Walang may ari ng liquid eraser Ito ay nasa ating lahat, sipatin at pakialam, wala naman daw perpekto, kaya nga sa pinagdaanang mga gusot, hindi na ko magpapalusot, kayo na lang ang lumukot sa pahina ng mga kapangahasan kong ito... : ), P.S hindi ako writer, nagsusulat lang!
Wednesday, July 28, 2010
Ang tao sa buwan At tao sa lupa
Isang dipang walang laktaw ang babagtasin
Ang rikit ng kalawakang madalas nagkukubli
Sa ulap na may nangingilid na luhang mapait
Sa dipang susukatin ng pangarap ay mabula…
May tao sa buwan at siya ay nakatanaw
Tulad mong nakatanaw sa bilog na buwan
Ngunit di magpang-abot ang inyong mga mata
Pagkat tulad mo, bumabagtas s’ya ng dipang
Walang katiyakang sukat…
-052809
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment