The DECALOGUE (ang emitasyon ng tulaysay)
Ikalawang tagpo: the bloods along the roads...
gamit ma'y kalabaw, baka'y laging sigaw
makibaka syndrome sa nerves lumilitaw
ang banner at plakards sa air sumasayaw
sa kalye mendiola while tirik ang araw
hayon sa camera'y taas ang kamao
si kakai sa gitna ng maraming tao
ang boses sa kanyang loudly megapono
umaapoy na nga at nakapapaso
kaliwa at kanan ang hanay ng paa
at martsa pasulong kabit bisig pa nga
mga sumisigaw EDSA DOS ang tema
hangad patalsikin si Simon Ivanna
tinangka pa nilang lumampas sa guhit
sumugod pasulong kahit na off-limit
sa hanay ng mga raliyista't pulis
tulak, palo, sigaw nang lahat ay magmeet
nagmistula pa ngang piyesta ng San Juan
ang protesta ni Jhen sa lugar piketan
nang biglang kinasa ang Water Machine Gun
tinutok sa hanay at pinaulanan
saglit ng nabuwal ang force of their union
katawa'y bakat sa wet dress at pantalon
ngunit di nanlamig ang kompederasyon
sapagkat in their heart may apoy na nandun
speaking of apoy -maraming nabigla
ang pyesta ng San Juan turned Fiesta ng luha
nang nagkarambola along the Mendiola
batuhan ng bato Versus Fiery bala
humihip ang hanging nagmula sa North Pole
nangatog ang tuhod, tumba ang nasapul
nagka-riot na nga for Sinopsis of Whole
um-Echo ang kaba, ang galit, ang Pistol
report ng reporter, "Mel, Mike, Ito na nga...
nagkakagulo po, may gulo, may Gera?"
habang walang tigil Camera ni Anna
at hayon sa lente si Jhen nakahiga...
No comments:
Post a Comment