tumingin ka sa malayo
nakikita mo ba ang puno...
tingnan mo maigi,
iyon ay malago...
tumingin ka uli
iyon ay hitik sa bunga
igala mo ang iyong mata…
pagkat may nakaupo sa silong ng mangga
nandoon sila, naaalala mo ba?
masdan mo, sila’y masayang nakangiti…
pagkat sila’y tumatawa, ang iba’y ngumingisi
dinig mo ba ? unti unting lumalakas,
humahalakhak sila... hindi, pagkat ito’y hagalpak…
tingnan mong maigi nang iyong maalala...
pero pansinin mo...
isa isa silang nawawala oras na masinagan sila ng araw,
unti unti silang naglalaho,
pagkat nawawala ang lilim...
baka wala na sila sa animnapu, hindi kaya?
Ilan na lang ba silang nakaupo sa silong ng mangga…
naisip mo ba?
wag kang sakim... ikaw ang puno
Liliman mo sila.
No comments:
Post a Comment