "tao po, Juliet? Tao po," sige lang ang tawag ko, pero walang sumasagot. Okay lang kung hindi niya ko pagbuksan, kung mahimbing ang tulog niya,
"Tao po, Juliet?? Nandiyan ka ba? Bhes??" Please buksan niyo naman 'to! Bhes sumagot ka! "Bhes?"
"sandali!" may sumagot , boses ni Juliet yun! Buti naman, sabi ko na e, malakas ang kutob ko! Salamat, naiiyak na talaga ako kala ko kung anong nangyari na sa babaeng ito,
Bumukas ang pinto. Si Bhes nga, suot niya pa yung ternong damit niyang polka dots at pajamas, "Bhes!" niyakap ko siya nang mahigpit. Nag-alala akong masyado sa babaeng ito, bakit hindi ko naisip na nandito ka lang pala sa boarding house niyo, kasi... "Juliet kasi, kala ko kung napaano ka na e," tuluyan na tuloy akong naiyak, hindi kasi nito alam kung gaano ako nag-alala sa kanya e!
"teka, kuya... sa-saglit po," Ha?? teka, napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya, bakit parang nag-iba ang boses niya?
"Hindi po ako si ate Juliet!" nagpunas ako ng mata ko, at tinignan ko siyang maigi, hindi... Hindi siya si Juliet. Namamalikmata lang ba ako? pero nakita ko si Juliet, yung suot niya,
"Ba-bakit mo suot yang damit ni Juliet?" natanong ko na lang sa napagkamalan kong si Juliet, ako kasing bumili ng damit na yun, regalo ko nung birthday niya last year lang,
"Ha, e-eto po? binigay na po 'to sakin ni ate Juliet ma-masikip na daw po kasi sa kanya, board mates ko po siya sa kwarto, kaya lang si ate Juliet e wala po siya ngayon dito," Naalala ko na, si Jemma ang kausap ko, naikwento na ni Juliet ang tungkol sa boardmates niyang ito. Pero wala si Juliet? kung wala rin siya dito, nasaan na ba talaga ang babaeng yun!
"Ewan ko po kung saan yun natulog, hindi po siya umuwi e," ayaw kong tanggapin ang sagot niya
"Ganun ba, sige salamat na lang," wala na kong alam kung saan na ang girlfriend ko. Wala rin siya dito sa boarding niya, hindi pa siya umuuwi, bumalik na ko sa kotse ko. Matagal bago ko inistart ang makina, gulong-gulo parin ako. Tsk! Ewan ko na kung saan ako pupunta, wala na kong maisip, nandito lang ako sa loob ng kotse ko. Pagkatingin ko sa side mirror, nakita ko ang hitsura ko sa salamin. Haggard na pala ko masyado, nangangalumata na ko, dahil sa antok at pagod. 4:30 am na pala, saan ko naman hahanapin si Juliet?
***
Maagang gumising si Zheng, si Nina at Lea, matapos ang nangyari kagabi, nang malaman nilang may nangyaring masama kay Juliet napagpasyahan nilang tatlo na bukas na bukas din ay aalis sila, hahanapin sa Juliet. Doon sa lugar kung saan dapat sasamahan ni Zheng ang girlfriend ng kanyang kuya. Nagpunta sila sa barangay station at nagpa-blotter, "bos, baka po pwede tayong magronda sa lugar," sabi ni Zheng sa kapitan
"kagabi nagronda na rin po kami, kasama namin si Mr. Apollonio," sagot ng kapitan. Nasa isip ni Zheng ang kuya niya, pumunta na pala dito ang kuya niya kagabi, "hanggang madaling araw nagronda kami para hanapin si Ms. De Vero, pero patuloy po ang paghahanap namin sa inyo pong kamag-anak,"
"gusto po naming sumama rin sa paghahanap, kung pupuwede po," tumugon ang kapitan sa pakiusap ni Zheng at sumama sila sa mga tanod ng barangay, at pinuntahan nila ang lugar,
May dala silang mga Fliers, larawan ni Juliet na kinuha sa facebook account niya at ipinaprint. Pinagtanong-tanong nila ito sa mga taga-roon, hanggang sa looban. kaya lang ay pinagkakaguluhan sila ng mga naroon dahil sa marahil sa ganda nina Nina at Lea at artistahin din si Zheng Zheng. Kaya wala ring masabing matino ang mga tinatanong nila. Nakita nila ang lugar na puno ng dugo sa kalsada, ang kariton, ang eskinitang maraming paroon at paritong mga tao, ang paligid ng liwasan, ang magulo at maingay na lugar na yun. Maraming mga batang naglalaro sa lansangan, mga nakatambay sa gilid ng kalsada, ilan ay nakahubad, ilan ay mga nanay na may bitbit ng kanilang anak, "Ito pala ang dapat naming puntahan," nabanggit ni Zheng sa dalawang babae,
"kung alam ko lang dito pala kami pupunta, dapat sinamahan ko siya e, dapat sinamahan ko si ate Juliet dito," tinapik ni Nina ang balikat ni Zheng bilang pakikisimpatya sa nararamdaman ng kaibigan. Nais din sanang gawin yun ni Lea kaya lang kanina pa may gumugulo sa isip niya,
[Lea's Point of View]
Anong lugar ito, bakit may mga imahe sa isip ko na katulad ng lugar na ito. Hindi, hindi maaaring dito yun, sa lugar na ito? bawat lilingunin ko, parang dati ko nang napuntahan. Teka, may isa akong nakitang lalaki na dumeretso sa isang eskinita, ewan, parang may nagsasabi sa mga paa ko na kailangan kong puntahan ang isang iyon,
"Lea, ayos ka lang, anong nangyayari sayo?" nagulat ako sa tapik ni Nina sa akin, "ba't parang natutulala ka diyan?"
"Ha-ha? Wala ito, okay lang ako," ngumito lang ako kay Nina at deretso parin kami sa paglalakad, nasa unahan namin yung mga tanod at papasok naman kami sa isang eskinita, pagpasok namin nakita ko ulit yung lalaking parang pamilyar ang mukha sa akin, "may naaalala ka na ba,"
mula tanong sakin ni Nina, umiling lang ako, "wa-wala, bigla lang sumakit ang ulo ko, bigla lang akong nahilo, pero wala na 'to" lumingon ako sa iba, nakita ko ulit yung lalaki.
kailangan kong sundan yung lalaking nakita ko kanina, hindi ko maalala kung sino siya pero pamilyar siya sakin. Hindi na ko nagpaalam sa kanila, basta na lang ako umiba ng daan. Tumakbo ako. Kailangan kong tumakbo.
Maaaring kilala ko yung taong yun, asan na ba yun, alam ko pumasok siya sa isa sa eskinita dito, pero bakit bigla siyang nawala?! lumingon-lingon ako pero wala namang tao sa paligid, " Hoy! Jelai! Bakit mo ko sinusundan ha?"
Lumingon ako sa likod, nakita ko ang lalaking nakita ko kanina. Kilala niya ko, tinawag niya ko, Jelai? ako si Jelai? "may gusto lang akong itanong," at gustong malaman, alam kong kilala niya ko,
"wala na tayong dapat pag-usapan pa, malinaw na sakin ang lahat! tsk!" malinaw na ang lahat sa kanya? malinaw na ano? ano yung malinaw na sa kanya?
"Anong sinasabi mo?" teka, anong wala na kaming dapat pag-usapan pa? ngayon ko lang siya nakita, malinaw na sa kanya ang lahat? ang labo naman ng sinasabi ng lalaking ito? "teka saglit wag ka munang umalis," patalikod na naman siya,
"tsk! Hindi na ko makikinig sayo, hindi ako nakikipag-usap sa mga prosti!" anong prosti ang pinagsasasabi ng lalaking 'to? ako? ako isang prosti?! tingin ba niya sakin ngayon e bayaran? Ang bastos nito!! Lumapit ako sa kanya at hindi ko napigilang sampalin siya,
pakiramdam ko nasobrahan yung lakas ng pagkakasambal ko sa kanya, pero hindi siya umilag, namula ang mukha niya at nakita kong may nangingilid na luha sa mata niya, "pa-patawad, hindi ko sinasadyang-" tumalikod siya sakin, at mabilis na umalis,
Teka, mukhang nagalit siya sakin, mukhang galit siya sakin, hindi ko alam kung bakit, sino ba siya? Anong ugnayan ko sa kanya, kailangan ko siyang sundan, "LEA!" boses ni Zheng yun, lumingon ako, tumakbo siya papalapit sakin, "ano ka ba, bakit bigla kang tumakbo, alam mo bang delikado dito lalo na e ngayon lang tayo nakapunta dito,"
nag-aalala si Zheng sa akin? natutuwa ako! "so-sorry, kasi-"
"Tara na nga," hiniwakan ako ni Zheng sa kamay ko at umalis na din.
***
Chapter 10.
The Den of heaven and hell 3: Si Yuan.
[Yuan Apollonio's Point of View]
"tulooong! parang awa niyo na tulungan niyo ko!!" narinig ko sa kung saan yung boses na yun, may humihingi ng tulong. Mahina nung una pero unti-unting lumalakas, "tuloooooong, Yuan tulungan mo ko!" parang pamilyar sakin yung boses ng isang babae, parang narinig ko yung pangalan ko? Tinatawag niya ba ko?
Lumingon-lingon ako sa paligid, pero wala akong masyadong maaninag, madilim ang paligid, "TULOOOOOOOONG!!" mas lalong lumalakas ang sigaw na yun, teka, hindi ako pwedeng magkamali -boses na yun!
"Juliet? JULIET ASAN KA?!" nasaan si Juliet? hindi 'to maaari, nasa panganib si Juliet. Nasa panganib ang girlfriend ko, "tulooong,"pahina nang papahina yung boses niya, bwiset! madilim ang buong paligid, wala akong makita.
"Wahahahahahahaa," bigla akong kinabahan, nang biglang may humalakhak, lumingon ako sa likod ko, nakikita ko yung sindi ng sigarilyo niya sa dilim, at bigla na lang may ilaw na tumapat sa lalaki. Naka-bonnet siya, kaya hindi ko nakikita ang mukha niya, bigla akong kinabahan nang mapansin ko yung nasa likod niya, isang babaeng nakaupo sa isang silyang kahoy,
biglang lumakas ang pintig ng puso ko, "Hi-hindi," nakatali ng alambre ang magkabilang kamay, punit-punit ang damit na halos mahubad na sa parteng balikat nito... Juliet! anong ginawa nila sayo -mga -hayup-sila!! napatingin ako sa lalaki, humithit siya ng sigarilyo at lumapit sa nasa silyo, "Ju-Juliet!! Hindi!"
Ihinarap nito sa kanya ang mukha ni Juliet, sabu-sabunot ng lalaki ang gulo-gulo ng buhok ng girlfriend ko... hindi! HINDI!!! Dahan-dahan niyang nilalapit sa mukha ni Juliet ang sigarilyong may sindi
"WAAAAAAAAAAGGG!!" patakbo sana akong lalapit pero biglang may humawak sa magkabilang kamay ko, bitiw! "Bitiw!! Bitiwan niyo ko!!!" hindi ako makapalag, "Wahahahahahaha," tumatawa yung lalaki habang unti-unting inilalapit ang umuusok pang sigarilyo... HINDI!
"BITAWAN NIYO KO!!" bigla na lang idinikit ng lalaki ang sigarilyo sa mukha ni Juliet,
HINDI!!! "WAAAAAGG!!"
***
Napabalikwas ako. Humihingal, pinagpapawisan... panaginip? Panaginip lang yun? Damn it! What a nightmare. Grabeng sama ng panaginip ko, sana hindi yun totoo! Si Juliet, sana okay lang si Juliet.
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko, sa loob n a palo ko ng sasakyan nakatulog, mula sa paghahanap sa kanya. Hay! Maliwanag na sa labas. 9 am na pala, pagtingin ko sa wrist watch ko, kailangan kong bumalik sa Liwasan, sa barangay hall para makasama sa paghahanap kay Juliet.
Iam at the driving seats, nakaramdam ako ng sakit sa likod ko. Siguro nangalay lang. Hindi ako sanay matulog sa sasakyan, masyadong maliit para sakin, buti hindi ako nahulog. pagkatingin ko sa mirror, "ang hagard-hagard ko na, tsk!" I realize may luha ang mga mata ko, grabe ata yung impact ng nightmare ko, damn!
While driving nasa isip ko parin yung nangyari kagabi, mali ang kutob ko na nasa boarding house na si Juliet. Nakakahiya yun, nabulabog ko pa yung mga boardmates niya. Si Jemma ang boardmates niya, napagkamalan ko pang siya si Juliet, "Juliet kasi, kala ko kung napaano ka na e," nakakahiya, umiiyak pa ko nun, dahil sa sobrang pag-aalala ko!
"Teka, kuya... sa-saglit po," napabitaw ako bigla sa pagkakayakap ko sa kanya nung nag-iba ang boses ni Juliet, putik! hindi pala yun si Juliet, "Hindi po ako si ate Juliet!" nung nagpunas ako ng mga mata ko na lumabo na dahil sa luha dala ng pagkasabik at pag-aalala sa kanya, luminaw yung paningin ko at nakita ko si Jemma, nakakahiya talaga, akala ko siya si Juliet dahil sa suot niya,
"ba-bakit mo suot yang damit ni Juliet?" yung damit na yun, binili ko yun at iniregalo nung 17th birthday niya, tapos binigay niya lang?
Pero hindi ako galit dahil sa ipinamigay niya yung regalo ko sa kanya, kasi damit lang naman yun e, mawala na yung damit wag lang yung magsusuot, hanggang ngayon wala akong balita sa babaeng yun, kailangan kong bumalik sa Liwasan, para hanapin siya.
***
"KUYU YUAN!" narinig ko yung boses ng kapatid ko nang pagkababa ko ng glass window ng sasakyan, along the way sa Liwasan papuntang barangay, nakita ko yung grupo ng mga barangay tanod kagabi at may mga ilang residente rin, "kuya Yuan," si Zheng Zheng nga, nandito rin pala si Nina, tsaka yung babaeng nakabunggo ko nung isang araw, "sumama kami sa paghahanap kay ate Juliet,"
Bumaba ako ng kotse, "Nakita niyo na ba si Juliet?" agad kong tanong sa kanila, umiling sila, "Wala e,"tumango ako, tinignan ko si Zheng Zheng, alam kong hanggang ngayon natatakot parin siya sakin, dahil sa nagalit ako kagabi sa kanya, pero alam ko na dapat hindi ko siya sinisi dahil hindi siya ang may kasalanan ng lahat.
Hinawakan ko ang balikat ng kapatid ko, "mahahanap din natin si Juliet," inakbayan ko si Zheng habang sinasabi yun, yumakap siya sakin at napansin ko na umiiyak siya, "Oo nga Zheng, mahahanap din natin si ate Juliet," yumakap samin si Nina at napansin kong nakiyakap na rin yung isang babae sa amin,
Pabalik na rin pala sila sa barangay hall, kagabi nakailang ikot na kami sa lugar, wala parin kaming ideya kung saan matatagpuan si Juliet, kung kamusta na ba yun o ano na bang nangyari sa kanya, "wala na ba kayong pasok Zheng? Nina?"
Nagkatinginan sila, "10 am po," sabay pa silang nagsalita, napatingin ako sa relos ko, 9:30 na ah, "baka malate kayo, tara hahatid ko na kayo sa school,"
tumingin sila sa isa, "pa-paano si Lea?"
Sinong Lea? yung babaeng nabunggo ko nung nakaraang gabi? Lea palang pangalan niya? Ibig sabihin, "Lea ang pangalan mo? wala ka nang amnesia? " tanong ko sa babae, umiling lang siya,
"kuya, wala parin siyang naalala, yung Lea -kami ni Zheng yung nagbigay sa kanya ng pangalan na yun," paliwanag ni Nina
"ang panget naman kasi kung wala siyang pangalan, habang wala pa siyang naaalala tungkol sa kanya, sa atin muna siya kuya," dugtong ni Zheng,
"Sige, Lea... pasensya na ah -kapag nahanap na namin si Juliet, hahanapin namin natin ang pamilya mo," tumango lang si Lea, sumakay na sila sa kotse.
Nagdrive ako, deretso sa school nila... hindi ko maiwasan na mapatingin sa dalawa. Napansin ko lang, ang laki ng pagkakahawig nila Nina at Lea, si Juliet din nga kahawig nila, parang nakikita ko si Juliet sa dalawang ito, o baka nakikita ko lang si Juliet sa kahit saan, sa isip ko, sa pagpikit ko, sa lahat.
***
"Kuya okay ka lang?" tanong sakin ni Zheng Zheng bago siya bumaba ng kotse, buti naman at medyo maluwag ang pinag-parkhan ko, malaki naman din ang St. Something Academy, "Oo, okay lang ako,"
"sigurado kang okay ka lang kuya Yuan??" tanong din ni Nina, napapahid ako ng mata, medyo basa, nakita pala nila akong naiiyak,
"okay lang ako, sige na pasok na kayo, magte-ten na oh, baka malate pa kayo, " tinapik ako sa balikat ni Zheng bago siya umalis, kasabay ni Nina, naisip kong pumunta na rin sa faculty room, para ipaalam si Juliet.
"Ah, L-Lea, diyan ka lang muna ha, pupunta lang ako sa faculty," tumango lang si Lea.
Sasabihan ko na rin ang mga teacher's niya -ni Juliet. Tungkol sa kalagayan ni Juliet, sasabihin ko ba talaga na nawawala siya? o kaya aabsent siya ng ilang araw, anong dahilan bakit siya aabsent? Hay naku! yung babaeng yun, wala pa namang pamilya yun dito!
"Apollonio!!" napahinto ako sa paglalakad sa corridor papuntang faculty room, lumingon ako, "may nagpapabigay sayo," hindi ko kilala 'tong isang estudyante na nakapang-P.E. Uniform, may inaabot siya sakin,
"ano naman yan?" tanong ko sa bata,
"para sayo yan," may iniabot siya saking sobre, kinuha ko pero biglang tumakbo yung estudyante,
"teka!" anong problema nun? "sino naman kayang nagpapabigay nito??"
Binuksan ko yung sobre. Idon't have any idea if what is inside the envelope, pagkakuha ko ng laman, kinabahan ako bigla, "Picture namin ni Juliet 'to ah!" lumingon ako sa paligid, wala na yung lalaking nagpaabot sakin ng sobre, anong ibig sabihin nito?
Yung nasa picture -dalawa kami ni Juliet, it was taken nung graduation day namin, 1st year pa lang si Juliet nito, "Bakit merong kopya nito dito?!" ang nakakapagtaka, burado ang mukha ko sa picture na 'to, naisip ko may kinalaman ba 'to sa pagkawala ni Juliet?! Napansin ko may laman pa yung sobre. Nilabas ko yung nasa loob ng sobrf, pero isang maliit lang na papel ang nandoon, may nakasulat doon, "MAGKITA TAYO SA GROUND! BOYFRIEND NI JULIET!! TSK!" nalaglag sa kamay ko yung maliit na papel,
Naalala ko bigla yung napanaginipan ko -yung kanina, madilim na paligid, nandoon si Juliet na nakatali sa isang upuan, tapos may isang lalaking nakabonnet, unti-unting inilalapit ng lalaki yung sigarilyong may sindi sa mukha ni Juliet... Hindi! wag naman sanang magkatotoo yun, kinabahan na ako, baka nasa kanila si Juliet?! Damn! wala pa naman akong ideya kung sinong nagbigay nun sakin, 'MAGKITA TAYO SA GROUND!!' yun ang nakasulat.
Alam ko yung ground, isang old room sa likod ng building yun, tambayan namin yun dati nung nag-aaral pa ko sa school na ito. Doon kami nagja-jaming ng kwentuhang nakakatakot! Alam ko matagal nang ipinasara yung room na yun. Ano bang meron doon? Damn it! Kailangan kong makarating agad doon,
"Bilis hinihintay ka na nila," may isang babae doon na hitsurang prostitute, pero naka-uniform naman, paanong nakapasok ito dito? Teka? Hinihintay na ko nila? yun ba yung sinabi niya? "Sinong sila?" tanong ko sa babae, pero itinuro niya lang ulit ang daan papunta sa ground.
Deretso ako sa ground. Napansin ko bukas yung pinto, may tao kaya sa loob? si Juliet, nandoon kaya?
Pumasok ako, madilim pa sa loob, kulob yun, parang isang dating warehouse ng mga equipment ng school. Pagkapasok ko sa loob, biglang sumara yung pinto, shit! Set-up ito ah! pinilit kong buksan ang pinto pero parang bigla na lang ini-lock mula sa labas,
"dapat kami ni Princess Juliet... pero inagaw nitong maangas na 'to e, " biglang may nagsalita, boses ng lalaki, parang narinig ko na yung boses niya dati. Si Juliet? Alam niya kung nasaan si Juliet? "Asan na si Juliet!"
Biglang bumukas ang ilaw, medyo nasilaw pa ko sa liwanag ng ilaw, nakita ko yung mga lalaking estudyante na ang mga hitsura ay pang-gangster, mga mukhang tambay sa kanto, "Hehe, tinatanong mo kung nasaan na si Juliet? Tsk! Wala na sakin si Juliet,"
"at alam mo, kung hindi siya talaga mapupunta sakin, dapat lang na hindi siya mapupunta sa kung sinuman,"
Papalapit siya sakin, kasabay ng mga kasama niya na sa bilang ko ay mga walo sila, mga estudyanteng may hawak ng mga pamalo, "Hindi man sakin, lalo namang hindi siya mapupunta sa iyo!"
Napapaatras ako, pinapalibutan na nila ako, "sino bang mas bagay kay princess Juliet, ako o siya?" ang lakas ng topak ng isang ito ah? Naaalala ko na, siya yung stalker ni Juliet noon, palihim na sumusunod noon kay Juliet. At kung hindi lang ipina-blotter e hindi titigil sa kakasunod sa girlfriend ko, pero ewan baka hanggang ngayon pala e hindi siya tumigil sa pag-e-stalk?
"Ikaw bos," sagot ng mga alipores niya, " mas bagay kayo kaysa sa panget na lalaking 'to," tapos nagtawanan sila
"hahaha!" ewan pero natatawa rin ako, "hahahahahahahahaHAHAHAHAH-" napahinto ako nung lahat sila nakatingin na sakin nang masama. Napalakas ata ang tawa ko,
"Bab-bakit?" naitanong ko, "ang lakas mong makatawa ah! nang-aasar ka ba?" balik niyang tanon sakin,
"Hi-hindi, e kasi tumawa kayo e, natawa na rin ako, hehe, nakakatawa naman talaga yung sinasabi mong a-I mean..."
Napahinto ako, mas tumalim pa kasi ang tingin niya sakin, "Gago ka ah," at sumenyas siya sa mga kasama niyang may dalang mga pamalo, napaatras ako. Sinubukan ko uling buksan ang pinto, pero ayaw mabuksan, nakaramdam na lang ako nang hampas sa likod, mga hampas sa hita ko. Napaluhod ako, napatakip na lang ako sa ulo ko habang iniinda ang mga pamalo nila sa katawan ko. Masakit, pakiramdam ko mawawalan na ko ng malay tao, patuloy ang sipa, palo ng dos por dos sa katawan ko. Ininda ko yun, hanggang mamanhid na ang buo kong katawan dahil sa matinding sakit,
"wala ka palang kwenta, ang lakas mong insultuhin ako, pwe!" naramdaman ko pa yung dura niya sakin, at isa-isa silang umalis. Ang lalaking iyon, parang siya yung lalaking nasa panaginip ko, pero si Juliet nasaan siya??
"Bos, paano si Juliet? ipagpapatuloy ba pa natin?" Akala ko umalis na sila. Na iniwan na nila ako sa bakanteng silid na yun, narinig kong pinag-uusapan nila si Juliet? ipagpapatuloy? ang alin? nasa kanila si Juliet?! may alam sila kung nasaan ang girlfriend ko? kailangan kong malaman yun.
Pinilit kong tumayo, kahit na sobrang nanghihina ako. May posibilidad na hawak nila si Juliet. Bawat parte ko sumasakit, nabalian ata ako ng buto sa tadyang. Iika-ika akong lumabas ng silid, naalala ko dalawa nga pala ang pinto sa silid na 'to, yung banda sa likod sila dumaan. kailangan kong makita ang mga lalaking iyon! malas!! medyo makulimlim sa labas, paulan pa ata.
Nasaan na yung mga lalaking yun, letseng mga estudyante yun ah, "Bos, paano si Juliet? Ipagpapatuloy ba pa natin?" anong ibig nilang sabihin sa ipagpapatuloy? Damn! Mukhang delikado si Juliet sa mga iyon, damn that! Nasaan na ba kasi ngayon si Juliet! Hindi ko alam!
"walang hiya!" hindi ako maaring magkamali... nakita ko yung lalaki na isa sa mga bumugbog sakin, yung scooter, nakasakay siya sa scooter ni Juliet. Kay Juliet yun! Hindi ako maaaring magkamali! "Walang hiya kayo!!" papalabas na ng gate yung lalaking nakasakay sa scooter ni Juliet, kailangan kong mahabol ang isang iyon! Kahit na iika-ika akong tumakbo, kailangan kong mahabok ang lalaking yun, kahit na bawat galaw ko may mararamdaman akong sasakit sa katawan ko, kumikirot parin ang tagiliran ko, sa bandang nabalian ng buto.
"hoy! TUMIGIL KA!" hindi ko alam kung narinig ng lalaki ang sigaw ko,
"TIGIL!" lumingon ang lalaki, nagkatinginan kami, nakakainis nang ngumisi lang siya sa akin. Tapos, pinatakbo niya na uli ang scooter, papalabas na siya ng gate ng eskwelahan, nagsimula pang umambon,
Nakakainis masyadong malayo na ang agwat namin, paano ko hahabulin ang lalaking yun! "damned!" malayo pa ang kotse dito, pero hindi! Hindi pwedeng makalayo ang lalaking yun, malakas ang kutob ko na may alam siya sa kung nasaan si Juliet!
Sakto at may paparating na taxi, huminto ito at may ibinabang pasahero, lumapit ako agad sa taxi para sumakay pero may nauna sa akin, lumingon ako sa dereksiyon ng lalaking nakasakay sa scooter ni Juliet. Wala na kong choice, hinawakan ko ang braso ng pasakay, "teka, ako ang nauna dito," ayoko na sanang makipagtalo pa sa dalagang 'to, tsk! biglang bumuhos pa ang ulan,
"miss, please, nagmamadali ako," pakiusap ko na lang sa lalaki, wala akong payong at ayaw magbigay ng babae, "NAUNA KO MISS!!" Nakita kong papalayo na yung lalaking nakasakay sa scooter. Damn!
hindi pa man nakakasagot ang babae, sumakay na ko sa taxi, "manong pakibilisan, habulin mo yung naka-scooter,"
"sir, e malayo na po e," reklamo ng taxi driver,
"kuya, babayaran kita, DALI NA MANONG!" hindi na nakapagsalita si manong dahil sa inabot kong isang libo, "o-opo," buti na lang hindi kinuha ng mga lalaking yun ang wallet ko.
Malakas ang ulan sa labas, natatanaw ko na ulit ang lalaki. Bumuhos bigla ang malakas na ulan, "manong bilis! kailangan po nating habulin yun!"
"kuya hindi na ko pwedeng pumasok diyan," sabi sakin ng taxi driver, pumasok kasi ang naka-scooter sa isang eskinita..
"Tsk! Damn! si-sige manong bababa na ko," maulan pa rin, bumaba ako at pumasok din sa eskinitang pinasukan ng lalaking hinahabol ko, asan na yung lalaking yun?
Masikip ang eskinita, maraming lagusan, maputik ang daan. Napahinto ako dahil dalawa na ang daan- kaliwa o kanan na kanto? Tsk! nawala na sa paningin ko yung lalaki, aarrgghh! Hindi pwedeng mawala siya sa paningin ko, saan ba ko dadaan?! God help me! Pinili ko ang kaliwang eskinita, pero madilim ang daan, wala man lang ilaw, pero deretso parin ako,
Shit! Napaatras ako nang pagkalabas ko sa isang eskinita, nakita ko yung lalaking nakasakay sa scooter ni Juliet, hindi na siya iisa na lang ngayon, maraming lalaking nakapalibot sa kanya, damn that! kinabahan ako sa kung ano ang maaaring mangyari, kainis! trap na ko dito, pagkalingon ko sa likod, may dalawang lalaking may dalang tubo, napaatras ako pero hindi ko alam na papalapit na ko nang papalapit sa mga lalaki, narealize ko na lang, napapalibutan na ko ng mga lalaki, "Yuan! Yuan! Hindi ka pa rin nadala ah!" nagsalita ang isa,
yung lalaki kanina sa ground, yung stalker ni Juliet, "ILABAS NIYO SI JULIET!!" sigaw ko,
tumawa lang ang lalaki, dumukot siya sa bulsa niya at ipinakitang walang laman yun, "wala siya sa bulsa ko,"
tumawa yung mga kasamahan niya, "hahaha, gusto mong makita si Juliet?! okay, mabait naman ako e, so, kailangan mong sumama samin, hinihintay ka na niya!"
"ILABAS NIYO MUNA SI JULIET!!" ulit ko, hindi ko alam kung nagsasabi pa sila ng totoo, kailangan kong sumama sa kanila? kailangan ko muna ng patunay kung nasa kanila nga bang talaga si Juliet
"sinisigawan mo ba ko? hindi nga siya puwedeng lumabas, tingnan mo oh umuulan, wag kang mag-alala ligtas siya," malakas na ang buhos ng ulan,
"maliligtas mo siya kung sasama ka samin," sasama sa kanila?! tsk! umiling ako, malay ko ba kung niloloko lang ako ng mga lalaking ito, pero paano si Juliet? paano kung nasa kanila nga talaga si Juliet? kailangan kong malaman kung nasa kanila nga ba ang girlfriend ko,
"anong itsura ni Juliet?" shit! mali ata ang tanong ko, kainis!
"ha? anong klaseng tanong yan? ano bang hitsura ng girlfriend mo? hmmn, magandang babae siya... at, alam mo tingin ko hindi kayo bagay, siguro mas bagay kami, seksi na, matangkad pa, mahaba ang buhok, baby face-"
Natigilan ang lalaki, teka, hindi mahaba ang buhok ni Juliet. Nagsisinungaling siya, wala sa kanila si Juliet.
pe-pero... yung scooter? bakit nasa kanila yung scooter ni Juliet. Gusto ko malaman ang dahilan, pero kailangan ko munang makatakas dito, kailangan kong tumakbo, "teka saan ka pupunta, kala ko ba sasama ka samin?"
humarang sa dadaanan ko ang ilang lalaki, nakapaikot na sila sa akin, "WALA SA INYO SI JULIET!"
Natawa sila, at isa-isang lumapit sakin, "Romeo, Romeo, nasaan na nga ba talaga si Juliet?"
bigla na lang akong napaluhod, may sumipa sa likod ko, bumagsak na lang ako sa lupa, naramdaman ko ulit ang kirot sa katawan ko. May humampas sa ulo ko na matigas na bagay, napasubsob na ko sa lupa, basa ng ulan, maputik. Hindi ko na alam kung patak ng ulan ang tumutulo sa mukha ko o dugo. Pinipilit kong aninagin yung mga nasa paligid ko, may mga hawak silang tubo, ramdam ko ang pagsipa nila sakin at hindi ko na alam kung ilang sipa, tadyak at suntok ang pinapakawalan nila. Manhid na ang katawan ko sa sakit, hindi ako makagalaw, unti-unting lumalabo ang paningin ko, nasa isip ko lang si Juliet. Kasalanan ko ang lahat ng ito, ako ang may kasalanan, Juliet... Juliet, nasaan ka ba?

No comments:
Post a Comment