There was an error in this gadget

Wednesday, July 28, 2010

SI.LA.PO

/sining lahi poly-reperatory

Ang entablado, tulad ng dating
nilaanan ng hikbi sa pagdaluydoy
ng pusong pinaalab ng puso sa pag-tunghay...
mula sa iba't ibang mukhang
binubuhay ng sining at pagmamamahal, sumumpa:
"handa na kong maghubad..."
hanggang namugad ang pangarap
matanghal din ang talento't lumipad
ang maskara sa realidad ng mundo
ang maliit na tao sa aking puso
na patuloy na lumiliit sa sikip, upang humitik:
"maghahanda na kong maghubad..."
gastusan ng gintong oras, lawa ang pawis
luha ng pagod at saya, hanggang sa akin
at sila'y isang pamilya.
di ko inisip na ampon ang hiya
pero dumaloy ang dugo, kabigkis nitong puso, bigla...
namuhay na may ngiti, namuhay na may kaba,
at namuhay sa luha
hanggang ulan ay tumila; hinila ako pababa ng biyak na lupa
ang entablado'y lumayo sa akin, biglang dumilim...
hinahanap ko ngayon ang paghahanap nila sa akin
basa ako ng luha, habang kumakapa sa hangin
naiwan ako ng entabladong magdadamit sa akin...
-110908

No comments:

Post a Comment