There was an error in this gadget

Wednesday, July 28, 2010

PANDIKIT

@pasahero

Sa sakayan ng pampublikong sasakyan
napukaw ang ngiti sa kinauupuan
matapos umalingawngaw sirena ng kapulisan
lalaking nanginginig umangkas nang biglaan

Pilit ginigiit sarili ay ipinupuslit
sa mahabang upuan ng naglalakbay na jeep
may galos na paang inaalihan pa ng putik
pasinaya ba ng takot sa nagrorondang pulis?

Unti-unting tumakas ang takot na alingawngaw
sa mukha n'yang bakas ang lubhang mapanglaw
sa gitna ng pandidiri pilit kong tinanaw
dahilan ng kalabog sa dibdib ay tumanglaw

Sa busog niyang bulsa nakausli ang takip
umalingasaw ang lamang nakalulungong pandikit
ano ba sa likod ang botilya niyang bitbit
pasinaya ba ng takot ang kalabog sa dibdib?
-102908

No comments:

Post a Comment