PAKATAYING BABOY
Hindi ngumunguya ng pagkain ang mga baboy
ngasab lang sila nang ngasab
hanggang sa mabusog at mabundat
wala silang pakialam sa lasa o linis ng kinakain
galing man iyon sa kung saan
mga di nakaing pagkain ng mga pihikan
mga hindi napakinabangan
nilangaw man o inipis ang mga ito
mga panis na kanin sa kaldero
mga tirang ulam sa plato
inuuod man yan o nabubulok
ngasab lang sila nang ngasab
hanggang sa masiyahan at mabusog
Gugustuhin mo pa bang kumain ng baboy
o tikman man ang kanilang karne
kailan ba luminis ang ano man nilang parte?
kahit nakaduduwal sa bantot ng amoy?
na kahit paliguan mo ang pakataying baboy
magtatampisaw yan sa sariling dumi
hihigop ng kanal o ng putik o ng tae
sige lang!
kahit hindi ngumunguya ng pagkain ang mga baboy
basta ngasab lang sila nang ngasab!
hayaan nating mabundat ang kanilang tiyan
masiyahan man sila sa kaning baboy
sabi ni Juan, "darating din ang araw
at lamang tiyan din yan"
kapag oras na ng katayan
leeg ng baboy ay gigilitan
dugong sinahod sa timba
magiging masarap din na dinuguan!
lamang loob nito'y masarap na papaitan
at ang kabuuan, papasakan ng mahabang kawayan
walang tigil na papaikutin
sa ibabaw ng nagbabagang uling
ang baboy na ngasab lang nang ngasab
Letsong pagpipyestahan din natin!
-083013
ni Reymond Cuison
Hindi ngumunguya ng pagkain ang mga baboy
ngasab lang sila nang ngasab
hanggang sa mabusog at mabundat
wala silang pakialam sa lasa o linis ng kinakain
galing man iyon sa kung saan
mga di nakaing pagkain ng mga pihikan
mga hindi napakinabangan
nilangaw man o inipis ang mga ito
mga panis na kanin sa kaldero
mga tirang ulam sa plato
inuuod man yan o nabubulok
ngasab lang sila nang ngasab
hanggang sa masiyahan at mabusog
Gugustuhin mo pa bang kumain ng baboy
o tikman man ang kanilang karne
kailan ba luminis ang ano man nilang parte?
kahit nakaduduwal sa bantot ng amoy?
na kahit paliguan mo ang pakataying baboy
magtatampisaw yan sa sariling dumi
hihigop ng kanal o ng putik o ng tae
sige lang!
kahit hindi ngumunguya ng pagkain ang mga baboy
basta ngasab lang sila nang ngasab!
hayaan nating mabundat ang kanilang tiyan
masiyahan man sila sa kaning baboy
sabi ni Juan, "darating din ang araw
at lamang tiyan din yan"
kapag oras na ng katayan
leeg ng baboy ay gigilitan
dugong sinahod sa timba
magiging masarap din na dinuguan!
lamang loob nito'y masarap na papaitan
at ang kabuuan, papasakan ng mahabang kawayan
walang tigil na papaikutin
sa ibabaw ng nagbabagang uling
ang baboy na ngasab lang nang ngasab
Letsong pagpipyestahan din natin!
-083013
ni Reymond Cuison
No comments:
Post a Comment