Sinun0d ko ang pagtirik ng kandila sa aking palad
ang liwanag nito'y wari isang bitwin
nakanginginig sa pagbilang ng bawat patak
habang nalalaglag ang luha nit0'y may ap0y na kayakap.
nag-aantilaw, at unti-unting dinidilaan ang dilim sa aking kwarto.
naalala ko ang nakakatakot na kwento ng mga matatanda
tungkol sa pagtitirik ng itim na kandila
ng ina para sa hindi matahimik na kaluluwa ng kanyang anak.
hindi raw makarating sa dapat kapuntahan pagkat hindi mahagilap ang liwanag
. . . Nagtawa, at nagkantiyaw ang ilang nakapakinig
bukod tanging ako lang ang nauto sa kwento.
may nahabing tan0ng sa aking pangungusap "an0 pa kaya ang kandila sa bayang makabago"
An0 nga ba ito kung mas maliwanag pa ang teknolohiya,
wala nang naliligaw na kaluluwang naghahanap pa ng kandila
at isang pagkabigla -nang biglang nawala ang dilim
may kumapa ng sindi ng b0mbilya,
at agad nit0ng kinain ng bu0
ang kadilimang hindi magupo ng aking abang kandila
nasa ganun ak0ng pagiisip
nang lumatag ang ap0y sa aking harap
kumapit sa mantel ng aking higaan,
mabilis na kumakalat
tila nakikipagsabayan sa agham
-ang lumalaking liwanag. . .
ang waring bitwin ay naging araw.
No comments:
Post a Comment